You are on page 1of 5

Basahin ang mga sumusunod na gawain. Isulat ang iyong kasagutan sa malinis na papel.

Pagkatapos sagutan kunan ng


larawan at ipasa ito sa Messenger ng iyong guro. Ang deadline ng inyong gawain ay Hunyo 22, 2020 ng hapon.

1.1 Kayarian ng Pangungusap


Panuto: Isulat ang titik P kung ang kayarian ng pangungusap ay payak, T kung ito ay tambalan, H kung ito ay hugnayan
at L kung ito ay langkapan.
1. Bago tuluyan umalis si Nanay, kinausap niya kami saka ibinilin niya sa amin ang mga gawaing-bahay.
2. Maaaring manganib ang buhay ng mga hayop kung hindi pangangalagaan nang mabuti ang kagubatan.
3. Magsuot ka ng kapote at dalhin mo ang payong dahil lumalakas na ang buhos ng ulan.
4. Nais niyang makapasok sa isang aviation college sapagkat matagal na niyang pinapangarap ang maging isang
magaling na piloto.
5. Kailangan na niyang umuwi ngunit kulang ang kanyang perang pamasahe dahil gumastos siya sa paglalaro sa
Internet café.
6. Ang pangulo ay umakyat sa entablado at nagbigay ng talumpati.
7. Mamamasyal kami sa plaza pagkatapos namin magsimba.
8. Malalaki ang mga silid-tulugan at malinis ang malaking bakuran.
9. Pumasok ang mga bata nang marinig nila ang tunog ng kampanilya.
10. Ang blusa ay maganda ngunit hindi ito kasya sa akin.
11. Kung wala akong kasama, hindi ako papayagan na umalis ng bahay.
12. Nahuli sa klase si Tom dahil hinatid pa niya ang kanyang kapatid.
13. Kumakain ng almusal si Kuya Noel at nagbibihis si Ate Sonia sa kuwarto.
14. Nagpatahi ng bagong uniporme si Natalie sa kanyang tita na modista.
15. Alamin natin ang mga karapatan ng bawat batang Pilipino.
16. Paliliguan namin ang aso o didiligan namin ang mga halaman.
17. Pinapakain ni Aling Puring ang inahing manok at ang mga sisiw.
18. Ako ang susundo sa iyo kapag may pupuntahan si Nanay.
19. Nahuli ng mga pulis ang lalaki na napaghinalaang nagnakaw ng mga alahas.
20. Unti-unting nauubos ang mga puno at nawawalan ng mga tirahan ang mga hayop.

1.2 Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit


Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap. Gamitin ang mga sumusunod na titik: PS (pasalaysay), PT (patanong), PD
(padamdam), PU (pautos), at PK (pakiusap).
1. Dito tayo sasakay ng dyip. 6. May bakanteng upuan pa ba?
2. Dadaan po ba kayo sa palengke? 7. Huwag kang sumabit sa dyip.
3. Hoy, bawal sumingit sa pila! 8. Walong piso ang pasahe.
4. Mahaba pala ang pila tuwing umaga. 9. Pakiabot po ang bayad ko.
5. Pakitulungan ang matanda sa pagsakay. 10. Kunin mo ang sukli.

1.3 Patukoy sa ayos ng Pangungusap


Panuto: Salungguhitan ang buong paksa o simuno ng bawat pangungusap. Pagkatapos, isulat ang titik K kung ang ayos
ng pangungusap ay karaniwan o tuwid. Isulat ang titik DK kung ang ayos ng pangungusap ay di-karaniwan o
kabalikan.
1. Ang dating sirang kalsada ay inaspalto na.
2. Masama sa katawan ang paninigarilyo.
3. Madalas kumain ng kendi at tsokolate si Benny.
4. Kami ay pupunta sa opisina ng koreo mamayang hapon.
5. Ang barkada ni Ellen ay magmemeryenda sa bahay bukas.
6. Si Tito Melchor ang maghahatid sa atin sa istasyon ng bus.
7. Nakabihis na at handa nang umalis ang mga anak natin.
8. Sina Finn at Jake ay naghahanap ng mga pambihirang karanasan.
9. Tumulong sa paglinis ng bakuran sina Juan at Jose

1.4 Pagbabago sa Ayos ng Pangungusap


Panuto: Kung ang ayos ng pangungusap ay karaniwan o tuwid, baguhin ito para maging di-karaniwan o kabalikan ang
ayos. Kung ang pangungusap ay may di-karaniwang ayos, baguhin ito para maging karaniwan ang ayos. Isulat ang
bagong pangungusap sa sagutang papel.
1. Ang Bulkang Mayon ay matatagpuan sa lalawigan ng Albay.
2. Nagbuga ng singaw, abo, at malalaking bato ang bulkan.
3. Ang mga dayuhang umakyat sa bulkan ay naging mga biktima ng pagputok.
4. Ang mga batong ibinuga ng bulkan ay napakainit at nakakapaso.
5. Nasugatan at nagtamo ng mga paso ang mga dayuhang mountain climbers.
6. Ang mga Pilipinong sumaklolo sa mga dayuhan ay nasugatan din.
7. Gumamit ng mga helikopter ang mga sundalong sumagip sa mga sugatan.
8. Ibinaba mula sa bulkan ang mga bangkay ng dalawang Aleman.
9. Nagpasalamat sa mga sundalo ang opisyal ng embahada ng Thailand.
10. Ang pagbabawal sa pag-akyat ng bulkan ay nais na gawing permanente.

1.5 Pagtukoy sa Di Predikatibong Pangungusap


Panuto: Tukuyin kung anong uri ang mga sumusunod na pangungusap na walang paksa. Isulat ang tamang sagot.
1. Ang galing niyang umarte. 6. Bumabagyo.
2. Kainis! 7. Maganda ang palabas sa plasa.
3. Puwedeng makatawad? 8. Maligayang araw.
4. Walang anuman. 9. Tayo na.
5. Lunes na bukas. 10. Manong!

1.6 Pagtukoy sa Uri ng Sugnay


Panuto: Isulat ang titik A kung ang nakasulat ay sugnay na makapag-iisa at titik B kung ito ay sugnay na di-makapag-
iisa.
1. malapit na ang Pasko 11. dahil matindi ang init ng araw
2. kaya walang nais makipag-usap sa kanya 12. kamukha ni Mia ang nanay niya
3. samantalang nag-aalala ang mga magulang niya 13. kung may pupuntahan ka mamaya
4. bago matapos ang huling klase natin 14. huwag natin kalimutan ang magpasalamat
5. sinuwerte lang siya ngayon 15. laging nagtutulungan ang mga mag-aaral
6. halatang kinakabahan ang mang-aawit 16. kaya bigla siyang lumabas sa silid
7. subalit kulang ang dala kong pera 17. mas maliwanag sa silid ni Ginang Garcia
8. kapansin-pansin ang kasiyahan ng mga tao 18. kasi mapanganib ang lugar na dadaanan natin
9. para siyang lasing kung maglakad 19. sapagkat makakatulong sa atin ang pagtitipid
10. nang nalaman niya ang katotohanan 20. para kay Selena ang awit na ito

1.7 Pagtukoy sa Simuno at Panaguri ng Pangungusap


Panuto: Bilugan ang simuno at salungguhitan ang panaguri sa loob ng pangungusap.
1. Ang mga sentrong pangkalusugan ng pamayanan ay magbibigay ng libreng bakuna sa mga sanggol.
2. Ang pagpapanatili ng kalusugan ng mga bata ay tungkulin ng mga magulang.
3. Sinusubaybayan ng mga magulang ang paglaki at kalusugan ng kanilang mga anak.
4. Nag-eehersisyo araw-araw sa parke sina Percy at Pearl.
5. Pumupunta sa dentista dalawang beses sa isang taon ang buong pamilya Santos.
6. Ang mabuting paghuhugas ng mga kamay ay mabisang paraan para maiwasan ang iba’t ibang sakit.
7. Si Jeremy ay kumakain ng sari-saring gulay at prutas.
8. Higit sa kalahati ng katawan natin ay binubuo ng tubig.
9. Umiinom ng maraming tubig bago, habang, at pagkatapos mag-ehersisyo ang mga atleta.
10. Ang kakayahan na labanan ang sakit ay napabubuti habang tayo ay natutulog.

1.8 Pagtukoy sa Predikatibong Pangungusap at Di Predikatibong Pangungusap


Panuto: Isulat ang C kung ito ay Predikatibong Pangungusap at D kung Di Predikatibong Pangungusap.
1. Nasira ang laruan. 11. Upang matapos ang gawain.
2. Tulad ng mga alon. 12. Mga tuntunin sa paaralan.
3. Luto na ang kanin. 13. Paliwanag ng guro namin.
4. Wala siyang sinabi. 14. Tuwang-tuwa ang mga bata.
5. Mantika, toyo, at suka. 15. Bumalik sa bahay si Jose.
6. Sa lumang simbahan. 16. Kaya natulog agad.
7. Tutulungan ka namin. 17. May sakit ang kanyang lola.
8. Harapan ng mataas na gusali. 18. Kumakanta habang sumasayaw.
9. Panoorin mo sila. 19. Napakaraming tao ang dumalo.
10. Makinig tayo nang mabuti. 20. Iba’t ibang hayop at halaman.

1.9 Pagtukoy sa Sugnay na Makapag-iisa at Di Makapag-iisa


Panuto: Mula sa mga pangungusap tukuyin at isulat sa patlang# 1 ang sugnay na makapagiisa, patlang #2 ang isang
sugnay na di-makapag-iisa at patlang #3 bumuo ng pangungusap na langkapan.
A. Masunurin na anak si Lara at lagi niyang pinakikinggan ang payo ng kanyang mga magulang kapag may suliranin siya.
1 _______________________________________________________________________________________________
2________________________________________________________________________________________________
3 ________________________________________________________________________________________________
B. Sundin natin ang mga babalang nakapaskil sa may lansangan at sumunod tayo sa mga batas trapiko upang makaiwas
tayo sa anumang sakuna.
1 _______________________________________________________________________________________________
2________________________________________________________________________________________________
3 _______________________________________________________________________________________________

2. Pagbuo ng mga Pangungusap


Panuto: Magbigay ng mga halimbawa mula sa hinihinging konsepto. Sa pagbuo ng mga kaisipan o pangungusap
gamitin ang paksang COVID19. (Anumang may kinalaman sa COVID19)

2.1 URI NG PARIRALA


a) PARIRALANG PANG-UKOL :________________________________________________
b) PARIRALANG PAWATAS :_________________________________________________
c) PARIRALA SA PANGNGALAN-DIWA :________________________________________
d) PARIRALANG PANDIWA:_________________________________________________
e) PARIRALANG PANG-URI:_________________________________________________
f) PARIRALANG PANG-ABAY:_______________________________________________

2.2 GAMIT NG PARIRALANG PAMBALARILA (Salungguhitan ang pariralang gamit sa loob ng pangungusap)
A) PARIRALANG PANGNGALAN
1. BILANG PAKSA: ____________________________________________________
2. KAGANAPANG PANSIMUNO: __________________________________________
B) PARIRALA SA PANG-URING GAMIT:_____________________________________
C) PARIRALA SA PANG-ABAY NA GAMIT
 PANDIWA :____________________________________________________
 PANG-URI:___________________________________________________
 PANG-ABAY:__________________________________________________

2.3 ANG GAMIT NG SUGNAY (Salungguhitan ang sugnay sa loob ng pangungusap)


a. PANGNGALAN:______________________________________________________
b. PANG-URI :_________________________________________________________
c. PANG-ABAY :_______________________________________________________

2.4 URI NG DI-PREDIKATIBONG PANGUNGUSAP


1. Eksistensyal :____________________________________________________________
2. Modal :_________________________________________________________________
3. Padamdam :_____________________________________________________________
4. Maikling Sambitla :_______________________________________________________
5. Panawag :______________________________________________________________
6. Pamanahon :____________________________________________________________
7. Pormularyong Panlipunan :_________________________________________________

2.5 PAKSA (Salungguhitan ang paksang ginamit sa loob ng pangungusap)


a. PAKSANG PANGNGALAN: ____________________________________________________
b. PAKSANG PANGHALIP :______________________________________________________
c. PAKSANG PAN-URI :_________________________________________________________
d. PAKSANG PANG-ABAY :______________________________________________________
e. PAKSANG PANDIWA :________________________________________________________
f. PAKSANG PAWATAS :________________________________________________________

2.6 URI NG PANAGURI (Salungguhitan ang panaguri sa loob ng pangungusap)


a. PANAGURING PANGNGALAN :__________________________________________
b. PANAGURING PANGHALIP :____________________________________________
c. PANAGURING PANG-URI :_____________________________________________
d. PANAGURING PANDIWA :_____________________________________________
e. PANAGURING PANG-ABAY: ___________________________________________
f. PANAGURING PAWATAS:_____________________________________________

2.7 URI NG PANGUNGUSAP


2.7.1 AYON SA GAMIT
a. PATUROL:_________________________________________________
b. PATANONG :_______________________________________________
c. PAKIUSAP :_________________________________________________
d. PAUTOS :__________________________________________________
e. PADAMDAM :______________________________________________

2.7.2 AYON SA KAAYUSAN


a. KARANIWANG AYOS :________________________________________________________________
b. KABALIKAN o DI_ KARANIWANG AYOS :_________________________________________________

2.7.3 AYON SA KAYARIAN


1. PAYAK
a. payak na paksa at payak na panaguri :_________________________________________
b. tambalang paksa at payak na panaguri :_______________________________________
c. payak na paksa at tambalang panaguri :_______________________________________
d. tambalang paksa at tambalang panaguri :______________________________________

2. TAMBALAN
a. Magkapantay:___________________________________________
b. Magkaiba:______________________________________________

3. HUGNAYAN :___________________________________________________________________
4. LANGKAPAN :___________________________________________________________________

You might also like