You are on page 1of 1

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: __________________

Taon at Seksyon: ____________________

Panahon ng Katutubo – Karunungang Bayan

Gawain 1: PAGKILALA: Kilalanin ang hinihingi ng bawat bilang sa pamamagitan ng pagpupuno ng nawawalang letra.
1. Ito ang panahon ng panitikan na kung saan namutiktik ang mga karunungang bayan.
P___________________ng K____________o
2. Ito ay karunungang bayan na karaniwang patalinhaga at nakatago ang kahulugan. S___________________n
3. Ito ay mga eupemisko at patayutay na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag.
S______________n.
4. Ito ay ang pagpapahayag ng damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay,
salipunan at pamahalaan at kaugnayan sa Lumikha. P________________n
5. Ito ay nangangahulugang “literatura”. P______________n

Gawain 2: PAGPIPILI: Basahin at tukuyin ang mahahalagang kaisipang nais ipahiwatig nito. Isulat sa patlang ang titik
ng tamang sagot.
_____1. Pag may isinuksok, may madudukot.
A. Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok.
B. Madalas ay inilalagay ng mga Pilipino ang pera sa alkansya para pag dumating ang oras ng
pangangailangan ay may magagasta.
C. Umuunlad ang bangko dahil sa mga perang iniipon ng mga tao.
_____2. Kung anong taas ng paglipad, siyang lakas ng pagbagsak.
A. Madalas bumabagsak sa buhay ang taong sobrang taas ang pangarap.
B. Ang taong mapagmataas ang siyang nakakaranas ng matinding pagbagsak.
C. Hindi masamang mangarap nang mataas, huwag lamang sa paraang pag-isipan ng masama ang kapwa.
_____3. Ngayon kakahigin, ngayon tutukain.
A. Maagang magtrabaho upang ang buhay ay umasenso.
B. Kung kalian lamang kailangan ang isang bagay ay doon lamang kikilos upang makamit ito.
C. Kailangang magtrabaho upang may makain.
_____4. Ang mahirap kunin at masarap kainin.
A. Mas masarap lasapin at makamtan ang isang bagay na pinaghirapan
B. Masarap kumain ng isang pagkaing mamahalin at mahirap kunin.
C. Ang masarap na kanin at mahirap kainin.
_____5. Kapag maaga ang lusong ay maaga ang ahon.
A. Lumusong nang maaga upang makaahon sa buhay at matamo ang tagumpay.
B. Matutong umahon sa anumang pagsubok na iyong nilusong.
C. Kapag maagang nagsimula tiyak na maaga ring matatapos.

Gawain 3: PAGTAPAT-TAPATIN A. Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan o pag-uugaling ipinahahayag ng salawikain


o kasabihang nasa hanay A. Isulat ang titik ng sagot sa patlang.
A B
1.Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak A.Pag-iimpok 1.________
2.Kung makikipagkapwa, Huwag salapi ang titingnan B.Katapangan 2.________
3.Kapag may isunksok, Ay may madudukot C.Kakuntentuhan 3.________
4. Naghahangad ng sang kagitna, Sansalop ang nawala D.Pagsisikap 4.________
5.Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa E.Pagkakaisa 5.________
F.Pakikipagkapwa

Gawain 4: PAGTAPAT-TAPATIN B. Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga sawikaing ginamit sa


pangungusap. Isulat ang titik ng sagot sa patlang.
A B
1Ang aking kapatid ay may mababang luha. A.nasunog 1.________
2.Kinain ng apoy ang malaking bahay ng lalaki. B.mayaman 2.________
3.Hulog siya ng langit sa akin. C.iyakin 3.________
4.Siya ay ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. D.swerte 4.________
5.Hinahangaan niya ang mag-aaral na iyon dahil palagi itong nagsusunog ng E.mahirap 5.________
kilay. F. nag-aaral nang
mabuti

You might also like