You are on page 1of 1

PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang bawat pangungusap.

Isulat ang titik


sa patlang.

A. Simili o Pagtutulad C. Personipikasyon o Pasasatao


B. Metapora o Pagwawangis D. Walang Tayutay

_____ 1. Parang tambol sa lakas ang boses ng nagsasalitang bata sa entablado.


_____ 2. Ang mata niya ay mga alitaptap.
_____ 3. Napatalon sa tuwa ang mga bata nang nalaman nilang walang pasok bukas.
_____ 4. Sumasayaw ang mga kawayan sa bawat ihip ng hangin.
_____ 5. Umuwi si Michael sa bahay na may dalang ga-bundok na labada.
_____ 6. Ang lolo ko ay parang leon sa katapangan.
_____ 7. Ang makulay mong damit ay naghahanap ng attensyon.
_____ 8. Si Melanie ay isang anghel sa kabaitan.
_____ 9. Bigyan natin sila ng malakas na palakpakan.
_____ 10. Kaparis ng isang unan ang lambot ng pisngi ng sanggol.
_____ 11. Ang ipin ni Mark ay gatas sa kaputian.
_____ 12. Galit na bumuhos ang ulan kahapon.
_____ 13. Isang kabayo sa bilis ang batang iyon.
_____ 14. Dahan-dahang naglakad si Jeff at ang kanyang aso.
_____ 15. Paris ng ulo ni Junjun ay matigas na kahoy.

You might also like