Professional Documents
Culture Documents
KAGAMITANG PANTURO
PAGLALAHAD
Ang guro upang maging epektibo ang pagtuturo ay kailangan niyang maging
malikhain upang ang klase ay masigla at ang mga ito ay maganyak tungo sa isang
kawili-wiling pagtatalakay sa aralin.
-Richard, 1992
Nasasalamin ang kahusayan at pagiging epektibo ng guro sa paraan ng kanyang
pagtuturo.
-Hendricks, 1998
Isang mahirap na gawin pagtuturo kung ihahambing sa iba’t-ibang propesyon.
Kinakailangang walang tigil na pagbasa at pagtuklas ng kaalaman at mga
kagamitang angkop sa kanyang aralin nang kawili-wili. Sa kasalukuyan marami ng
kagamitan ang nakilala ay tinanggap dahil napatunayang epektibo sa
pagpapadaloy ng pagtutro at pagkatuto.
Ang kagamitang panturo ay espisyal na dinisenyong pansilid-aralang kagamitang
binubuo ng mga panuto para sa mga guro o sa mga mag-aaral, at nakasaad ang
mga layon ng pagkatuto; ang paksang dapat na matutuhan, mga teknik ng
presentasyon ng aralin, kasanayan at gamit ng paksa at ang modal ng pagtuturo
gamit ang mga naturang teknik.
Katuturan ng Kagamitang Panturo
Ang kagamitang panturo ay ano mang karanasan o bagay na ginagamit ng guro
bilang pantulong sa paghahatid ng kaalaman upang maging makatotohanan,
kasanayan, saloobin, palagay, kaalaman, pag-unawa at pagpapahalaga ng mga
mag-aral upang maging kongreto, tunay, daynamik at ganap na pagkatuto.
Kahalagahan ng Kaamitang Panturo
Para sa Guro
1. Para sa presentasyon ngmga bagong kaalamang dapat na matutuhan, mabuo at
magamit.
2. Para sa pagtuturo ng isang kasanayan; istruktura ng wika at mga ilang mahihirap
na Gawain sa pagtatalakay nito.
3. Ginagamit na patnubay sa mga metodo, teknik at mga bagong anyo o uri sa
pagtalakay ng aralin.
4. Nakagaganyak ito sa kawilihan ng mga mag-aaral upang maging masigla at
magaang pag-aaral at pagkatuto.
5. Nagkakaroon ng tiwala sa sarili ang mga mag-aaral kung may sapat na kaalaman
at kasanayan sa paggamit ng mga kagamitan.
6. Nagiging makatotohanan sa mga mag-aaral ang talakayan at nagagamit na batay
nila ang kagamitan sa kanilang talakayan.
7. Nagkakaroon sila ng kasanayang maghambing ng mga bagay na makakatulad at
magkakaiba.
8. Nakatutulong sa kanilang sariling pagkatuto ng mga karagdagang kaalaman at
karanasan na dapat nilang matutunan.
9. Nakakadiskubre ng isang suliraning maaari nilang malutas nang mag-isa sa
tulong ng kanyang kagamitan.
10. Higit sa lahat kakaibang karanasan, kasanayan at kaalaman ang hatid ng
kagamitang panturo.
Para sa Mag-aaral
1. Nagkakaroon ng pagkakataong gumawa at matutong mag-isa sa loob at labas ng
paaralan.
2. Nagkakaroon ng pagkakataong makasunod sa course study at mga hakbang na
maaaring gamitin sa pagsasagawa ngmga Gawain kahit walang patnubay ang
guro.
3. Nagbibigay sa mga bata ng kongkretong pundasyon sa pagkatuto.
4. Nakagaganyak ito sa kawilihan ng mga mag-aaral upang maging masigla at
magaang pag-aaral at pagkatuto.
5. Nagkakaroon ng tiwala sa sarili ang mga mag-aaaral kung may sapat na kaalaman
at kasanayan sa paggamit ng mga kagamitan.
6. Naging makatotohanan sa mga mag-aaral ang talakayan at nagagamit na batay
nila ang kagamitan sa kanilang talakayan.
7. Nagkakaroon sila ng kasanayang maghambing ng mga bagay na makakatulad at
magkakaiba.
8. Nakatutulong sa kanilang sariling pagkatuto ng mga karagdagang kaalaman at
karanasan na dapat nilang matutunan.
9. Nakakadiskubre ng isang suliraning maaari nilang malutas nang mag-isa sa tulong
ng kanyang kagamitan.
10. Higit sa lahat kakaibang karanasan, kasanayan at kaalaman ang hatid ng
kagamitang panturo.
Kabutihang naidudulot ng kagamitang Pampagtuturo
1. Nagbibigay ng konselong konklusyon sa pagkatuto na nagbubunga ng wastong
gawi sa mag-aaral.
2. Nakagaganyak sa kawilihan ng mag-aaral
3. Nagbibigay ng mga tunay at iba-ibang kalagayan upang mapasigla ang pansariling
Gawain ng mga mag-aaal
4. Nag-aambag ng iba-ibang karanasan tungo sa pagkakamit ng kasanayan at
pagkakaroon ng patuloy na interes sa pag-aaral.
5. Nagdudulot ng mabisa, kawili-wili, madali at magaang pagtuturo at pagkatuto.
6. Ang mga walang kabuluhang kasagutan ng mga mag-aaral ay mababawasan.
PAGLALAHAT
Higit na mahalaga ang kagamitang pampagtuturo sa pagsasagawa ng pagtuturo
at pagkatuto sa parehong panig ng guro at mag-aaral. Ito ay nagbibigay buhay sa
pagtuturo upang maging epektibo at kawili-wili ang pagtuturo at pagkatuto, bigyan diin
ang bawat kagamitang panturo na gagamitin sa oras ng pagtuturo. Dahil din dito,
magkakaroon ng magandang relasyon ang guro at mag-aaral na magiging dahilan upang
mapadali ang pagkatuto na pinakamahalagang layon ng pagtuturo.
MGA GAWAIN
A. Tukuyin ang mga sumusunod na mga kahalagahan ng Kagamitang Panturo. Isulat
ang G kung para sa guro at M naman kung para sa mag-aaral.
1. ____________Nagkakarooon ng pagkakataong gumawa at matutong mag-isa sa
loob at labas ng klase.
2. ____________Para sa pagtuturo ng isang kasanayan, istuktura ng wika at mga
ilang mahihirap n Gawain sa pagtalakay nito.
3. ____________Nagbibigay ng kwalidad, maayos at makahulugang pagtuturo.
4. ____________Nagbibigay ng konkretong pundasyon sa pagkatuto.
5. ____________Nagkakaroon ng kasanayang maghambing ng mga bagay na
magkakatulad at magkakaiba.
6. ____________Nagkakaroon ng tiwala sa pagtalakay ng aralin sapagkat gabay
itong kagamitan.
7. ____________Nakkadiskubre ng isang suliraning maaari nilang malutas nang
mag-isa sa tulong ng kagamitan.
8. ____________May pagkakataong makasunod sa course study at mga hakbang na
maaaring gamitin sa pagsasagawa ng mga Gawain kahit walang pamatnubay ang
guro.
9. ____________Nagkakaroon ng kawilihan, tiyak at sistematikong pagtuturo.
10. ____________Nababawasan ang pagiging dominate sa pagsasalita at
pagtatalakay ng aralin.
B. Human Chain
Mayroong limang mag-aaral na ipapasa-pasa ang isang pahayag. Ibubulong ng
nasa unahan ang pahayag sa kanyang kasunod hanggang sa makarating ikahuling
mag-aaral. “Ang kagamitang pampagtuturo ay anumang karanasan o bagay na
nagsisilbing pantulog sa mga guro upang maging makatotohanan, kongkreto at
ganap ang pagtuturo’t pagkatuto. Jose: “Ang kagamitang pampagtuturo ay anumang
karanasan o bagay na nagsisilbing pantulong sa mga guro pang maging
makatotohanan, kongkreto at ganap ang pagtuturo’t pagkatuto.
Ibinulong kay Pedro
Ibinulong ni Pedro kay Maria
Ibinulong ni Maria kay Marie
Ibinulong ni Marie kay Mark
Mark: “Ang kagamitang pampagtuturo ay anumang karanasan o bagay na
nagsisilbing pantulong sa mga guro upang maging makatotohanan, kongkreto at
ganap ang pagtuturo’t pagkatuto.
C. Hot Seat
Mayroong isang mag-aaral na gigishin at babatuhin ng mga katangungan at
isa-isa niya itong bibigyan ng kasagutan. Maaari rin siyang humini ng tulong kung
sakaling hindi niya alam ang sagot.
Paksa: Kagamitang Pampagtuturo
Mag-aaral na nakasalang sa Hot Seat: Jaycob
Katanungan:
Ano ang ibig sabihin ng kagamitang pampagtuturo?
Bakit mahalaga ang kagamitang pampagkatuto?
Ano ang kahalagahan ng kagamitang pampagtuto sa mga mag-aaral?
Saan mo maaaring ihalintulad ang kagamitang pampagkatuto?
KABANATA II
PAGHAHANDA NG MGA KAGAMITANG TANAW-DINIG PANIMULA
Ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay kongkreto at makabuluhan kapag ito ay
aktwal na nakikita o nararanasan. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga
kagamitang tanaw-dinig sa epektibong pagtuturo ng isang guro ngayong nasa panahon
na tayo ng teknolohiya. Lubos na inaasahan ang mag-aaral na mahuhubog ng buo na
may kakayahang makipagsabayan sa malawakang pagbabagong nagaganap sa mundo.
Kapag sinabing tanaw, ito ay tungkol sa nakikita ng dalawa nating mga mata. Dito
pumapasok ang mga larawan. Batay sa ilang pag-aaral ay mas madaling matuto ang mga
mag-aaral kapag may nakikita, sabi nga ng isang kasabihan “ ang isang larawan ay
maraming nabubuong salita”. Samantalang ang dinig naman ay tungkol sa mga naririnig.
Sa pagkatuto ng isang mag-aaral, mabisa itong paraan para masanay ang kanilang
kakayahang komnikatibo sa pamamagitan ng mga gawaing kinapapalooban ng pakikinig.
Dito pumapasok ang Hagdan ng Karanasan.
Inaasahang matamo sa araling ito:
Masusunod ang mga hakbang sa paghahanda ng kagamitang tanaw-dinig.
Maisa-isang mailahad ang iba’t-ibang uri ng tanaw-dinig.
Makabuo ng mga halimbawa ng mga kagamitang tanaw-dinig.
Matugunan ng tama ang mga gagawin.
PAGLALAHAD
Ang Hagdan ng Karanasan
Kapag tinatalakay ang mga kagamitang tanaw-dinig ay hindi maiiwasang
mabanggit ang hagdan ng karanasan na tinatawag na “cone of experience” sa Ingles.
Ang hagdan ng karanasan ay binubuo ng labing-isang baiting. Ang bawat baiting ay
mahalaga sa isa’t isa.
Nagsisimula ang hagdan ng karansan sa tuwirang karanasan at nagtatatpos sa
simbolong berbal. Bagama’t baitang-baitang ang mga karanasan ay naroon pa rin ang
ugnayan ng bawat isa. Makikita sa ibaba anyo ng hagdan ng karanasan.
Ang labing-isang baitang ng hagdan ng karanasan ay maaaring pangkatin sa tatlo
ayon sa antas ng pagiging tuwiran hanggang sa maging abstrak.
Ginagawa
A. Ang mga tuwirang karanasan
B. Ang mga binalangkas na karanasan
C. Ang madulang pakikilahok
Simbolong Berbal
Simbolong Biswal
Pelikulang Gumagalaw
Telebisyon
Eksibit
Ekskursyon
Pakitang-turo
Madulang Pangyayari
Minamasid
A. Ang pakitang-turo
B. Ang ekskursyon
C. Ang mga eksibit
Ang mga Midyang Pang-edudaksyon
1. Telebisyon
2. Pelikula
3. Radio
4. Prodyektor
5. Larawang di-gumagalaw
a. Islayd
b. Pilmstrip
6. Teyp recording
Sinasagisag
A. Ang mga simbolong biswal
B. Ang simbolong berbal
Tunay na maaakyat ng mga mag-aaral ang hagdan ng karanasan sa isang mabilis at
kapaki-pakinabang na kaparaanan sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng mga
kagamitang tanaw-dinig na inihanda ng guro sa bawat gawaing ipinararanasan sa mga
mag-aaral.
GINAGAWA
A. Tuwirang Karanasan
1. Eksperimento
Ang pag-eeksperimento sa labotaryo ay isang halimbawa ng tuwirang karanasan.
Dito ang mga mag-aaral ay nasusubkang tumuklas ng bagong kaalaman sa siyensya.
Sila mismo ang gumagaa ng Gawain.
2. Mga Laro
Likas na mahilig sa paglalaro ang mga bata. Nagiging masaya at aktibo sila sa
pamamagitan ng paglalaro. Kung nakikita natin na nababagot na ang mga mag-aaral,
maaari natin silang ganyakin at pasiglahin sa pamamagitan ng paglalaro
Ang laro ay mabisang paraaan para mabigyan-buhay ang pag-aaral ng mga bata.
Gaano man kahirap ang liksyon ay magaganyak pa in sila sapagkat Ganado sila sa
paglalaro.
Bagamat maraming uri ng laro, ang bibigyan-pansin dito ay iyong mga larong
maaaring gawin sa loob ng klase at habang nagkaklase. Ang mga larong ito ay hindi
lamang nakikilinang sa pisikal kundi na rin sa mental, sosyal at emosyunal ng tao.
Narito ang ilang halimbawa ng laro na maaaring gawin sa silid-aralan.
2. a. Larong Book Baseball
2. b. Hot Potatoe
2. c. Authors’ Game – Laro ng mga may-akda (Istilong Pabinggo)
2. d. Pahulaan
2. e. Magdala Ka
2. f. Bugtungan: Sino Ako?
2. g. Lunting Ilaw, Pulang Ilaw
B. Binalangkas na Karanasan
1. Mga Modelo
Ang mga modelo ay panggagaya sa orihial na kaanyunan at kabuuanng
isang tunay na bagay. Maaaring ito ay gawa sa kahoy, plastic o bakal. Bagamat
may kaliitan ay katulad ang anyo sa ginayang tunay na bagay.
Dapat ganyakin ang mga mag-aaral na gumagawa n mga modelong
gagamitin sa kanilang pag-aral. Sa paggawa ng mga modelo, nagkakaroon sila ng
tuwirang karanasan kng paano ginawa ang bagay na ginagaya.
Ang halimbawa ng mga modelo ay globo, ginayang bulkan, eroplano,
bahay-kubo, maliit na bangkas, malaking modelo ng puso o utak at iba pa.
2. Mock-up
Ang mock-up ay panggagaya rin tulad ng modelo. Ang pinag-iba lamang ng
mock-up sa modelo ay isa o ilang bahagi lamang ang gagayahin at hindi ang
kabuuan.
Halimbawa:
Sa eroplano, kung ang pag-aaralan ay makina, iyon lamang ang gagawaan
ng mock-up. Ang Planetarium sa Maynila ay isang halimbawa rin ng mock-up. Ito
ay bahagi lamang ng santinakpan.
3. Ispesimen
Isang mabuting panghalili sa mga tunay na karanasan ang ispesimen.
Halimbawa, kung hindi madadala ang mga mag-aaral sa pook na pinagkukunan ng
mineral, maaaring mapakita na lmang sa klase ng iba’t ibang uri ng bato bilang
ispesimen.
Kung ang pag-aaralan naman ay tunkol sa buhay sa dagat, hindi na
nangangailanagang dalhin pa ang mga mag-aaral sa dagat. Ang guro o mag-aaral
ay makapagdadala sa paaralan ng iba’t ibang ri ng isda, mga halamang dagat at
iba pa bilang ispesimen. Mahahawakan at masusuri pa ng mga mag-aaral ang
mga ispesimeng ito.
4. Tunay na Bagay
Ang mga tunay bagay ay mahalagang kagamitang tanaw-dinig. Nahawakan,
nasusuri at napag-aaralan ang mga ito ng mga mag-aaral. May mga mag-aaral
pang nagdadala sa silid-aralan ng mga bagayna dala ng kanilang mga magulang o
kapatid na galling pa sa ibang bansa.
Ang paghawak sa mga tunay na bagay ay nagbibiay ng kakaibang karanasan sa
mga mag-aaral. Nagiging mabisa ang pag-aaral ng mga bata tungkol sa mga gulay
at prutas halimbawa, kung nakikita nila mismo ang mga bagay na ito. Upang
makilala at matandaan ang pangalan ng mga gulay at prutas, ang mga ito ay
dapat dalhin sa loob ng klase.
C. Madulang Pakikilahok
1. Mga Dula
1.1 Pagtatanghal (Pageant) – isang makulay na pagpapakita ng mga mahalagan
bahagi ng kasanayan na kng saan ang mga tauhan ay nakasuot ng angkop na
damit.
1.2 Pantomina o Panggagagad – pag arte ng walang salitaan.
1.3 Tableau – Malaki ang pagkakatulad ng tableau sa pantomina dahil walang
parehong salitaan kaya lamang ang tableau ay walang galawa samantalang
ang pantomina ay mayroon.
1.4 Sayodrama – isang kusang – loob na dula na nauukol sa pansariling lihim o
suliranin ng isang tao.
1.5 Sosyodrama – umiinog ang paksa sa suliraning panlipunan at ito ay wala
gaanong paghahanda at pag-eensayo.
1.6 Role Playing – ang importante rito ay mabigyang-buhay at halaga ang papel
na ginagampanan.
1.7 Dulang Pasalaysay (chamber theater) – isang paraan ng pagpapakahulugan
sa panitikang pinag-aaralan gaya ng maikling kwento, nobela, sa
pamamagitan ng diyalogo, aksiyon at pagsasalaysay.
1.8 Sabayang Pagbigkas – isa sa mabisang paraan ng pagpapakahulugan at
pagpapahalaga sa isang tula ay sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas. Ang
sabayang pagbikas ng tula ay masasabing kasintanda at kalinsabay ng
paglitaw ng unang dula noong 500 B.C
1. Pisara – ang silid-aralang walang pisara ay tulad ng isang dyip na walang gasoline.
May klang sa pagtuturo ng guro kung walang pisarang masusulatan ng mga
paliwanag at ilustrasyon.
May magandang bentahe ang pisara. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
1. Kagyat at agad-agad na magagamit.
2. Nabubura kaagad ang mga mali.
3. Naitatakda ang bilis o bagal ng pakitang-turo na hindi nagagawa sa
demonstrasyon sa pamamagitan ng sine o telebisyon.
4. Nagkakaroon ng masiglang pakikilahok ang mga mag-aaral na pumunta sa
pisara at isulat ang sagot o ang humuhingi ng pakitang-turo.
2. Ang Paskilang Pranel o Pelt – ang paskilang pranel ay isang kagamitang tanaw-
dinig na dikitan ng mga bagay. Para dumikit ang mga ito, kailangan ang paskilan
ay nababalutan ng pranela o pelt o mga lumang istaking. At ang likod naman ng
mga bagay tulad ng mga cut-out, larawan at bilang ay kailangang nadidikitan ng
papel de liha. Mainam gamitin ang paskilang pranel sa mga display, pakitang-turo
at paglalahad ng aralin. Ito ay kaakit-akit, magaan at madali itong itago. Madali
rin itong gawin.
B. Ekskursyon
Mapa at Globo – ginagamit ito kapag kailangan tukuyin ang mga lugar na
nababasa sa panitikan at sa iba pang mga aralin.
Dayagram – kagamitang tanaw-dinig o simbolong biswal na nagpapaliwanag
sa ugnayan ng mga sangkap ng isang bagay sa pamamagitan ng mga linya at
simbolo.
Grap – nagpapakita ng malinaw na balangkas ng ugnayan ng dalawa o mahigit
pang bilang ng mga bagay o pangyayari.
Tsart – kagamitang nagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng linya o guhit,
hugis, larawan, at krokis.
Kartun – pagpapakahulugan ng larawan sa pamamagitan ng pagsasagisag.
Sketch – payak at dagliang pagguhit na nagbibigay ng tampok na katangian
ngunit walang detalye.
B. Mga Simbolong Berbal – ang mga salita, ideya, konsepto, termenolohiyang
pansiyensya, at anuman nakasulat na karansan ay simbolong berbal.
Semantic Mapping – isang paraan ng pagpapalawak ng kahulugan ng isang
salita sa pamamagitan ng kategorya ng salita na nauugnay rito.
Association o Word Network – proseso ng pagbibigay ng salitang kaugnay sa
isang paksa o ideya. Ang mga salitang nauugnay sa karanasan o nakaraang
kaalaman ng mga mag-aaral.
Clining – isang proseso ng pagkilala ng pagkakaugnayang ng mga salita ayon
sa antas o tindi ng kahulugang ipinapahayag. Maari rin ang pagsasaayos ng
mga salita ay ayon sa paraan ng pagpapahayag. Halimbawa ang pasasalamat
ay maaring simulan sa impormal na pahayag tungo sa pormal.
Clustering – proseso ng pagbibigay ng iba pang salita na halos kapareho rin ng
kahulugan ng batayang salita.
Collocation o Kolokasyon – proseso ng pagsasama ng salita sa iba pang salita
upang makabuo ng ibang kahulugan.
Huwaran o Patern – proseso ng pagsusuri sa kayarian ng salita o grupo ng
mga salita. Nauunawaan ng isang mag-aaral ang isang salita sa pamamagitan
ng bahagi nito.
Kasabihan, Kawikaan at Salawikain – ito ay ang mga halimbawa ng simbolong
berbal na karaniwang nakikita sa porma ng poster sa mga silid-aralan.
6 5
8
3 9
10
K.
Pababa:
1. Sa pamamagitan nito malalaman ng mga mag-aaral ang mga bagay na hindi nila
nararanasan ng tuwiran. Ang malalayong lar ay nagiging malapit, ang mahirap
matuthan ay nagiging madali, ang mga nakaraang pangyayari ay naibabalik muli.
3. Isang paraan ng pagpapalwak ng kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng
kategorya ng salita na nauugnay rito.
4. Nagbibgay ito ng iba’t ibang kaalaman at kasanayn sa pamamagitan ng
pakikinig.
5. Pangungusap na nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng
kagandahang asal ng mga tao.
8. Proseso ng pagbibigay ng iba pang salita na halos kpareho rin ng kahuluan ng
batayang salita.
Pahalang:
2. Isang salita, pangungusap o pariralang karaniwang sambitin sa ngayon o
nakaugalian nang sabihin ng mga tao sa isang pook sa loob ng isang
kapanahunan.
6. Naghahatid ito ng aliw, kaalaman, balita at pangyayari sa iba’t-ibang panig ng
daigdig.
7. Kasangkapang ginagamit upang magmkhang Malaki ang isang maliit na
larawan, guhit o bagay na ipinapakita sa telon.
9. Isang proseso ng pagkilala ng pagkakaugnayan ng mga salita ayon sa antas o
tindi ng kahulugang ipinahahayag.
10. Isang tuntunin o kautusang kinikilala at pinatibay ng karanasan at nauugnay
lalung-lalong na sa mga bagay at kapakanang maaring mangyari o may
kahalagahan sa buhay.
E. Panuto: Tukuyin kung ano ang katumbas na salita ng mga larawang nasa loob ng
pangungusap upang mabuo ang diwa nito.
2. Ang
halimbawa
sa
1 ay
ng tuwirang karanasan.
(Ang pag-eeksperimento sa laboratory ay isang halimbawa ng tuwirang karanasan.)
nay na ay.
(Ang modelo ay panggagaya sa orihinal na kaanyuan at kabuuan ng isang tunay na
bagay.)
4. Ang walang ay
tulad
ng isang na
(Ang papet ay isang tau-tauhang kaya nagsasalita at gumagalaw ay dahil sa tagpagpaandar nito.)
F. Bingo
Panuto: Lagyan ng ekis ang tamang sagot ang kard sa bawat depenisyong hinihingi nito. Kung sino
man ang makakapagmarka ng limang tamang sagot sa kanayang kard na deretsong pahalang,
pababa o dayagonal ay makakamit ng gantimpala.
B I N G O
Semantic Sketch Karilyo Papet Kartun
Mapping
Clustering Sabayang Sosyodrama Pantomina Grap
Pagbigkas
Telebisyon Pagtatanghal Eksperimento Modelo Timeline
Mock-up Role Playing Clining Saykodrama Dayorama
Paskilang Dulang
Pranel Pasalaysay Museo Ekskursyon Pabitin
Pahalang
Patayo
1. Pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong karting hugis tao o hayop sa likod ng isang
kumot na puti na naiilawan
2. Isang tau-tauhang kaya nagsasalita ay sahil sa nagpapagalaw nito.
3. Umiinog ang paksa sa suliraning panlipunan
4. Pag-arte nang walang salitaan
Pahiga
G. Recitation
1.
S
I
N
6. 5.
T E L I B I S Y O N
A
L
2.
K A S A B I H A N
W
4. I 8.
T C
K
E 3. 9.
A SE C L I N I N G
Y U
I M
S
P N A T
N
E
7.
P T
ER O D Y E K O
I R
K K
I
N
O M
G
A
R P
P
D I
N
E
G
R
10.
K A W I K A A N
KABANATA III
IBA’T IBANG RI NG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
KALAKASAN AT LIMITASYON
PANIMULA
Ang mga kagamitang panturo ay nagtataglay ng samut saring kalakasan at
limitasyon na makakaapekto ng malaki sa proseso ng pagkatuto at pagtuturi sa
silid-aralan. Ang kagaanan sa pagtuturo ng guro at pagkakaroon ng mas epektibo
at interaktibong talakayan ay ilan lamang sa mga kalakasang taglay ng bawat
kagamitang panturo. Ang mga kagamitan sa pagtuturo ay maraming mabubuting
dulot ngunit sa kabilang banda ang paggamit ng mga ito sa presentasyon at
pagpapalawig ng paksa ay mayroon ding mga limitasyon na minsa’y bigla bigla na
lang nangyayari nang hindi mo inaasahan kaya nararapat lamang sa isang guro na
maging handa sa lahat ng pagkakataon.
Inaasahang matamo sa araling ito:
Maibigay ang iba’t-ibang uri ng Kagamitang Panturo
Maisa-isa an kalakasan ng bawat uri ng kagamitang panturo.
Maipaliwanag ang limitasyon ng bawat Kagamitang Panturo.
Masagot ng mahusay ang mga inihandang Gawain.
PAGLALAHAD
Printed Materials (teksbuk, workbook, preiodicals, atbp.)
Kalakasan Limitasyon
Chalkboard/display board
Kalakasan Limitasyon
PAGLALAHAT
Ang kalakasan at limitasyon ng mga kagamitang panturo, maging ito man ay
napapanahong teknolohiya o hindi ay sadyang bumabalangkas sa reyalidad ng
buhay pagtuturo. May ma kagamitam na kahit gaano man kaluma o tradisyunal
na ginagamit tulad ng libro at mga biswal ay sadyang pakaki-pakinabang sa
anumang oras at panahon, sa anumang lugar liblib man o sibilisado. Mayroon din
namang mga makabagong teknolohiya na mas napapanahon at mas nakakatulong
sa dagliang pagtuturo at pagkatuto subalit hindi epektibong gamitin sa mga
malalayong lugar sapagkat walang elekytrisidad. Samakatuwid kung ang isan guro
ay madestino kahit saan, dapat handa siyang gumamit ng anumang kagamitang
panturo para sa epektibon pagtuturo.
MGA GAWAIN
A. subuking sagutin ang mga sumsuod:
1. Mabigay ng mga kalakasang dulot ng audio materials bilang
kagamitang panturo.
2. Ano ang kahalagahan ng kagamitang pampagtuturo sa pagkatuto ng
mga mag-aaral?
3. Magbigay ng dalawang llimitasyon sa paggamit ng printed materials
bilang kagamitang panturo at ipaliwanag.
4. Anong kagamitang panturo ang karaniwang ginagamit?
5. Ano ang kagandahang dulot sa paggamit ng biswal sa pagtuturo.
B. Piliin ang kalakasan at limitasyon ng ma kagamitang panturo mula sa kahon
na nasa ibaba.
Kagamitang Pampagtuturo Kalakasan Limitasyon
1. Biswal
2. Printed
3. Telebisyon
4. Kompyuter
1.
The Display Board
2.
3.
4.
5.
KABANATA IV
MGA NAPAPANAHONG TEKNOLOHIYA AT KAGAMITANG
PANTURO SA PAGTUTURO NG WIKA AT PANITIKAN
PANIMULA
Sa kahabaan ng pag-aaral ay makikita ang maraming mga bagay na dati ay
hindi napapansin, mga bagay na nandiyan na pala sa harapan na
nakatiwangwang, nakahain na ngunit hindi man lamang natapunan ng pansin.
Napagtanto na milya-milya rin ang inilakbay ng kasaysayan ng edukasyon para
makarating sa makabagong edukasyon para sa teknolohiyang henerasyon. At dito
na pumasok ang paggamit ng mga multimedia sa pagtalakay ng mga aralin. Nakita
ang deperensiya ng Sistema ng tradisyunal na pagtuturo gamit ang dati pang
kagamitang pampagtuturo sa makabagot mas angat na edukasyong tinatamasa
ngayon. Matatalakay din ang kaibahan ang epekto sa mga mag-aaral ng paggamit
ng multimedia sa pagkatuto at kilos sa mga mag-aaral na hindi gumagamit nito.
Inaasahang matammo sa araling ito:
Mapag-aral ang mga napapahanhong teknolohiya na magagamit sa
pagtuturo.
Maibigay ng iba’t-ibang napapanahong teknolohiya na magagamit ng guro.
Matugunan ng tama ang mga pagsasanay
PAGLALAHAD
1. Mga Kagamitang Limbag
a. Teksbuk – isang sistemang pagsasaayos ng paksang aralin para sa
isang tiyak ng asignatura at antas
b. Manwal na Guro – kalipunan ng mga aralin nakaayos ayon sa layunin
at mga mungkahing paraan o istratehiya kung paano ito ituturo sa
mga mag-aaral.
c. Materyals na Supplemental – iba’t-ibang kagamitang limbag na
ginagamit na pandagdag o supplement sa regular na gawaing
pangklasrum at teksbuk
d. Workbook – mga pagsasanay at mga gawin ng mga mag-aaral
kaugnay na tinatalakay na aralin
e. Kopya ng balangkas (duplicate outlines) – set ng aralin na
nakabalangkas
f. Hand-awts – sinasaliksik ay pinayamang paksa. Madalas inihanda ng
isang lektyurer para sa kanyang tagapakinig. Maaaring gamitin at
basahin upang matiyak ang kaalamang natamo
g. Pamplets/supplemental magazine – set ng mga aralin at gawaing
pandagdag sa tinatalakay na aralin
h. Artikulo mula sa magasin/babasahin - naglalaman ng iba’t ibang
paksa na napapanahon na magagamit na pantulong sa isang aralin.
i. Pahayagan – naglalaman ng mga kinalabasan ng isang pananaliksik
j. Dyornal – regular na ulat na kinalabasan ng isang pananaliksik
k. Indexes – binubuo ng mga sanggunian
l. Worksheets at Workcards
2. Mga Kagamitang Limbag na Inihanda ng Guro
a. Modyul – isang kit sa pansariling pagkatuto. Ito ay binubuo ng iba’t
ibang gawaing pagkatuto na kadalasan ay nasa anyong
pamphlet/babasahin.
b. Banghay- aralin – ito’y balanagkas n mga layunin, paksang aralin,
kagamitan at mga hakbang na sunod-sunod na isasagawa upang
maisakatuparan ang mga layunin o inaasahang bunga sa isang
particular na aralin
c. Silabus – ito’y balanagas ng mga layunin at mga paksang-aralin na
nauukol sa isang particular na kurso o asignatura na nakaayos nang
sunod-sunod ayon sa kinabibilangang yunit at inilalaan para isang
markahan o semester.
d. Patnubay sa Gawaing Pangmag-aaral – set ng mga panuto at tanong
na makakatulong sa pagtatalakay ng bagong aralin.
e. Pagsusulit – isang kagamitang sumusukat kung gaano ang natutuhan
ng isang mag-aaral. Ito ay ginagamit ding pagganyak upang ang mag-
aaral ay maging atentibo sa pagtatalakay ng aralin. Natutuklasan din
ng isang mag-aaral ang kanyang kakayahan at kagalingan.
f. Talahanayan ng Ispesipikasyon – ginagamit ng guro sa paghahanda
ng pagsusulit. Makikita ang lawak ng nilalaman, bilang ng aytem, at
uri ng pagsusuri na gagawain ng guro.