You are on page 1of 13

MAKAMISA

ni: Dr. Jose Rizal

Inihanda ni: Kristel Jane R.


Cabantugan
• Ang pangatlong nobela ni Rizal na Makamisa ay sinsabing karugtong ng El
Filibusterismo.
• Tinangkang isulat at tapusin ni Jose Rizal sa pagitan ng kanyang paglalakbay
mula Marseilles patungong Hongkong.
• Isinulat sa pagitan ng taong 1891 at 1892 sa Hongkong.
• Ang orihinal na manuskrito ay natagpuan ng istoryador na si Ambeth Ocampo
noong 1987 habang dumadaan sa isang 245-pahinang koleksyon ng mga papel
• Ang nobela ay may isang kabanata lamang.
MAKAMISA
Pangkalahatang Buod
• Ang Makamisa ay isang nobelang tinangkang isulat at
tapusin sa wikang tagalog ni Dr. Jose Rizal. Ang kuwento
ay umiinog sa bayan ng Tulig at nagsimula sa isang eksena
ng misa ni Padre Agaton sa mga mamamayang sakop niya.
Kabilang sa mga tauhan ng nobela sina Kapitan Lucas,
Marcela, Kapitan Tibo, Don Segundo, Teniente Tato at
Aleng Anday.
• Taliwas sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ang
Makamisa ay isinulat sa higit na nakakaaliw na paraan.
LAYUNIN NG NOBELA
• Layunin ng nobela na ipakita ang kultura, gawi at pag-uugali ng mga ordinaryong
Pilipinong mamamayan. Mas napapakita sa nobela ang epekto ng labis na
kapangyarihan ng simbahan sa buhay ng bawat tao. Dahil kung mapapansin sa
nobela na mas nakikilala ng mga mamamayan ang kura paroka kaysa sa Gobernador
Heneral kung kaya’t ang simbahan na rin ang siyang simbolo ng kapangyarihan ng
pamahalaan.
• Layunin din nitong ipakita ang ideya ng relihiyon na huwag dapat magpa alipin sa
maling pagkakaintindi ng prinsipyo ng relihiyon at magbigay aral sa buhay ng mga
ordinaryong mamamayan.
KATANGIAN NG NOBELA

• Ang nobelang ito ay nagtataglay ng maaayos at magandang konsepto ng


kaisipan, gaya ng pagpuna sa maling ideya ng simbahan at kung paano ito
nakaka apekto sa buhay ng bawat tao. Ang nobela ay maayos na naisulat,
mula sa paglalarawan ng mga panguhaning tauhan hanggang sa kaayusan
ng daloy ng kwento ngunit ang nobela ay nag-iiwan ng malaking
katanungan at panghihinayang sapagkat hindi malaman kung ano nga ba
ang katapusan ng kuwento, ang katanungan kung bakit ganoon ang kinikilos
ni Padre Agaton. Isinasaalang-alang din ng nobela ang ukol sa kaasalan.
ELEMENTO NG NOBELA

TAGPUAN
• sa bayan ng Tulig
TAUHAN
• Padre Agaton- ang Kura Paroka sa bayan ng Tulig, na inilarawan bilang
isang masayahin, madaling lapitan at makapangyarihang tao na mahal ang bayan
at hindi kilala sa kanyang masamang ugali. Sa kwento, mayroon siyang
biglaang, hindi inaasahang pagpapakita ng galit, ang dahilan kung saan ay hindi
pa isisiwalat.
• Kapitan Lucas- ang gobernadorcillo ng Tulig at nanganganib mawala ang
posisyon sa gobyerno kung hindi niya nilulugod si Padre Agaton sa darating na
fiesta ng Pasko ng Pagkabuhay.
• Aleng Anday- babaeng kaibigan ni Padre Agaton at ang nag-iisang tao na
mahal ng kura. Siya ay isang sobrang disiplinadong babae na hinahangaan ng
lahat sa kanyang pagkabukas-palad.
• Marcela- anak ni Kapitan Lucas na umuwi galing Maynila para sa libing ng
kaniyang tiyahin o ang aling nagpalaki sa kanya na kapatid ng kanyang ama.
• Teniete Tato- ang teniente mayor o guardya sibil
• Don Segundo- ang Juez De Paz
• Kapitan Tibo- susunod sa linya ng tanggapan ng Gobernadorcillo.
BANGHAY
• Nagsimula sa isang eksena ng misa ni Padre Agaton.
• Nagtataka ang lahat kung bakit nagmamadali ang pari sa ritwal, na karaniwang ginagawa
niya nang may yaman at kasiyahan.
• Ang mga kababaihan sinusubukang umusisa at ipaliwanag ang nakakairitang ugali ni
Padre Agaton.
• Ang mga kalalakihan ay nagmamasid at napamamasid, ang tuksuan at salitaan sa mga
bagay na nangyayari.
• Ang pagpuna kay Marcela, ang dalagang umuwi galing Maynila.
• Nag-aalala si Kapitan Lucas na baka hindi siya katigan ng cura sa darating na halalan.
• Ang pangamba at takot ni Kapitan Lucas na baka kagalitan siya ng cura, lalo na’t sa
pagbanggit ng garote.
• Upang matago ang pangamba nagtatapang-tapangan ito at nag galit-galitan.
• Nakasalubong nila Kapitan Lucas ang alilala at sinabing umuwi na sila dahil galit na galit ang amo
nito.
• Hinanap si Aleng Anday ngunit nakagalitan din ito at nasampal.
• Napagtanto nila kapitan Lucas na hindi biro-biro ang galit ni Padre Agaton.
• Nagpamisa si Padre Agaton ngunit hindi niya minagaling
• Si Padre Agaton ang takbuhan sa anumang kailangan ng bayan.
• Ang ibang mahihirap ay dumaraing at tumatangis sa kamahalan ng libing at iba pang upa sa
simbahan.
• Mutya naman halos ang Cura, ang lahat ay tinupad ang utos nito sapagkat sa kaniya ang ang
nakapiit ay nakaliligtas at nakauuwi ang hinuli.
• Nagtatalo at naghihimutukan ang lahat dahil hindi nila matuklasan ang ikinagagalit ni Padre Agaton.
• Nagtapos ang nobela sa katagang “Sapagkat nabalitang nasampal si Aleng Anday ay
wala mandin silang…”
TEMA
• Kaugalian, kultura, relihiyon, pamumuhay ng mga ordinaryong mamayan at
kapangyarihan.
PANANAW
• Ikatlong panauhan
DAMDAMIN
• Makikita sa akdang ito ang matinding pag-ibig ng may akda sa kanyang
tinubuang lupa; kahit minsang hindi maganda ang pagsasalarawan niya sa mga
tauhang Pilipino ay makikita pa rin ang pagnanais niyang magkaroon ng
pagbabago at ang magandang katauhan ng ibang tauhan na madalas minamaliit
ng mga kontrabida.
PAMAMARAAN
• Naiiba ang pamamaraan ng pagsulat sa nobelang Makamisa, ito ay naisulat sa
nakakaaliw na paraan at istilong satiriko sapagkat mapapansin ito sa pagsasalarawan
ng ugali ng mga tauhan at pagpupuna sa maling ideya ng simbahan.
PANANALITA
• Ang mga diyalogo sa nobela ay nasusulat sa Wikang Tagalog at ang mga ito ay
direkta o tuwirang pagpapahayag kung saan mismo ang mga tauhan ang nagsasabi
ng diyologo o saloobin ngunit may iilan na ang may akda mismo ang naglalahad.
SIMBOLISMO
• Ang “Makamisa” ay nangangahulugang After Mass sa Ingles. Sinisimbolo ng
Makamisa ang labis na kapangyarihan ng simbahan sa buhay ng tao kung saan
sa nobela madalas ang simbahan ang simbolo ng kapangyarihan sa pamahalaan.
URI NG NOBELA

• Nobelang Tauhan- sapagkat sa nobelang ito binibigyang diin nito ang


katuhan ng mga pangunahing tauhan, kalagayan o sitwasyon. Sapagkat
mapapansin sa nobela na sinasaklaw nito ang mga pangyayari sa buhay ng
ordinaryong Pilipino na umiikot lamang sa iisang bayan.
MARAMING SALAMAT PO!!

You might also like