You are on page 1of 8

KABANATA VI: SINTAKS

ARALIN I. KAHULUGAN NG PANGUNGUSAP


 Ang Pangungusap ay salita o lipon ng mga salita na nagsaad ng buong diwa.
 Bawat pangungusap ay may dalawang bahagi — ang Paksa at Panaguri

1. Ang Paksa (subject) ay ang pinag-usapan sa pangungusap. May mga panandang “si,
sina” kung tao ang simuno at “ang o ang mga” kung bagay, lunan o pangayayari.

2. Ang Panaguri (predicate) naman ang pahayag na tungkol sa simuno.

Halimbawa:

a. Ang pinaghugasan ng pinggan ay ipinandidilig ko ng halaman.

Simuno: pinaghugasan ng pinggan

Panaguri: ay ipinandidilig ko ng halaman

b. Ginagamit ko ang basurahan nang maayos.

Simuno: ang basurahan

Panaguri: ginagamit nang maayos

PAGSASANAY

I. Panuto: Ang mga pangungusap sa ibaba ay mula sa 2013 State of the Nation Address
(SONA) ni Pangulong Benigno S. Aquino III. Salungguhitan ang buong simuno o paksa
(complete subject) ng bawat pangungusap.

1. Nagbigay ng talumpati ang pangulo sa harap ng Kongreso noong ika-22 ng Hulyo.


2. Ang hangarin ni Pang. Benigno Aquino III ay ang malawakang transpormasyon ng
ating lipunan.
3. Dadagdagan pa ang bilang ng mga pamilyang mayroon na o magkakaroon na ng
disenteng tahanan.
4. Ang pera para sa edukasyon, kalusugan, at serbisyong panlipunan ay napalago dahi sa
tama at mas masugid na pagkolekta ng buwis.
5. Ang mga Pilipino na handang makiambag ay siyang ugat ng pagbabagong tinatamasa
natin ngayon.
6. Malawakang pagkakataon ang susi sa malawakan at pangmatagalang kaunlaran.
7. Ang malawakang kaunlaran ay ang prinsipyong bukal ng bawat inisyatiba, kilos, at
desisyon ng pamahalaan.

8. Umabot sa halos apat na milyon kabahayan ang mga benepisyaryo ng Pantawid


Pamilyang Pilipino Program.
9. Ang kakulangan sa libro at upuan sa mga pampublikong paaralan ay nabura na.
10. Nag-angkat ang ating bansa ng mahigit dalawang milyong metriko tonelada ng bigas
noong 2010.

ARALIN II. KAYARIAN NG PANGUNGUSAP


1. Payak na pangungusap – kung ang isang ideya lamang ang ipinahahayag. May
simuno at panaguri ito na maaring higit sa isa.

Halimbawa :

 Masarap at masustansya ang mga gulay.


 Nagbuwis ng buhay ang mga bayaning Pilipino.
 Ang tagumpay ay pinaghihirapan.

2. Tambalang pangungusap – kung dalawang diwa o ideya ang ipinahahayag na


maaring magkatulad, magkasalungat o pagpipilian. Dalawang payak na pangungusap ang
pinagsama at pinag-uugnay ng at, o, ngunit, habang at iba pang pangatnig.

Halimbawa:

 Naglalaba si Juan habang nagluluto ang kanyang asawa.


 Pumunta kami sa SM tsaka naglaro sa Arcade.
 Magpupursige tayo at dapat tayong magsikap.

3. Hugnayang Pangungusap- dalawang sugnay ang nakikita sa pangungusap.

Halimbawa:

 Nahulog ako dahil pina-ibig mo ako.


 Kung papasa ka, magpapaburger ako!
 Taimtim na nakinig si Haring Solomon sa mga suliranin upang pantay siyang
humatol.

4. Langkapan-Maraming sugnay na maaaring nagmula sa dalawang di makapag-iisa at


dalawang makapag-iisa.
Halimbawa:

 Dahil nagmadaling umalis si Enrico, hindi siya nakapagpaalam kay Inay at


nakalimutan niyang dalhin ang kanyang baon.
 Si haring David ay pinagpala ng Panginoon at ang kaniyang anak na si haring
Solomon ay pinaunlad ng Diyos dahil sila ay kapwa pinili.

PAGSASANAY

I. Panuto: Isulat ang titik P sa patlang kung ang kayarian ng pangungusap ay payak, T
kung ito ay tambalan, at H kung ito ay hugnayan.

1. Ang pangulo ay umakyat sa entablado at nagbigay ng talumpati.


2. Mamamasyal kami sa plaza pagkatapos namin magsimba.
3. Malalaki ang mga silid-tulugan at malinis ang malaking bakuran.
4. Pumasok ang mga bata nang marinig nila ang tunog ng kampanilya.
5. Ang blusa ay maganda ngunit hindi ito kasya sa akin.
6. Kung wala akong kasama, hindi ako papayagan na umalis ng bahay.
7. Nahuli sa klase si Tom dahil hinatid pa niya ang kanyang kapatid.
8. Kumakain ng almusal si Kuya Noel at nagbibihis si Ate Sonia sa kuwarto.
9. Nagpatahi ng bagong uniporme si Natalie sa kanyang tita na modista.
10. Alamin natin ang mga karapatan ng bawat batang Filipino.

ARALIN III. LAYON NG PANGUNGUSAP


Tatlo ang layon na maaring gamitin sa pangungusap.

1. Ang tuwirang layon ay tumatanggap ng kilos o pandiwa at may panandang “ng”.


Sumasagot ito sa tanong na ano.

Hal.

Sumayaw si Nena ng Tango.

2. Ang di-tuwirang layon ng pandiwa ay pinaglalaanan o pinagtutunguhan ng kilos.


Sumasagot ito sa tanong ng kanino.

Hal.

Binigyan ko si Mica ng bulaklak.


3. Ang layon ng pang-ukol na “sa” ay tumutukoy sa lugar kung saan naganap ang kilos.

Hal.

Pumunta kami sa palengke.

PAGSASANAY

I. Panuto: Tukuyin kung tuwirang layon, di tuwirang layon at layon ng pang-ukol ang
mga sumusunod na pangungusap.

1. Nagtungo kami sa parke.

2. Kumain ako ng salad.

3. Humingi sya ng pera sa kaniyang nanay.

4. Pumunta kami sa Maynila.

5. Binigyan ko siya ng lapis.

ARALIN IV. AYOS NG PANGUNGUSAP

May dalawang kaayusan ang pangungusap. Ito ay ang Karaniwang Ayos at ang Di-
karaniwang Ayos.

a. Ang Karaniwang Ayos ng pangungusap ay nauuna ang panaguri kaysa sa


simuno/paksa.

Halimbawa:

Maayos at malinis ang paaralan.

(panaguri) (simuno)

Mga iba pang halimbawa ng karaniwang ayos ng pangungusap:

1. Matalinong bata si Kristelle.

2. Masaya ang pista sa barangay Malapagay ng Sto.Tomas.

3. Maayos at malinis ang paaralan.

4. Magalang ang anak ni Aling Marta.


5. Kawawa ang mga bata sa kalsada.

6. Naglalaro ang mga bata.

7. Magaling si Rina sa matematika.

8. Matamis ang ginawang keyk ni nanay.

9. Nagkagulo ang mga bata sa loob ng silid aralan.

10. Maganda ang kinalabasang proyekto ni Mila.

b. Ang Di-karaniwang Ayos ng pangungusap ay kung nauuna ang paksa at ginagamitan


ng panandang “ay”.

Halimbawa:

Ako ay isang matalinong bata.

(simuno) (panaguri)

Mga iba pang halimbawa ng di-karaniwang ayos ng pangungusap:

1. Si Kristelle ay matalinong bata.

2. Sila ay matulungin sa kanilang mga magulang.

3. Ako ay matapang na mandirigma.

4. Ang mungkahi ay pinagtibay ng mga kasapi.

5. Ang sang-ayon ay mangyari lamang magtaas ng kamay.

6. Ang hukumang ito ay naggagawad ngayon ng hatol.

7. Ang nasasakal ay napatunayang walang sala.

8. Ang mga bata ay naglalaro.

9. Kami ay mamasyal kila lola at lolo.

10. Sina Mario at lovely ay tunay na magkapatid.


PAGSASANAY

I. Panuto: Isalin sa di-karaniwang ayos ang mga sumusunod na pangungusap.

1.. Lubhang makulay ang mga pista ng mga Muslim sa Pilipinas.

2. Totoong mapaghimala ang imahen ng Mahal na Birhen ng Peñfrancia.

3. Taunang pagdiriwang sa Kalibo, Aklan, ang ati-atihan.

4. Mahalagang malaman natin ang tunay na kahulugan ng Santakrusan sa Pilipinas.

5.. Pinagdarayo sa Marinduque ang kapistahang Moriones.

II. Panuto: Isalin sa karaniwang ayos ang mga sumusunod na pangungusap.

6. Ang Antipolo ay isang maliit na bayan sa lalawigan ng Rizal.

7. Ang kanyaw ay pagdiriwang ng mga Bortok, Ipugaw, at Kalinga.

8. Ang parada ng mga kalabaw sa Nueva Ecija at sa Laguna ay pistang parangal kay San
Isidro de Labrador.

9. Ang pagpagto ng mga Bontok ay ritwal para sa masaganang ani

10. Ang Mahal na Birhen ng Salambao ay patron ng mga pangingisda.

ARALIN V. MGA URI NG PANGUNGUSAP


May apat na uri ang pangungusap ayon sa gamit:

1. Paturol o Pasalaysay – ang pangungusap kung naglalahad ito ng isang katotohanang


bagay. Nagtatapos ito sa tuldok (.).

Hal.

1. Ang anak ni aling Marta ay matalino.

2. Ang mga bata sa Antagan ay matulungin.

3. Ang kapatid ni Ela ay mahusay na guro..

2. Pautos – ang pangungusap kung nag-uutos at nagtatapos din ito sa tuldok (.).
Hal.

1. Saan ka nanggaling?
2. Ano ang binili mo?
3. Kailan uuwi ang kuya mo?

3. Patanong – ang pangungusap kung nagtatanong. Nagtatapos ito sa tandang pananong


(?).

Hal.

1. Kumuha ka ng baso sa loob.


2. Bumili ka ng pagkain natin.
3. Kunin mo ang bag ko sa upuan.

4. Padamdam – ang pangungusap kung nagsasaad ng matinding damdamin. Nagtatapos


ito sa tandang padamdam (!).

Hal.

1. Hala may ahas!


2. Jusko! Anong nangyayari sayo.
3. Wow! Ang ganda nya.

PAGSASANAY

I. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang mga sumusunod.


1. Maaari mo bang kunin ang aking bolpen sa bag
2. Bakit mo tinapon ang pagkain ko?
3. Siya ay laging pumapasok ng maaga.
4. Bakt ka nandito sa bahay ko?
5. Hala, nahulog ang bata!
6. Kami ay dadalo sa kaarawan ni Myca mamaya.
7. Saan mo napulot ang pitaka ko?
8. Huwarang anak si Nelia.
9. Ikuha mo nga ako ng tubig sa kusina.
10. Sila ay matulungin sa kanilang magulang.

II. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang tinutukoy ng pahayag ay tama at MALI
naman kung hindi.
1. Ang pangungusap na padamdam ay nagsasad ng matinding damdamin.
2. Ang pangungusap na patanong ay nag-uutos ng isang bagay.
3. Ang mga uri ng pangungusap ay may limang uri ayon sa gamit nito.
4. Ang paturol o pasalaysay ay naglalahad ng makatotohanang bagay at
nagtatapos ito sa tuldok.
5. Ang isang hslimbawa ng pautos ay “Nakalimutan ko ang aking proyekto sa
bahay”.
6. Maaaring ang pangungusap na pasalaysay ay nagtatapos sa tuldok at ito ay
hindi makatotohanan.
7. Ang apat na uri ng pangungusap ay patanong, pawatas, padamdam, at
pautos.
8. Ang patanong ay nagtatapos sa tandamg pananong.
9. Ang pangungusap na ito ay nagtatapos sa tuldok na kung saan ito ay
pangungusap na padamdam.
10. Ang pangungusap na pautos ay nagtatapos sa tuldok at ito rin ay nag-uutos
o nakikisuyo.

You might also like