You are on page 1of 5

"MANORO ” (Ang Guro)

Si Jonalyn Ablong na siya mismong gumanap sa Dokumentaryong Pampelikula


Ayon sa ulat, tinatayang halos anim na milyong Pilipino ang may suliranin ng
“kamangmangan” o yaong illiterate. Karamihan sa kanila ay mga katutubo na tila nakalimutan
na yata ng pamahalaan. Tandaan, sila ang isa sa mga unang nagpasimula ng ating kabihasnan
at kung anong klase at pamamaraan ng pamumuhay mayroon tayo ngayon. Tunay ngang ito ay
isang realisasyon at pagkamulat para sa ating lahat. Hunyo taong 1991, isang malaking
trahedya ang naganap sa Pilipinas, ang pagsabog ng matagal nang nananahimik na Bulkang
Pinatubo sa bahagi ng Zambales at Pampanga, gumimbal ang pangyayaring ito sa buong
daigdig dahil maging ang klima ng daigdig at ilan sa mga bansa nito ay naapektuhan. Ang mga
katutubong Aeta ay napilitang bumaba ng mga kabundukan at nanirahan sa mga patag na
lugar malapit sa kabayanan, kaya naman ito rin ang naging daan upang mabigyan sila ng
pagkakataong makapag-aral sa mga paaralan na malapit rito.
EKSENA 1 : Araw ng Pagtatapos (Graduation Day)
Establishing Shot sa paaralan at sa buong senaryo. Medium Shot sa iba’t ibang reaksiyon ng
mga tao. Araw ng Graduation sa Sapang Bato Elementary School sa Angeles City. Ito’y
napakahalagang araw para sa mga katutubong Aeta na magtatapos ng elementarya. Isa na rito
si Jonalyn Ablong. Hindi magkamayaw ang lahat. Maririnig ang ilang mga usap-usapan:
Babae1 : Dala mo ba ang camera mo?
Babae 2 : Hindi eh, naisanla ko kahapon.
Ina 1 : Nasaan na si Jonalyn, magsisimula na ang seremonya.
Batang Babae : Kasama yata si Kulitis, nagme-make-up.
Ina 2 (nakangiti sa anak) : Ang sampagita na ito ay para sa mga ga- graduate tulad mo, huwag
kang mahiya. Bagay sa ‘yo ‘to. Nakadaragdag pa sa ingay ng paligid ang malalakas na hagulgol
ng mga sanggol. Samantala, muling maririnig ang ganitong mga usapan: Estudyante 1 : Aalis
na bukas si Kiray, mamamasukan siyang katulong sa isang Intsik sa bayan. Estudyante 2 :
Gusto ni Jonalyn na makapaghayskul. Tuturuan niya rin kaming magbasa ngayong summer
para makuha niya na rin ang scholarship na gusto niya ngayong Hunyo.
Babae 1 : Isa ka ba sa mga estudyante niya?
Babae 2 : Oo, pati ang pamilya ko, lalo na ngayong Mayo, panahon ng eleksyon.
SUPER IMPOSE, TITLE AND CREDITS.
Pumila na si Jonalyn para sa martsa, nakangiti, nagmamasid-masid sa paligid. Nagsimula na
ang teacher-emcee na magpakilala ng mga panauhin. Binanggit ang isa sa mga tanyag na
linya: What you sow, is what you reap. Masaya ang buong paligid, ngunit magulo rin. Sa isang
bahagi ng paaralan ay may maliliit na batang naghaharutan at nag-aaway. Medium close-up
shot sa isang mensaheng nakadikit sa dingding:
Bawat Graduate, Bayani at Marangal na Pilipino.”
Picture-taking time na, biglang nagtanong ang kanilang guro:
Guro: Dapat labing-anim kayo, nasaan si Pikoy? Estudyante: Wala po siya, nagpatuli po kasi
kahapon. (Sabay ngumiti na ang mga estudyante para sa lahat ng kanilang mga picture-taking.
Natapos na ang masayang graduation.)
EKSENA 2: Sa Isang Jeep na biyahe patungong Resettlement Area ng mga katutubo
Long Shot tungo sa Medium Shot sa isang dyip na papunta na sa resettlement area ng mga
Aeta malapit sa paanan ng kabundukan, masaya at nagtatawanan ang mga katutubo sa loob ng
dyip. Tinanong si Jonalyn ng mga kasamahan kung ilan lahat ang mga litrato niya at kung
magkano lahat ang mga ito.
Inang Aeta: Naghanda kami ng kakaining noodles para sa inyong mga gumradweyt. Ito ay
tanda ng ating pasasalamat kay Apo Namalyari.
Jonalyn: Nung minsang nagluto kami ng noodles sa bahay, parang isang linggong sumama ang
tiyan ni Lolo.” (sabay hagikhikan ang lahat)
(Samantala, sa taas ng jeep, may ilang batang lalaki na nakaupo roon, binabasa nila ang hawak
na program ng ginanap na graduation. Mahaba ang byahe, maalikabok ang daanan;
Close-Up Shot sa kalawanging gulong ng jeep.)
EKSENA 3: Ang Pangangampanya at ang Komunidad
(Dahil sa nalalapit na ang eleksyon, napadaan ang isang sasakyang nangangampanya,
tumilapon ang mga sample ballot sa kalye, malapit sa mga batang katutubo na nagsisipaglaro)
Bata 1 : Oy akin ‘yan, huwag kayong magulo, tingnan n’yo, magkakaparehas lahat ang
nakasulat sa papel! (Establishing/Panning Shot sa isang batang Aeta, kumakaripas ng takbo
dala ang balota papunta sa bahay nila)
(Habang papunta sa tindahan, nasalubong ni Jonalyn ang maliliit na batang kaniyang
tinuturuan, naliligo ang mga ito sa isang poso ng tubig, bumati ang mga ito… “ Maaryong aga,
mam.”)
Jonalyn: O sige, bilisan n’yo dyan, baka sipunin kayo
Samantala, nasalubong niya rin ang isa sa kaniyang mga tinuturuan, tila mabigat ang pasan-
pasan sa likuran)
Jonalyn: Freddie, napraktis mo na ba ang pagsulat mo?
Lalaki: Oo, sinisikap ko
Jonalyn: Nakita mo ba ang Apo (lolo)ko sa bundok?
Lalaki: Hindi, hindi ko siya nakita, (Naghiwalay sila ng landas at nagpatuloy ng paglalakad si
Jonalyn patungo sa tindahan.)
Babaeng Aeta: “Jonalyn, kunin na ninyo ang bigas na para sa inyo.”
(Habang nakapila ang mga katutubo para sa ipinamamahaging bigas.)
Jonalyn: Sige po, si Mamang na lang daw po ang kukuha mamaya.
Babaeng Aeta: O sige, kasi pag wala dito hindi na mabibigyan, gusto ko pa namang ibahagi ang
ani ko sa lahat.
EKSENA 4 – Sa Tahanan nina Jonalyn (Sa tahanan nina Jonalyn:
Close-Up Shot sa kaniyang Graduation Picture, pati sa Diploma; pakakainin ng tinapay ang
kaniyang mga kapatid)
Jonalyn: Tigdadalawa lamang ng tinapay ang kada isa, kakain pa rin kasi sina Mamang at
Papang, pero bago ko kayo bigyan, magbibilang muna tayo ng tinapay, sabayan n’yo ako.
Mga Kapatid: Isa…Dowa…Tatlo…Apat! (Habang sabay na bumibilang ang maliliit niyang
kapatid.)
Nakakagutom lalo ang magbilang.
Ina ni Jonalyn: Jonalyn, pakitsek mo naman eto.
Jonalyn: O, Mamang ba’t dito n’yo sinulat ang pangalan n’yo? (Sabay bura) Sino ho bang
iboboto ny’o, si GMA? Ganito po isulat ang pangalan niya,tingnan n’yo po at tandaan, ‘di po
sapat na alam nyo lamang ang pagbigkas. (Nang mga sandaling yaon, biglang tinawag ng
kaniyang ama si Jonalyn na nasa taas ng isang puno at inaayos ang antena ng telebisyon)
Mang Edgar (ama ni Jonalyn): Jonalyn, pakitingnan mo nga kung may nakikita ng tao sa TV!
(Nagdudumaling pumunta si Jonalyn sa kanilang maliit na silid)
Jonalyn: Wala pa, wara pang nakikitang tawo! Malabo! Malabo! (Bumaba sa puno ang ama,
nagmamadali, tila nadupilas, nahulog at bigla ang pagkabagsak; nagulat si Jonalyn, pinuntahan
ang ama, ngunit sa mukha ng kaniyang tatay ay tila walang nangyari)
Mang Edgar: Kelangan na nating sunduin ang Apo (lolo) mo sa bundok.
Jonalyn: Oo nga, ang sabi niya pa naman, bababa siya ng bundok para makaboto.
Mang Edgar: Ang tigas kasi ng ulo ng lolo mo, sinabi kong huwag nang manghuli ng baboy-
ramo sa bundok at nauubos na ang mga ito sa ngayon. Tara na, at kelangan na nating umalis
ngayon!
EKSENA 5 – Simula ng isang malayong paglalakad
(Sa paglalakad ng mag-ama ay nasalubong nila ang isang sasakyan kung saan naroon ang mga
Koreano, binati nila ang isa’t isa.)
Koreano: (pinatutungkulan ang ama ni Jonalyn): “Yu nid to fill-up aplikey-shen form for your
job”... (ibig sabihin ay kelangan nitong magpasa ng aplikasyon para sa trabaho) (Nagpasalamat
ang mga ito.)
Mang Edgar: Jonalyn, tulungan mo akong maigi kung paano magbasa at magsulat.
Jonalyn: O sige, para makaboto ka.
Mang Edgar: Huwag na, hindi na mahalaga ‘yon, pagsasayang lang ng oras yan, narinig mo
naman ang mga Koreano, kelangan ko na mag-fill-up ng aplikasyon. (Sinimulan ng mag-ama
ang mahabang paglalakad upang hanapin ang kanilang Apo Bisen,..mahabang paglalakad na
tila isang walang katapusang paglalakbay,...paglalakbay para sa kinabukasan.)
(Sa paglalakad ng mag-ama ay matutunghayan ang iba’t ibang eksena, ipinakita ang karilagan
at kagandahan ng mga kabundukan na tila humihiyaw ng kinabukasan...maalikabok ang
tinatahak na landas; Ang pagtatangkang sumakay ni Jonalyn sa kalabaw, ang kanyang tiyuhin
na isang mag-uuling na tinanong niya kung pinag-aralan na nito ang kaniyang mga itinuro; ang
pagdaan ng mag-ama sa tila isang munting sementeryo sa kabundukan kung saan kumaripas
ng takbo si Jonalyn, sabay tanong ng ama kung hanggang ngayon ay takot pa siya sa mga
patay. Nasalubong nila si Apo Almario...)
Jonalyn: Apo Almario, nakita nyo po ba ang aking Apo Bisen?
Apo Almario: Hindi, hindi kami nagkita!
Ama: Ngunit sabay kayong umakyat ng bundok
Apo Almario: Oo, ngunit naghiwalay kami ng landas.
Jonalyn: O sige po, salamat, bomoto ka bukas!
(Sabay nagpaalam ang mag-ama kay Apo, sa patuloy nilang paglalakad ay nakita naman ni
Jonalyn ang mga batang nasa taas ng puno, tumutugtog ng plawta at binati siya ng
‘magandang umaga’ ng mga ito, sinabihan niyang mag-ingat ang mga ito at baka sila ay
mahulog.
Samantala, sa isang bahagi ng bundok ay natanaw nila ang isang napakalawak at napakalaking
apoy dulot ng kaingin)
Jonalyn: :Sa ginagawa nilang ‘yan ay inaagawan nila ng tahanan ang mga ibon
(Malungkot ang mukha)
EKSENA 6 Patungo na sa Kabundukan
(Habang lumalayo ang nilalakad ng mag-ama ay lalong gumaganda ang mga tanawin sa
kabundukan; sasabayan ito ng isang magandang musika na tila sila ay pumapasok na sa isang
bagong daigdig)
(Masayang naliligo ang mga bata sa ilog, mula roon uminom naman ng tubig ang batang Aeta
na si Jonalyn; humuli ng palaka ngunit nasita ng kaniyang ama kaya’t muli niya itong ibinalik sa
tubig, sa may kangkungan, nandiyang siya ay sumandaling umihi, nakatapak rin ng dumi ng
kalabaw, naghugas sa isang bahagi ng ilog-ilogan; sa bahaging yaon ay narinig nila ang isang
tinig mula sa kabundukan na umaawit...isang awit ng papuri:
“Apo Namalyari Kami’y wala, kung hindi dahil sa ‘yo
Makapangyarihang Isa Kami ngayo’y nangagtipon
Dito sa aming taniman
Kayo lamang ang makatutulong sa amin”
(Ang awiting yaon ay tila kumurot sa puso ni Jonalyn; kaya’t siya’y napaawit rin):
“Ako’y nagsabi kay tatay, Manghuhuli ako ng usa, “Ako’y nagpaalam kay nanay Para manghuli
ng ibon Ngunit ako itong nahuli Ng katutubong Aeta”
(Pumapaitaas na ang paglakad nina Jonalyn sa bahaging iyon ng bundok, nakita nila ang grupo
ng mga Aeta na nagsisipagtanim na sinasabayan ng pagtugtog ng munting gitara ng isang
babaeng Aeta)
Mang Edgar: Nakita n’yo ba ang aking Ama?
Mga Katutubo (nagsisipagtanim): Hindi, hindi pa rin siya nagpakita, mga dalawang araw na ang
nakalilipas.
Mang Edgar: Jonalyn, dito ka lang kasama nila, ako na lamang ang maghahanap sa Apo mo
doon sa mas malayo.
Jonalyn: Amang, tara munang magdasal. (Sabay lumuhod ang mag-ama at itinaas ang mga
kamay)
Apo Namalyari... Sana’y ligtas ang aming Apo Bisen Tatlong araw na po siyang nawawala Sana
po ay amin siyang makita Sa lalong madaling panahon Jonalyn: Amang, mag-ingat ka!
Mga Katutubo: Tara na, sumama ka sa amin, maghanda tayo ng pananghalian!
EKSENA 7 – Ang Pananghalian
(Medium Shot: Ipinakikita ang paghahanda ng pagkain ng mga Aeta, isang sariwang ubod ng
saging at sariwang mga gulay na galing sa kanilang pananim...)
Katutubo: Gulay na naman! Ang paborito ko ay tubang-manok!
Katutubo: (Habang kumakain) ‘Dyuna, turuan mo kami uli kung paano magbasa at magsulat
ah, kasi magboto kami!”
Jonalyn: Sige, pagkatapos nating mananghalian, mag-aaral uli tayo. (Isang eksena ang
kinuhanan pagkatapos ng kanilang pananghalian: Isang batang babae ang kinukutuhan,
nasasaktan ito sa bawat hila ng kanyang mahaba, kulot at matigas na buhok...Maririnig ang
ganitong usapan):
Batang Babae: Tama na, tama na, masaakit!...masaaakit...
Jonalyn: Eh, paano ka magiging reyna niyan eh hindi ka nagpapakuto!
Batang Babae: Kaya nga ayoko na, ayoko nang maging reyna! (
Samantala, sa kabilang panig ng kagubatan,...sa patuloy na paglalakad ng kaniyang amang ay
lalong nagiging mapanganib ang susunod na eksena:
Sumalubong sa landas nito ang isang baboy-ramo, kinagat siya nito sa hita at halos
magpambuno sila.
EKSENA 8 – Araw ng Eleksyon
(Kinabukasan, nagbalik na ang mag-ama mula sa kabundukan, iyon na rin ang araw ng
eleksyon. Sa tahanan ng mga katutubo)
Aling Carol (ina ni Jonalyn): Jonalyn, maiwan ka muna rito sa bahay natin at bantayan mo
muna ang iyong mga kapatid para makaboto kami.
Mang Edgar: Ano ka ba, bakit marunong ka na bang magbasa at magsulat at ganyan ka
makapagsalita? Hindi dapat maiwan si Jonalyn, isasama natin siya para tulungan tayong
makaboto, kasi marunong siya.
Lola ni Jonalyn: O sige, ako na lang muna ang maiiwan, ako na ang magbabantay sa mga bata,
mamaya na lamang ako boboto. (Umalis na ang mag-anak, pinag-uusapan pa rin nila kung
darating pa kaya at boboto ang nawawala at matagal na nilang hinahanap na kanilang Apo
Bisen, ngunit matibay pa rin ang paniniwala ni Jonalyn na makababalik ang kanyang Apo mula
sa kabundukan at makaboboto pa ito.)
(Dumating na ang pamilya ni Jonalyn sa presinto ng isang maliit na paaralan, kelangang
hanapin sa registerd voter’s list ang pangalan ng kanyang mga magulang para sila ay
makaboto, makikitang nagkakagulo ang mga katutubo dahil sa maliliit na letrang hindi nila
mabasa at maririnig ang mga komentong iba raw ang hitsura nito kaysa kanilang
natutuhan...ginabayan ni Jonalyn sa pagboto ang kaniyang ama)
(Pagkatapos na bumoto at pagkalabas ni Jonalyn sa presinto. Natuon ang kanyang pansin sa
isang matandang nakaupo.)
Jonalyn: Lola, nakaboto na po ba kayo?
Lola: Oo, gaya ng itinuro mo sa akin... Dalawa nga binoto ko eh, si FPJ at si GMA.
EKSENA 9 – Ang Sandali ng Malalim na Pagmumuni-muni
(Napaupo si Jonalyn sa labas ng presinto, may lungkot sa kanyang mukha, may bahid ng
kawalang pag-asa...habang tinitingnan niya ang sitwasyon ng mga panahong yaon.)
(Ipinakikita ng kamera ang senaryo: Ang karamihan ng mga katutubong Aeta ay nasarhan na
ng presinto, inabutan na ng pagsasara ng botohan kaya’t hindi na sila nakaboto. Naroon ang
mga ilang sundalo at kapulisan na sa akala niya’y sasaklolo sa kanila ng mga panahong yaon.
Ang mga sanggol na katutubo na buhat-buhat at pasan ng kanilang mga magulang na tila
kalunus-lunos ang mga tinig, patuloy sa kanilang paghikbi at pag-iyak.
Para kay Jonalyn, isang kabiguan sa kaniyang kaluluwa at buong pagkatao ang kaniyang mga
pagsusumikap ng mga panahong yaon...nalaglag sa kanyang mga mata ang butil ng mga
luha...malayo ang tingin.)
(Sa pagkakataong yaon, dumating ang kanyang Apo Bisen, kabababa lamang mula sa
kabundukan, pasan-pasan sa kanyang likuran ang isang malaking baboy-ramo, sabay nagwika
itong:
Apo Bisen: Tayo na, umuwi na tayo. (Muli silang naglakad pauwi sa tahanan.)
EKSENA 10 - Isang Natatanging Pagdiriwang
(Kinagabihan, nagdiwang ang buong barangay, nagsaya ang lahat, inihain sa hapag-kainan ang
nahuling baboy-ramo.
Apo Bisen: “Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin, hindi ito makapagpapababa at
makababawas ng aking pagkatao”.
(Nagdiwang, nagsaya at nagsipagsayawan ang mga katutubo, kabilang na si Jonalyn at ang
isang batang sumasayaw at sa likuran ng kaniyang damit ay nakasulat ang mga katagang
“Babangon ang Pilipinas”) (Close-Up Shot ng Camera sa mga katagang yaon)
Natapos na ang pagdiriwang...ubos na rin ang inihaing baboy-ramo

You might also like