You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Lapu-Lapu City
GUN-OB HIGH SCHOOL

ALAM MO BA NA...
KARUNUNGANG-BAYAN

Kasama sa kabang-yaman ng karunungang-bayan ng ating bansa bago


dumating ang mga Espaῆol ay ang salawikain, sawikain/kawikaan, at
kasabihan.

Salawikain- Karaniwang patalinghaga ang salawikain na may kahulugang


nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat ng may
sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.
Mga Halimbawa:
‘Pag ang tubig ay magalaw Ang sakit ng kalingkingan
Ang ilog ay mababaw Damdam ng buong katawan

“A wattu langan a kuruga mariga “Ing taung mapibabat


Tattolay nga minagimamma .” Dasan na ing sablang buring na”
(Ibanag) (Pampango)

“Walang gawaing mahirap “Ang taong matiyaga


sa taong matiyaga.” natutupad ang ninanasa.

Sawikain – Ang pagsasawikain o pagtatambis ay isang paraan ng


pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang
maiwasan ang makasakit ng loob. Ang sawikain o patambis
samakatuwid , ay masasabing mga salitang eupemistiko,
patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda
ang paraan ng pagpapahayag.

Mga Halimbawa:
parang natuka ng ahas- natulala itaga mo sa bato- pakatandaan
malayo sa bituka- hindi malubha mahaba ang kamay- magnanakaw

Kasabihan- Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi


gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos ,
ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan.

Mga Halimbawa:
Tulak ng bibig Kasama sa gayak
Kabig ng dibdib. ‘Di kasama sa lakad.

Utos na sa pusa Ubos-ubos biyaya


Utos pa sa daga Bukas nakatunganga
GAWAIN 1.: I-Q NEK

Tulungan mo ang larawan na iugnay ang kaniyang sarili sa mga akdang pampanitikan na
lumaganap noong Panahon ng Katutubo sa pamamagitan ng pagkukulay ng mga ito hanggang
marating niya ang aklat ng panitikan na nasa pinakaibaba ng tsart.

nobela maikling Karagatan Pasyon


kuwento

awiting- alamat Moro-moro korido Haiku


bayan

tanaga mito epiko dula Timpalak


Palanca

komiks magasin salawikain dulang blog


panradyo

duplo palaisipan kasabihan sawikain Bugtong

tulang pelikula dulang Sarsuwela


dula pantelebisyo
n

Ang unang bahagi ng araling ito ay magbibigay-daan upang maisabuhay muli ang mga
karunungang-bayan na minana pa natin sa matandang panitikan at mailapat sa sariling pang-araw-
araw na pamumuhay. Ang ating mga karunungang-bayan bagamat payak ay mabuting hanguan ng
mahahalagang impormasyon hinggil sa kaugalian, asal at gawi. Samakatuwid, hindi natin dapat
ipagwalang-bahala at ibaon sa limot ang mga karunungang-bayan ng ating panitikan. Tuklasin natin
kung bakit mahalagang unawain ang mga karunungang- bayan tulad ng salawikain, sawikain
at kasabihan bilang akdang pampanitikan sa kasalukuyang panahon. Subukin mo munang
gawin ang gawain na nasa loob ng kahon sa susunod na pahina sa pamamagitan ng pagdurugtong
ng angkop na ideya sa sumusunod na pahayag.

1. Makikita sa mga karunungang-bayan ang kultura, tradisyon at kalagayang panlipunan ng


mga Pilipino sa panahong naisulat ito sapagkat ___________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Upang maging malinaw ang pag-unawa sa salawikain, sawikain/kawikaan at kasabihan
kailangang _______________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Gawain 2. Pagsusuri

Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin, marahil ay naging malinaw
na sa iyo ang konsepto ng salawikain, sawikain at kasabihan. Upang mapagtibay pa ang iyong
kaalaman at tamang pag-unawa sa paksang iyong pinag-aaralan, subukin mong suriin at kilalanin
ang sumusunod na gawain.

__________1. Ang magtanim ng hangin, bagyo ang aanihin

__________2. Itaga mo sa bato.

__________3. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad.

__________4. Maitim ang galagid.

__________ 5. Ang taong walang kibo nasa loob ang kulo.

__________ 6. Ubos-ubos niyaya bukas nakatunganga.

__________ 7. Magdilang-anghel ka sana.

__________ 8. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa

paroroonan.

You might also like