You are on page 1of 4

Pangalan: _______________________________________

I. Bilugan ang pang-uri sa bawat pangungusap. Gumuhit na arrow mula sa pang-uri hanggang sa pangngalan o
panghalip na inilalarawan nito.

1. Kapansin-pansin ang kagandahan ni Angelica.


2. Ang anak ng kapitbahay natin ay tamad.
3. Ang mga damit nina Gina at Amanda ay magkasinghaba.
4. Kakaiba ang mga talento ng mga tao sa sirko.
5. Tumakbo pauwi ang asong duwag.
6. Ang opinyon ko ay salungat sa opinyon ng karamihan.
7. Dalian na natin dahil huli na tayo! 8. Tuwing tag-ulan, berde ang Chocolate Hills.
8. Ang mga kriminal ay may mga pekeng pasaporte.
9. Naghanda si Nanay ng espesyal na meryenda para sa atin.
10. Ang larawan na tabingi ay inayos ni Melchor.

II. Isulat sa patlang ang pang-uri na bubuo sa pangungusap. Pumili mula sa mga pang-uri sa kahon. Isang beses
lamang maaaring gamitin ang bawat pang-uri.

a. ligtas b. magalang c. makinis d. matanda


e. mabaho f. madilim g. matatag h. maluwag
i. kakila-kilabot j. malungkot k. magaling l. masagana
m. malikot n. madali o. marumi p. maramot

1. Mas ________ ang bahay na gawa sa bato kaysa sa kahoy.


2. ________ na sa panganib ang mga taong nakatira malapit sa bulkan.
3. Si Lea Salonga ay ________na mang-aawit.
4. Labhan mo ang basahan na ________.
5. ________ang balat ng sanggol.
6. Ang batang nagsasabi ng po at opo ay ________.
7. ________ ang ani ng mga magsasaka ngayon taon.
8. Huwag kang ________. Bigyan mo si Mia ng kapirasong keyk.
9. Dahil pumayat si Juan, ________ na ang kanyang mga pantalon.
10. Mula nang umalis ang tatay niya, naging ________ si Carmina.

III. Isulat sa patlang ang titik L kung ang pang-uri na may salungguhit ay nasa lantay na antas, PH kung ito ay nasa
pahambing na antas, at PS kung ito ay nasa pasukdol na antas.

_______ 1. Si Danny ay kasinghusay ni Danilo sa paglalaro ng basketbol.

_______ 2. Si Jasmin ang pinakamatalinong mag-aaral sa klase ni Binibining Mateo.

_______ 3. Ayon sa PAG-ASA, malakas ang bagyong tatama sa hilagang bahagi ng Luzon.

_______ 4. Walang gusto makipagkaibigan sa kanya dahil ubod ng sama ng kanyang ugali.
_______ 5. Mas matangkad sa iyo ang kuya mo nang tatlong pulgada.

_______ 6. Iyan ang pinakamataas na gusali sa Lungsod ng Makati.

_______ 7. Ang ani natin ngayon ay mas malaki kaysa sa nakaraang taon.

_______ 8. Ang bahay ni Ginong Alfonso ay malayo sa simbahan.

_______ 9. Gulat na gulat si Rosie sa balita ni Tita Meldy.

_______ 10. Hindi pa tayo pwedeng magsimula dahil hindi pa buo ang pangkat natin.

IV. Isulat ang pang-uri sa loob ng tamang kahon ayon sa kayarian nito.

isip-bata sobra abot-kamay tuloy-tuloy antukin


bukod-tangi payapa magalang gutom iba-iba
bigay-todo mahiyain kasimbait kabit-kabit bukas-loob
kasintibay pantay-pantay taos-puso mapanukso punit-punit
masuwerte puro palabiro araw-araw makabago
nakahanda kaakit-akit totoo urong-sulong balat-sibuyas

PANG-URING PAYAK PANG-URING MAYLAPI

PANG-URING INUULIT PANG-URING TAMBALAN


V. Isulat sa patlang ang titik I kung ang kailanan ng pang-uring may salungguhit ay isahan, D kung ito ay dalawahan,
at M kung ito ay maramihan.
_____ 1. Ang dalawang manlalaro ng basketbol ay magsingtangkad.
_____ 2. Ang limang turista ay umakyat sa mataas na bundok.
_____ 3. Malulusog ang mga alagang hayop ni Mang Berting.
_____ 4. Mahapdi pa rin ang sugat ni Henry sa tuhod.
_____ 5. Si Juan ay kasingkupad ni Jerry magtrabaho.
_____ 6. Ang mga mag-aaral ni Ginang Romero ay magagalang.
_____ 7. Kapwa malikhain ang kambal na sina Lauren at Louise.
_____ 8. Ang gamot na ininom ni Maricel ay mabisa.
_____ 9. Hindi sanay sa maginaw na klima ang mga hayop.
_____ 10. Maaanghang ang mga ulam dito sa Bikol.

VI. Ikahon ang pandiwa na bubuo sa pangungusap. Pumili mula sa mga pandiwa sa loob ng panaklong.

1. May adobong manok at pritong manok kami. Ano ang (pinili, pinipili, pipiliin) mo?
2. Kanina ko pa hinahanap ang susi ko. (Nakita, Nakikita, Makikita) mo ba?
3. Maghanda na kayo at (binasa, binabasa, babasahin) natin ang unang kabanata.
4. Hindi na po kami gutom dahil (kumain, kumakain, kakain) na po kami ng almusal.
5. Naririnig mo ba ang taong (nagsalita, nagsasalita, magsasalita) sa entablado?
6. Ano ang (inawit, inaawit, aawitin) natin sa darating na Buwan ng Wika?
7. (Nagluto, Nagluluto, Magluluto) ng msasarap na tsampurado si Lola Ester kahapon.
8. Nauunawan mo ba ang (sinabi, sinasabi, sasabihin) ko sa iyo?
9. (Nag-aral, Nag-aaral, Mag-aaral) ako nang mabuti mamayang gabi para sa pagsusulit.
10. (Nagpasalamat, Nagpapasalamant, Magpapasalamat) po kami sa lahat nang nanood ng programa namin.
Sana po ay nasiyahan kayo.

VII. Isulat ang nawawalang pandiwa upang maipakita ang tatlong aspekto nito.

ASPEKTONG PANGNAGDAAN ASPEKTONG PANGKASALUKUYAN ASPEKTONG PANGHINAHARAP


inaabangan aabangan
naunawaan mauunawaan
nakumbinsi nakukumbinsi
nagpapaliwanag magpapaliwanag
nag-alinlangan mag-aalinlangan
nangatwiran nangangatwiran
pinapalitan papalitan
napatunayan mapatutunayan
namulaklak namumulaklak
nasasaksihan masasaksihan
VIII. Isulat ang P sa patlang kung ang pandiwang may salungguhit ay pandiwang palipat. Isulat ang K kung ito ay
pandiwang katawanin.

____ 1. Sino ang gustong manood ng bagong pelikula?


____ 2. Nangongolekta ng Hot Wheels ang Tito Joel ko.
____ 3. Umuupo sa balkonahe si Lola Nita tuwing umaga.
____ 4. Humatsing siya nang napakalakas dahil nakalanghap siya ng paminta.
____ 5. Si Delia ay nag-alay ng mga bulaklak sa imahen.
____ 6. Ang dalaga ay tahimik na nagbabasa.
____ 7. Ipinakita niya sa amin ang larawan ng kanyang mag-anak.
____ 8. Huwag kang maglakad sa ulan kung wala kang botas.
____ 9. Tinikman ni Dennis ang sinigang na iniluto ni Jun.
____ 10. Ang mga bus mula sa probinsiya ay hindi humihinto rito.

IX. Isulat sa patlang kung ano ang pokus ng pandiwang may salungguhit sa pangungusap.

____________ 1. Pinitas ni Gemma ang mga pulang rosas sa hardin.


____________ 2. Ang Bulkang Mayon ay kinamatayan ng mga dayuhang turista.
____________ 3. Ikinababahala ng maraming mamamayan ang pagdami ng bilang ng mga krimeng nagaganap.
____________ 4. Ipinangguhit ko sa papel ang mga krayolang ito.
____________ 5. Ang mga basang damit ay isasampay natin sa bakuran.
____________ 6. Ako ay magsasanay sa paglalaro ng chess araw-araw.
____________ 7. Ang pagpintas sa kanya ng mga senador ay ikinagalit ng Pangalawang Pangulo Jejomar Binay.
____________ 8. Ipapanligo ni Juanita ang mainit na tubig.
____________ 9. Ang mga platong ito ay pagkakainan ng mga bisita sa salusalo.
____________ 10. Si Janice ay ibinili ko ng bagong uniporme at sapatos.

You might also like