You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Division of Cavite
MUNTING ILOG INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Munting Ilog, Silang, Cavite
SUMMATIVE NA PAGSUSULIT SA FILIPINO 8
TP 2020-2021
Pangalan ng Mag-aaral: __________________________________________________________
Asignatura: Filipino Guro: Edith B. Velazco / Crystel Anne A. Vivar
Baitang at Seksyon: 8 Kwarter / Linggo: 3 / 3-4

Pangkalahatang Panuto:1. Basahin at unawain ang mga panuto sa bawat bilang.


2. Gumamit ng isang buong papel sa pagsasagot.
3. Sumulat nang malinaw, maayos, at nauunawaan.
LINGGO 3 – MELC 9 – Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon at personal na interpretasyon
ng kausap
MELC 10 – Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag
MELC 11 - Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan

Panuto:Tukuyin kung katotohanan, hinuha, opinyon o personal na interpretasyon ang mga sumusunod na pahayag.
Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot .

1. Batay sa school calendar na ibinaba ng DepEd, sa Hunyo 2021 ang pagtatapos ng Taong Panuruang 2020-2021.
A. hinuha B. katotohanan C. opinyon D. personal na interpretasyon
2. Mukhang ganito pa rin ang sitwasyon sa susunod na taong panuruan.
A. hinuha B. katotohanan C. opinyon D. personal na interpretasyon
3. Kung ako ang tatanungin, marapat lamang na pag-ibayuhin pa rin ang pag-iingat upang makaiwas sa COVID-19.
A. hinuha B. katotohanan C. opinyon D. personal na interpretasyon
4. Para sa akin, mas mabuting bigyan ng ayuda ang mga nawalan ng trabaho ngayong may pandemya.
A. hinuha B. katotohanan C. opinyon D. personal na interpretasyon
5. Ayon sa datos ng DepEd, maraming balik-aral ang nagpatala ngayong taong panuruan.
A. hinuha B. katotohanan C. opinyon D. personal na interpretasyon

LINGGO 4 – MELC 9 – Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa radio broadcasting.


MELC 10 – Naisusulat nang wasto ang isang dokumentaryong panradyo.
- MELC 11 - Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa paghahayag ng konsepto ng pananaw (ayon,
batay, sang-ayon sa, sa akala, iba pa)

6. Ang “Lagitik ng hagdanan”, ay halimbawa ng _____.


A. BIZ B. Chord C. SFX ` D. SOM
7. Ito ay tumutukoy sa patalastas o komersiyal sa bawat pagitan ng programa na nagsisilbing isponsor ng programang
panradyo.
A. BIZ B. Client C. SFX D. Standard Cord
8. Ang halimbawa nito ay “Basta Radyo, Bombo!”.
A. BIZ B. Chord C. SFX D. Standard Chord
9. Ito ay maikling musika na mag-uugnay sa putol-putol na bahagi ng iskrip sa radyo.
A. Buzz B. Clarity C. SFX D. SOM
10. Salitang ikinakabit kapag ang kausap ay kapanalig mo na maririnig mo lamang sa radyo.
A. kasangga B. kapatid C. kasama D. katandem
11. ________ Huse, bawal pumunta sa pagdiriwang ng pista si Mutyang Perdin.
A. Ayon kay B. Alinsunod kay C. Samantala D. Sa kabilang dako
12. __________ kaugalian ng mga ninuno natin, maluwag nating tinatanggap ang isang tao kung ang hagdanan ng tahanan ay
ibinababa.
A. Alinsunod kay B. Batay sa C. Sa kabilang banda D. Sa kabilang dako
13. Nagkaroon ng inggit si Panoi kay Huse _________ mabait siya sa lahat ng taong kaniyang nakakasalamuha.
A. batay sa B. palagay ko C. samantala D. sa kabilang dako
14. _________ kaugalian, ang paghingi ng tubig pagpasok sa tahanan ay isang magandang ugaling mayroon ang tao.
A. Ayon kay B. Batay sa C. Sa kabilang banda D. Sa kabilang dako
15. Naituro nang lahat ni Tomas ang dapat na malaman ng mga taga-Gapan kaya naisipan niyang umalis at bumalik sa
kalangitan, _________ nalulungkot si Aliah at ang kaniyang dalawang anak.
A. alinsunod sa B. samantala C. sa kabilang banda D. sa kabilang dako

Inihanda nina : Sinuri at iniwasto ni: Pinagtibay ni :

EDITH B. VELAZCO BENIPIE S. ATLAS ERMELINA P. ASUNCION


Guro I Dalubguro II Ulongguro III

CRYSTEL ANNE P. AQUINO AURORA P. CHAVEZ


Guro I Punongguro

Page 1 of 1

You might also like