You are on page 1of 3

Buod ng Florante at Laura - Kabanata 1 -10 only

Kabanata 1 Gubat na Mapanglaw

Sa isang gubat na malungkot, Napakadilim at masukal, Hindi makapasok maging Liwanag ng


araw. Ang mga halaman at Bulaklak ay kapwa kulay itim Dahil sa dilim ng gubat. Lubhang
mapanganib dito Sa dami ng gumagalang Mababangis na hayop.

Kabanata 2 Ang Nakagapos na Binata

Sa gitna ng gubat ay may puno ng Higera kung saan nakagapos Ang isang lalaki na nagngangalang
Florante. Sa kabila ng kanyang Pagkagapos at kaawa-awang Itsura ay bakas pa rin sa kanya Ang
mala-adonis na kakisigan. Mayroong makinis na balat, Mahahabang pilik-mata, buhok Na kulay
ginto, at magandang Pangangatawan.

Si Florante ay naiiyak habang Sinasariwa ang kanyang mga Pinagdaanan at ang paglapastangan Sa
kaharian ng Albanya sa mga Kamay ni Konde Adolfo. Hindi pantay ang pagturing sa mga Tao sa
Albanya. Ang mga masasama Ay siyang itinataas at ang mga Makatuwiran naman ay ibinababa.
Ngunit nananatiling bingi ang langit Sa mga panawagan ni Florante

Kabanata 3 Alaala ni Laura

Habang nakatali’y, sa tuwing naalala Ni Florante si laura ay napapawi nang Pansamantala ang
kanyang dusa’t Paghihinagpis. Si Laura na lamang ang Natitirang pag-asa para kay Florante Ngunit
labis ang sakit kung maiisip na Ang kanyang mahal ay nasa piling na ng Kanyang kaaway na si
Konde Adolfo. Mas nanaisin pa niyang mamatay nalang Kaysa sa palaging maalala na ang
Kaniyang sinisinta ay nasa piling ng iba.

Kabanata 4 Pusong Nagdurusa

Lubos ang kasawian ni Florante Kahit ang taong masama Ay maaawa sa kanyang kalagayan.
Maririnig sa buong gubat ang mga iyak Niya ngunit sariling alingawngaw Lang niya ang sumasagot
sa kanya. Hindi makapaniwala si Florante Sa kanyang kinahantungan. Labis ang pagmamahal niya
para Kay Laura ngunit nagawa pa rin Siyang pagtaksilan nito.

Naalala ni Florante na sa Tuwing Uutusan ng amang hari ni Laura na Si Florante ay mangubat,


luha ng pag-aalala Ang laging mababakas sa mata At mukha ng dalaga. Tinitiyak ni Laurang
malinis at handa Ang lahat ng gagamitin ni Florante. Nilalagyan niya pa ng letrang “L” Ang
turbante ni Florante.
Pagkagaling sa digmaan labis lagi ang Pag-aalala ni Laura. Hindi maniniwalang Si Florante ay ligtas
kaya’t ito’y kanyang Tinitiyak agad sa hardin aaliwin at Nilulunasan maging konting gasgas. Lahat
pala iton ay hindi totoo. Kaya’t hinimatay si Florante Dahil sa labis na hirap ng kalooban.

Kabanata 5 Halina, Laura ko

Para kay Florante si laura lang Ang tanging lunas sa kanyang hirap. Uaasang siya ay muling
aalagaan ni Laura nais niyang lunasan ni Laura ang sugat na Hindi dahil sa sugat ng espada,
Kinakausap niya ang sinta na siya’y Kalagan at bihisan nang Ang hirap ay mabawasan

Labis na ang hirap Na kanyang tinitiis. Ulila na siyang lubos, ngayon nama’y Kasintahan niya’y
sumama sa iba. Kahit anong gawin sa kanya ni Adolfo Ay kanyang tatanggapin huwag lamang Si
Laurang agawin. Sa labig na panibugho’u nawalan siya Ng malay a ang mukha’y Tila na isang
bangkay

Kabanata 6 Ang Pagdating ng Moro sa Gubat

Isang gererong May putong na turbante ang Napadpad sa gubat. Siya si Aladin na taga-persiya.
Humahanap siya ng Mapagpapahingahan na di kalauna’y Hinagis ang hawak na sandata.
Tumingala sa langit at Nagbuntong-hininga Sabay upo sa tabing puno.

Doon ay nagsimulang Tumulo ang kanyang luha. Muli na naman niyang naisip si Flerida, Ang
kaniyang pinakamamahal Na inagaw ng kanyang Sariling ama. Sa labis na paggalang sa ama ay
Hindi niya magawang gumanti.

Kabanata 7 Pag-alaala sa Ama

Habang umiiyak, narinig bigla ni Aladin ang tinig Ni Florante na tila hinahanap Ang kanyang
amang si Duke Briseo. Sa pagnanais ng kapangyarihan Ni Konde Adolfo ay Pinapatay nito sa
Berdugo Si Duke Briseo.

Tila nakikita pa ni Florante Ang mapagmahal na ama Kung paano humiwalay ang ulo Sa katawan
nito. Ni isa’y walang nais ilibing Ang bangkay sa takot na maparusahan ng kalaban.

Habang nakabaon ang mukha sa sariling luha, narinig niya ang isang tinig na kay Florante, na tila
hinahanap ang kanyang ama sa pagnanais ng kanyang kapangyarihan. Hanggang sa napatay si
Duke Briseo ni Konde Adolf.

Kabanata 8 Paghahambing sa Dalawang Ama

Kung ang pagtangis ni Florante Ay dahil hinahanap-hanap niya Ang labis na pagmamahal ng
Kanyang amang si Duke Briseo, Kakaibang sakit naman ang nararamdaman ni Aladin Kung
ihahambing ang ama niyang Si sultan Ali-Adab mula sa tinig na kanyang naririnig.
Ang ama ni Florante Ay binusog siya sa pagmamahal. Ang ama ni Aladin ay binusog Siya sa sama
ng loob. Inagaw nito ang kasintahan at Nagtangka pa itong Siya’y ipapatay. Dito’y muli niyang
narinig ang Tinig na tila nagpapaalam na Kay Laura.

Kabanata 9 Dalawang Leon

Namamaalam at nagbibilin Na rito si Florante Kay Laura nang dumating ang Dalawang leong
handang Kainin siya anumang dandali. Nagpaalam na siya sa mahal Na bayang Albanya. Hinihiling
niyang ipagtanggol nawa Ito ng mga natitirang Matutuwid.

Huminto at tila naawa Ang mga leon sa harap ng Lumuluhang si Florante. Naghihinanakit siya Sa
kanyang bayan na Tila kinalimutan na ang Ginawa niyang pagtatanggol Noon laban sa mga
kaaway.

Ang higit na masakit Ay walang sinumang Makaaalala sa kanya Sapagkat iniisip niyang Si Laura’y
nagtaksil sa Kanilang pagmamahalan Na kahit mamatay siya’y Patuloy niyang mamahalin.

Kabanata 10 Aladin Laban sa Leon

Hinahanap na ni Aladin Ang tinig na naririnig Dahil sa labis na awa. Nang makita niya, ang
binatang Nakatali ay isang kristiyano na Matinding kalaban nilang Mga muslim.

Nagdalawang isip ng saglit Pagtulong subalit nakita Niyang nasa bingit ng kamatayan Ang binata.
Mabilis siyang kumilos upang Mapatay ang dalawang leon.

Nang mapatay ang leo Sinuri niya ang mukha at dibdib Ng tinulungan dahil Mukha na itong
bangkay. Masaya siya nang kumilos ito Tanda na ito ay ligtas At buhay.

Mga Tauhan sa Florante at Laura


Florante
- Si Florante ay ang unang karakter na ipinakilala sa storya ng Florante at Laura. Siya din ang
pangunahing bida ng Florante at Laura

- isang lalaking may buhok na kulay ginto, makinis na balat at magandang pangangatawan.

- Siya din ang anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca

- Isa siyang magiting na bayani at heneral ng Albanya

- Isang lalaking umiibig sa isang Prisesa ng kaharian ng Albanya, si Laura.

You might also like