You are on page 1of 9

KABANATA

KABANATAXVIII
XVIII
SA KAHARIANG
SA KAHARIANG
ALBANYA
ALBANYA
Ang mga mata nina Florante at
Aladin ay walang sawang inihagog sa
pandambanang kariktan ng kanilang
mga ilalangit.

Ang bawat isa’y nananabik na


makaunawa ng kani-kanilang
pinagsapit na kapalaran at sapagkat
si Laura ay hindi na makatiis, siya
ang unang nagbalita.
“ Hindi ka pa nalalaunang umalis sa
Albanya,” ang wika ni Laura, “ ay
may umalingawngaw nang bulong-
bulungan sa buong bayan na umabot
sa palasyo”.

“ Aba’t hindi gaanong nagtagal at


ang kaharian ay bigla na lamang
kinubkob ng nagugulong bayan at
mga kawal na sandatahan!
“ Mamatay, mamatay ang Haring
Linseo. Ang hari ang may kasalanan ng
lahat. Siya ang naglagay sa bayan sa
kagutuman, pagka’t pinalagyan niya ng
estangke ang mga kakanin at trigo!”
Sigawan ng nagagalit bayan.

“ Ang lahat ng ito ay gagawan ng sukab


na si Adolfo. Pinabalikwas niya ang
bayan na naniniwala sa kanyang mga
bulaang paratang laban sa hari”.
Naluluhang nakikinig si Laura kay
Florante habang pinapakinggan ang
pagsasalaysay nito sa kanyang mga
karanasan sa kamay ng gamuhong si
Adolfo.
Isinalaysay naman ni Laura kung
papaano natuldukan ang kasamaan ni
Adolfo sa mga kamay ni Flerida.
“Nang ako’y madako rito ay nakarinig
ako ng tinig ng isang babae na sa paniwala
ko ay humuhingi ng tulong”. Ang
pagpapaliwanag ni Flerida.
Habang patuloy na nagsasalaysay si
Flerida ay siya namang pagdating ni
Menandro. Ganoon na lamang ang
kaligayahan na naramdaman nang muling
magkita ang dalawang magkatoto.
Sa gitna ng kanilang masaya at
maluhang pagkikita ay bigla na lamang
nagdiwang sa kasiyahan ang mga kawal.
“Biba si Florante, ang hari ng
Albanya! Mabuhay, mabuhay si
Prinsesa Laura!”
“ Mabuhay tayong lahat! Mabuhay ang
Albanyang reyno!” ang sukli nina Florante at
Laura.
Ipinakilala ni Florante sina Aladin at
Flerida kay Menandro. Isinalaysay ni
Florante kay Menandro ang nangyari sa kanya
at paano siya iniligtas ni Aladin.
Magkasama silang lahat sa pagbabalik sa
Albanya. Sinalubong sila ng buong bayan.
Hindi nalaon at ginanap ang maharlikang
ppag-iisang dibdib ng apat na magka-irog.
Sina Florante at Laura, Aladin at Flerida.
Naging uliran sa pamamahala ng
kaharian sina Florante at Laura. Gayon
na lamang ang pagmamahal at pagpupuri
sa kanila ng bayan. Ang Albanya ay
namuhay sa karunungan, kabuhayan at
kapayapaan. Magbuhat noon ay hindi na
humiwalay sa kanila ang kaligayahan.
WAKAS.

You might also like