You are on page 1of 36

N AT I O N A L R E A D I N G

PROGRAM (NRP)
FILIPINO
GRADE 3 – QUARTER 3
March 8, 2024
TEACHER:CRIS
F. FA D R I Q U E L A
OBJECTIVE
Pagpapahayag ng
Sariling Ideya , Opinyon
o Reaksyon sa Isang
Nabasang Isyu/Teksto
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita
ng pagiging mabait na batang Pilipino?
Lagyan ng tsek (/) ang kahon kung ang
larawan ay nagpapakita ng pagiging
mabait na batang Pilipino at ekis (x) kung
hindi.
Tanong:
-Alin ang iyong ginagawa sa mga
larawang ipinakita?
-Tuwing kalian kayo umaawit ng
Pambansang Awit?
Talasalitaan
-Nagalak
-Pabulyaw
-Makabayan
Ang Pagbabago ni Danilo
ni: Joyice B. Mercado
Mataas na ang araw ay nakahiga pa sa kama
si Danilo. Napuyat siya sa kalalaro sa
kanyang cellphone kaya hindi siya kaagad
nagising. Pabulyaw siyang ginising ng
kanyang ina. Dali- daling tumayo si Danilo at
agad na naligo at nagbihis ng uniporme.
Pagdating sa paaralan ay nagsisimula na ang
Flag Ceremony.
Napatakbo si Danilo patungo sa kanilang
linya, nakalimutan niya ang kanilang
tinalakay sa Araling Panlipunan tungkol sa
wastong asal sa pagiging makabayan.
Pagkatapos ng Flag Ceremony ay ipinatawag
siya ng kanyang guro. “Danilo bakit ka
nahuli kanina?” sabi ng galit niyang guro.
“Hindi po ako agad nagising ma’am,” ang
sabi ng nakayukong si Danilo. ”Ano ba ang
pinag-aralan natin kahapon sa Araling
Panlipunan?” tanong ng kanyang guro.
“Tungkol po sa pagiging makabayan, sa
paggalang sa ating watawat at maayos na
pag-awit ng Lupang Hinirang,”
pagmamalaking tugon ni Danilo.
“Natatandaan mo pala ang lahat ngunit tila
yata nakalimutan mong gawin kanina?” sabi
ng kanyang guro. Nahihiyang humingi ng
tawad si Danilo, at ipinangako niya sa
kanyang sarili na magiging responsable na
siya sa bawat gagawin. Nagalak ang nanay ni
Danilo dahil sa kanyang pagbabago.
Tanong:
1. Ano ang pamagat ng kwento?
2. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
3. Bakit hindi agad nagising si Danilo?
4. Bakit nagalit ang guro ni Danilo?
5. Nangyari na rin ba sa iyo ang nangyari kay
Danilo? Kung oo, ano ang iyong ginawa
pagkatapos?
Naibigan mo ba ang kwento ni Danilo?
Ang pagiging makabayan ay isang kaibig-ibig
na katangian ng isang batang katulad mo.
Ang pagbibigay ng sariling ideya o reaksyon
sa napakinggang kwento o teksto ay magiging
madali kung ito’y ating pakikinggang mabuti.
Aalamin ang mahahalagang detalye, mga
tauhan, at ang dahilan ang bawat pangyayari.
Kailangang maging positibo ang bawat
reaksyon o pahayag nang naaayon sa
mabuting asal o positibo ng nasahin.
ACTIVITY
Basahin ang tula.
Maglakbay Tayo
ni: Joyice B. Mercado
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang pamagat ng tula?
2. Tungkol saan ang tula?
3. Ano-ano ang mga magagandang tanawin na
binanggit sa dito?
4. Nakapaglakbay ka na ba sa mga tanawing
nabanggit?
5. Paano mo maipakikita na pinagmamalaki mo
ang bansang Pilipinas?
ACTIVITY
Basahin nang mabuti ang talata at
sundin ang panuto sa pagsagot.
Sa bawat komunidad ay may alituntuning dapat
sundin. Ito ay mga batas na tumutulong upang
maging maganda at maayos ang isang komunidad.
Ang disiplina ay isang magandang asal at
kaugalian na dapat taglayin ng mga taong
naninirahan sa isang komunidad. Magiging
maayos at matiwasay ang pamumuhay kung lahat
tayo ay magtutulungan sa pag-unlad ng ating
komunidad.
Sa palagay mo aling bilang ang
tumutukoy sa pagsunod sa
alituntunin ng isang komunidad?
Lagyan ng tsek (/) ang kahon atekis
(X) kung ito ay nakasasama sa
komunidad.
ACTIVITY
Basahin ang
tula.
Alam Mo ba?
Alam mo ba na sagana sa likas yaman ang
Pilipinas? Mga likas yaman na regalo ng
Maykapal. Yamang lupa, yamang tubig at yamang
mineral, Lahat ng ito’y nakatutulong sa
kabuhayan. Yamang lupa malawak at mataba,
Kaya’t pagsasaka yaring nagagawa. Pagkain,
pananamit, tirahan, gamot at iba pa, Pakinabang
na sagana’y ating tinatamasa.
Sa tubig naman nagmumula yaring mga isda,
Kabibe, korales at iba pa. Perlas na ginagawang
palamuti at alahas pa, Tunay na gantimpalang
napakasagana. Yamang mineral nagmumula sa
ilalim ng lupa, Bakal, marmol, tanso at iba pa.
Gintong ikinabubuhay sa ating bansa, Lahat ng
ito’y, alam mo ba?
Iguhit ang  sa patlang bago ang
bilang kung ang pangungusap ay
nagpapahiwatig ng pangangalaga sa
likas yaman at  kung ito ay hindi.
___1. Magtapon ng plastik sa ilog.
___2. Ayaw ni Mario na nasasayang ang
kanin sa hapag kainan.
___3. Gumagamit ng dinamita sa
pangingisda.
___4. Magtanim ng puno sa bundok at
kapatagan.
___5. Sinisira ang mga koral sa dagat
THANK
YOU!

You might also like