Professional Documents
Culture Documents
Simula: Gumawa ng isang awitin kung saan makikita ang mga sumusunod…
Open Curtain
Scene 1 - KAGUBATAN
Florante:
Nang dahil sa korona ni Haring Linceo,
at sa kayamanan ng dukeng ama ko,
Paalam.
Paalam, Albanyang pinamamayanihan ng lupit at kaliluhan.
mahal kong Laura, paalam na aking sinta,
Gayon man ay hangad ko ang iyong kaligayahan,
madurog man ang aking mga laman at buto, Laura, ikaw pa rin ang mamahalin ko.
Aladin:
Flerida! Flerida!
Ama ko!
Bakit mo ako natiis na magdusa?
(makikita ni Aladin ang dalawang Leong hangos nang paglalakad patungo kay Florante kaya agad
niyang nilabanan ang mga hayop at pinatay.)
Florante:
Nasaan ka, laura, sa ganitong hirap?
Halina, giliw ko’t gapos ko’y kalagin
kung mamamatay man ako sana’y gunitain……- huh? Sino? Sino ka? ISA KANG Moro!
Aladin:
Ipinahayag ng pananamit mo,
taga-Albanya ka at ako'y Persiyano;
ikaw ay kaaway ng bayan ko,
pero sa lagay mo ngayo'y magkaibigan tayo.
Florante:
Kung di mo sana ako kinalagan.
Nalibing na sana ako sa tiyan ng Leon.
bakit mo pa ako niligtas?
sana’y hinayaan mo na lamang akong mamatay.
Aladin:
mapalad ang mga sandaling ito dahil tayo’y nabubuhay pa,
kaya huwag mong sabihin na sana’y hinayaan nalang kita.
Florante:
Salamat. Ano kaya ang maigaganti ko sa iyong kabutihan?
Aladin:
nais kong malaman kung bakit ka narito sa gitna ng kagubatan
Florante:
umid ang dila kong magpahayag ng aking malaking pagtanaw ng utang na loob
kaya’t di lamang ang aking pagdurusa ang ihahayag ko, kundi simula’t sapul sa aking pagkabata.
Tagapagsalaysay:
Sa gitna ng kagubatan ay patuloy na nag-usap si Florante at Aladin, ibinahagi ni Florante ang kanyang
Buhay, Ipinakilala niya ang kaniyang ina at ama, ang karanasan niya sa Atenas na kaniyang
nagsilbing paaralan at kung paano siya nakarating sa kagubatan.
Open Curtain
Scene 2 – Bwitre
Tagapagsalaysay:
Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca.
Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang pinsang si Menalipo na taga-Epiro.
Buitreng ibon – Gagawa ng 1-2 minutong awitin. Naglalaman ang liriko ng mga kataga na kung saan
ay inilalarawan na gustong dagitin ng ibon ang batang florante
Menalipo – Gagawa ng 1 minutong awitin. Naglalaman ang liriko ng mga kataga na naglalarawan sa
pagnanais ni Menalipo na iligtas si Florante sa kahit na anong manyari
Tagapagsalaysay:
Pagkatapos ikwento ni Florante ang kanyang naging karanasan sa kamay ng bwitre ay Ibinahagi rin
niya kay Aladin ang pagnanais ng kaniyang ama na siya ay makapag-aral sa Atenas.
Open Curtain
Scene 3 - KAHARIAN
Duke Briseo:
O, Florante! nais kong sabihin sa iyo,
panahon na para tuklasin ang mundo,
dagdagan ang kaalaman at dunong mo
na pumapaksa tungkol sa ating mundo
Florante:
matutupad ang iyong nais minamahal kong ama .
karununga’y kapangyarihang dapat na tinatamasa
Pagtutol ma’y hindi pumasok sa king isipan,
pagkat kagalakan kong matupad ang iyong kagustuhan
Duke Briseo:
salamat, Florante sa iyong pagtanggap
Matupad sana ang ating pinapangarap,
Ikaw ay tutungo sa lungsod ng Atenas
Upang Matuto at lumiwanag ang landas.
Prinsesa Floresca:
Briseo mahal ko.
kailangan niya bang lisanin ang kahariang ito?
pag-aaral sa malayo ay maaaring magdulot ng lungkot,
kaya’t kung maaari’y paglisan ay iyong iudlot
Duke Briseo:
Tagapagsalaysay:
Dahil sa naging desisyon ni Prinsesa Floresca at Duke Briseo ay tuluyang naglakbay patungo sa
Atenas si Florante, ang Atenas na kaniyang magiging pangalawang tahanan. Dito ay kaniya ng
makikilala si Antenor ang kaniyang magsisilbing guro, makikilala niya rin ang kaniyang magiging
bagong kaibigan, at karibal.
Open Curtain
Scene 4 - ATENAS
Antenor:
maligayang pagdating sa Atenas, Florante!
ito ang paaralang iyong papasukan,
Ako nga pala si Antenor ang iyong magiging guro.
Florante:
Ayaw kong iwanan ang bayan kong Albanya
lalo na’t mapapalayo ako sa aking pinakamamahal na ama’t ina.
Antenor:
Huwag kang mag-aalala Florante, ako muna ang kukupkop sa iyo habang nag-aaral dito,
lilipas rin ang lungkot mo,
halika Florante, paniguradong magugustuhan mo dito
sapagkat magkakaroon ka ng maraming kaibigan at matututo ka ng lubos sa ating paaralan.
Antenor:
Heto si Menandro. Siya ang isa sa mga makakasama mo rito sa Atenas.
Aliwin mo ang iyong sarili, at makisama sakanilang mabuti.
Tagapagsalaysay:
Antenor:
tayo ay magkakaroon ng isang pagsasadula
Dula tungkol sa trahedya ng dalawang apo
Ang magtatanghal ay si Florante’t Adolfo
Florante Bilang Polinise’t Adolfo bilang Etyokles
Adolfo:
Noong una nasa akin lamang ang katalinuhan,
noong una nasa akin lamang ang kapangyarihan.
Sa simula’t sapul nang ako’y mag-aral dito
ako lamang ang nasa itaas!
Ako lamang ang tinitingala!
Menandro:
Ikaw, Adolfo anong nangyayari sa iyo!
nasisiraan ka na ba ng ulo?
Ang pagsasadula’y iyong tinotoo,
hindi mo kailangang gawin ito.
Antenor:
Adolfo, ito’y isang dula-dulaan lamang,
kaya’t hindi katanggap-tanggap ang iyong ginawa.
Ito ay isang malaking kamalian na hindi ko hahayaan.
nais kong bumalik ka sa Albanya at mamuhay ng tahimik at payapa!
Tagapagsalaysay:
Makalipas ang ilang taon sa Atenas, nakatanggap ng isang sulat si Florante na ang hatid ay isang
masamang balita. Ang kaniyang pinakamamahal na ina ay namatay na at ang liham ay nagmula sa
kaniyang ama.
Open Curtain
Florante: Maestro paalam na po
Antenor:
Florante, lagi mong tatandaan
kung ang isasalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t paggiliw,
lalong pag-ingata’t kaaway na Lihim,
siyang isaisip na kakabakain, mag-iingat ka kay Adolfo munting ginoo.
Scene 5 - KAHARIAN
Tagapagsalaysay: Tuluyan ng nagpaalam si Florante sa kaniyang kamag-aral at Siya’y naglakbay
pabalik sa Albanya. Hindi naglaon nagtungo siya sa kaniyang ama, humalik sa kamay at tinanong
ang nangyari sa ina. Habang nag-uusap ay dumating ang embahador ng Krotona upang ibigay ang
liham galing sa hari nila. Sila ay humingi ng tulong dahil sinakop ito ni Heneral Osmalik ng Persya,
sabi-sabi ay pangalawa ito, ng prinsipe niyang bantog sa sangmundo, Alading kilabot ng mga gerero.
Open Curtain
Linceo: O Duke (titingin kay Florante) Sino ito at saang syudad nanggaling? Mukha siyang isang
bunying gerero.
Briseo: Siya’y nag-iisa kong anak na inihahandog sa mahal mong yapak,ibilang sa isang basalyo’t
alagad
Linceo: Mabuting panahon ang iyong pagdating. Ikaw ang magiging pansamantalang heneral ng
hukbo na dadalo sa Krotona laban sa mga Moro. Patunayan mo na ikaw ang matapang na gerero na
magsasabi sa buong mundo ng kapanyarihan ng haring Linceo.
Linceo:
Nabalitaan ko kay Antenor na nagpamalas ka ng angking kahusayan sa Atenas.
Walang duda nagmana ka sa iyong ama.
ikinalulugod kong ikaw ay makilala
ibig ko nga pa lang ipakilala sa iyo
itong anak kong si Laura
Florante:
Mahal na Prinsesa, Liwanag ng mukha mo’y kakaiba,
tila lahat ng binata sa kaharian, sayo’y nahahalina.
Muli,
Magandang umaga, Prinsesa Laura.
Masaya ako’t nakilala kita,
ngalan ko’y Florante, wala ng iba
Open curtain
Laura: maawaing langit, tinig ko’y pakinggan. Iyong iligtas, ang aming kaharian(umiiyak)
Kawal:kahit ano pang sabihin mo, walang sinoman ang tutulong sayo!
Florante: Mahal kong Laura, ikay huwag ng lumuha. Naririto ako upang iligtas ka
Laura: Florante ng dahil sa iyo naiiligtas, ang ama ko’t ama mo kasama na ang iba pang taga-
Albanyang nabilanggo.
Pause-Close Curtain
………………
Scene 6 - PERSIYA
Tagapagsalaysay: Samantala sa kaharian ng Persiya…
Open curtain
Sultan Ali-Adab:
(hindi pa siya tapos magsalita ay susunggaban siya ng mga kawal, mapupumiglas si Aladin ngunit
wala itong silbi.)
Flerida:
Mahal na Sultan! Hiling ko,
Prinsipe Aladin iyong Pakawalan,
papayag ako sa kahit na ano mang kasunduan.
Sultan Ali-Adab:
Sige, hahayaan ko siyang mabuhay, sa isang kondisyon.
Flerida:
A-ano po iyon?
Sultan Ali-Adab:
ako ay iyong pakakasalan
Aladin:
Flerida, mahal ko! HUWAG KANG PUMAYAG!
Flerida:
kung ito nga talaga ang nais mo
pumapayag ako na ika’y pakasalan,
Aladin:
Flerida, HINDE! HUWAG! (binabanggit ito habang kinakaladkad papalayo)
…………..
Pause-close curtain
Scene 7 - KAGUBATAN
Tagapagsalaysay: Sa Kasalukuyan, sa madilim na bahagi ng kagubatang Albanya
mapagnasang si Adolfo’y kabig-kabig si Laura
Open curtain
(hihigpitan ni Adolfo ang hawak kay Laura, mapapasigaw si laura sa takot at sakit)
Flerida: O Aladin!
VIVA FLORANTE!
VIVA ALBANYA
VIVA FLORANTE HARI NG ALBANYA!
MABUHAY PRINSESA LAURA
SALAMAT ALADIN
SALAMAT FLERIDA
(Dahil sa pagkamatay ni Haring Linceo at Duke Briseo, pinalitan sila ni Florante. Sa kanyang
paghahari, nanumbalik ang dating katangian ng Albanya nagkaroon muli ito ng kapayapaan,
umunlad, nagkaisa at bumalik ang dating sigla