You are on page 1of 12

SURING BASA

IPINASA NI: PATRICIA ANREI G. MANALO

II – A HRDM

IPINASA KAY:

GINOONG MICHAEL NICOLAS


TALAAN NG MGA NILALAMAN
I. PAMAGAT: Alamat ng Pinya
MAY AKDA;
GENRE: Kwentong Bayan
II. BUOD
Mayroong mag-inang nakatira sa isang kubo. Simple man ang kanilang pamumuhay ay nais pa rin
ni Aling Rosa na magkaroon nang maayos na pag-uugali ang kaniyang anak na si Pina. Ngunit tila
lahat ng negatibong pag-uugali ay tinataglay na ni Pina.
Una, hindi ito maaasahan sa mga gawaing bahay. Lubhang tamad ito. Kaya nang minsang
magkasakit ang kaniyang nanay na si Aling Rosa ay kinailangan niyang magluto.
Ngunit imbes na hanapin ang sandok, panay tanong ito sa kaniyang ina. Ang mga bagay na nasa
kaniyang harapan na lamang ay hindi pa niya makita dahil sa katamarang taglay nito.
Dahil sa inis ng ina sa pag-uugaling ito ng anak, isang araw ay nasigawan niya ito at napagalitan.
Sinabi ng ina na sana ay magkaroon ito ng maraming mata upang makita nito lahat ng hinahanap
niya at hindi na siya tanong nang tanong pa.
Umalis sa kanilang bahay si Pina na masama ang loob dahil sa sinabi ng ina. Simula nang umalis si
Pina ay hindi na ito nakita pa ni Aling Rosa.
Ngunit nakita na lamang niya ang isang halamang tumubo sa kanilang bakuran. Marami itong mata
kaya naman naalala niya ang kaniyang anak na si Pina dahil sa sinabi niya. Batid niyang nagkatotoo
ang kaniyang mga tinuran.
Kaya naman tinawag na nila ang bunga na Pinya bilang pag-alala kay Pina.

III. PAKSA
Ang paksa sa kwentong ito ay tungkol sa hindi pagsunod sa utos ng mga magulang at pagdadahan-
dahan sa mga sinasabe. At pagkakaroon ng magandang asal
IV. BISA
Ang pagsunod sa magulang ay mahalaga at dapat tayo ay matutong mag ingat sa mga salitang
binibitawan. Nalungkot ako habang binabasa ko ang kwentong ito dahil tulad ni pina ako ay minsan
ring hindi sumunod sa aking magulang.
V. MENSAHE
Huwag maging tamad at mahalaga na sundin natin ang mga inuutos ng ating mga magulang at
maging matulungin tayo sakanila at gamitin natin ang mata sa paghahanap hindi ang bunganga.Ang
huli ay huwag tayong humiling ng masama para sa kapwa dahil bandang huli ay atin itong
pagsisisihan.
VI. TEORYANG PAMPANITIKAN
Teoryang Moralistiko ang namayani sa kwentong ito ang paglalahad ng kamalian at kung paano na
solusyonan. Nasaad din ang kamaliang nagawa ng tauhan.
I. PAMAGAT: Alamat ng Bayabas
MAY AKDA:
GENRE: Kwentong Bayan
II. BUOD
Ang Alamat ng Bayabas ay tungkol sa isang sultan na nagngangalang Barabas na hindi kumikilala
ng katarungan at nagpaparusa ng matindi sa kanyang mga nasasakupan. Nagtataglay siya ng
malaking kapangyarihan at karangyaan, ngunit hindi siya nagpapakita ng kahit konting pagpapala
sa kanyang mga taong nangangailangan ng tulong. Isa sa mga taong ito ay ang isang mangingisda
na ipinakulong niya at pinahirapan dahil lamang sa ginabi ito sa pangingisda.
Nang malaman ng asawa ng mangingisda ang nangyari, siya ay nagtungo sa kaharian ni Sultan
Barabas upang humingi ng tulong. Dahil sa kanyang mahusay na kakayahan sa paggawa ng isdang
daing, nagdala siya ng dala-dalang daing upang ipakain sa sultan at kumbinsihin ito na palayain ang
kanyang asawa.
Ngunit sa halip na maawa, mas lalo pang nagalit si Sultan Barabas at ipinakulong ang babae. Dito
nagsimulang mag-isip ang anak ng mangingisda na maglakas-loob na lumapit sa sultan upang
hingin ang kalayaan ng kanyang mga magulang. Kasama ang mga diwata, nagtungo siya sa palasyo
at nakipaglaban kay Sultan Barabas nang hindi muna ito pinapakain. Sa kanilang tagisan ng lakas,
nakakawala ang binatilyo at naghintay ng tamang sandali para tumaas sa korona ni Sultan Barabas.
Nakatakbo siya sa hardin kung saan siya nakipaglaban sa sultan. Matapos mahabol siya, bigla na
lamang natumba at namatay si Sultan Barabas. Pinayagan na ng bagong sultan ang mga tao na
pumunta sa hardin at kumain ng kahit anong bunga mula sa mga puno. Nang lumaki ang puno ng
bayabas, natikman ng mga tao ang matamis na bunga nito. Ang kakaibang asim nito ay naging
simbolo ng kahinahunan ng Bayabas.
Sa kabuuan, ang “Alamat ng Bayabas” ay isang kwento tungkol sa kahalagahan ng katarungan at
kabutihan sa lipunan, at kung paano nagiging makabuluhan ang mga munting bagay tulad ng isang
puno ng bayabas.
III. PAKSA
Ang paksa sa alamat ng bayabas ay tungkol sa isang sultan na isang marahas na lider at
mapagmalupit. hindi sya marunong maawa kaya sya ay naparusahan.
IV. BISA
Ang pagiging masama ay hindi magandang ugali. Kaylangan mung pahalagahan ang mga nasa
paligid mo at magkaroon ka ng pag papahalaga at magandang asal para galangin ka ng nasa paligid
mo habang binabasa ko ang alamat na ito galit ang una kung naramdaman dahil may mga tao
talagang masasama ang ugali at mapagmataas may mga tao talagang porket may posisyon o nasa
taas ay ginagamit nila ito upang mang abuso at maging masama.
V. MENSAHE
Ang nais iparating ng akda sa mambabasa ay wag tayo maging tuso at mapang abuso sa ating
kapwa kase ito ay hindi magandang gawain lalo na kung ikaw ay namumuno dapat mung
pahalagahan ang iyong mga nasasakupan o ang mga nasa paligid mo. At huwag maging madamot
maging mapagbigay sa kapwa mo.
VI. TEORYANG PAMPANITIKAN
Teoryang Realismo ang namayani dahil inilahad sa alamat ang tunay na buhay na kalagayan na
nangyayari sa lipunan tulad ng kahirapan at pang aabuso.

I. PAMAGAT: Alamat ng Daragang magayon


MAY AKDA: Damiana Eugenio
GENRE: Kwentong Bayan
II. BUOD
Noong unang panahon, may isang babaeng nagngangalang Daragang Magayon. Maraming
kalalakihan ang nanliligaw sa nasabing dalaga sapagkat siya ay maganda at may makinis na kutis.
Ayon sa ama ni Magayon na si Rajah Makusog nasa tamang edad na ang dalaga upang magpakasal
kung kaya’t pinapayagan na niya ito kung sakaling magpasya ang dalaga na makipag-isang dibdib.
Ngunit si Magayon ay wala pang napipili mula sa kanyang mga manliligaw. Magpapakasal lang
daw siya sa taong kanyang iniirog.
Isang araw habang naliligo si Magayon sa ilog, bigla siyang nadulas at nahulog sa malalim na parte
nito. Hindi marunong lumangoy ang dalaga. Mabuti na lamang at nakita siya ni Panganoron at
iniligtas ang dalaga. Si Panganoron ay ang matapang na anak ni Rajah Karilaya. Nangangaso siya
noong araw na iyon nang marinig niya ang iyak ni Magayon. Mabilis na tumalon ang matapang na
mandirigma upang iligtas ang dalaga.
Nabighani si Panganoron sa ganda ni Magayon kung kaya’t niligawan niya ang dalaga. Gayundin
si Magayon ay napa-ibig sa matapang na lalakeng nagligtas sa kanya. Di kalaunan ay ipinahayag
ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa buong kaharian.
Subalit, si Pagtuga, isang masugid na manliligaw ni Magayon, ay naka-isip ng paraan upang hindi
matuloy ang kasal. Binihag niya ang ama ni Magayon na si Rajah Makusog at hindi raw niya ito
pakakawalan kundi papayag si Magayon na pakasal sa kanya. Dahil mahal ni Magayon ang
kanyang ama, wala siyang magawa kundi pumayag sa kondisyon ni Pagtuga.
Nagpunta ang dalaga sa lugar ni Pagtuga upang ibigay ang sarili upang pakawalan nito ang
kanyang ama. Napag-alaman ni Panganoron ang ginawa ni Magayon. Tinipon nito ang kanyang
mga matatapang na mandirigma upang iligtas ang mag-ama laban kay Pagtuga.
Isang malaking digmaan ang naganap sa pagitan ng dalawang kampo. Nanaig si Panganoron laban
kay Pagtuga at napatay niya ito. Noong makita ni Magayon na napatay ng kanyang kasintahan ang
kalaban ay dali-dali itong tumakbo patungo kay Panganoron. Ngunit bago pa man magkalapit ang
dalawa ay isang ligaw nasibat ang tumusok sa likod ni Magayon. Habang bumagsak si Magayon ay
tinaga naman sa likod si Panganoron ng mandirigma ni Pagtuga. Nakita ni Rajah Makusog ang
nangyari. Sinundan nito ang taong pumatay kay Panganoron at pinaslang ito.
Nang matapos ang digmaan, iniuwi ng Rajah ang walang buhay na katawan nila Magayon and
Panganoron. Humukay ito at inilibing na magkasama ang magkasintahan.
Ilang araw ang lumipas ng mapansin ng mga taong bayan na ang libingan ay tumaas. Lumaki ang
libingan at ang lupa ay naghugis apa. Tinawag ito ng mga taong bayan ng Mayon mula sa kanilang
magandang prinsesang si Magayon. Kung minsan maririnig ang Mayon na dumadagundong at
lumilindol, ayon sa mga tao ito ang patunay ng pagmamahalan nila Magayon at Panganoron.
III. PAKSA
Ang paksang ginamit sa akda ay ang pinagmulan ng Bulkang Mayon . Ang pagiging masama at
sakim ay kahit kalianman ay hindi magiging solusyon upang makuha mo ang iyong hinahangad o
kaligayahan.
IV. BISA
Dapat nating pahalagahan kung ano ang yaman na ipinagkaloob sa atin at huwag tayong mabulag
sa kayamanan ng iba o sa pagiging sakim at habang binabasa ko ito ay nakaramdam ako ng
klungkutan dahil sa nangyare o trahedya sa magkasintahan ng dahil sakanilang pagmamahalan.
V. MENSAHE
Ang pagiging masama kailanman ay hindi solusyon para makuha mo ang gusto mo o hinahangad
mo dapat marunong Karin tumanggap ng kabiguan sapagkat hindi naman lahat ng tao ay kayang
suklian ang ating binibigay na pagmamahal. Ang wagas na pagmamahalan ay hindi mahahadlangan
ninoman
VI. TEORYANG PAMPANITIKAN
TEORYANG ROMANTISISMO – Nangibabaw ang teoryang romantisismo dahil sa
pagmamahalan ng mga tauhan sa alamat tulad ng mag ama at ng mag kasintahan na sina
panganoron/ulap at magayon na kahit mayroon humadlang sa kanila ay hindi sila susuko
maipaglaban lang nila ang kanilang pagmamahalan.

I. PAMAGAT: Alamat ng Ampalaya


MAY AKDA: Augie D. Rivera
GENRE: Kwentong Bayan
II. BUOD
Noong unang panahon, sa bayan ng mga gulay, ang lahat ay may kanya kanyang katangian.
Ang kalabasa ay may kakaibang tamis, ang kamatis ay may asim at makinis na kutis, ang luya ay
may kakaibang anghang, ang labanos ay may sobrang kaputian, ang talong ay may lilang kulay, ang
mustasa ay luntian.
Ngunit may isang gulay na may kakaibang anyo. Ito ay si ampalaya. Siya ay may maputla at may
lasang di maipaliwanag.
Araw araw, walang ginawa si ampalaya kundi ikumpara ang sarili sa ibang gulay
Isang araw, nagplano si ampalaya na kuhanin ang taglay na katangian ng ibang gulay. Nang
sumapit ang gabi, naisakatuparan nya ang balak. Isinuot nya ang taglay na katangian ng lahat ng
gulay.
Tuwang tuwa si ampalaya sakapagkat ang dating di pinapansin ay pinag kakaguluhan na ngayon.
Ngunit walang lihim na di mabubunyag, napagkasunduan ng lahat ng gulay na sundan ang
kakaibang gulay
Dito nila nalaman na ang magandang gulay ay walang iba kundi si ampalaya. nagalit ang lahat at si
ampalaya ay iniharap sa diwata ng lupain.Bilang parusa, ang balat ni ampalaya ay kumulubot at ang
lasa sa loob ng kanyang katawan ay naging mapait na dulot ng pag hahalo halo ng lasa ng ibang
gulay.
III. PAKSA
Ang pagiging inggetero at hindi marunong makuntetong gulay na si ampalaya
IV. BISA
Ang pagiging iba ay okay lang sapagkat may kanya kanya tayong taglay. habang binabasa ko ang
alamat ng ampalaya nakaramdam ako ng kalungkutan sapagkat dahil sa itsura nya ay nakuha ni
ampalaya na ikumpara ang sarili nya sa ibang gulay kaya dahil sa inngit na nararamdaman nya ay
nakagawa sya ng hindi maganda para lang humanga sa kanya ang mga kapwa gulay nya.
V. MENSAHE
Walang magandang naidudulot ang inggit kaya dapat makuntento tayo kung ano ang itsura natin.
Nilikha tayo ng diyos na may ibat ibang katangian kaya maging kuntento tayo at iwasang ikumpara
ang sarili sa iba.
VI. TEORYANG PAMPANITIKAN
REALISMO – Dahil si ampalaya ay nakaranas ng diskriminasyon
I. PAMAGAT: Alamat ng Rosas
MAY AKDA: Segunda D. Matias Jr,
GENRE: Kwentong Bayan
II. BUOD
Sa isang malayong baryo, may dalagita na nagngangalang Rosa na kilala sa kanyang natatanging
kagandahan at mapupulang pisngi. Si Antonio, isa sa kanyang mga manliligaw, ay pinayagan ng
mga magulang ni Rosa na manligaw sa kanilang anak. Sinikap ni Antonio na pasayahin at
patunayan ang kanyang pagmamahal kay Rosa sa pamamagitan ng dote.
Subalit, natuklasan ni Rosa na pinaglalaruan lang pala siya ni Antonio. Labis na nasaktan ang
kanyang puso, at sa mga susunod na araw ay hindi na siya nakita. Sa dapat sana nilang tagpuan,
lumago ang isang kakaibang halaman na tinawag na rosas, na ang mga pulang bulaklak ay
nagpapaalala sa mapupulang pisngi ni Rosa, ngunit may mga tinik na nagbabala na wala ni isa ang
makakakuha ng magandang bulaklak nang hindi nasasaktan.
III. PAKSA
Ang paksa ay patungkol sa pag ibig na namuo kay rosa ngunit sya ay pinaglaruan lamang ng
kanyang manliligaw na si Antonio kaya labis syang nasaktan.
IV. BISA
Ang pagtitiwala sa isang tao ng mabilisan ay hindi maganda sapagkat tayo ay pwedeng masaktan.
Tulad ni rosa sya ay nag tiwala agad kay Antonio dahil sa magandang pinakita nito sakanya ngunit
sya pala ay pinaglalaruan lamang. Habang binabasa ko ang alamat ni rosa akoy nalungkot sapagkat
ang kauna unahang taong iibigin nya ay hindi pala seryoso sakanya.
V. MENSAHE
Ang mensahe sa alamat na ito ay maging maingat sa pag pili na mapagkakatiwalaang tao lalo na sa
pag ibig sapagkat hindi lahat ng tao ay totoo ang pinapakita o intension. Ang alamat ng rosas ay
hindi lang isang simpleng kwento ng pag ibig, sakit at paglisan marami kang matutunan at may
maisasapuso. sa kabila ng kagandahan ng rosas, angmga tinik nito ay nagpapakita na ang
pagmamahal ay hindi puro saya at sarap makakaramdam Kadin ng sakit at sakripisyo.
VI. TEORYANG PAMPANITIKAN
Imahismo- Dahil sa pagpapahayag ng damdamin o saloobin ng manliligaw ni rosa ay nahulog ito
ngunit hindi pala totoo ang pinapakita nito at intension.

I. PAMAGAT: Alamat ng Pilipinas


MAY AKDA: Pinoy Collection
GENRE: Kwentong Bayan
II. BUOD
Ang “Alamat ng Pilipinas” ay tungkol sa tatlong magkakapatid na si Minda,
Lus at Bisaya. Naninirahan sila sa isang kweba sa Dagat Pasipiko kasama ang
kanilang ama na isang higante.
Isang araw, nangaso ang kanilang ama sa ibang pulo a sinabihan sila na huwag
lumabas ng kweba. Sa kabila nito, namasyal si Minda at di niya namalayang
malayo na siya sa dalampasigan.
Humingi si Minda ng tulong dahil hinampas siya ng isang malaking alon at
nalulunod. Sinubukan ni Lus at Bisaya na sagipin siya ngunit nadala sila sa
pagkalunod ni Minda.
Bumalik ang ama at hinanap niya ang tatlong anak. Biglang umalon ulit atdumagundong,
napalingon ang ama at naisip niya na baka nalunod ang tatlo.
Dumako pa sya sa malayo at hindi nagkamali ang higante. Nakita niya ang
labi ng ilang pirasong damit na nakasabit sa bato. Napagod ito at napahilig na lamang sa isang bato.
Natulog ito ng mahabang panahon.
Nagising siya at wala na siya sa kinaroroonan niya. Nagulat siya na may tatlong pulo na lumitaw.
Ito pala ay ang tatlong niyang anak na naging pulo

III. PAKSA
Ang paksa sa kwentong ito ay tungkol sa anak na sumuway sa utos ng kanyang ama kaya sya
napahamak.
IV. BISA
Ang pagsunod sa magulang ay mahalaga dahil para rin naman ito sa ikabubuti natin, Inis ang
namutawi sakin sapagkat matigas ang ulo ni minda kaya pati ang mga kapatid nya ay napahamak
ng dahil sa katigasan ng kanyang ul
V. MENSAHE
Ang nais iparating ng may akda sa mambabasa ay matuto tayong makinig sa ating mga magulang at
huwag tayo sumuway para hindi tayo mapahamak dahil sila ang nakakaalam ng ating kaligtasan.
VI. TEORYANG PAMPANITIKAN
KLASISMO- Dahil sa katigasan ng ulo ni minda sya ay napahamak kasama ang mga kapatid isang
malaking trahedya ito sakanyang ama.

I. PAMAGAT: Alamat ng Saging


MAY AKDA: Katig.com
GENRE: Kwentong Bayan
II. BUOD
Noong unang panahon sa isang nayon na di kalayuan ay may magkasintahan na ang pangalan ay
Juana at Aging. Nagmamahalan ng lubos ang magkasintahan. Madalas silang magkita.
Pero lingid sa kaalaman ng magkasintahan, ay tutol ang mga magulang ni Juana kay Aging. Hindi
alintana ito nina Juana at Aging. Patuloy silang nagkikita.
isang araw na nagkita ang magkasintahan, napansila sila ng tatay ni Juana. Dahil nga sa ayaw ng
mga magulang ni Juana kay Aging, nang makita ang binata ay nagalit ito at bigla nalang hinabol ng
itak si Aging.
Sa kanilang paghahabulan ay naabutan ng tatay ni Juana si Aging. Sa lakas ng bigwas ng itak ng
Tatay ni Juana, tinamaan sa braso si Aging. Laglag ang braso ni Aging.
Tumakas si Aging at dahil sa nakakalungkot na pangyayari, naiyak na lamang si Juana. Pinulot ni
Juana ang naputol na braso ni Aging at ibinaon ito sa kanilang bakuran.
Paglipas ng panahon, biglang nagulat ang Tatay ni Juana, kasi may natubong isang kakaibang
halaman sa kanilang bakuran. Luntian ang halaman at malalaki at mahahaba ang mga dahon nito.
Sa katagalan ng pagtubo nito, may lumabas na kulay dilaw na bunga na animoy parang daliri ng tao
ang hugis.
Tinawag nya si Juana para makita ito at para tanungin kung ano ang tumubo na halaman.
Pagkakita ni Juana sa halaman na tumubo sa kanilang bakuran, bigla niyang naalala si Aging. Kasi
dito sa lugar na ito nya ibinaon ang naputol na braso ng kasintahan. Biglang nasambit ni Juana ang
katagang “Aging”.
7
III. PAKSA
Ang paksa sa kwentong ito ay tungkol sa pagmamahalan ni juana at aging kahit tutol ang magulang
ni juana ay pinag patuloy parin nila ang kanilang relasyon na nauwe sa hindi magandang
pangyayare kay aging.
IV. BISA
Ang pag tatago sa magulang ng sikreto ay hindi maganda ng dahil sa lihim na ibigan ni juana at
aging ay nagalit ang kanyang magulang. habang binabasa ang alamat na ito ako ay nalungkot dahil
ang magulang ni juana ang nag dedesisyon kung sino lamang ang kanyang pwedeng mahalin
tanging mayaman o may kaya lang sa buhay ang pwedeng makinabang sakanya.
V. MENSAHE
Ang mensahe sa alamat na ito ay sumunod tayo sa iyong mga magulang at wag ipilit ang mga
bagay na hindi pwede o hindi pabor para sa atin may tamang panahon para sa atin at sa lahat ng
bagay
VI. TEORYANG PAMPANITIKAN
ROMANTISISMO – ang namutawi sa alamat na ito dahil sa pag mamahalan ni juana at aging kahit
hadlang ang magulang ni juana ay pinaglaban parin nila ang kanilang pagmamahalan sa isat-isa.

I. PAMAGAT: Alamat ni Juan Tamad


MAY AKDA: Manuel Estabillo Arguilla
GENRE: Kwentong Bayan
II. BUOD
Si Juan ay isang bata na alam lang gawin ay matulog. Siya ay makupad o ayaw kumilos sa mga
ni
nanais niyang gawin.Kaya binansagan siya ng kanyang ina na "Juan Tamad".
Isang araw gusto ni Juan Tamad na kumain ng isang bayabas , ngunit sa sobrang tamad niya ay
ayaw
niyang mapagod sa pagpitas nito.At napansin niya na may mga bayabas na nahuhulog sa puno nito.
Nagpasiya lamang siya na humiga sa ilalim ng puno na katapat ng bunga na bayabas.Ayon kay
Juan
ay hihintayin na lamang niya itong mahulog sa kaniyang bibig.
Nakita siya ng isang babae na ang ngalan ay Maria Masipag ito ay maganda at napakamasipag na
babae na puro alam ay gawin ang mga gawaing bahay.Sinabihan nya si Juan na wala siyang
mapapala kung di nya iyon pipitasin. Si Juan ay nagandahan siya kay Maria at agad niya itong
sinunod. Napalapit siya dito pero ang mama ni Maria ay ayaw siya nito. Dapat muna daw ay
magbago si Juan upang tanggapin sya ng mama ni Maria.
Si Juan ay nagbabago na at nagulat ang kanyang mga magulang na siya ay talagang masipag na
ngayon. Na dating Juan ay ang alam lang ay matulog kumain, pero ngayon ay gumgawa na sya ng
mga gawaing bahay. At sinagot na siya ni Maria.
III. PAKSA
Ang paksa sa kwento ay ang pagigigng tamad ng isang bata
IV. BISA
Ang pagiging tamad ay walang magandang idudulot sa tao maging. Habang binabasa ko ang
kwento ni juan tamad ay nakaramdam ako ng inis dahil sa katamaran nya ng sobra kakainin nya
nalang aantayin nya pang bumagsak sakanyang bibig.
V. MENSAHE
Ang mensahe sa istorya ni juan ay wag maging tamad at walang napapala ang mga walang
ginagawa. Dahil ang tamad ay walang nararating o nakakamit na kahit ano. pag ikaw ay tamad wala
kang patutunguhan sa buhay mo.
VI. TEORYANG PAMPANITIKAN
MORALISTIKO – Nangibabaw ang teoryang moralistiko dahil sa ugali at kilos na pinapakita ni
juan bilang tamad.

I. PAMAGAT: Ang Sirena at Si Santiago


MAY AKDA:
GENRE: Mitolohiya
II. BUOD
Ang Sirena ay isang nilalang na may katawan ng kalahing tao at kalahating isda. Sa paniniwala ng
madami ang mga ito ang siyang bumibiktima sa madaming mangingisda. Si Santiago ay isang
magilas na mangingisda ng Pagadian, siya ay nakikipagsapalaran sa alon ng dagat upang makadami
na huling isda. Isang hapon, habang siya ay mag-isang nangingisda nakadinig siya ng
napakagandang tinig, hinanap nya ito, at kanyang natagpuan. Sa kanyang pagka-bigla ang may ari
pala ng magandang tinig ay isang napagandang dilag ngunit ito ay mayroong buntot na katulad ng
sa isda. Ang sirenang si Clara, nang mapansin nito na may nakatigin sa kanyang agad itong natakot
at nagmadaling lumangoy palayo. Hinabol ni Santiago ang dalaga sa pamamagitan ng mabilis na
pagsasagwan. Kinumbinsi ng binata na siya ay kausapin nito, nagpakilala ito gayundin ang dalaga.
Dito nagsimula ang kanilang madalas na pagkikita hanggang sa magkaroon sila ng damdamin sa
isa’t-isa Nagkaroon sila ng tapatan sa kanilang damdamin, sa kalaunan sila ay naging
magkasintahan. Ginustong sumama ni Santiago sa kaharian ng dalaga, tumanggi si Clara ngunit
nagpumilit ang binata hanggang sa ito ay kanyang napahinuhod. Tatlong araw ang lumipas na hindi
nakikita ng magulang ni Santiago ang binata. Sila ay nagpatawag ng mga kapwa mangingisda
upang hanapin ang kanilang anak. Sa kanilang paghahanap sila ay nagulat sa kanilang nakita.
Sirena ang kasama ni Santiago, agad nila itong sinulong sa pag aakalang ginayuma nito ang binata.
Ginawa ni Santiago ang lahat para protektahan ang kasintahan ngunit siya ay tinamaan ng balsa, ito
ang naging dahilan ng kanyang kamatayan. Pinilit pa din ni Clara na makatakas ngunit siya ay
naabutan at napatay. Ang lahat ng ito ay nakita ng mga isda. Ipinaalam nila sa puno ng mga sirena
ang pangyayari. Nagalit ang pinuno, pinatawan nya ng parusa ang mga tao nagpakawala sila ng
napakalakas na alon(Tsunami) na nagdulot ng pagkamatay ng mga mangingisda at pagkasira din ng
buong lungsod ng Pagadian. Ang tsunaming ito ay nag-iwan ng isang bangin na nagsisislbing
9
palatandaan ng kanilang kasakiman. Sa ngayon ang mga tao ay naging mabait na sa dagat, isda o sa
kanilang kapwa at sa serena din.
III. PAKSA
Ang paksa sa mitolohiya na ito ay ang pag iibigan ng sirena at ni Santiago.
At ang pagiging marahas ng mga tao sa sirena
IV. BISA
Ang pag mamahal ay walang pinipili ang naramdaman ko sa kwentong ito ay saya dahil si
Santiago ay na inlove o namangha sa sirena at sila ay nagsama ngunit bandang huli ay
nakakalungkot sapagkat napatay ng mga mangingisda si Santiago at pinatay din nila ang sirena.

V. MENSAHE
Ang mensahe sa mitolohiyang sirena at si Santiago ay maging mabait tayo At matuto tayong
rumespeto kanino man. At huwag tayong maging malupit sa iba nang dahil sa pagkakaiba iba sa
buhay. At ang tunay na pag ibig ay tatanggapin ka maging ano at sino kapa man.

VI. TEORYANG PAMPANITIKAN


ROMANTISISMO – Nangibabaw ang Teoryang Romantisismo dahil sa pagmamahalan ng sirena
at ni Santiago. Dahil sa kabila ng pagkakaiba ng sirena at ni Santiago ay minahal ito ni Santiago at
sila ay nagsama hanggang sa sila ay pinatay.

I. PAMAGAT: Hydra ang Dyosa ng Karagatan


MAY AKDA:
GENRE: Mitolohiya
II. BUOD
Sa isang nayon may mga nakatirang mga mamayan na masasaganang namumuhay dahil sa mga
biyayang nakukuha nila kay Hydra, ang diyosa ng karagatan. Si Hydra ay pinapanatili na maayos
ang kanyang kaharian. Sinisiguro niya na ang mga mangigisida ay may mga sapat na
pinagkukunan. Ang kanyang anak na si Zalle ay kasama niya sa kanyang pamamalakad sa kanilang
nasasakupan. Naging mapayapa ang buhay ng mga mamamayan dito ng mahabang panahon.
Ngunit uti unting nagbabago ang mga tao, nagiging makasarili na sila.
Ang grupo ni Evan, pumunta sila sa Isla Beiri kung saan pinagbabawal sila ng Diyosang si Hydra.
Dito sa isla na ito ay pinapangalagaaan ng anak ni Hydra na si Zalle. Nakita ni Zalle ang grupo ni
Evan na patungo sa isla na iyon. Dali dali niyang isinumbong sa kanyang ina. Nang marinig ito ni
Hydra, pinuntahan niya ito kasama ang mga kanyang alagad na sereno at serena. Ang grupo ni
Evan ay napaatras at nanginig sa takot. “Dahil sa pagsuway ninyo sa mga patakaran ko na
panghihimasok sa lawang ito at ang paggamit ng dinamita sa karagatan kayo ay gagawaran ko ng
parusa ko.
Nang tumagal nga nawalan ng isda ang karagatan at pagkalipas ng isang buwan ang dagat ay
tuluyan ng nawalan ng isda. Ang mga nilalang ay nagutom pati ang mga hindi nila karaniwang
kinakain na isda ay kinain na din nila. Dahil sa pangyayaring iyon nagkaroon ng pagpupulong ang
mga tao. Nag-usap sila na kailangan nilang humingi ng kapatawaran sa Diyosa kung kaya sila ay
gumawa ng isang ritwal, isang ritwal para sa pagbibigay patawad. At sila nga ay pinatawad ng
Diyosang si Hydra. Pagkalipas ng ilang araw ang karagatan ay nagkaroon na ng isda. Natuwa ang
mga tao at muli sila ay gumawa ng isang ritwal, isang pagpapasalamat sa pangalawang
pagkakataon na binigay ng Diyosang si Hydra.
III. PAKSA
Ang paksa sa kuwentong ito ay dapat makuntento sa bagay o sa biyayang natatanggap. at alagaan
natin ang mga yamang ipinagkaloob sa atin ng diyos, kung mapapangalagaan natin ang yamang ito
ay maaari itong dumami at lumago pa
IV. BISA
Habang binabasa ko ang kwento na ito ay nainis ako dahil sa tigas ng ulo ng mga mangingisda
dahil kahit sinabihan na sila ni hydra na wag pumunta sa islang beiri ay nag punta parin ang mga
mangingisda at sila ay gumamit pa ng mga dinamita ng dahilan ng pagkasira ng islang iyon at
pagkamatay ng mga isdang maliliit. Sa kwentong ito dapat matuto tayong makinig at wag maging
makasarili

V. MENSAHE
Ang mensahe ng kwentong ay maging kuntento tayo sa biyayang natatanggap at wag tayo maging
makasarili at makinig tayo sa sinasabe sa atin. Dahil lahat ng mga Gawain nating hindi maganda ay
may kaparusahan mahalin natin ang bagay na nakakatulong sa ating pamumuhay alagaan natin at
wag nating pabayaan dahil ito ang nakakatulong sa ating pang araw araw.

VI. TEORYANG PAMPANITIKAN


FEMINISMO – Teoryang Feminismo ang nangibabaw sa kwentong ito sapagkat kahit nag kamali
ang mga tao ay nagpatawad parin ito sa mga mangingisda. Nag pahayag si hydra ng mabuti at
magandang katangian. Na kahit sino pa ang nagkasala sayo ay dapat matuto kang pag patawad.

You might also like