Professional Documents
Culture Documents
Kay Selya
Inalala ni Balagtas ang naudlot na pagmamahalan nila ng kanyang mahal na
si Selya. Siya ay nababahala na baka nakalimutan na siya nito maging ang
mga ala-ala ng kanilang pagsasama.
Ang pagkalimot na iyon ay ang nagdala sa kanyang kapalaran sa lubhang
kalungkutan. Sa pag-aakalang tuluyan ng nakalimot si Selya, siya ay
nangulila sa pagmamahal at nagdusa.
Inaliw na lamang niya
ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-alala sa nakaraan at sa mukha ni
Selya upang maibsan ng kahit na konti ang kanyang kalungkutan.
Iginuhit niya ang magandang mukha ni Selya, ang larawan na iyon ang
tanging ala-ala niya.
Inaalala din niya ang kanilang mga ginagawa nung sila ay magkasintahan pa
katulad ng ilog ng Beata at Hilom, ang puno ng manga na gustong pitasan si
Selya, at ang dagat na kanilang pinagliliguan na ayon pa kay Balagtas ay
inaagapan nila ito upang hindi maabutan ng alat ng dagat.
Sa Babasa Nito
Nagpapasalamat ang may akda sa mga babasa ng kanyang awit.
Ang awit na ito ay isa lamang kathang-isip ngunit may ibang nilalaman kung
ito’y susuriin.
Ito’y maihahalintulad sa isang bubot na prutas sa unang tingin ngunit masarap
kung ito’y nanamnamin.
Pakiusap ng may akda na huwag babaguhin ang berso ng kanyang orihinal
na akda at suriin muna bago pintasan.
Talasalitaan:
Ginugunita – inaalala
Napapawi – nawawala, nabubura
Pansamantala – panandalian
Dusa – paghihirap
Paghihinagpis – pagdadalamhati
Talasalitaan:
Tinahak – tinungo o dinaanan ang isang pangyayari o daan
Alingawngaw – tumutukoy sa pag-uulit ng tunog (echo)
Kinahantungan – sinapit
Baluti – panangga sa katawan; kasuotang panlaban (armour)
Talasalitaan:
Lunas – gamot
Lilingapin – alalayan, tulungan
Maaapula – mawawala, mapapatay
Dalita – mahirap, maralita
Panaghoy – pagdaing, pagluluksa
Florante at Laura Buod Kabanata 11: Ang Mabuting Kaibigan (Saknong 136 –
145)
Nang mapagtagumpayan ni Aladin ang nagbabadyang panganib na dala ng
dalawang leon ay agad niyang pinakawalan ang nakagapos na si Florante.
Ito ay walang malay at ang katawan ay malata na parang bangkay. Gulong-
gulo ang kanyang loob ngunit muling napayapa ng idilat ni Florante ang
kanyang mga mata.
Sa kanyang pagdilat ay agad niyang sinambit ang pangalan ni Laura.
Talasalitaan:
Nagbabadya – nagbabanta
Nakagapos – nakatali
Malata – nanlalambot
Pagdilat – pagbukas ng mata
Sinambit – sinabi, binanggit
Florante at Laura Buod Kabanata 13: Ang Pag-aalaga ni Aladin Kay Florante
(Saknong 156 – 172)
Binuhat ni Aladin si Florante ng makita nitong lumulubog na ang araw.
Inilapag ito sa isang malapad at malinis na bato.
Kumuha ng makakain at inaamo si Florante na kumain kahit konti lamang
upang magkaroon ng laman ang tiyan nito. Umidlip si Florante habang ito ay
nakahiga sa sinapupunan ni Aladin.
Kinalinga ni Aladin si Florante buong magdamag dahil sa pag-aakalang may
panganib na gumagala sa gubat.
Nang magmadaling araw ay nagising na si Florante at lumakas muli ang
katawang hapo. Lubos ang pasasalamat ni Florante kay Aladin. Tuwang-tuwa
si Aladin at niyakap niya si Florante.
Kung nung una ay awa ang dahilan sa pag-iyak ni Aladin, ngayon naman ay
napaluha siya dahil sa tuwa.
Talasalitaan:
Inamo – sinuyo
Umidlip – natulog
Sinapupunan – bahay-bata; kinakanlungang mga hita; ibaba ng hita na
pinagkakalungan; dibdib o suso ng babaeng tao o hayop
Kinalinga – inalagaan
Hapo – hingal
Florante at Laura Buod Kabanata 17: Ang Kataksilan ni Adolfo (Saknong 215
– 231)
Paglaon ay mas nahasa ang katalinuhan ni Florante. Naging magaling siya sa
larangan ng pilosopiya, astrolohiya, at matematika.
Naging matagumpay sa buhay si Florante at si Adolfo naman ay naiwan sa
gitna. Siya ay naging tagapamalita sa Atenas.
Naging bukambibig sa taong bayan ang pangalan ni Florante. Dito na
nagsimulang mahubadan si Adolfo ng hiram na kabaitan at ang kahinhinang
asal sa pagkatao ay hindi bukal kay Adolfo.
Talasalitaan:
Paglaon – paglipas
Pilosopiya – mga kuro-kuro ng isip
Astrolohiya – palagay sa mga ipinahihiwatig ng mga bituin sa langit
Matematika – agham ng mga bilang
Bukambibig – tao o bagay na siyang laman ng pinag-uusapan
Kahinhinan – marahan
Bukal – natural
Florante at Laura Buod Kabanata 18: Ang Kamatayan ng Ina ni Florante
(Saknong 232 – 239)
Isang taon pa ang ginugol si Florante sa Atenas nang makatanggap siya ng
isang liham na na nagsasabi na patay na ang kanyang ina.
Parang batis ang kanyang mga mata dahil sa pagluha. Pakiramdam niya ay
nawalan siya ng isang matibay na sandigan at nakikibaka ng mag-isa sa
buhay.
Talasalitaan:
Ginugol – pinaglaanan, ginastos
Liham – sulat
Batis – antong tubig na mas maliit kaysa ilog, walang tigil sa pag-agos
Sandigan – sandalan
Nakikibaka – nakikipaglaban
Florante at Laura Buod Kabanata 19: Mga Habilin ni Antenor kay Florante
(Saknong 240 – 253)
BIlin ni Antenor, guro ni Florante na mag-iingat at huwag malilingat sa
maaaring gawing paghihiganti ni Adolfo.
Wag padadala sa masayang mukha na ipakita nito sa kanya. Maging
mapagmatyag daw ito sa sa kalaban na palihim siyang titirahin.
Talasalitaan:
Habilin – payo
Malilingat – mawala sa pokus
Mapagmatyag – alerto, mapagbantay
Palihim – patago
Titirahin – kakalabanin
Florante at Laura Buod Kabanata 21: Ang Heneral ng Hukbo (Saknong 264 –
274)
Agad nagtungo sina Duke Briseo at Florante kay Haring Linceo ng malaman
ang balita na pagbabanta sa Krotona.
Hindi pa man nakakaakyat sa palasyo ay sinalubong na ang mga ito ni Haring
Linceo. Niyakap niya si Duke Briseo at kinamayan naman si Florante.
Nagkwento si Haring Linceo na may nakita siyang gerero sa kaniyang
panaginip, na kamukha ni Florante, na siyang magtatanggol sa kaharian.
Tinanong ni Haring Linceo kay Duke Briseo kung sino ito at kung taga saan
ito. Sumagot naman ito na ang kamukhang binata na iyon ay si Forante, ang
anak niya.
Sa pagkamangha ni Haring Linceo ay niyakap niya ito at ginawang Heneral
ng hukbo na tutulong sa Krotona.
Talasalitaan:
Nagtungo – nagpunta
Pagbabanta – babala na may halong pananakot
Gerero – mandirigma
Pagkamangha – pagkagulat
Hukbo – grupo ng mga mandirigma
Florante at Laura Buod Kabanata 23: Pusong Sumisinta (Saknong 288 – 295)
Dahil sa biglaang pagkakita kay Laura, nawala na sa diwa si Florante. Hindi
na ito makapag-isip ng maayos dahil sa hindi inaasahang pagkakita muli sa
kanyang mahal na si Laura.
Tatlong araw siyang piniging ng hari sa palasyo ngunit hindi man lang tinignan
ni Florante si Laura. Mas matindi pa ang sakit na dinulot ng pag-ibig kaysa sa
sakit ng mawalan ito ng ina.
Mabuti at nabigyan siya ng kaunting pagkakataon na makasama si Laura
bago pumunta ang hukbo ni Florante sa Krotona.
Umamin si Florante na mahal pa rin niya si Laura ngunit wala itong sagot.
Tumulo ang isang patak ng luha mula sa mga mata ni Laura.
Malapit ng bumigay si Laura sa mga sinasabi ni Florante ngunit nanaig pa rin
ang kanyang isip.
Talasalitaan:
Diwa – pag-iisip
Piniging – pagtitipon na may maraming handa (fiesta)
Dinulot – resulta
Hukbo – grupo ng mga mandirigma
Nanaig – nangibabaw
Florante at Laura Buod Kabanata 25: Pagsagip Kay Laura (Saknong 314 –
323)
Nanatili si Florante sa Krotona ng limang buwan. Gusto na niyang makauwi sa
Albanya dahil gusto na ulit niyang masilayan si Laura.
Habang nag mamartsa ang hukbo pauwing Albanya ay nakita nila ang mga
moog ng siyudad. Nakita rin niya ang bandila ng Persiya imbes na bandera ng
Kristiyano.
May nakita silang grupo ng mga moro sa paanan ng bundok na may
kasamang isang babae na nakatali ang mga kamay at nakatakip ang mukha.
Mukhang papunta sa lugar na kung saan ay pupugutan ng ulo ang babae.
Dali-daling nilusob ni Florante ang morong nagbabantay sa babae at ito ay
napatakbo.
Sinaklolohan ni Florante ang babae, tinanggal nito ang mga tali sa kamay at
takip sa mukha. Ang babae pala ay si Laura.
Napatingin ng malalim si Laura kay Florante. Ang mga tingin na ito ay siyang
nagtanggal ng paghihirap sa puso ni Florante. Narinig niya ang sinabi ni Laura
na “Florante, Mahal ko”.
Talasalitaan:
Pagsagip – pagligtas, pagtulong
Masilayan – makita
Hukbo – grupo ng mga mandirigma
Moro – muslim
Nilusob – sinugod
Moog – napapaligiran ng pader