You are on page 1of 2

Panuto: Isulat sa patlang ang angkop na panapos na bantas sa hulihan ng

bawat pangungusap.

1. Nanood ka ba ng balita sa telebisyon kagabi 11. Mahirap paniwalaan ngunit totoo ang balita
2. Magsipilyo ka muna bago ka matulo 12. Pakibigay itong papel kay Binibining Melchor
3. Wow, napakasarap ng luto mo 13. Aray, nakagat ko ang dila ko
4. Nakopya mo ba ang takdang-aralin sa pisara 14. Natanggap mo ba ang text message ko kanina
5. Hoy, bawal magtapon ng basura diyan 15. Ay, nabasag ang baso
6. Pakisabi kay Nanay na uuwi na ako 16. Aba, hindi ako papayag
7. Makinig ka nang mabuti sa mga magulang mo 17. Ihanda mo na ang susuutin mo bukas
8. Nakakainis talaga 18. Nagtimpla ng kape si Tatay para kay Nanay
9. Naku, nakalimutan kong kunin ang sukli 19. Hala, umalis ka na dito
10. Paano kaya tayo makakatulong sa kanila 20. Masama ba ang pakiramdam mo

Pangungusap o Hindi Pangungusap


Panuto: Magsulat ng tsek sa patlang kung ang mga lipon ng salita ay pangungusap. Kung hindi ito pangungusap,
magsulat ng ekis sa patlang.

1. Malaking bahay sa kanto. 11. Sina Rosie, Maria, at Nena.


2. Tinawagan ko siya kanina. 12. Nakinig nang mabuti.
3. Ang mga magulang ni Bettina. 13. Bumuhos ang malakas na ulan.
4. May dalang aklat. 14. Tuwing Sabado dumarating.
5. Malakas ang boses niya. 15. Walang pasok bukas.
6. Bilisan na natin. 16. Doon tayo pupunta.
7. Sa bakuran naglalaro. 17. Gutom na gutom.
8. Sarado ang tindahan. 18. Ang pusa ay itim.
9. Ang silid ay malinis. 19. Mula Lunes hanggang Biyernes.
10. Ang sinabi niya sa amin. 20. Tapos na ang palabas.

A. Gawing pangungusap na patanong ang bawat pangungusap na pasalaysay.


1. Susunduin tayo ni Tatay mamayang hapon.
_________________________________________________________________________________________
2. Ginawa ko ang takdang-aralin sa Filipino.
__________________________________________________________________________________
3. Si Manuel ang gumuhit ng magandang larawan.
_________________________________________________________________________________________
4. Mahusay na mang-aawit si Lea Salonga.
__________________________________________________________________________________
5. Handa na ang uniporme ko para bukas.
__________________________________________________________________________________

B. Gawing pangungusap na pasalaysay ang bawat pangungusap na patanong.


1. Siya ba ang magiging guro natin?
__________________________________________________________________________________
2. Bakit mukhang malungkot si Pepe?
__________________________________________________________________________________
3. Kay Pamela ba ang aklat na ito?
__________________________________________________________________________________
4. Naubos mo ba ang binaon mo na pagkain?
__________________________________________________________________________________
5. Malinis at maayos ba ang silid-aralan natin?
Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap. Gamitin ang mga sumusunod na titik: PS (pasalaysay), PT (patanong), PD
(padamdam), PU (pautos), at PK (pakiusap).
____ 1. Dito tayo sasakay ng dyip. ____ 9. Pakiabot po ang bayad ko.
____ 2. Dadaan po ba kayo sa palengke? ____ 10. Kunin mo ang sukli.
____ 3. Hoy, bawal sumingit sa pila! ____ 11. May bababa ba sa highway?
____ 4. Mahaba pala ang pila tuwing umaga. ____ 12. Pakibaba po kami sa palengke.
____ 5. Pakitulungan ang matanda sa pagsakay. ____ 13. Para po!
____ 6. May bakanteng upuan pa ba? ____ 14. Naku, bawal tumigil ang dyip diyan!
____ 7. Huwag kang sumabit sa dyip. ____ 15. Sundin mo ang mga batas trapiko.
____ 8. Walong piso ang pasahe.

Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit


Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap. Gamitin ang mga sumusunod na titik: PS (pasalaysay), PT (patanong), PD
(padamdam), PU (pautos), at PK (pakiusap).

____ 1. Aray, ang sakit! ____ 9. Aba, kailangan maibalik natin ito sa inahin!
____ 2. May kumagat ba sa iyo? ____ 10. Huwag mong saktan ang sisiw.
____ 3. Kinagat yata ako ng langgam. ____ 11. Mukhang hindi pa ito marunong lumipad.
____ 4. Huwag kang tumayo riyan. ____ 12. Pakisabi po sa akin kung may nakita kayong
____ 5. Pakikuha nga ang gamot sa loob ng bahay. pugad.
____ 6. Bakit ka ba nakatayo sa ilalim ng puno ng ____ 13. Ipasok mo muna ang sisiw sa loob ng bahay.
mangga? ____ 14. Umaambon na po ba?
____ 7. May hinahanap po akong pugad ng ibon. ____ 15. Ay, mababasa ang mga sampay ko!
____ 8. May nakita po kasi akong sisiw malapit sa puno. ____ 16. Bilis, pumasok na tayo sa loob!

Panuto: Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap.


1. pasalaysay May lakbay-aral kami sa museo sa Biyernes.
2. padamdam Bilisan mo na, mahuhuli na tayo!
3. pakiusap Pakitanong ka Binibining Gomez kung malayo pa ang
pupuntahan natin.
4. padamdam Ang tataas ng mga gusali dito!
5. pakiusap Pakisabi sa nagmamaneho ng bus na hintayin tayo sa labas ng
museo.
6. pasalaysay Bawal ang pagkain o inumin sa loob ng museo.
7. padamdam Naku, nakalimutan kong dalhin ang camera ko!
8. pautos Iwan ninyo ang mga bag sa guwardiya.
9. padamdam Napakaganda ng larawang ito!
10. patanong Mahilig ka bang magpinta?
11. padamdam Ang galing mo!
12. pakiusap Maaari mo ba akong turuan magguhit?
13. pakiusap Pakibasa ang nakasulat sa ibaba ng larawan.
14. patanong Alin sa tingin mo ang pinakamagandang larawan sa museo?
15. pasalaysay Ang mga gawa ni Fernando Amorsolo ay nasa silid na iyon.
16. patanong Alam niyo ba kung sino si Fernando Amorsolo?
17. pautos Pumila kayo nang maayos para mabilang ko kung kumpleto na
ang grupo natin.
18. pasalaysay Magpapahinga muna tayo dito nang sandali.
19. patanong May natutunan ba kayo sa lakbay-aral natin ngayon?
20. pautos Sumulat kayo ng sanaysay tungkol sa ating lakbay-aral.

You might also like