You are on page 1of 4

IKALAWANG MARKA- FILIPINO 6

Pangalan: __________________________________________
Isulat sa patlang ang kaantasan ng pang-uri na may salungguhit. Gamitin ang
titik L kung ang kaantasan ng pang-uri ay lantay, PH kung ito ay pahambing, o
PS kung ito ay pasukdol.
____ 1. Huwag kang lumapit sa mabangis na hayop sa kulungan.

____ 2. Napakalakas ng palakpak ng mga tagapanood ng cheerdance.


____ 3. Simbilis ng hangin ang pagkalat ng tsismis sa bayan namin.
____ 4. Ang manggagawa ay pagod na pagod dahil sa walang tigil na pagtatrabaho.
____ 5. Ang mabubuting asal at pagpapahalaga ay dapat ipakita natin sa mga kabataan.
____ 6. Di-masyadong maanghang ang laing na ito kung ihahambing sa laing na luto ni Ate
Rosita.
____ 7. Sinong bayani ang mas dakila para sa iyo, si Rizal o si Bonifacio?
____ 8. Natutuhan namin ang wastong pagbigkas ng mga salita.
____ 9. Mukhang antok pa ang bata kaya hayaan mo na matulog muna siya sa sopa.
____ 10. Ang suliranin ni Ben ay lubhang masalimuot kaysa suliranin ni Mario.

Panuto: Ang pandiwa ay salitang nagpapahiwatig ng kilos o gawa. Bilugan ang


pandiwa sa bawat pangungusap.

1. Maagang nagising si Gloria dahil sa malakas na tilaok ng tandang.

2. Binuksan niya ang pinto at mga bintana ng kanilang sala.

3. Si Ate Maria ay naghahanda ng masarap na almusal sa kusina.

4. Narinig ni Boyet ang ingay ng mga sasakyan sa labas.

5. Ang mga alagang aso ay masayang naghahabulan sa bakuran.

6. Ang mahiyain na kuting ay nagtatago sa likod ng aparador.

7. Si Itay ay umiinom ng mainit na kape sa beranda.

8. Sabay-sabay kumain ng almusal ang buong mag-anak.

9. Sa loob ng banyo nagsipilyo ng ngipin si Gloria.

10. Tinulungan ni Gloria ang kanyang bunsong kapatid.


Panuto: Tukuyin ang aspekto ng pandiwa na may salungguhit. Isulat sa patlang
ang titik A, B, o C kung saan:
A = Aspektong Pangnagdaan/Naganap/Perpektibo;
B = Aspektong Pangkasalukuyan/ Nagaganap/
Imperpektibo; at
C = Aspektong Panghinaharap/ Magaganap/
Kontemplatibo.

1.Angmgamagsasakaaynagtatanim ngpalay.
2. Hiniram niEmilyangaklatko.
3.Maglalaro kaming chess mamayanghapon.
4. Iinom akonggamotparagumalingako.
5.SiAteMindaangnaglinis ngkusina.
6. Hinahatid kaminiKuyaRonniesapaaralantuwingmaypasok.
7.Angmgabataay nanonood ng Ben10 satelebisyon.
8.Sinoangsumagot ngtelepono?
9.Maynaisip kanabangplano?
10.Tahimiknanagbabasa angmgamag-aaral.
11. Sinulat kosapapelangmgadapatmonggawin.
12.SiTitaBeaanggumawa ngkeyknaito.
13. Kakain pabakayongkeyk?
14.SiHelenangnag-aalaga sapusangiyan.
15.Maramikaminglumanggamitna ibebenta sa garagesale .
16.Gagamit akoangdiksiyonaryoparamalamankoangkahuluganngsalitangiyon.
17.Umiiyakangbatadahilnadapa siya.
18.Napansin mobaangtakdang-aralinnanakasulatsapisara?
19.Umupokamunadahilnagbibihis pasiEva.
20.Yayakapin konangmahigpitsiNanaypag-uwiko.
Isulat ang P sa patlang kung ang pandiwang may salungguhit ay pandiwang palipat
(transitive verb). Isulat ang K kung ito ay pandiwang katawanin (intransitive
verb).

____ 1. Bumili ng pandesal si Totoy mula sa tindahan sa kanto.

____ 2. Ang presyo ng gasolina ay bababa nang bahagya.


____ 3. Si Juanito ay nagbiyahe patungong Cavite.
____ 4. Naghuhugas ng mga pinggan at kubyertos si Ate Mila.
____ 5. Ang batang pilyo ay sumisigaw nang napalalakas.
____ 6. Ang may-akda ay nagsusulat ng isang nobela.
____ 7. Humingi ng saklolo ang babaeng ninakawan.
____ 8. Ang tren ay tumirik bago ito makarating sa istasyon.
____ 9. Maraming malalaking industriya ang gumagamit ng uling at petrolyo.
____ 10. Ang mga mag-aaral ay pumapasok nang maaga.

Isulat sa patlang kung ano ang pokus ng pandiwang may salungguhit sa


pangungusap.

____________ 1. Pinitas ni Gemma ang mga pulang rosas sa hardin.


____________ 2. Ang Bulkang Mayon ay kinamatayan ng mga dayuhang
turista.
____________ 3. Ipagsaing mo na si Tatay para makakain na siya ng hapunan.
____________ 4. Ipinangguhit ko sa papel ang mga krayolang ito.
____________ 5. Ang mga basang damit ay isasampay natin sa bakuran.
____________ 6. Ako ay magsasanay sa paglalaro ng chess araw-araw.
____________ 7. Ang pagpintas sa kanya ng mga senador ay ikinagalit ng Pangalawang
Pangulo Jejomar Binay.
____________ 8. Ipapanligo ni Juanita ang mainit na tubig.
____________ 9. Ang mga platong ito ay pagkakainan ng mga bisita sa salusalo.
____________ 10. Si Janice ay ibinili ko ng bagong uniporme at sapatos.

You might also like