You are on page 1of 17

8

FILIPINO
KUWARTER 3 – MODYUL 7
DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA
MELC’s:
 Nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at pananaw ng nagsasalita.
 Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa:
- paksa/tema -layon -gamit ng mga salita -mga tauhan
 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng pelikula.
 Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang isyung mahihinuha sa
napanood na pelikula.
 Nagagamit ang kahusayang gramatikal (may tamang bantas, baybay, magkakaugnay na
pangungusap/ talata sa pagsulat ng isang suring- pelikula.
K to 12 BEC CG (Competency Code F8PN-IIIg-h-31, F8PB-IIIg-h-32,
F8PT-IIIg-h-32, F8PD-IIIg-h-32, F8WG-IIIg-h-33)
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
(PAKIKINIG, PAGBASA, PAGLINANG NG TALASALITAAN,
PANONOOD, WIKA AT GRAMATIKA )

Panimula
Anumang bagay na napanonood, nakikita at napakikinggan ay hindi maikakailang nagkaroon ng
malaking impluwensiya sa pananaw, pamumuhay at kultura ng mga Pilipino. Sa modernong panahon ngayon
na gamit lamang ang internet madali na lamang makapapasok sa mga websites upang manood ng pelikula
gaya ng Netflix at Youtube. Lumawak na rin ang saklaw ng mga dokumentaryong pampelikula
sapagkat kabilang na rin ito sa mga kategorya ng mga palabas na maaaring panoorin sa internet. Ang mga
ganitong uri ng palabas ay instrumento sa pagmulat ng ating kamalayang panlipunan. Sinasalamin nito ang
katotohanan
ng buhay sa likod ng ngiti, hirap at tagumpay ng tao sa lipunang kanyang ginagalawan.

Alamin… DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA

Ang Dokumentaryong Pampelikula ay ekspresyong biswal, nagtatampok ng realidad at katotohanan ng


buhay ng isang lipunan. Nagbibigay ng impormasyon, nanghihikayat at nagpapamulat ng kaisipan at
kamalayang-panlipunan.
Sa pamamagitan ng tinatawag na “Cinema Verite” ang salitang French na nangangahulugang “film
truth” o “pelikula totoo” kung saan nagkaroon ng totohanan at aktuwal na pagtatagpo at pag-uugnay ng mga
pangyayari sa pagitan ng “filmmaker” o tagalikha ng pelikula at ng kanyang “film subject” o pinakapaksa ng
dokumentaryo. Sa pamamagitan nito, mas nagiging makatotohanan, mabisa at makabuluhan ang isang
dokumentaryo.

Tunghayan, basahin at unawain ang iskrip ng isang dokumentaryong pampelikula sa direksyon ni


Brillante Mendoza, isa sa pinakamahusay na direktor ng bansa sa kasalukuyan lalo na sa paglikha ng mga
Independent o Indie Films o yaong mga pelikulang malaya sa kanilang tema at pamamaraan na ang
pinakalayunin ay buksan ang kaisipan ng mamamayan tungkol sa mga isyung panlipunan.

"MANORO ” (Ang Guro)


(Sulyap sa Kabihasnan, Isang Realisasyon)
Hinalaw at Isinalin ni Jet Oria Gellecanao
I-access lamang ang link na ito kung nais mapanood ang pelikula:
https://www.youtube.com/watch?v=KLXTvH7b1hI

EKSENA 1 – Araw ng Pagtatapos (Graduation Day)


Araw ng Graduation sa Sapang Bato Elementary School sa Angeles City. Ito’y napakahalagang araw para sa
mga katutubong Aeta na magtatapos ng elementarya. Isa na rito si Jonalyn Ablong. Hindi magkamayaw ang
lahat. Maririnig ang ilang mga usap-usapan:
Babae1 : Dala mo ba ang camera mo?
Babae 2 : Hindi eh, naisanla ko kahapon.
Ina 1 : Nasaan na si Jonalyn, magsisimula na ang seremonya.
Batang Babae : Kasama yata si Kulitis, nagme-make-up.

1
Ina 2 (nakangiti sa anak) : Ang sampagita na ito ay para sa mga ga- graduate tulad mo, huwag kang mahiya.
Bagay sa ‘yo ‘to. Nakadaragdag pa sa ingay ng paligid ang malalakas na hagulgol ng mga
sanggol. Samantala, muling maririnig ang ganitong mga usapan:
Estudyante 1 : Aalis na bukas si Kiray, mamamasukan siyang katulong sa isang Intsik sa bayan.
Estudyante2 : Gusto ni Jonalyn na makapaghayskul. Tuturuan niya rin kaming magbasa ngayong summer
para makuha niya na rin ang scholarship na gusto niya ngayong Hunyo.
Babae 1 : Isa ka ba sa mga estudyante niya?
Babae 2 : Oo, pati ang pamilya ko, lalo na ngayong Mayo, panahon ng eleksyon.
Pumila na si Jonalyn para sa martsa, nakangiti, nagmamasid-masid sa paligid. Nagsimula na ang
teacher- emcee na magpakilala ng mga panauhin. Binanggit ang isa sa mga tanyag na linya: What you sow, is
what you reap. Masaya ang buong paligid, ngunit magulo rin. Sa isang bahagi ng paaralan ay may
maliliit na batang naghaharutan at nag-aaway. Medium close-up shot sa isang mensaheng nakadikit sa
dingding: “Bawat Graduate, Bayani at Marangal na Pilipino.” Picture-taking time na, biglang nagtanong ang
kanilang guro:
Guro: Dapat labing-anim kayo, nasaan si Pikoy?
Estudyante: Wala po siya, nagpatuli po kasi kahapon.

EKSENA 2 – Sa Isang Jeep na biyahe patungong Resettlement Area ng mga katutubo


Sa isang dyip na papunta na sa resettlement area ng mga Aeta malapit sa paanan ng kabundukan, masaya at
nagtatawanan ang mga katutubo sa loob ng dyip. Tinanong si Jonalyn ng mga kasamahan kung ilan lahat ang
mga litrato niya at kung magkano lahat ang mga ito.
Inang Aeta: Naghanda kami ng kakaining noodles para sa inyong mga gumradweyt. Ito ay tanda ng ating
pasasalamat kay Apo Namalyari.
Jonalyn: Nung minsang nagluto kami ng noodles sa bahay, parang isang linggong sumama ang
tiyan ni
Lolo.” (sabay hagikhikan ang lahat)

EKSENA 3 – Ang Pangangampanya at ang Komunidad


(Dahil sa nalalapit na ang eleksyon, napadaan ang isang sasakyang nangangampanya, tumilapon ang
mga sample ballot sa kalye, malapit sa mga batang katutubo na nagsisipaglaro)
Bata 1 : Oy akin ‘yan, huwag kayong magulo, tingnan n’yo, magkakaparehas lahat ang nakasulat sa papel!
(Habang papunta sa tindahan, nasalubong ni Jonalyn ang maliliit na batang kaniyang tinuturuan, naliligo ang
mga ito sa isang poso ng tubig, bumati ang mga ito…
“ Maaryong aga, mam.”)
Jonalyn: O sige, bilisan n’yo dyan, baka sipunin kayo
Jonalyn: Freddie, napraktis mo na ba ang pagsulat mo?
Lalaki: Oo, sinisikap ko
Jonalyn: Nakita mo ba ang Apo (lolo)ko sa bundok?
Lalaki: Hindi, hindi ko siya nakita,
Babaeng Aeta: “Jonalyn, kunin na ninyo ang bigas na para sa inyo.”
Jonalyn: Sige po, si Mamang na lang daw po ang kukuha mamaya.
Babaeng Aeta: O sige, kasi pag wala dito hindi na mabibigyan, gusto ko pa namang ibahagi ang ani ko sa
lahat.

EKSENA 4 – Sa Tahanan nina Jonalyn


Jonalyn: Tigdadalawa lamang ng tinapay ang kada isa, kakain pa rin kasi sina Mamang at Papang, pero
bago ko kayo bigyan, magbibilang muna tayo ng tinapay, sabayan n’yo ako.
2
Mga Kapatid: Isa…Dowa…Tatlo…Apat! (Habang sabay na bumibilang ang maliliit niyang kapatid.)
Nakakagutom lalo ang magbilang.
Ina ni Jonalyn: Jonalyn, pakitsek mo naman eto.
Jonalyn: O, Mamang ba’t dito n’yo sinulat ang pangalan n’yo? (Sabay bura) Sino ho bang iboboto ny’o, si
GMA? Ganito po isulat ang pangalan niya,tingnan n’yo po at tandaan, ‘di po sapat na alam nyo lamang ang
pagbigkas.
Mang Edgar (ama ni Jonalyn): Jonalyn, pakitingnan mo nga kung may nakikita ng tao sa TV!
Jonalyn: Wala pa, wara pang nakikitang tawo! Malabo! Malabo! (Bumaba sa puno ang ama, nagmamadali,
tila nadupilas, nahulog at bigla ang pagkabagsak; nagulat si Jonalyn, pinuntahan ang ama, ngunit sa mukha ng
kaniyang tatay ay tila walang nangyari)
Mang Edgar: Kelangan na nating sunduin ang Apo (lolo) mo sa bundok.
Jonalyn: Oo nga, ang sabi niya pa naman, bababa siya ng bundok para makaboto.
Mang Edgar: Ang tigas kasi ng ulo ng lolo mo, sinabi kong huwag nang manghuli ng baboy-ramo sa bundok
at nauubos na ang mga ito sa ngayon. Tara na, at kelangan na nating umalis ngayon!

EKSENA 5 – Simula ng isang malayong paglalakad


(Sa paglalakad ng mag-ama ay nasalubong nila ang isang sasakyan kung saan naroon ang mga
Koreano, binati nila ang isa’t isa.)
Koreano: (pinatutungkulan ang ama ni Jonalyn): “Yu nid to fill-up aplikey-shen form for your job... (ibig
sabihin ay kelangan nitong magpasa ng aplikasyon para sa trabaho)
Mang Edgar: Jonalyn, tulungan mo akong maigi kung paano magbasa at magsulat.
Jonalyn: O sige, para makaboto ka.
Mang Edgar: Huwag na, hindi na mahalaga ‘yon, pagsasayang lang ng oras yan, narinig mo naman ang
mga Koreano, kelangan ko na mag-fill-up ng aplikasyon. (Sinimulan ng mag-ama ang mahabang paglalakad
upang hanapin ang kanilang Apo Bisen,..mahabang paglalakad na tila isang walang katapusang
paglalakbay,...paglalakbay para sa kinabukasan.)
(Nasalubong nila si Apo Almario...)
Jonalyn: Apo Almario, nakita nyo po ba ang aking Apo Bisen?
Apo Almario: Hindi, hindi kami nagkita!
Ama: Ngunit sabay kayong umakyat ng bundok
Apo Almario: Oo, ngunit naghiwalay kami ng landas.
Jonalyn: O sige po, salamat, bomoto ka bukas!

EKSENA 6 – Patungo na sa Kabundukan


(Masayang naliligo ang mga bata sa ilog, mula roon uminom naman ng tubig ang batang Aeta na si Jonalyn;
humuli ng palaka ngunit nasita ng kaniyang ama kaya’t muli niya itong ibinalik sa tubig, sa may kangkungan,
nandiyang siya ay sumandaling umihi, nakatapak rin ng dumi ng kalabaw, naghugas sa isang bahagi ng ilog-
ilogan; sa bahaging yaon ay narinig nila ang isang tinig mula sa kabundukan na umaawit...isang awit
ng papuri:
“Apo Namalyari Kami’y wala, kung hindi dahil sa ‘yo, Makapangyarihang Isa Kami ngayo’y nangagtipon ,
Dito sa aming taniman , Kayo lamang ang makatutulong sa amin” (Ang awiting yaon ay tila kumurot sa puso
ni Jonalyn; kaya’t siya’y napaawit rin): “Ako’y nagsabi kay tatay, Manghuhuli ako ng usa, “Ako’y
nagpaalam kay nanay Para manghuli ng ibon Ngunit ako itong nahuli Ng katutubong Aeta
Mang Edgar: Nakita n’yo ba ang aking Ama?
Mga Katutubo (nagsisipagtanim): Hindi, hindi pa rin siya nagpakita, mga dalawang araw na ang
nakalilipas.
Mang Edgar: Jonalyn, dito ka lang kasama nila, ako na lamang ang maghahanap sa Apo mo doon sa mas
malayo.
Jonalyn: Amang, tara munang magdasal. (Sabay lumuhod ang mag-ama at itinaas ang mga
kamay)
Apo Namalyari... Sana’y ligtas ang aming Apo Bisen tatlong araw na po siyang nawawala. Sana po ay
amin siyang makita sa lalong madaling panahon
Jonalyn: Amang, mag-ingat
ka!
Mga Katutubo: Tara na, sumama ka sa amin, maghanda tayo ng
pananghalian!

EKSENA 7 – Ang pananghalian


Katutubo: Gulay na naman! Ang paborito ko ay tubang-
manok!
Katutubo: (Habang kumakain) ‘Dyuna, turuan mo kami uli kung paano magbasa at magsulat ah,
kasi magboto kami!”
Jonalyn: Sige, pagkatapos nating mananghalian, mag-aaral uli
tayo.

EKSENA 8 – Araw ng Eleksyon


Aling Carol: Jonalyn, maiwan ka muna rito sa bahay natin at bantayan mo ang iyong mga kapatid
para makaboto kami.
Mang Edgar: Ano ka ba, bakit marunong ka na bang magbasa at magsulat at ganyan ka makapagsalita?
Hindi dapat maiwan si Jonalyn, isasama natin siya para tulungan tayong makaboto, kasi marunong siya.
Lola ni Jonalyn: O sige, ako na lang muna ang maiiwan, ako na ang magbabantay sa mga bata, mamaya
na lamang ako boboto. (Umalis na ang mag-anak, pinag-uusapan pa rin nila kung darating pa kaya at boboto
ang nawawala at matagal na nilang hinahanap na kanilang Apo Bisen, ngunit matibay pa rin ang paniniwala
ni Jonalyn na makababalik ang kanyang Apo mula sa kabundukan at makaboboto pa ito.) (Pagkatapos
na bumoto at pagkalabas ni Jonalyn sa presinto. Natuon ang kanyang pansin sa isang matandang nakaupo.)
Jonalyn: Lola, nakaboto na po ba kayo?
Lola: Oo, gaya ng itinuro mo sa akin… Dalawa nga binoto ko eh, si FPJ at si
GMA.

EKSENA 9 – Ang Sandali ng Malalim na Pagmumuni-


muni
(Ipinakikita ng kamera ang senaryo: Ang karamihan ng mga katutubong Aeta ay nasarhan na ng presinto,
inabutan na ng pagsasara ng botohan kaya’t hindi na sila nakaboto. Naroon ang mga ilang sundalo
at kapulisan na sa akala niya’y sasaklolo sa kanila ng mga panahong yaon. Ang mga sanggol na katutubo na
buhat-buhat at pasan ng kanilang mga magulang na tila kalunus-lunos ang mga tinig, patuloy sa
kanilang paghikbi at pag-iyak. Para kay Jonalyn, isang kabiguan sa kaniyang kaluluwa at buong
pagkatao ang kaniyang mga pagsusumikap ng mga panahong yaon…nalaglag sa kanyang mga mata
ang butil ng mga luha…malayo ang tingin.)

EKSENA 10 – Isang Natatanging


Pagdiriwang
Apo Bisen: “Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin, hindi ito makapagpapababa at makababawas ng
aking pagkatao”. (Nagdiwang, nagsaya at nagsipagsayawan ang mga katutubo, kabilang na si Jonalyn at
ang isang batang sumasayaw at sa likuran ng kaniyang damit ay nakasulat ang mga
katagang“Babangon ang
Pilipinas”)
-W A K A S-

PANGKALAHATANG PANUTO:
1. Basahin at unawaing mabuti ang bawat gawain.
2. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na sagutang papel.

GAWAIN I: PANANAW MO, ILAHAD MO!


Panuto: Ilahad ang sariling pananaw o palagay batay sa mga ideyang tinalakay mula sa
aralin.
1. Bakit itinuturing na isang midyum sa paghubog ng ating pagkatao ang mga isyung
tinatalakay ng dokumentaryong pampelikula?
2. Sa iyong palagay, gaano kabisa ang mga elemento at kaalamang teknikal sa pagtataguyod at
pagpapahusay ng kalidad ng dokumentaryong pampelikula?
3. Ayon sa ulat, tinatayang halos anim na milyong Pilipino ang may suliranin ng
“kamangmangan” o illiteracy kabilang na rito ang ating mga katutubong Aeta. Bilang isang
kabataan, ano ang masasabi mo sa kalagayang ito ng ating mga katutubo? Anong
mga proyekto ang maaaring ilunsad upang matulungan sila?
4. Huwaran nga bang maituturing si Jonalyn sa kanyang ginawa para sa kanyang kapwa
katutubo? Ipaliwanag.

GAWAIN II: SIYASATIN, ISA…DALAWA…TATLO!


Panuto: Suriin nang mabuti ang mga eksena sa “Manoro (Ang
Guro)” at ibigay ang mga detalyeng hinihingi nito.
Katutubo: Gulay na naman! Ang paborito ko ay tubang-manok! amin siyang makita Sa lalong
Katutubo: (Habang kumakain) ‘Dyuna, turuan mo kami uli madaling panahon
kung paano magbasa at magsulat ah, kasi magboto kami!” Jonalyn: Amang, mag-ingat ka!
Jonalyn: Sige, pagkatapos nating mananghalian, mag-aaral uli tayo.
Pumila na si Jonalyn para sa martsa, nakangiti, nagmamasid-masid
5
sa paligid. Nagsimula na ang teacher-emcee na magpakilala ng mga
panauhin. Binanggit ang isa sa mga tanyag na linya: What you sow,
is what you reap. Masaya ang buong paligid, ngunit magulo
rin. Anggulo ng kamera sa isang mensaheng nakadikit sa
dingding: “Bawat Graduate, Bayani at Marangal na Pilipino.”
Jonalyn: Tigdadalawa lamang ng tinapay ang kada isa, kakain pa rin
kasi sina Mamang at Papang, pero bago ko kayo bigyan,
magbibilang muna tayo ng tinapay, sabayan n’yo ako.
Mga Kapatid:Isa…Dowa…Tatlo…Apat! (Habang sabay na
bumibilang ang maliliit niyang kapatid.) Nakakagutom lalo ang
magbilang.
Mang Edgar: Jonalyn, dito ka lang kasama nila, ako na lamang ang
maghahanap sa Apo mo doon sa mas malayo.
Jonalyn: Amang, tara munang magdasal. (Sabay lumuhod ang mag-
ama at itinaas ang mga kamay) Apo Namalyari... Sana’y ligtas ang
aming Apo Bisen Tatlong araw na po siyang nawawala Sana po ay
Paksa

Layon

Gamit ng mga salita

Kilos ng mga tauhan


GAWAIN III: MISYON POSSIBLE!
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat kahulugan sa kahon upang
matukoy ang mga terminolohiyang ginagamit sa mundo ng pelikula.
Isulat ang sagot sa krosword.

1. Terminong French na ang ibig sabihin ay ang aktuwal na pagtatagpo at pagkuha ng pangyayari
ng isang filmmaker at ng kanyang film subject, upang mas higit itong maging makatotohanan.
2. Isang uri ng likhang-sining na napagkalooban ng mataas na uri ng parangal; kinilala;
naging tanyag at kakaiba sa uri nito; may taglay na kariktan.
3. May katuturang “pelikula totoo”; katangian ng isang dokumentaryong pampelikula upang
maipakita ang realidad at aktuwal na pangyayari.
4. Mga bagay o pinakapaksa sa pelikula na kinukunan ng kamera upang maidiin ang nais
ipahiwatig ng isang film maker.
5. Ang taong bumubuo at lumilikha ng isang pelikula.

GAWAIN IV: DOKYU-IMBESTIGA!


Panuto: Ilahad ang sariling hinuha hinggil sa mahahalagang isyung tinalakay sa
nabasa o napanood na dokumentaryong pampelikula.

Taong nangangarap na makaahon


“Manoro” sa hirap
Ang Guro

Kahirapan Kakulangan sa edukasyon


6
GAWAIN V: KAYA MO ‘YAN!
Panuto: Sumulat ng isang talatang nagsasalaysay ng iyong pagsusuri tungkol sa ng mga
kamalayang ipinamulat ng nabasa o napanood na pelikula. Isaalang-alang ang wastong
paggamit ng bantas, tamang pagbabaybay at kaisahan ng mga ideya.

MANORO (Ang Guro)

Binabati kita! Tunay ngang nagkakaroon na tayo ngayon ng mas malalim na pagtingin at pag-unawa sa
mga nangyayari sa ating paligid sa pamamagitan ng multimedia. Ikaw, bilang kabataang namulat sa
modernong teknolohiya, batid kong nahigitan mo pa ang inaasahan kong magagawa mo sa araling
ito. Kaugnay nito, nais kong linangin at subukin pa ang kasanayang iyong natutuhan sa
pamamagitan ng paggawa ng isang produktibong Gawain na magpapatunay ng iyong angking husay at
galing.

Performance Task
PAGBUO NG SOCIAL AWARENESS CAMPAIGN

Inaasahang matatamo mo sa pagbuo ng gawaing ito ang mga kasanayang:


 Nasusuri ang mga hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan ayon sa binasang mga
impormasyon (F8PB-IIIi-j-33)
 Naipaliliwanag ang mga salitang angkop na gamitin sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan
(F8PT-IIIi-j-33)
 Nakasusulat ng isang malinaw na social awareness campaign tungkol sa isang paksa na
maisasagawa sa tulong ng multimedia (F8PU-IIIi-j-34)
 Nagagamit ang angkop na mga komunikatibong pahayag sa pagbuo ng isang social awareness
campaign (F8WG-IIIi-j-34)

Ano ang Social Awareness Campaign?


Ang Social Awareness Campaign ay ang pagpapahayag at pagbibigay ng mahalagang
impormasyon, kaalaman o babala para sa lahat. Ito ay mga current issues na kailangang
malaman ng mas nakararaming grupo at indibidwal. Sa kasalukuyan ginagamit ang mga
social media gaya ng facebook, twitter, instagram at iba pa para mas mabilis na maipaalam
ito sa publiko.
Tandaan:
Social Awareness – Sa tunay na katuturan nito ay “kamalayang panlipunan” batay sa
kaisipan at umiiral na moral ng isang lipunan tungo sa pagkamulat sa katotohanan.

7
Suriin:
Ang mabubuong kampanya tungo sa kamalayang panlipunan o social
awareness campaign ay maaaring ilathala gamit ang iba’t ibang midyum. Nariyan ang
print media na gamit ng mga kontemporaryong uri ng panitikan gaya ng komiks. Maaari rin
namang bumuo ng isang dokumentaryo o documentary clip sa anyong video na siya
namang ginagamit na midyum sa pagpapalabas ng mga dokumentaryo sa telebisyon at
pelikula. Maaari ring i-post sa internet ang malilikhang campaign material.
Inaasahang maitatampok sa bubuuing kampanya ang mga suliraning umiiral sa inyong
barangay at ang magagawa ng mga kabataang tulad mo sa paglutas ang mga umiiral na
suliranin ayon sa inyong taglay na kakayahan at abilidad.
Ngunit bago ninyo ito tuluyang simulan, kinakailangang makalikha kayo ng isang
balangkas sa isasagawang campaign material. Kabilang na rito ang inyong mahahalagang
mga plano para maisakatuparan ang proyekto. Maisasagawa lamang ito kung makalilikha
kayo ng sequence at dialogue script na siya ninyong magiging batayan para sa
pangkalahatang produkto.
Bago mo tuluyang isagawa ang nakaatang na gawain, narito ang ilang
mahahalagang paalala at mga hakbang sa pagbuo at paglikha mo ng iskrip para sa mga eksena
o sequence script at iskrip na pandiyalogo:
1. Tandaan na ang isasagawa mong iskrip ay dapat na maging makatotohanan upang
higit itong maging kapani-paniwala.
2. Magbigay lamang ng mga konkretong halimbawa, ngunit huwag kalimutang maging
malikhain.
3. Maging diretso sa punto kapag isinasagawa ang mga diyalogo. Gamitin ang iba’t ibang uri
ng mga pahayag na pangkomunikatibo gamit ang wastong wika nito.
4. Maging espisipiko kung sino ang partikular na iyong pinatutungkulan sa pagsulat ng mga
diyalogo.
5. Dapat na magkakaugnay ang bawat diyalogo at eksena ng isang mabisang iskrip.

Makatutulong rin nang malaki kung gagamitin mo ang mga sumusunod


na komunikatibong pahayag upang epektibo mong maiparating ang mensahe sa iyong bubuuin
na social awareness campaign. Basahin at pag-aralan itong mabuti.
a. Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin
1. “Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo.” (pagtanggap)
2. “Maaari kayang mangyari ang kaniyang mga hinala?” (pag-aalinlangan)
3. “Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga pananalitang
yaon.” (pagtanggi)
4. “Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon.” (pagsang-ayon)
5. “Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga pahayag.”
(pagsalungat)
b. Pagpapahayag at pag-alam sa angkop na ginagawi, ipinakita at ipinadarama
1. Pagbibigay-babala
“Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon.”
2. Panghihinayang
“Kung naipagtapat ko lamang sa kaniya ang lahat, hindi sana nangyari yaon.”

8
TIK! TAK! TALK KABATAAN!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang panapos na gawaing iniatang sa iyo.

Sitwasyon:
Nalalapit na ang Social Awareness Campaign na tatampok ng mga likhang-sining na
tumatalakay sa mga suliraning panlipunang kinasasangkutan ng kabataan. Bukas ang patimpalak sa lahat at
hinihikayat ang mga barangay na lumahok dahil sa tampok na paksa. Nakita ng pamunuan ng inyong
barangay ang oportunidad ng naturang patimpalak sa pagpapaigting ng responsibilidad at paninindigan ng
kabataan sa inyong barangay. Ikaw ang pinili ng barangay na maging kinatawan sa MAF. Bumuo ka ng
isang multimedia campaign o kampanya tungo sa kamalayang panlipunan gamit ang multimedia na
maglalahad sa isang suliraning kinasasangkutan ng kabataan ng inyong barangay at mga paraan upang
masolusyunan ang mga ito. Ang materyal na iyong bubuuin ay huhusgahan gamit ang sumusunod na
pamantayan: komprehensibong paglalahad, malikhaing paggamit ng wika, kahusayang teknikal at praktikal
na mga rekomendasyon.

Paalala:
Hindi lamang multimedia ang ginagamit sa pagbuo ng social awareness campaign.
Kung walang anumang gadget na gagamitin para makalikha ng video, maaaring
gumamit ng coupon, manila paper, kartolina at iba pang materyales na
maaaring makatulong upang magkaroon ng simple, makatotohanan at
makahulugang kampanya.

Narito naman ang magiging pamantayan sa iyong mabubuong campaign material:

 Orihinalidad at Pagkamalikhain – 40 %
 Pagkakaugnay ng Diwa at Eksena – 20 %
 Linaw ng Kaisipan at Mensahe – 10 %
 Epektibong Gamit ng Wika – 20 %
 Aplikasyong Teknikal – 10 %

100 %

Mahusay! Tunay ngang higit na ang iyong kaalaman at kahandaan sa pagsasagawa ng pangwakas
na gawaing ito. Tiyak kong makatutulong nang malaki ang mga kaalaman iyong natutuhan sa araling
ito upang mapalalim mo pa ang iyong pagtingin sa mga kaganapan sa iyong paligid. Ang realidad ng
buhay ang siyang tunay na hamon sa ating pakikibaka sa kasalukuyang panahon. Kaya’t manatili kang
matatag at masikap. Alam kong kayang-kaya mo!

9
SUSI SA PAGWAWASTO (PARA SA MAG-AARAL)

Gawain 1 Gawain 4
Sariling sagot. Sariling sagot.
Gawain 2 Gawain 5
Sariling sagot. Sariling sagot.
Gawain 3 Pagtataya
1. Cinema Verite Sariling sagot.
2. Obra-maestra
3. Cinema truth
4. Film subject
5. Film maker

SANGGUNIAN:
A. Government Publications
K to 12 Panitikang Pilipino, Pagpapasada sa Modyul
B. Online and Other Sources
Brainly. https://brainly.ph/question/1204424
Canva: https://www.canva.com/posters/templates/world-day-against-child-labour/sz
Filipino Matuto. https://filipinomatuto.wordpress.com/2017/02/03/dokumentaryong-pampelikula/
Facebook. https://www.facebook.com/groups/241934253427017/
https://www.facebook.com/SamahanNgMgaSolidNaMagAaralNgFilipino/posts/37682
0655787347/
Home: https://homemcr.org/film/manoro/
Youtube. https://www.youtube.com/watch?v=KLXTvH7b1hI

10
Pangalan: Iskor: Petsa:
Baitang at Seksyon:
PAGTATAYA
Pangkalahatang Panuto:
Basahin at unawaing mabuti ang
bawat panuto upang maisagawa
nang wasto at walang alinlangan
ang bawat gawain.
A. Tukuyin kung anong pangyayari
ang hinihingi ng bawat eksena sa
dokumentaryong pampelikulang
“MANORO”. Piliin sa Hanay B ang
letra ng mga kaugnay na eksena sa
Hanay A.
Hanay A Hana
1. yB
Eksena 3 a
2. .
Eksena 5
3. I
Eksena 1 s
4. a
Eksena 8 n
5. g
Eksena 4
6. j
Eksena 2 e
7. e
Eksena 9 p
8.
Eksena 7 n
9. a
Eksena 6
10. b
Eksena i
10 y
a
h
e
n
g

r
e
s
e
t
t
l
e
m
e
n
t

a
r
e
a ya at h a
ang . t
n kom a
g unid A n
ad n g
m e. Ang pananghalian g i
g f n
a s
. g
a
k S n p
a d
a a
t a
u g
t l d
t
a i i
u
b h r
a n i
o
n a w
b a n a
. n g n
g
A n m
r i a j
a n l .
w a a
l S
n J i i
g o m m
n u
e a n l
l l a a
e y
k n p n
s a g
i g g
y . m i
o u s
n P m a
c. Araw ng a u n
pagtatapos t n g
d u i
. n - m
g m a
A
o u l
n
n a
g s i y
a i o
p
a . n
k g
n a I
g b s p
a u a a
n n n g
g d g l
a u a
m k n l
p a a a
a n t k
n
a d
B. Suriing mabuti ang bawat diyalogo at alamin kung anong uri
ng pagpapahayag ang ginamit ng bawat
tauhan. Hanapin sa loob ng kahon ang wastong sagot.

Pagsalungat Pagtanggi Pagsang-ayon Panghihikayat


Pagbibigay-babala Panghihinayang

11. “O sige, mag-aaral tayo pagkatapos ng


pananghalian natin.”
12. “Hindi dapat maiwan si Jonalyn, dapat
kasama natin siya sa pagboto.”
13. “Sa ginagawa nilang iyan, inaagawan
nila ng tahanan ang mga ibon.”
14. “Ama mag-ingat ka sa iyong
paglalakbay, mapanganib sa daan!”
15. “Ang sampagitang ito ay
para sa mga ga-gradweyt
lamang, isuot mo, huwag
kang mahiya, bagay sa
iyo ito.”
C. Ilahad ang detalyeng nais bigyang tuon ng mga sumusunod
na larawan. (5 puntos bawat isa)
1. Manoro(Ang Guro)
2. Social Awareness Campaign Poster

https://homemcr.org/film/manoro/
https://www.canva.com/posters/templates/world-day-against-child-labour/sz
Detalyeng binigyang-tuon:
Detalyeng binigyang-tuon:

1
1
SANGGUNIAN:
A. Government Publications
K to 12 Panitikang Pilipino, Pagpapasada sa Modyul
B. Online and Other Sources
Brainly. https://brainly.ph/question/1204424
Canva: https://www.canva.com/posters/templates/world-day-against-child-labour/sz
Filipino Matuto. https://filipinomatuto.wordpress.com/2017/02/03/dokumentaryong-pampelikula/
Facebook. https://www.facebook.com/groups/241934253427017/
https://www.facebook.com/SamahanNgMgaSolidNaMagAaralNgFilipino/posts/37682
0655787347/
Home: https://homemcr.org/film/manoro/
Youtube. https://www.youtube.com/watch?v=KLXTvH7b1hI

12

You might also like