You are on page 1of 101

7

FILIPINO
(LEARNING AREA)
Ikalawang Markahan
(QUARTER NUMBER)
Modyul 1-8
(MODULE NUMBER)
Repleksiyon ng Kabisayaan

(DO_Q2_FILIPINO _7_MODYUL 1- 8) i (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)


Filipino – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Una-Ikawalong Modyul
Binagong Edisyon, 2022

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim Sara Z. Duterte-Carpio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Enrose L. Torio; Gilsanne I. Mempin;


Justene F. Verceles; Lorenz Irah J. Agustin;
Rachel T. Galoso; Joanne Cleofe;
Ma. Ednalyn C. Rejano; Ruby Ann R. Sison

Tagasuri ng Nilalaman: Grace Imperial-Yumul


Tagasuri ng Wika: Ma. Cristina M. Deang
Reviewer: Rosarie R. Carlos
Tagasuring Teknikal: Jean A. Tropel, EPS, LR
Tagaguhit: Rosemarie A. Abellera, Jayson P. Delechos
Tagalapat: Grace I. Yumul, Raphael A. Lopez, Arlene Jean
A. Francisco
Management Team:
MELITON P. ZURBANO, Schools Division Superintendent
FILMORE A. CABALLERO, CID Chief
JEAN A. TROPEL, Division EPS In-Charge of LRMS
ROSARIE R. CARLOS, EPS-Filipino
Printed in the Philippines by ________________________

Department of Education – National Capital Region – SDO VALENZUELA


Office Address: Pio Valenzuela St., Marulas, Valenzuela City
Telefax: (02) 292 – 3247
E-mail Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

ii (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
7
FILIPINO
(LEARNING AREA)
Ikalawang Markahan
(QUARTER NUMBER)
Modyul 1
(MODULE NUMBER)
Aralin 1: Awiting Bayan
at Bulong sa Bisaya

iii (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa
kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinatakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na naglalaman ng mga
paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay
at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na
may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng
aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung
tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng
ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na
matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

iv (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaaasahang:
✓ Naipaliliwanag ang kaisipang nais iparating ng napakinggang bulong at awiting-
bayan (F7PN-IIa-b-7)
✓ Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang nakapaloob sa
akda na sumasalamin sa tradisyon ng mga taga-Bisaya (F7PB-IIa-b-7)

A. Panuto: Iguhit sa iyong sagutang papel ang puso (♡) kung ang pahayag ay
TAMA at bilog (○) naman kung MALI.
1. Ang awiting- bayan ay mga awiting sumasalamin sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga Pilipino.
2. Isa sa matandang uri ng panitikan ang bulong.
3. Kasabay ng pagdating ng mga Kastila ang pagyabong ng mga awiting-bayan
at bulong sa Pilipinas.
4. Pinapaksa ng mga awiting-bayan ang mga katutubong kultura ng mga
Pilipino.
5. Ang awiting bayan at ang bulong ay parehong nagpapakita ng paniniwala,
kultura’t tradisyon ng mga Pilipino na minana mula pa sa mga ninuno.

B. Panuto: Piliin ang konotatibong kahulugan ng mga salitang nakadiin kaugnay


sa kaugalian ng mga Pilipino. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang kulay itim ay karaniwang iniuugnay sa:


A. giyera at kaguluhan C. pag-ibig at pagkabigo
B. paghihirap at gutom D. pagluluksa at kalungkutan
2. Ang oyayi ay kaugnay ng:
A. bangka, pamingwit at isda C. rosas, gitara at pag-ibig
B. ina, hele at sanggol D. walis, bunot at basahan
3. Ang balitaw at kundiman ay karaniwang iniuugnay sa:
A. pangangaso
B. paggaod ng bangka
C. paggawa ng mga gawaing- bahay
D. panliligaw o pagsasaad ng pag-ibig
4. Ang hilig sa pag-awit ng mga Pilipino ay karaniwang iniuugnay sa
pagiging:
A. mapamahiin C. masipag
B. masayahin D. matampuhin
5. Ang awiting- bayan ay karaniwang iniuugnay sa:
A. politika ng isang bayan
B. kultura’t kaugalian ng isang bayan
C. pagdurusang dinanas ng isang bayan
D. materyal na kayamanan ng isang bayan

1 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
C. Panuto: Tukuyin ang damdaming ipinapahayag ng bawat pahayag mula sa
awiting-bayan at bulong ng mga taga-Bisaya. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.

1. “Magpasyal tayo sa lawiswis kawayan, pugad ng pag-ibig at kaligayahan,


ang mga puso ay pilit magmahalan.” – Lawiswis Kawayan
A. maligaya C. nagulat
B. malungkot D. natatakot
2. “Binata’y nagtampo at ang wika ikaw pala’y ganyan; Akala ko’y tapat at
ako’y minamahal.” – Lawiswis Kawayan
A. nag-aalinlangan C. nagtatampo
B. nagtataka D. nanghihinayang
3. “Gising ka na, tulungan mo; Bitbitin ang mga pinamili ko, dahil mabigat
itong mga dala ko.” – Ili-ili Tulog Anay
A. nagbabaka-sakali C. nakikisuyo
B. nagagalit D. nagtatampo
4. “Heto ang ngipin kong sira’t pangit. Sana ay bigyan mo ng bagong
kapalit.” – Bulong
A. naghihikahos C. nagmamakaawa
B. naglulupasay D. nang-uuyam
5. “Tabi-tabi makikiraan lang kami, kami’y patawarin kung kayo’y masagi
namin.” – Bulong
A. pagbibigay-respeto C. pambabastos
B. pagkatakot D. pang-iinis

Aralin Awiting-Bayan at Bulong sa Bisaya


1

Magandang araw!

Ito ay dinisenyo at inihanda upang lubos na maunawaan ng mga mag-aaral


sa Ikapitong Baitang sa Ikalawang Markahan sa kahulugan at iba’t ibang uri ng mga
awiting-bayan at bulong na mayroon ang mga Pilipino.

Halina na’t ating simulan!

Panuto: Kopyahin ang buong pangungusap sa sagutang papel at bilugan ang


ginamit na salitang nanghihikayat.
1. Ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili ngayong panahon ng pandemya
ay isa lamang maliit na sakripisyo para sa buhay ng kapwa natin
Pilipino. Tulong-tulong tayo!

2 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
2. Tumpak! Isa sa paraan para malabanan ang paglaganap ng COVID-19
sa bansa ay ang kooperasyon ng bawat isa.
3. Talagang ang pananatili sa loob ng bahay ay isa sa pinakasimple pero
pinakaepektibong paraan para hindi kumalat ang virus na COVID-19.
4. Tunay na mahirap malaman kung sino ang tinamaan ng COVID-19
virus pero madali itong maipasa sa iba.
5. Ang COVID-19 ay maaaring makuha mula sa labas ng tahanan. Tiyak
na mahahawahan nito ang iyong pamilya na may edad na, may
karamdaman o di kaya’y mga buntis. Sila ay ang mga taong may
mahinang pangangatawan na walang panlaban sa COVID- 19.
6. Hindi nagpapatinag ang ating mga frontliner sa banta ng COVID-19.
Maging masunurin lamang tayo sa kanilang mga tagubilin. Kaya natin
ito!
7. Hindi padadaig ang mga Pilipino sa pandemyang kinakaharap ng ating
bansa. Laban lang mga kapwa ko Pilipino!
8. Siguradong lalong magiging matatag ang mga Pilipino sa anomang
problemang kakaharapin dahil sa karanasan sa COVID-19.
9. Panatilihin ang kalinisan sa ating sarili at sa kapaligiran. Halina’t
simulan!
10. Ang pagsunod sa tagubiling itinakda ng Department of Health
(DOH) laban sa COVID-19 ay talagang malaking tulong ngayong
panahon ng pandemya.

A. Panuto: Awitin ang awiting-bayan na “Bahay Kubo”


Sagutin ang mga gabay na tanong tungkol sa kantang inawit.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

• Anong damdamin ang


naramdaman mo habang inaawit
ang awiting-bayan?
• Tungkol saan ang awiting-
bayang ito?
• Bakit mahalagang hindi
makalimutan at patuloy na
awitin ang ating mga awiting-
bayan?

3 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
B. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino
na ipinapakita ng bawat larawan.

3. pagsasaka 2. pangangaso 1. pangingisda

5. pag-aaruga ng sanggol 4. pagsamba

Ang awiting-bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma.


Subalit kalauna’y nilapatan ito ng himig upang maihayag nang paawit at mas
madaling matandaan o masaulo. Ang karaniwang paksa nito ay ang pang-araw-
araw na pamumuhay, paniniwala at pamahiin ng mga tao sa isang lugar, kaya
naman may iba’t ibang uri ito para sa iba’t ibang pagkakataon o okasyon.
Nagpapahayag din ang awiting-bayan ng damdamin, kaugalian, karanasan,
pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook
tulad ng bulong.
Ang awiting-bayan ay isa sa mga matatandang uri ng panitikang Filipino na
lumitaw bago dumating ang mga Kastila. Ito’y naglalarawan ng kalinangan ng ating
tinalikdang panahon. Ito ay pasalitang pagpapahayag ng damdamin ng mga
katutubo. Naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng
matatanda sa pagpapaalala sa kabataan kaugnay ng mga dapat ikilos at maging
gawi.
Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao
sa Pilipinas. Isang panalangin ang bulong na binuhay dahil sa pagnanais na
makamtan ang isang pangyayari o pagbabago sa hinaharap na mga pangyayari sa
buhay na maaaring magtadhana ng kapalaran. Binubuo ng ilang taludtod at ginamit
upang hingan ng paumanhin ang mga lamang-lupa, tulad ng duwende at espiritung
hindi nakikita.
Ito’y ginagamit bilang pagbibigay- galang o pagpapasintabi sa mga bagay o
pook tulad ng punong balite, sapa at ilog, punso at iba pang pinaniniwalaang tirahan
ng mga lamang-lupa, maligno at iba pang makapangyarihang espiritu upang hindi
sila magalit o manakit. Bukambibig ng matatanda ang nasabing bulong lalo na sa
mga lalawigan. Itinuturo nila ito sa kanilang mga anak upang hindi mapahamak,
bigyan ng sakit o paglaruan ng mga maligno.
May mga bulong ding inuusal sa panggagamot tulad ng ginagawa ng isang
magtatawas sa napaglaruan ng lamang-lupa, namamaligno o kaya’y sa mga
nakukulam. Ginagamit din ang bulong bilang pananggalang sa lahat ng lihim na
kaaway gayundin kapag ang isang tao ay nadudulutan ng sama ng loob ng kapwa.

4 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
Awiting-bayan at Bulong mula sa Kabisayaan
Ang Kabisayaan ay nagtataglay ng makulay at mayamang kultura’t tradisyon
na lalo pang pinaniningning ng mga katutubong panitikan. Sa araling ito ay
bibigyang- pansin at itatampok ang mga awiting-bayang Bisaya o Visayan folksongs
at mga bulong sa Bisaya. Sa ibaba ay mababasa at maaari ring sabayan ang iba’t
ibang awiting-bayang nasusulat sa tatlong wikang Bisaya ang Waray-waray ng
Samar at Leyte, ang Hiligaynon ng pulo ng Panay at ang Sugbuwanon ng Cebu at
Negros. Halina’t tuklasin ang kagandahan ng mga awiting-bayang Bisaya.

Ang mga Bulong


Maliban sa mga awiting-bayan, ang mga bulong ay isa pang yaman ng ating
katutubong panitikang pasalindila. Magpasahangga ngayon, ang bulong ay
ginagamit pa rin ng marami nating kababayan sa pagpapasintabi kapag
napaparaan sa tapat ng isang nuno sa punso, sa kagubatan, sa tabing-ilog at sa
iba pang lugar na pinaniniwalaang tirahan ng mga engkanto, lamang-lupa o
maligno.
Pagbasa sa mga Awiting-bayan mula sa Bisaya. Makakatulong ang pakikinig ng
mga awitin sa youtube upang masabayan ito ng pagkanta.
(https://www.youtube.com/watch?v=LK4fRG6x7Zs)

Awiting-bayang Waray
Lawiswis Kawayan
(Saling Tagalog na inawit ng Mabuhay
Singers)

Sabi ng binata halina O hirang


Magpasyal tayo sa lawiswis kawayan
Pugad ng pag-ibig at kaligayahan
Ang mga puso ay pilit magmahalan.

Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw


Sasabihin pa kay Inang ng malaman
Binata’y nagtampo at ang wika ikaw pala’y
ganyan
Akala ko’y tapat at ako’y minamahal.

Ang dalaga naman ay biglang umiyak


Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
Binata’y naawa lumuhod kaagad
Nagmakaamo at humingi ng patawad.

5 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
Gawain 1: Piliin kung ikaw ay SANG-AYON o DI-SANG-AYON sa mga pahayag na
inilahad sa bawat bilang. Ipaliwanag ang iyong naging kasagutan at
gawin sa sagutang-papel.

DI-
SANG-
PAHAYAG SANG- PALIWANAG
AYON
AYON
1. Ang mga awiting-bayan at bulong ay dapat na
laging inaawit at sinasambit.
2. Makakatulong ang bulong bilang pangontra
sa mga taong may galit sa iyo.
3. Malaking tulong ang mga awiting-bayan
upang makilala ang uri ng pamumuhay ng
mga Pilipino.
4. Bawat linya o taludtod ng awiting-bayan at
bulong ay makahulugan.
5. Salamin din ng kagandahang-asal ang
awiting-bayan at mga bulong.

Gawain 2: Piliin sa loob ng talahanayan ang mga tradisyon at uri ng pamumuhay


ng mga taga-Bisaya mula sa binasang awiting-bayan at bulong.
pagbebenta sa palengke ng mga isdang paggamit ng bulong sa pagpapatulog
nahuli ng sanggol
pamamasyal ng dalawang taong nag- pagtatanim ng gulay sa kanilang mga
iibigan bakuran
pagbabayo ng palay pagkaani pangingisda ang isa sa ikinabubuhay
bahagi ng paglilibang ang pag-inom ng paghehele sa mga sanggol upang
tuba makatulog
paghingi ng tawad sa taong minamahal paniniwala sa mga espiritu at mga
kapag nagkakatampuhan nilalang na hindi nakikita
paggamit ng bulong sa mga may pagtulong sa magulang sa mga
karamdaman gawaing bahay
pagmamahal sa bayang sinilangan pagtotroso sa kakahuyan

6 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
Gawain 3: Pakinggan at unawain ang awiting-bayan na “Dalagang Pilipina” ni
Ruben Tagalog pagkatapos ay sagutan ang mga sumusunod na tanong
sa sagutang-papel. Gamiting gabay ang youtube link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=NKsDVrbfj30.

Dalagang Pilipina
ni: Ruben Tagalog
Gabay na Tanong:
1. Anong uri ng awiting- bayan Ang dalagang Pilipina
ang napakinggan? Parang tala sa umaga
2. Isa-isahin ang mga paglalarawang Kung tanawin ay nakaliligaya
inilahad sa isang dalagang Pilipina May ningning na tangi at dakilang ganda.
ayon sa awit? Maging sa ugali, magung kumilos,
3. Masasabi mo bang ang awiting-bayang ito Mayumi, mahinhin, Mabini lahat ng ayos.
ay isang pagpapaalala sa mga kabataang Malinis ang puso, maging sa pag-irog
tulad mo ukol sa mga dapat na maging May tibay at tining ng loob.
gawi at kilos? Ipaliwanag. Bulaklak na tanging marilag
Ang bango ay humahalimuyak
Sa mundo’y dakilang panghiyas
Pang-aliw sa pusong may hirap.

Batis ng ligaya at galak


Hantungan ng madalang pangarap
Ganyan ang dalagang Pilipina
Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta.

Gawain 4: Isulat sa sagutang papel ang paksa na isinasaad ng mga nabasang


awiting-bayan at bulong sa Bisaya.
A. Awiting-bayan Paksa
1. Si Pilemon
2. Lawiswis Kawayan
3. Ili-ili Tulog Anay
4. Dandansoy
B. Bulong
5. “Tabi-tabi …
Makikiraan lang kami
Kami’y patawarin
Kung kayo’y masagi namin.”

Gawain 5: Isulat sa sagutang papel ang sariling pananaw sa sumusunod na tanong.


1. Sa awiting-bayang “Dandansoy,” ipinahayag na sakaling mangulila, tumanaw
lamang sa Payaw. Ano ang naitutulong sa isang taong nangungulila ng pag-
alala sa kanyang sariling bayan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Bakit sa bulong ng Kinaray-a, sa daga hinihiling na palitan ang ngipin ng mas
maganda? Pangatwiranan.
3. Anong pamahiin ang ipinakikita sa bulong na:
“Tabi-tabi … Makikiraan lang kami
Kami’y patawarin kung kayo’y masagi namin?”

7 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
Gawain 6: Iguhit sa sagutang papel ang damdaming naramdaman matapos mabasa
at mapakinggan ang mga awiting-bayan at bulong ng mga taga-Bisaya.
Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong naramdaman.

1. Lawiswis Kawayan – (Paliwanag)______________________________________


2. Dandansoy – (Paliwanag)____________________________________________
3. Ili-ili Tulog Anay – (Paliwanag)_________________________________________
4. Si Pilemon – (Paliwanag)_____________________________________________
5. “Tabi-tabi … makikiraan lang kami
Kami’y patawarin kung kayo’y masagi namin.”(Paliwanag)____________

Panuto: Dugtungan ang pahayag na “I Believe…” sa paglalahad ng mga natutuhan


tungkol sa awiting-bayan at bulong.

I BELIEVE
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

Kung ikaw ay bubuo ng isang awiting-bayan na nagpapakita ng


magagandang kaugalian ng mga Pilipino, ano- ano ang mga kaugaliang nais mo
ilahad? Isulat ang gawain sa sagutang papel.
Pamagat ng Awiting- bayan: _________________________________________
Mga Magagandang Kaugalian ng mga Pilipino:
✓ ___________________________________
✓ ___________________________________

8 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
A. Panuto: Tukuyin at piliin mula sa kahon ang letra ng tamang sagot na
inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

A. Awiting-bayan B. Bulong C. Awiting-bayan at Bulong

1. Matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa Pilipinas.


2. Nilapatan ito ng himig upang maihayag nang paawit at mas madaling
matandaan o masaulo.
3. Nagpapahayag din ito ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya,
gawain o hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook.
4. Isang panalangin na binuhay dahil sa pagnanais na makamtan ang isang
pangyayari o pagbabago sa hinaharap.
5. Inuusal ito sa panggagamot tulad ng ginagawa ng isang magtatawas sa
napaglaruan ng lamang-lupa, namamaligno o kaya’y sa mga nakukulam.

B. Panuto: Suriin ang sumusunod na kaisipang nais iparating ng napakinggang


bulong at awiting-bayan sa pamamagitan ng pagpili sa letra ng tamang
sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. “Huwag magagalit kaibigan. Aming pinuputol lamang ang sa ami’y napag-utusan.”


A. Paghingi ng paumanhin at pagpapasintabi dahil sa paggawa ng kanilang
trabaho na magputol ng puno.
B. Pag-utos sa mga nilalang na di nakikita na itigil na ang pagkagalit sa
kanila.
C. Paghingi ng tawad sa isang matalik na kaibigan na nagawan ng masama.
D. Pagpapasintabi sa matalik na kaibigan kapag magpuputol ng puno.
2. “Lumayo kayo. Umalis kayo. Baka mabangga ko kayo.”
A. Pagtaboy sa masasamang espiritu na pagala-gala saanman.
B. Sinasadyang pagbangga sa mga nilalang na hindi nakikita.
C. Pagtaboy nang may paggalang sa mga nilalang na hindi nakikita sa takot
na baka ang mga ito’y masaktan.
D. Pagpapaalis sa mga alagang hayop sa bakuran kapag dadaan.
3. “Ang dalagang Pilipina parang tala sa umaga. Kung tanawin ay nakaliligaya, may
ningning na tangi at dakilang ganda.” – Dalagang Pilipina
A. Ang isang dalagang Pilipina ay nagsisilbing ilaw sa kadiliman.
B. Ang isang dalagang Pilipina ay may natatanging katangian at kagandahang
nakapagbibigay ng ligaya at liwanag sa karamihan.
C. Ang isang dalagang Pilipina ay dapat mong tanawin upang ikaw ay
lumigaya at magningning.
D. Ang isang dalagang Pilipina ay may maligayang pananaw sa buhay.
4. “At sa kanyang yumi at ganda, dayuhan ay nahalina. Bayan ko, binihag ka.
Nasadlak sa dusa.” – Bayan Ko
A. Dahil sa gandang taglay ng Pilipinas, nahalina ang mga dayuhan at binihag
ang kaawa-awang bayan.
B. Nasadlak ang bayan sa paghihirap dahil sa maling pamamalakad dito.
C. Tumaas ang turismo ng bansa dahil sa gandang taglay nito.
D. Itinadhanang sumadlak sa dusa ang bayang Pilipinas.

9 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
5. “Pilipinas kong minumutya. Pugad ng luha at dalita. Aking adhika, makita
kang sakdal laya.” – Bayan Ko
A. Ang Pilipinas ay isang bansang itinadhanang maghirap at mapuno ng luha.
B. Walang ibang hinangad ang isang Pilipino kundi ang makitang ganap na
malaya ang minamahal niyang Pilipinas.
C. Ang mga kulungan sa Pilipinas ay pugad ng luha at dalita. Hinangad ng
mga nakakulong na matamasa ang kanilang kalayaan.
D. May mga bayan sa Pilipinas na punong-puno ng paghihirap at dusa.

6. “Si Pilemon, si Pilemon, nangisda sa karagatan,


Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan”
Isinasaad ng mga linyang ito na …
A. Pangunahing kabuhayan sa Bisaya ang pangingisda.
B. Libangan ng mga tao sa Bisaya ang pangingisda.
C. Masagana ang Bisaya sa isda.
D. Ang karagatan ang nagsisilbing pahingahan ni Pilemon.
7. “Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke
Ang kanyang pinagbilhan, ang kanyang pinagbilhan, pinambili ng tuba.”
Isinasaad ng mga linyang ito na…
A. Ang tauhan ay nagnenegosyo ng tuba.
B. Ang tauhan ay mahilig uminom ng tuba.
C. Ang tuba ay kinakailangan upang makapasok sa palengke.
D. Ang tuba ay nakakapagpataba ng mga isda sa karagatan.
8. Batang munti, batang munti, matulog ka na,
Wala rito ang iyong ina,
Siya ay bumili ng tinapay
Batang munti, batang munti, matulog ka na.
Isinasaad ng awiting-bayang ito na…
A. Ang pag-awit para sa sanggol ay bahagi ng kulturang Bisaya.
B. Ang pag-awit para sa sanggol ay paraan para maging mahusay na
mang-aawit.
C. Ang pag-awit para sa sanggol ay bahagi ng pananampalataya ng mga
taga-Bisaya.
D. Ang pag-awit para sa sanggol ay sukatan ng pagiging isang mabuting ina.
9. “Dandansoy, iiwan na kita
Babalik ako sa Payaw
Kung sakaling ika’y mangulila
Sa Payaw, ikaw ay tumanaw.”
Isinasaad ng awiting-bayang ito na…
A. Napakahirap sa kalooban ang pagkakahiwalay ng dalawang
nagmamahalan.
B. Pinaglalapit ng isang awit ang dalawang magkalayong nagmamahalan.
C. Ang Payaw ay isang pulong babalik-balikan.
D. Mangungulila ang sinumang aalis sa Payaw.
10. “Tabi- tabi…
Makikiraan lang kami
Kami’y patawarin
Kung kayo’y masagi namin.”
A. Naniniwala ang mga taga-Bisaya sa mga nilalang na hindi nakikita.
B. Pinaniniwalaan nila na isa sa magandang asal ang magpasintabi bago
dumaan saanman.
C. Magandang pag-uugaling dapat taglayin ng mga taga-Bisaya ang bulong.
D. Bahagi ng kulturang Bisaya ang pagpapatawad.

10 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
Panuto: Tukuyin kung NARIRINIG o HINDI NARIRINIG sa mga kabataan ngayon
ang mga sumusunod na bulong at ilahad sa sagutang papel ang
kahalagahan ng paggamit nito.
1. Makikiraan po (Kahalagahan: ______________________________)
2. Tabi, tabi po Ingkong (Kahalagahan: ______________________________)
3. Mano po (Kahalagahan: ______________________________)
4. Paalam (Kahalagahan: ______________________________)
5. Ingat (Kahalagahan: ______________________________)

11 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
(DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1) 12
Subukin
A. B. C.
1. ♡ 1. D 1. A
2. ♡ 2. B 2. C
3. ○ 3. D 3. C
4. ♡ 4. B 4. C
5. ♡ 5. B 5. A
Balikan
1. Tulong- tulong tayo!
2. Tumpak
3. Talagang
4. Tunay
5. Tiyak
6. Kaya natin ito!
7. Laban lang mga kapwa ko Pilipino!
8. Siguradong
9. Halina’t simulan!
10. Talagang
Tayahin
A. B.
1. B 1. A 6. A
2. A 2. C 7. B
3. C 3. B 8. A
4. B 4. A 9. B
5. B 5. B 10. A
MGA IMPORMASYON

• https://www.slideshare.net/christine25/bulong-at-awiting-bayan
• Baybayin: Paglalayag sa Wika at Panitikan 7 by Ramilito
Correa ISBN 978-971-23-7028-1 p. 121-125, 190-191
• Baybayin: Paglalayag sa Wika at Panitikan 8 by Remedios
Infantado ISBN 978-971-23-7030-4 p.31-33
• Sinamar 7 by Maria Eliza Lopez, Erleen Ann P. Lorenzo, Teody C. San
Andres, Ma. Lordes R. Quijano, Jocelyn D.R. Canlas, Mercy M.
Edma ISBN 978-971-014-355-9 p. 114
• A.B. Julian, N.S. Lontoc, C.H. Esguerra, A.M. Duyag, (2018).
Pinagyamang Pluma 7. Quezon City: Phoenix Publishing House

MGA LARAWAN

• https://wearekubo.com/the-pinay-millennial-artist-challenging-
stereotypes-and-gender-roles/
• https://www.google.com/search?q=harana+drawing&tbm=isch&ved=2ah
UKEwiV47DwqIbsAhUTDt4KHaxWDHYQ2-
cCegQIABAA&oq=harana+drawing&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBAgAEB
4yBggAEAUQHjIGCAAQBRAeMgYIABAFEB4yBggAEAUQHjIGCAAQBRAe
MgYIABAFEB4yBggAEAUQHjIGCAAQCBAeOgQIABATUNQeWP0hYMMjaA
BwAHgAgAG-
AYgBkQKSAQMxLjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=im
g&ei=jfBuX9XoIpOc-
AasrbGwBw&bih=772&biw=1607#imgrc=4QLaQa82SJvd7M
• https://www.google.com/search?q=wedding+drawing&sxsrf=ALeKk0317
hGphtOhPI_jFCMAHc5Tuqzz8g:1601106003804&source=lnms&tbm=isch
&sa=X&ved=2ahUKEwj5zerUqIbsAhWXA4gKHR-
mBDQQ_AUoAXoECAsQAw&biw=1607&bih=772#imgrc=dOvwSku7Q-
aN_M
• https://www.google.com/search?q=singing+in+church+drawing&tbm=isc
h&ved=2ahUKEwiZvvTVqIbsAhX2wIsBHU9MBTsQ2-
cCegQIABAA&oq=singing+in+church+drawing&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECA
AQEzoCCAA6BggAEAcQHjoICAAQBxAeEBM6CAgAEAgQBxAeUPPmAlikg
gNgwYUDaABwAHgAgAFZiAHGCpIBAjE3mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pb
WfAAQE&sclient=img&ei=VvBuX5m7A_aBr7wPz5iV2AM&bih=772&biw=
1607#imgrc=0TnDKE1L1Z2LxM

13 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
7

FILIPINO
Ikalawang Markahan
Modyul 2
Aralin 1
Antas ng Wika Batay sa
Pormalidad

14 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
Panibagong aralin naman ang iyong matutuhan at inaaasahang matamo ang
mga sumusunod na kasanayan:
✓ Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa pagsulat
ng awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin at pormal). (F7WG-iIa-b-7)

A. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang antas ng wikang inilalarawan sa bawat


pahayag.
______1. Ito ay tinatawag din salitang kalye o salitang kanto.
______2. Ang mga salitang ito ay istandard sa kadahilanang karamihan sa mga
gumagamit nito ay mga nakapag-aral sa wika.
______3. Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maaari rin
namang maging repinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa
kanyang kinakausap.
______4. Ito ang mga salitang sinasalita sa isang particular na lugar o probinsya.
______5. Tinatawag itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may
nabubuong mga salita.

B. Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat kolum ng antas ng wika.

pormal balbal kolokyal lalawiganin


erpat amay
marikit ganders
tropa/aport gayyem
Ilaw ng tahanan ‘nay iloy
syota kasintahan

Aralin
1 Antas ng Wika Batay sa Pormalidad

Magandang araw!

Ang Ikalawang Aralin ay dinisenyo upang ikaw ay maihanda na matamo ang


kasanayan at mapaunlad ang kaalaman sa aralin tungkol sa Antas ng Wika batay
sa pormalidad ng gamit nito.

Halina na’t ating simulan!

15 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
Panuto: Magtala ng tatlong bulong at awiting-bayang karaniwang iyong naririnig.
Bulong:
Awiting-Bayan:

A. Panuto: Salungguhitan ang pormal na antas ng wika na nakapaloob sa


awiting-bayan na “Si Pilemon”. Suriin ang mga salita at ibigay ang
kasingkahulugan nito. Isulat ang gawain sa sagutang papel.
Si Pilemon
(Salin sa Tagalog)

Si Pilemon, si Pilemon,
nangisda sa karagatan,
Nakahuli, nakahuli
ng isdang tambasakan
Pinagbili, pinagbili
sa isang munting palengke
Ang kanyang pinagbilhan,
ang kanyang pinagbilhan, pinambili ng tuba.

B. Panuto: Muling isulat sa sagutang papel ang awiting-bayan na “Si Pilemon” gamit
ang ibinigay na kasingkahulugan ng mga pormal na salita at
paghambingin ang mga ito batay sa antas ng wikang ginamit.

“Si Pilemon” “Si Pilemon”


Orihinal Pinalitan

Antas ng Wika Batay sa Pormalidad


Kung magiging mapanuri at mag-oobserba ka sa usapan ng mga tao,
mapapansin mong nagkakaroon ng pagkakaiba sa uri ng salitang ginagamit depende
sa lugar, okasyon, panahon, gayundin sa taong kausap. Halimbawa, kapag may mga
nasalubong ka sa umaga ay maaaring magkaroon ng pagkakaiba-iba ang paraan o
pormalidad sa pagbati mo depende kung sino ang babatiin mo. Halimbawa, kung
ang principal ninyo ang nasalubong mo ay tiyak na “Magandang umaga po.” ang

16 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
sasabihin mo. Magbabago ito kung kaibigang matalik o BFF mo na ang
makasasalubong mo. Maaaring maging “Kumusta, ‘tol!” o kaya’y “Uy, P’re!” na may
kasamang pagtapik sa kamay o balikat ang gagawin mo. Halika, higit mo pang
kilalanin ang mga antas ng wika batay sa pormalidad.
Mga salitang Impormal o Di-Pormal- mga salitang karaniwang ginagamit sa
pakikipag-usap sa mga kakilala o kaibigan. Ito ay nauuri sa tatlo:
1. Balbal (Slang) ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye
kaya’t madalas na tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.
Nabibilang ang mga salitang ito sa di pormal na uri ng salita kaya’t
karaniwang hindi ginagamit sa pormal na pagtitipon o pagsulat.
Ang salitang balbal ay nabubuo sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan
tulad ng sumusunod:
• Pagkuha sa dalawang huling pantig ng salita tulad ng sa saltang
Amerikano na naging “Kano”
• Pagbaliktad sa mga titik ng isang salita tulad ng tigas na naging
“astig”
• Paggamit ng salitang Ingles at pagbibigay rito ng ibang kahulugang
“hindi maayos ang kalagayan o hindi maayos na tao” tulad ng “toxic
na schedule” o “toxic na kasamahan.”
• Pagbibigay kahulugan mula sa katunog na pangalan tulad ng Carmi
Martin na ang kahulugan ay “karma.”
Iba pang halimbawa:
bagets – kabataan lespu – pulis charing – biro datung – pera
ermat – nanay erpat – tatay sikyo – guwardiya utol – kapatid
Yosi – sigarilyo
2. Kolokyal (colloquial) – Ito’y isa pang uri ng mga salitang di pormal na
ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Madalas na
ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa salita upang
mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama ang dalawang salita.
Halimbawa:
• Pa’no mula sa paano
• P’re mula sa pare
• Te’na mula sa tara na
• Kelan mula sa kalian
• Meron mula sa mayroon
• Nasan mula sa nasaan
Bahagi pa rin nito ang pagsasama ng dalawang wika tulad ng Tagalog at Ingles
o “Tag-lish” o Tagalog-Espanyol.
Halimbawa:
• A-aatend ka ba sa birthday ni Lina? (Tag-lish)
• Hindi, may gagawin kami sa eskuwelahan. (Tag-Espanyol)
3. Lalawiganin (Provincialism)- mga salitang karaniwang ginagamit sa mga
lalawigan o probinsiya o kaya’y partikular na pook kung saan nagmula o kilala
ang wika. Kapansin-pansin ang mga lalawiganing salita ay may taglay na
kakaibang tono o bigkas na maaaring magbigay ng ibang kahulugan dito.

17 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
Halimbawa:
• Tanan mula sa salitang Bisaya na ibig sabhin ay “lahat”
• Ambot mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay “ewan”

• Manong at manang mula sa salitang Ilokano na ibig sabihin ay “kuya”


at “ate”
• Ngarud mula sa salitang Ilokano na katumbas ng katagang “nga”
Mga salitang Pormal - mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng
karamihan ng mga nakapag-aral sa wika. Ito ang mga salitang ginagamit ng
karamihan ng mga nakapag-aral sa wika. Ito ang mga salitang ginagamit sa
paaralan, sa mga panayam, seminar, gayundin sa mga aklat, ulat, at sa iba pang
usapan o sulating pang-intelektuwal.
Halimbawa:
• Maybahay sa halip na waswit
• Ama at ina sa halip na erpat at ermat
• Salapi o yaman sa halip na datung
Kabilang din sa uring ito ang masisining na salitang tulad ng mga tayutay,
kasabihan, at kawikaang lalong nagpaparikit sa pagkakagamit ng wika.
Halimbawa:
• “Ang kinis ng kanyang batok ay nakikipag-agawan sa
nagmamanibalang na mangga.”
• “Ang bilugang pisngi’y may biloy na sa kaniyang pagngiti’y
binubukalan mandin ng pag-ibig.”
Mula sa “Ang Dalaginding”
Ni Iñigo Ed. Regalado
Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
Habang maikli pa ang kumot, magtiis mamaluktot.

Sanggunian: Supplemental Lessons sa Filipino 7

Gawain 1: Suriin ang mga pangungusap. Isulat sa sagutang papel kung ang salitang
nakasalungguhit ay pormal o di-pormal.
1. Dahil sa pandemyang nararanasan ng bansa marami ang napraning.
2. Te’na, ipakilala natin ang ganda at yamang taglay ng Bisayas.
3. Bibigyan ni Jose ang kanyang maybahay nang isang magarbong sorpresa
sa nalalapit nitong kaarawan.
4. Abot-tenga ang sayang naramdaman ni Monica nang manalong kampeon
sa larangan ng pag-awit.
5. Nakahanda na ang pagkain sa hapag. Mangan tayo.
6. Naging mahusay na pinuno si Dion sa kanilang paaralan kaya marami ang
humahanga sa kanya.
7. Pinagalitan si Caira ng kanyang iloy dahil sa palagian nitong pakikipag-away sa
kanyang kapatid.
8. Pinakilala ni Arturo ang syota niya sa kanyang ina.

18 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
9. Mataimtim niyang dinalangin ang kagalingan ng kanyang inang maysakit.
10. Hindi makalimutan ni Mira ang masayang paglalakbay kasama ang
kaniyang pamilya.

Gawain 2: Basahin at suriin ang mga salitang nakaitim. Ihanay ang mga ito batay
sa antas ng wika. Gawin ito sa sagutang papel.
Thea: Risa maaari ba akong pumunta sa inyong balay? Nais ko sanang humingi
sayo ng payo.
Risa: Oo naman Thea, isang kagalakan sa aking puso ang ikaw ay aking
matulungan.
Thea: hindi kasi maalis sa aking isipan ang pangyayaring ito mula nang makita
ko ang ginawa ni Roy sa aming kamag-aral.
Risa: Ano bang petmalu ang kanyang ginawa?
Thea: Ninenok niya ang kwarta na matagal nang pinaghirapang ipunin ni
Haven. Hindi ko naman ito masabi kay Haven sapagkat natatakot ako na
magalit sa akin si Roy at ang kanyang amay na leon sa bagsik.
Risa: Wag kang matakot Thea dahil ang isang pagkakamali ay dapat na itama
anuman ang maging kalabasan nito. Dapat mong sabihin ito kay Haven
ganun rin sa amay ni Roy.
Thea: Tama Risa, Kailan man ay hindi natin maaaring kunin ang pinaghirapan
at pag-aari ng iba bagkus ay maging bukas palad pa nga dapat tayo sa
ating kapwa. Salamat Risa sa iyong payo.

balbal kolokyal lalawiganin pormal

Gawain 3: Batay sa mga salitang inihanay ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod
na antas ng wika.
1. balbal-
2. kolokyal-
3. lalawiganin
4. pormal na salita-

Gawain 4: Basahin ang mga pangungusap. Bilugan ang salitang hinahanap ayon sa
antas ng wikang makikita sa tabi ng numero.

(balbal) 1. Masayang naglibot sa Tagaytay ang buong mag-anak ni Mang


Ramon sakay ng kanilang tsekot.
(lalawiganin) 2. Manang Rita nakita mo ba ang nawawala kong pitaka?
(kolokyal) 3. Natuklasan ni Alliah na meron pala siyang natatagong aking galing
sa larangan ng pagsayaw.
(pormal) 4. Hindi ninais ng isang ilaw ng tahanan na mawalay sa kaniyang
anak.
(balbal) 5. Isang sikyo ang pinarangalan dahil sa kanyang katapangang
ipinakita.

19 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
Gawain 5: Isulat sa sagutang papel ang kahulugan ng mga salitang nakaitim sa
bawat pangungusap. Piliin sa kahon ang wastong kasagutan.
-pera -maglayas -halik -kuya
-pulis -kaibigan -malawak -alikabok
-matanda -maganda -mabango -ibon

______1. Mahalaga na may baon kang datung upang mabili mo ang iyong gusto sa
iyong pamamasyal.
______2. Sinamahan ni Lisa ang kanyang gayyem na mamili ng mga gamit nito sa
pag-aaral.
______3. Isang matamis na hadok ang ibinigay niya sa kanyang mapagmahal na ina.
______4. Bata pa lamang si Kris nang mag-istokwa na siya sa kanyang mga
magulang dahil sa pambubugbog na ginagawa sa kanya.
______5. Mabilis na nagsitakbuhan ang mga kabataan nang makita ang parak na
papalapit sa kanila.
______6. Di maliparang uwak ang lupang pagmamay-ari ng pamilya ni Mang Kanor
sa kanilang probinsya.
______7. Nagalit si manong sa kanyang mga kapatid dahil sa kakulitan ng mga ito.
______8. Napintas na dalaga si Lorna kaya marami ang sa kanya’y humahanga.
______9. Marami pang abug ang nakita ng kanilang ina sa mga kasangkapan kaya
pinaulit itong pinalinisan.
_____10. Gurang na ang kanyang ina kaya palagi niya itong sinasamahan saan man.

Gawain 6: Magbigay ng dalawang halimbawa ng balbal, kolokyal, lalawiganin at


pormal at gamitin ito sa pangungusap.
Balbal: A. ___________________________________________________________
B.____________________________________________________________
B.____________________________________________________________
Lalawiganin: A_____________________________________________________________
B.____________________________________________________________
Pormal: A. ___________________________________________________________
B.____________________________________________________________

Panuto: Matapos mong matutuhan ang antas ng wika, magtala ng mga


mahahalagang dulot ng pag-aaral nito sa iyo bilang isang kabataan.

1._______________________________________________________________
2. _______________________________________________________________
3. _______________________________________________________________
4. _______________________________________________________________
5. _______________________________________________________________

20 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
Panuto: Suriin ang awiting-bayan na “Lawiswis Kawayan” gayundin ang antas ng
wikang ginamit at itala sa mga bahagi ng katawan ang naging bisa ng
awitin.
Lawiswis Kawayan
(Saling Tagalog ng inawit ng Mabuhay Singers)

paningin Sabi ng binata halina O hirang


Magpasyal tayo sa lawiswis kawayan
Pugad ng pag-ibig at kaligayahan
Ang mga puso ay pilit magmahalan.

Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw


Sasabihin pa kay Inang ng malaman
pandinig Binata’y nagtampo at ang wika ikaw pala’y ganyan
Akala ko’y tapat at ako’y minamahal.

Ang dalaga naman ay biglang umiyak


pa Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
n Binata’y naawa lumuhod kaagad
damdamin
di Nagmakaamo at humingi ng patawad.
ni
g

A. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letrang B kung ang salita ay balbal, K
kung kolokyal, L kung lalawiganin at P kung pormal.
1. wag 6. p’re
2. libro 7. bagets
3. luoy 8. 50-50
4. bow lang ng bow 9. kapusod
5. kaututang dila 10. Kaon

B. Panuto: Isulat sa patlang ang hinihinging katumbas ng mga salita batay sa antas
ng wikang ibinigay.
1. (kolokyal) mayroon- _____________
2. (balbal) sigarilyo- ________________
3. (lalawiganin) malaki (Bikolano)- _______________
4. (kolokyal) piyesta-_________________
5. (balbal) pagkain- ___________________

21 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
Panuto: Bumuo ng isang makabuluhang usapan gamit ang sumusunod na salita:
• iloy (ina)
• ermat
• utod (kapatid)
• tsikot
• te’na
• abot-tenga
• meron
• piyesta

22 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
(DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1) 23
Gawain 4: Pagyamanin: Subukin
Gawain 1: A. 1. Balbal
1. Tsekot
1. Di-pormal 2. Pormal
2. Manang
2. Di-pormal 3.Kolokyal
3. Meron
3. Pormal 4. Lalawiganin
4. Ilaw ng tahanan
4. Pormal 5. Balbal
5. Sikyo
5. Di-pormal B.
Gawain 5:
6. Pormal
1. Pera 7. Di-pormal
2. Kaibigan 8. Di-pormal
3. Halik 9. Pormal
4. Maglayas 10. Pormal
5. Pulis Gawain 2:
6. Malawak
Balbal: petmalu,
7. Kuya
ninenok
8. Maganda
9. Alikabok Kolokyal: sayo, wag
10. Matanda
Tayahin: Lalawiganin: kwarta,
amay, balay
A. 1.K 6.K
2.P 7.B Pormal: leon sa bagsik,
3. L 8. B bukas palad,
4. K 9.P kagalakan
5. P 10. L
B. 1. Meron 4. pista
2.yosi 5.pagkain
3. dakula
MODYUL 2
• Sanggunian: Supplemental Lessons sa Filipino 7
• https://www.scribd.com/document/433708446/Pamantayan-sa-
Pagmamarka-Awiting-bayan-2nd-1-docx
• https://www.slideshare.net/jessicavduque/antas-ng-wika-28063693

24 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
7
FILIPINO
Ikalawang Markahan
Modyul 3
Aralin 1
Alamat at Kaligirang
Kasaysayan

25 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL2_ARALIN1)
Ang kasunod na modyul na ito ay mayroong mga inihandang gawain o
pagsasanay na kinakailangan mong sagutan. Ito ay may may malaking gampanin
upang mas mapalawak pa ang iyong pag-unawa tungkol sa Kabisayaan.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaaasahang:
✔ Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng Kabisayaan
F7PB-IIc-d-8

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.


1. Alin sa mga sumusunod na akdang pampanitikan ang tumutukoy sa mga
pinagmulan ng mga bagay- bagay?
A. Alamat B. Dula C. Epiko D. Pabula
2. Sa aling panahon ng pananakop natigil at sinunog ang mga naipalimbag na
alamat ng ating mga ninuno?
A. Amerikano B. Espanyol C. Hapon D. Malay
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga karaniwang tema o
paksang nakapaloob sa mga alamat?
A. Kapaligiran B. Katutubong Lahi C. Kaugalian D. Romansa
4. Ano ang dahilan kung bakit mayroong Isla ng Pitong Makasalanan ayon sa
alamat?
A. Ang pagtataksil ng pitong dalaga sa kanilang mga nobyo.
B. Ang pagpatay ng mangingisdang ama sa kaniyang pitong anak.
C. Ang pagsuway ng pitong dalaga sa kanilang ama na naging dahilan ng
kanilang pagpanaw.
D. Ang pangingisda ng ama kasama ang kaniyang pitong anak sa gitna ng
bagyo na naging dahilan ng kanilang pagkalunod.
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI likas na yamang taglay ng pulo ng Visayas?
A. Bukid B. Bundok C. Karagatan D. Minahan
6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa kaugalian ng mga nasa
Kabisayaan?
A. malambing B. mapagmahal C. mayabang D. suwail
7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pangunahing pangkabuhayan
ng mga Bisaya?
A. pagmimina B. pag-oopisina C. pagsasaka D. pangingisda
8. Ang Visayas ay kilala bilang isang pulong binubuo ng maliliit at kalat-kalat na
isla kung kaya’t dinarayo ng mga turista ang mga lugar na ito. Alin sa mga
sumusunod ang mga lugar na nakapaloob sa Visayas?
A. Hundred Islands C. Palawan
B. Ma. Cristina Falls D. San Rafael Beach
9. Kilala ang mga Bisaya sa iba’t ibang pista. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
kabilang sa mga pistang ipinagdiriwang sa Kabisayaan?
A. Ati-atihan B. Lubi-lubi C. Maskara D. Sandugo
10. Isa sa ipinagmamalaki ng Visayas ay ang kanilang mga pagkain. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pagkaing tunay na kayamanan ng
mga kabisayaan?
A. bicol express B. humba C. la paz batchoy D. pinakbet

26 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL3_ARALIN1)
11. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasali sa mga wikang isinasalita ng mga
Bisaya?
A. Hiligaynon B. Ilonggo C. Maguindanaoan D. Waray
12. Alin sa mga sumusunod ang HINDI sakop na lalawigan sa Visayas?
A. Bohol B. Cebu C. Cotabato D. Siquijor
13. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga kilalang Alamat na
umusbong sa Visayas?
A. Alamat ng Basey C. Alamat ni Daragang Magayon
B. Alamat ng Bundok Kanlaon D. Alamat ng Pinya
14. Itinuturing na “Luklukan ng Kasaysayan” ang rehiyon ng Visayas dahil sa dami
ng naganap na makasaysayang pangyayari dito. Alin sa mga sumusunod na
pangyayari ang HINDI kabilang sa mga ito?
A. Pagbabalik ni Douglas MacArthur
B. Pagdating ni Ferdinand Magellan
C. Unang misa sa Pilipinas
D. Unang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas
15. Sentro ng Turismo ang Visayas dahil sa angking likas na kagandahan ng mga
lugar dito. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang dito?
A. Coron C. Isla Gigantes
B. Chocolate Hills D. Pink Sand Beach

Aralin
1 Alamat at Kaligirang Pangkasaysayan

Magandang araw!
Sa pagtatapos ng araling ito, natitiyak ko ang iyong lubusang pag-unawa sa
katangiang at kahulugan maging ang kaligirang pangkasaysayan ng Alamat.
Matitiyak ko rin ang iyong kasiyahan sa pagbasa ng isang Alamat na mula sa
Kabisayaan. Handa ka na ba? Halina at ating simulan.

Bilang paghahanda, balikan natin ang ilan sa iyong mga natutuhan tungkol
sa Kabisayaan.
Panuto: Ilagay sa mga kahon ang mga salitang may kaugnayan sa pulo ng
Kabisayaan. Pagkatapos ay ilarawan ang mga salitang ito. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
Panagbenga Festival pagsasaka Isla Gigantes
Kalanggaman Island Ati-Atihan Festival relihiyoso
masisinop pangingisda sapatos
Isla Delos Siete Pecados tela Boracay

1.
2.

3.
4.

27 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL3_ARALIN1)
5.
6.
7.
8.
Isa sa lugar na dinarayo ng mga turista sa Kabisayaan ang mga yamang-tubig
na nakapalibot sa iba’t ibang pulo nito katulad na lamang ng Isla ng Pitong
Makasalanan. Ngunit ayon sa mga nakatatanda, sa likod ng magagandang islang ito
ay isang malungkot na alamat.

A. Panuto: Basahin ang Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan na matatagpuan


ang sipi sa link na: https://www.facebook.com/1180570918629398/posts/
alamat-ng-isla ng-pitong-makasalanan-noong-unang-panahon-isang-matandang
manging/ 2067660693253745/
Maglahad ng mga hinuha at itala sa loob ng graphic organizer ang
kasagutan sa sumusunod na tanong. Gawin ito sa sagutang papel

Noon Ngayon

Kultura

Alamat ng Isla ng
Pitong Kaugalian
Makasalanan

Kapaligiran

1. Ano ang iyong naging paglalarawan sa kapaligiran ng Isla ng Pitong


Makasalanan batay sa binasang alamat?
2. Ano-ano ang kaugalian ng mga tauhan?
3. Magbigay ng 3 kultura ng Kabisayaan na masasalamin sa binasang
akda.

Ano ang ALAMAT?

● Ang salitang alamat o legend ay mula sa salitang latin na legendus, na


nangangahulugang “upang mabasa.”
● Ang mga ito ay nagsasaad kung paano nagsimula ang mga bagay-bagay.
● Karaniwan itong nagtataglay ng mga kababalaghan o mga hindi
pangkaraniwang pangyayari.

28 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL3_ARALIN1)
● Karaniwang paksa o tema nito ay ang ating katutubong kultura, mga
kaugalian at kapaligiran na sumasalamin ng mga magagandang katangiang
tulad ng kalinisan ng kalooban, katapatan, at katapangan, subalit tinatalakay
rin sa mga alamat ang hindi mabubuting katangian tulad ng kasakiman,
katamaran, kalupitan, paghihiganti, pagsumpa at iba pa.
● Ito ay may kapupulutang aral at palaging nagwawakas sa pananaig ng
kabutihan laban sa kasamaan.
● Ang mga alamat ay nabibilang sa mga karunungang-bayang lumaganap noon
pa man sa panahon ng ating mga ninuno na nagpasalin-salin sa bibig ng
taumbayan.
● Mas nakilala pa ang mga alamat nang dumating ang iba’t ibang dayuhan sa
ating bansa upang makipagkalakalan at nagkaroon ng pagkakataon ang ating
mga ninuno upang maisulat at maipalimbag ang mga ito.
● Nagkaroon ng pagkakataong sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol ay
sinunog at natigil ang paglaganap ng pagpapalimbag ng mga alamat sa
paniniwalang ito ay mga gawa ng demonyo ayon sa katolisismo ngunit hindi
ito naging hadlang upang magpatuloy ang pagsasalindila ng mga alamat sa
iba’t ibang rehiyon na hindi nagtagal ay mayroong kani-kanilang sariling
bersyon ng mga alamat.
Mayaman ang Visayas sa mga Alamat. Maraming lugar dito ang nagkaroon ng
pangalan batay sa mga Alamat bago pa man tayo sakupin ng mga dayuhan.

Gawain 1. Alamat o Lamat?


Panuto. Isulat sa sagutang papel ang salitang Alamat kung ang pahayag ay
tumutukoy sa mga nilalaman ng isang alamat at Lamat naman kung hindi.
1. Karaniwan itong tumatalakay sa totoong naganap sa kasaysayan ng mga bagay,
lugar at iba pa.
2. Ito ay pagsasabuhay ng mga pinaniniwalaang pinagmulan ng mga bagay sa isang
partikular na lugar.
3. Sumasaklaw ang tema at paksa ng mga alamat sa ating kultura, paniniwala,
kaugalian at kapaligiran.
4. Ang mga bagay na tinatalakay sa alamat ay ang kinahinatnan ng mga tauhan sa
akda.
5. Kapupulutan ng mga aral ang mga alamat.

Gawain 2: Pinagmulan, Ihambing sa Kabisayaan!


Maglahad ng mga paghihinuha hinggil sa kultura, kaugalian at kapaligiran ng
iyong pinagmulang probinsya/lalawigan at ihambing ito sa Kabisayaan. Isulat ang
isasagawang sanaysay sa sagutang papel.

29 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL3_ARALIN1)
Gawain 3: Kulayan ng pula ang puso kung ang salita ay tumutukoy sa positibong
katangian ng mga tauhan sa binasang alamat at itim naman para sa
mga negatibong katangian. Isulat at gawin sa sagutang papel.

1. mapagmahal 6. mayumi

2. masunurin 7. bulag sa pag-ibig

3. suwail 8. masiyahin

4. mapagpatawad 9. masipag

5. tukso 10. mahigpit

Gawain 4: Isalaysay ang mga pangyayari sa alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan


na sumasalamin sa kasaysayan at pinagmulan ng Kabisayaan.

1. 2. 3. 4. 5.

Gawain 5: Iguhit ang mga lugar sa Alamat ng Pitong Makasalanan. Lagyan ito ng
limang pangungusap na naglalarawan. Gawin ito sa sagutang papel.

Gawain 6: Lagyan ng tsek ( / ) kung ang pahayag ay sumasalamin sa pinagmulan o


kasaysayan ng alamat at ekis ( X ) kung hindi. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Nakapaglimbag ang mga ninuno ng mga Alamat sa tulong ng mga
dayuhang mananakop.
2. Sa umpisa’y pasalindila lamang ang pagsasalin ng mga Alamat.
3. Karaniwang paksa o tema nito ay ang ating katutubong kultura, mga
kaugalian at kapaligiran na sumasalamin ng mga magagandang
katangiang tulad ng kalinisan ng kalooban, katapatan at katapangan.
4. Nakatutulong ang Alamat upang malaman ang pinagmulan ng isang
bagay o lugar.
5. Isang mahalagang gampanin ng Alamat ay ang pagtanaw sa nakaraan ng
ating mga ninuno.

Panuto: Basahin at sagutin sa sagutang papel ang sumusunod na katanungan.


1. Sa iyong palagay, ano ang gampanin ng Alamat sa ating pinagmulan?
2. Magtala ng tatlong (3) mahahalagang katangian ng Alamat.
3. Bilang mag-aaral, paano mo mahihikayat ang iyong kapwa mag-aaral na
patuloy na alamin ang mga Alamat sa ating bansa?

30 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL3_ARALIN1)
Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag. Maglahad ng mga paghihinuha
hinggil ditto at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pahayag Paghihinuha
1. Araw-araw makikita ang pitong dalagang masayang
nagsasagawa ng mga gawaing-bahay o kaya nama’y nasa
dalampasigan at nagtatampisaw o masayang lumalangoy,
naghahabulan at nagtatawanan.

2. “Sana, kung makahanap man ng mapapangasawa ang aking


mga anak ay tagarito lang sa aming islaupang hindi sila
mapalayo sa akin,” ang naibubulong ng ama sa sarili habang
pinagmasdan ang kanyang mga anak na abala sa mga gawaing-
bahay.

3. Isang araw, habang nasa dagat at nangingisda ang ama ay


gumawa ng isang mapangahas na pasya ang mga dalaga.
“Sasama ako sa aking kasintahan, sa ayaw at sa gusto ni Ama,”
ang wika ng panganay na si Delay.

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa


sagutang papel ang TAMA kung ang salitang nakasalungguhit ay wasto at
MALI kung hindi.
1. Ang mga Alamat ay karaniwang nagmula sa mga karunungang bayan.
2. Kilala ang mga Bisaya sa pagiging masunurin at masinop.
3. Noong unang panahon ay naipalilimbag na ang mga alamat ng ating mga
ninuno.
4. Isa sa kagandahan ng alamat ay ipinakikilala nito ang mga kultura ng
sinaunang panahon sa kasalukuyan.
5. Sumasalamin ang epiko sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
6. Karaniwang tema o paksa ng mga alamat ay kababalaghan o
di- pangkaraniwang pangyayari.
7. Nakapaloob sa alamat ang mga makatotohanang naganap sa ating
kasaysayan.
8. Karaniwang kinapupulutan ng aral ng mambabasa ang mga alamat.
9. Mas kilala ang mga Alamat kaysa sa Epiko dahil sa istruktura ng
kuwento
maging ang kaaliwang dulot nito sa mambabasa.
10. Isa sa magandang dulot ng pananakop sa ating bansa ay ang
pagkakalimbag ng mga Alamat sa panahon ng mga Espanyol.

31 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL3_ARALIN1)
B. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra ng wastong sagot na nasa Hanay B na
angkop sa mga pahayag na nasa Hanay A.

HANAY A HANAY B
1. Ito ay tumutukoy sa kahulugan ng legendus. A. Alamat
2. Tumatalakay sa pinagmumulan ng mga bagay- B. makasaysayan
bagay.
3. Ito ang karaniwang paksa ng mga alamat. C. pasalindila
4. Ito ang pangunahing katangian ng isang D. para mabasa
Alamat.
5. Paraan ng pagpapalaganap ng alamat E. pinagmulan
noong unang panahon.

Panuto: Kulayan ng pula ang pahayag kung ito ay sumasalamin sa kasaysayan ng


Kabisayaan batay sa binasang Alamat at asul kung hindi. Isulat ang mga
pahayag at sagot sa sagutang papel.

1. Likas sa mga Bisaya ang pagiging mapagpahalaga sa pamilya.

2. Mayaman ang Kabisayaan sa likas na yamang lupa.

3. Isa sa negatibong kaugalian ng mga bisaya ang pagiging padalos-


dalos sa pagdedesisyon.

4. Masasalamin sa alamat na walang pormal na tradisyon ang mga


bisaya pagdating sa panliligaw.

5. May angking kagandahan ang mga kababaihan sa Visayas.

32 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL3_ARALIN1)
(DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL3_ARALIN1) 33
Isaisip
Sariling ideya ng mag-aaral batay sa Subukin
natutuhan sa talakayan 1. A 6. C 11. C
2. B 7. B 12. C
Isagawa 3. D 8. C 13. D
4. C 9. A 14. C
1. pula 3. pula 5. pula 5. D 10. D 15. C
2. asul 4. asul Balikan
1. kalanggaman Island
Tayahin 2. Isla Delos Siete Pecados
1. TAMA 3. Relihiyoso
4. Ati-atihan Festival
2. MALI 5. Pagsasaka
3. MALI 6. Pangingisda
7. Isla Gigantes
4. TAMA 8. Boracay
5. MALI Tuklasin
Ang mga sagot ay batay sa binasang alamat.
6. TAMA Pagyamanin
7. MALI Gawain 1:
8. TAMA 1. pula 6. pula
9. TAMA 2. pula 7. itim
10. MALI 3. itim 8. pula
II. 4. pula 9. pula
1. D 5. itim 10. Itim
2. A Gawain 2: Batay sa akdang Binasa
3. E Gawain 3: Sariling Kasagutan
4. B Gawain 4:
5. C 1. lamat 3. alamat 5. alamat
Karagdagang Gawain 2. alamat 4. alamat
Ang mga sagot ay batay sa pag-unawa ng Gawain 5: Sariling kasagutan
mga mag-aaral sa kasaysayan ng
Gawain 6: 1-5. Tsek
binasang alamat.
MODYUL 3
AKLAT

PLUMA 7 ng Phoenix Publishing House, pp. 175--176, na sinipi rin


mula sa aklat na Panitikang Panrehiyon sa Pilipinas (Pat Villafuerte,
et al.)

MGA LINK

• Kinuha sa.
https://www.facebook.com/1180570918629398/posts/alamat-
ng-isla-ng-pitong-makasalanan-noong-unang-panahon-isang-
matandang-manging/2067660693253745/Kinuha noong
Hunyo 17, 2020
• Kinuha sa. https://www.slideshare.net/jeirelly/kultura-wika-
tradisyon-turismo-at-pista-sa-mga-rehiyon-ng-cordillera-
administrative-regioncar-national-capital-regionncr-kanlurang-
visayas-silangang-visayas-at-gitnang-visayas/ Kinuha noong
Hunyo 17, 2020
• Kinuha sa.
https://www.slideshare.net/SmileNiBadjhe/paghahambing-na-
magkatulad-at-di-magkatulad/ Kinuha noong Hunyo 18, 2020
• Kinuha sa. https://sites.google.com/site/merlen1603/mga-
alamat/ang-alamat-ng-pinya/ Kinuha noong Hunyo 19, 2022

34 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL3_ARALIN1)
7
FILIPINO
Ikalawang Markahan
Modyul 4
Aralin 1
MGA SALITA: DIGRI O
ANTAS NG KAHULUGAN,
DI-LANTAD AT
NAGPAPAHAYAG NG
DAMDAMIN

35 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL3_ARALIN1)
Subukang muli ang panibagong aralin at ikaw ay inaaasahang matamo ang
mga kasanayang:
✓ Naibibigay ang kahulugan at sariling interpretasyon sa mga salitang paulit-ulit
na ginamit sa akda, mga salitang iba-iba ang digri o antas ng kahulugan
(pagkiklino), mga di pamilyar na salita mula sa akda, at mga salitang
nagpapahayag ng damdamin (F7PT-IIc-d-8/F7PT-II e-f-9)

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.


1. Ano ang pinakamalalim na pagpapakahulugan ng pagluha?
A. hagulgol C. iyak
B. hikbi D. nguyngoy
2. “Ito na ang katapusan ng aking paglalakbay.” Ano ang kahulugan ng
pahayag na nakasalungguhit?
A. pag-alis B. pagpanaw C. pagsuko D. pagtakas
3. Nakapanggagalaiti ang pagyapak ng may kapangyarihan sa mga dukha. Anong
salita sa pahayag ang nagpapakita ng emosyon o damdamin?
A. dukha C.nakapanggagalaiti
B. kapangyarihan D. pagyapak
4. “Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang mga magulang na pinababayaan
ang mga anak.” Anong damdamin ang ipinapahayag ng salitang
nakasalungguhit?
A. galit B. masaya C. pagkatakot D. pagtataka
5. Ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga salitang (1) daplis, (2) galos,
(3) hiwa at (4) saksak ayon sa antas o tindi ng kahulugan nito?
A. 1,2,3,4 B. 2,1,3,4 C. 4,3,2,1 D. 1,3,4,2

6. Hindi mapakali si Nanay. “Ang lakas ng ulan at wala pa ang mga bata.
Sana hindi sila bahain.” Anong damdamin ang ipinapahayag ng tauhan sa
pangungusap?
A. nag-aalala C. nahihiya
B. nagsisisi D. natatakot
7. Ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga salitang (1) kalungkutan, (2)
kapighatian, at (3) kalumbayan ayon sa antas o tindi ng kahulugan nito?
A. 1,2,3 B. 2,1,3 C. 3,2,1 D. 1,3,2
8. Ano ang pinakamalalim na pagpapakahulugan ng madamot?
A. gahaman B. ganid C. sakim D. suklam
9. Nababahala ako sa magiging epekto ng mabilis na paglaganap ng kriminalidad
sa ating bansa. Anong salita sa pahayag ang nagpapakita ng emosyon o
damdamin?
A. epekto C. nababahala
B. mabilis D. paglaganap
10. Ano ang pinakamasidhing kahulugan ng salitang natakot?
A. kinabahan C. nagimbal
B. kinilabutan D. nasindak

36 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL4_ARALIN1)
11. Ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga salitang (1) paghanga (2)
pagmamahal (3) pagsinta at (4) pagliyag ayon sa antas o tindi ng kahulugan
nito?
A. 1,2,3,4 B. 2,1,3,4 C. 4,3,2,1 D. 1,3,4,2
12. Padabog na isinara ni Bea ang pinto pagpasok sa kanilang bahay. Anong
damdamin ang nais ipakahulugan ng pahayag?
A. galit C. kasiyahan
B. kalungkutan D. pagtanggi
13. Biglang nag-apoy ang kaniyang mata nang makitang paparating na ang taong
nanakit sa kaniya. Anong paraan ng pagpapahayag ng damdamin ang ginamit
sa pahayag?
A. sambitla C. tiyak na damdamin
B. padamdam D. hindi tiyak na damdamin
14. “Hinding-hindi kita mapatatawad kahit kailan!” Anong paraan ng
pagpapahayag ng damdamin ang ginamit sa pahayag?
A. Sambitla C. tiyak na damdamin
B. padamdam D. hindi tiyak na damdamin
15. “Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makakapal na
pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas.”
Anong damdamin ang naghahari sa pahayag ng tauhan?
A. may sakit C. nakakulong
B. nagtatago D. natataka

Aralin MGA SALITA: DIGRI O ANTAS NG


1 KAHULUGAN, DI-LANTAD AT
NAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN.

Matitiyak ko rin ang iyong kasiyahan sa pagtuklas ng mga salitang maaaring


ngayon mo pa lamang mababasa at magagamit.
Handa ka na ba?
Halina at ating simulan ang iyong pagsasagot.
Halina at ating simulan ang iyong pagsasagot.

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang T kung ang pahayag tungkol sa kasaysayan
ng alamat ay tama at M naman kung mali.
1. Ang alamat ay mula sa salitang Griyego na legendus.
2. Ang alamat ay may mahalagang bahagi sa kulturang Pilipino dahil ito ay
nagsasaad kung paano nagsimula ang mga bagay-bagay.
3. Ang salitang legendus ay nangangahulugang “upang mabasa”.
4. Karaniwang paksa ng mga alamat ay ang ating katutubong kultura, mga
kaugalian at kapaligiran.
5. Karamihan sa mga nilikhang alamat ay hindi kapupulutan ng aral.

37 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL4_ARALIN1)
A. Panuto: Magbigay ng tatlong sitwasyon/pangyayari sa iyong buhay batay sa
emosyon na ipinapakita ng bawat larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

A. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang damdaming ipinapahayag sa bawat


pangungusap. Isulat ang letra ng sagot sa sagutang papel.
A. dismaya D. pag-aalala G. pangamba
B. galit E. pagsang-ayon H. saya
C. lungkot F. pagtanggi I. takot

1. Mabuti na lamang at hindi tayo umalis ngayon.


2. Hindi ko nais na mapasama ang iyong kinabukasan.
3. Ikinagagalak kong makilala ang tulad mo.
4. Hindi ko lubos maisip na magagawa mong itakwil ang iyong alaga.
5. Isinusumpa kong hindi mo na ako makikita kahit kailan.
6. Nag-aalangang umalis si Ana dahil nagbabadya ang pagbagsak ng ulan.
7. Nagustuhan ni Albert ang iminungkahing gawain ng kaniyang mga
kagrupo kung kaya’t ito ang kanilang naging proyekto.
8. Ramdam ni Jacob ang pagsunod ng mga yabag sa kanyang pag-uwi ng
hatinggabi.
9. Malakas na hinampas ni Gab ang lamesa nang makarating sa kaniya ang
balita.
10. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ni Eden habang huling sinisilayan
ang kaniyang ama.

DIGRI O ANTAS NG KAHULUGAN NG SALITA

Hindi lahat ng salitang magkakasingkahulugan ay pareho ang ibig sabihin.


Hindi maaaring pagpalitin ang gamit ng mga ito. Bagaman iisa ang malawak na
kahulugan, magkakaiba naman ang tindi ng ipinapahayag nito. Magkaiba ng digri
o tindi ang nais iparating nito, lalo na kapag ginamit na sa pangungusap.

Pagkiklino
Ang pagkiklino ay tumutukoy sa pagsasaayos ng kahulugan ng salita ayon sa
intensidad, bigat o tindi ng kahulugang nais nitong ipahiwatig.
Halimbawa: Hindi maaaring sabihin na ikaw ay humahagulgol kung humihikbi ka
lamang. Kung iaantas natin ang mga sumusunod na salitang
magkakatulad sa kahulugan na magkaiba naman sa tindi o digri ng
nais ipahayag, ganito ang magiging ayos nila.
Hikbi-----------Nguyngoy-------------Iyak---------------Hagulgol
(pinakapayak) (pinakamasidhi)

38 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL4_ARALIN1)
Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon/ Damdamin
1. Mga Pangungusap na Padamdam
-mga pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin. Ginagamitan ito
ng tandang padamdam (!).
Halimbawa:
• Naku po, hindi ko maaatim na patayin ang inosenteng sanggol na ito!
• Ang sakit malamang ang sariling anak ang pumaslang sa ama!
2. Maiikling Sambitla
-mga salitang iisahan o dadalawahang pantig na nagpapahayag ng matinding
damdamin.
Halimbawa:
• Aray! Nasugatan ako ng patalim.
• Wow! Ang bango ng ulam natin ngayon.
3. Mga Pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin o emosyon ng isang
tao
-mga pangungusap na pasalaysay na nagpapakita ng tiyak na damdamin o
emosyon.
Halimbawa:
Kasiyahan: Napakasayang isipin na may isang bata na namang isinilang sa
mundo.
Pagtataka: Hindi ko lubos maisip kung bakit ipapatapon ng isang magulang
ang isang walang kamalay-malay na sanggol.
Pagkalungkot: Masakit isiping ang mag-ama ay nagharap sa isang
pagtutunggali.
Pagkagalit: Hindi dapat kinikitil ang buhay ng isang sanggol.
Pasang-ayon: Tama ang naging desisyon ng pastol na hindi patayin ang bata.
Pagpapasalamat: Mabuti na lamang at nakapag-isip ang pastol.
4. Mga Pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan
-mga pangungusap na gumagamit ng matatalinghagang salita sa halip na
tuwirang layon.
Halimbawa:
✓ Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang mga magulang na
pinapabayaan ang mga anak

Gawain 1: Lagyan ng letra A-E ang mga salita batay sa kanilang digri o antas mula
pinakamababaw hanggang pinakamalalim na pagpapakahulugan.
Isulat ito sa sagutang papel.
pagkawala
pagkaubos
paglalaho
pagkasaid
parang bulang nawala

39 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL4_ARALIN1)
Gawain 2: Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na uri ng mga pahayag na
nagsasaad ng damdamin ang ginamit sa bawat bilang. Isulat ang letra sa
sagutang papel.
A. hindi tiyak na damdamin C. sambitla
B. padamdam D. tiyak na damdamin

1. Biglang nag-apoy ang kaniyang mata nang makitang paparating na ang taong
nanakit sa kaniya.
2. Hinding-hindi kita mapatatawad kahit kailan!
3. Aray! Natapakan mo ang paa ko.
4. Naku po, bakit mo naman itinapon ang papel na hinahanap ko!
5. Masakit isiping sa isang iglap ay naglaho kang parang bula.

Gawain 3: Tukuyin ang damdaming ipinahihiwatig ng bawat pahayag. Isulat ang


sagot sa sagutang papel.
1. Ikinagagalak kong natagpuan ko na ang lalaking sasalba sa aking
pagkalugmok sa buhay.
2. Bakit hindi siya nagsasawang tumulong sa iba?
3. Tama na! Sobra na ang pasakit na dulot mo.
4. Masyadong maanghang ang dila mo, dahan-dahan ka lang sa iyong mga
sinasabi.
5. Nakapanggagalaiti ang pagyapak ng may kapangyarihan sa mga dukha.
Gawain 4: Isulat sa sagutang papel ang pagpapakahulugang ipinararating ng mga
sumusunod na pahayag.
1. Bumaha ng luha sa tahanan ng amang iniwan ng kaniyang pitong anak.
2. Wari’y nakidalamhati rin sa kanya maging ang kalangitan sapagkat ang
maliwanag na sikat ng araw ay biglang naparam at sa halip ay napalitan ng
pagdilim ng himpapawid.
3. Kinabahan ang matanda at kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso ang
mabilis na paggaod papunta sa mga mumunting isla.
4. Tila mga nimpang kay gaganda ang pitong dalaga habang nakikipaghabulan sa
mga alon sa baybayin.
5. Hindi sanay ang mga dalaga na maglubid ng buhangin.

Gawain 5: Piliin sa mga sumusunod na simbolo ang damdaming ipinahahayag sa


bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

KASIYAHAN PAGMAMAHAL GALIT

KALUNGKUTAN PAGSANG-AYON PAGTANGGI

1. Padabog na isinara ni Bea ang pinto pagkapasok sa kanilang bahay.


2. Kasabay ng pagbuntong-hininga niya ay ang tahimik na pag-agos ng tubig
3. Tumango si Zen nang tanungin ni Kai kung siya ba ay sasama sa kanila.
4. Humahangos sa pagtakbo ang kaniyang ama upang ibalitang nanalo sila
sa lotto.
5. Niyakap ni Elen nang mahigpit ang kaniyang kaibigang umiiyak.

40 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL4_ARALIN1)
Panuto: Sagutin ang katanungan sa loob ng 3-5 pangungusap at isulat ang sagot sa
loob ng kahon sa sagutang papel.

Bakit mahalagang maunawaan natin ang paggamit ng mga salitang di-


lantad, nagpapahayag ng damdamin at digri o kaantasan ng mga salita?

Panuto: Ikaw ay isang sikat na Blogger, bumuo ng isang journal blog


tungkol sa iyong mga gawain sa loob ng isang araw. Sundin ang
sumusunod na pamantayan sa pagbuo ng iyong journal blog.
Pamantayan 5 4 3 2 1
1. Malinaw na sinasalamin ng iyong journal ang mga
pansariling karanasang nagaganap sa iyong pang-
araw-araw na buhay.
2. Naglalaman ng mga salitang di-lantad, mga pahayag
na nagpapahiwatig ng ekspresyon o damdamin,
maging ng digri o kaantasan ng mga salita.
3. Masining ang pagsasalaysay ng mga pangyayari.
4. May kaayusan ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya.
5. Nakapupukaw ng interes ng mambabasa.

Pamantayan sa pagmamarka:
5 – Napakahusay; 4 – Mahusay; 3 – Medyo mahusay;
2 – Di-mahusay; 1 – Nangailangan pa ng pagpapaunlad

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.


1. “Bakit hindi mo ako inimbitahan sa iyong kaarawan?” Anong damdamin
ang mayroon sa pahayag?
A. kasiyahan B. pagkagulat C. pagtatampo D. pasasalamat
2. “Yehey! Tutungo kami sa Boracay sa susunod na bakasyon.” Anong
damdamin ang nakapaloob sa pahayag?
A. kasiyahan B. pagkabigla C. pagtataka D. pasasalamat
3. “Wow! Ang ganda rito!” Anong damdamin ang nakapaloob sa pahayag?
A. kasiyahan B. pagkagalit C. pagkamangha D. pagtataka

41 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL4_ARALIN1)
4. “Darating ang panahong luluhod sa akin ang mga tala at magiging
akin ang huling halakhak.” Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng
pahayag?
A. lungkot B. pamamangha C. poot D. tuwa
5. Ano ang pinakamasidhing antas ng salitang masaya?
A. naiiyak sa tuwa C. nag-uumapaw ang puso sa galak
B. lumulutang sa alapaap D. walang pagsidlan ang puso sa tuwa
6. Ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga salitang (1) daplis, (2) galos,
(3) hiwa at (4) saksak ayon sa antas o tindi ng kahulugan nito?
A. 1,2,3,4 B. 2,1,3,4 C. 4,3,2,1 D. 1,3,4,2
7. “Ah, ito’y isang kalokohan!” Anong paraan ng pagpapahayag ng damdamin
o emosyon ang ginamit sa pangungusap?
A. maikling sambitla
B. pangungusap na padamdam
C. nagsasaad ng damdamin o emosyon
D. pagpapahiwatig ng damdamin sa hindi tuwirang paraan
8. “Maligayang-maligaya si Prinsesa Tubina.” Anong paraan ng
pagpapahayag ng damdamin o emosyon ang ginamit sa pangungusap?
A. maikling sambitla
B. pangungusap na padamdam
C. nagsasaad ng damdamin o emosyon
D. pagpapahiwatig ng damdamin sa hindi tuwirang paraan
9. “Nakalulugod isiping may isang bata na namang isinilang sa mundo.”
Anong paraan ng pagpapahayag ng damdamin o emosyon ang ginamit sa
pangungusap?
A. maikling sambitla
B. pangungusap na padamdam
C. nagsasaad ng damdamin o emosyon
D. pagpapahiwatig ng damdamin sa hindi tuwirang paraan
10. “Wow! Ang bango ng ulam natin ngayon.” Anong damdamin ang
ipinapahayag ng salitang nakasalungguhit?
A. galak B. pagkabigla C. pagkamangha D. saya
11. Anong maikling sambitla ang HINDI nagpapahayag ng pagkabigla?
A. Ah! B. Ay! C. Hala! D. Wow!

12. Ano ang pinakamasidhing antas ng salitang masaya?


A. naiiyak sa tuwa
B. lumulutang sa alapaap
C. nag-uumapaw ang puso sa galak
D. walang pagsidlan ang puso sa tuwa
13. Anong salita ang may pinakamalalim na pagpapakahulugan ng pagluha?
A. hagulgol B. hikbi C. iyak D. nguyngoy
14. Hindi dapat kinikitil ang buhay ng isang sanggol. Anong damdamin ang
ipinapahayag ng pangungusap?
A. kasiyahan B. pagkagalit C. pagkalungkot D. pagtataka
15. “Bata pa lang ako ay nais ko nang makatayong mag-isa sa aking
buhay.” Ano ang nais iparating ng tauhan sa kanyang pahayag?
A. pagiging responsable
B. desididong mapag-isa
C. pagiging mahusay sa buhay
D. pagkakaroon ng kakayanang mabuhay nang mag-isa

42 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL4_ARALIN1)
Panuto: Gamitin ang mga angkop na paraan sa pagpapahayag ng damdamin batay
sa mga sitwasyon. Isulat ang gawain sa sagutang papel.
Halimbawa: Maganda ang tanawin (Maikling Sambitla)
Sagot: Wow! Ang ganda ng tanawin.

1. Nakakita ng ahas (Mga Pangungusap na Padamdam)


Sagot: _______________________________________________________________________
2. Nasunugan ng bahay (Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin
o Emosyon ng Isang Tao)
Sagot: ________________________________________________________________________
3. Binigyan ng regalo (Maikling Sambitla)
Sagot: ________________________________________________________________________
4. Nanalo sa lotto (Maikling Sambitla)
Sagot: ________________________________________________________________________
5. Noon pa man ay maramdamin na si Joy kaya piliin mo lamang ang mga
sasabihin mo sa kanya. (Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa
Hindi Tuwirang Paraan)
Sagot: ________________________________________________________________________

43 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL4_ARALIN1)
(DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL4_ARALIN1) 44
Pagyamanin
Subukin
Gawain 1 Gawain 2
A
A 1. A C
B 2. B C
D 3. C A
C 4. B A
A
E 5. D
D
B
Gawain 3 Gawain 4 C
B
Kasiyahan Sariling Kasagutan D
Pagtataka A
Galit D
Nagpapaalala B
Poot C
Balikan
Gawain 5
M
Galit T
Kasiyahan T
Pagsang-ayon T
M
Kasiyahan
Pagmamahal
Tuklasin
Isagawa Karagdagang Gawain Gawain1:
Sariling kasagutan Sariling kasagutan
Sariling kasagutan
Tayahin Gawain 2
C 6. A 11. A 1. E 6. G
A 7. B 12. B
C 8. C 13. A 2. D 7. E
C 9. C 14. B 3. H 8. I
B 10. C 15. D
4. A 9. B
5. B 10. C
MODYUL 4
MGA LINK

● Kinuha sa.
https://epikongpersiyanoblog.wordpress.com/paraan-ng-
pagpapahayag-ng-emosyon-o-damdamin// Kinuha noong
Agosto 16, 2021
● Kinuha sa. http://50.87.219.63/UserFiles/IM/Pointers-
Filipino2/Supplemental%20Filipino%20High%20School%20Gra
de%209%202nd%20Q.pdf // Kinuha noong Agosto 16, 2021
● Kinuha sa.
https://www.slideshare.net/jhanuz02/pagpapahayag-ng-ideya-
sa-matalinhagang-istilo / Kinuha noong Agosto 16, 2021
● Kinuha sa
freedukasyon.com/anongparaangpagpapahayagngdamdaminoe
mosyonangginamitsapangungusap/ Kinuha noong Agosto 17,
2021
● Kinuha sa. thegomom.com// kinuha noong Agosto 17, 2021

45 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL4_ARALIN1)
7
FILIPINO
Ikalawang Markahan
Modyul 5
Aralin 1
Kaantasan ng Pang-Uri

(Mga Pahayag
Kaantasan ng Pang-Uri
(Mga Pahayag sa
Paghahambing)

46 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL4_ARALIN1)
Sa bahaging ito ay matutuhan mo naman ang kaalaman sa wika at gramatika.
Makakatulong ito upang malinang pa ang iyong kasanayang komunikatibo at
pasulat at inaasahang matatamo mo ang kasanayang:
✓ Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing (higit/mas, di-
gaano, di-gasino at iba pa (F7WG-IIC-d-8)

Panuto: Piliin ang angkop na letra at isulat sa iyong sagutang papel.


1. Ito ay bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay – turing sa
pangngalan o panghalip.
A. pandiwa B. pang-abay C. panghalip D. pang-uri
2. Pagkataba-taba ng aking alagang aso. Ang may salungguhit ay halimbawa ng
kayarian ng pang-uri na _______.
A. lantay B. pahambing C. pasahol D. pasukdol
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng pang-uri?
A. malagkit B. matalas C. nalito D. matining
4. Napakasipag ng batang iyon sa talakayan sa klase. Ang may salungguhit ay
halimbawa ng kayarian ng pang-uri na _________.
A. lantay B. pahambing C. pasahol D. pasukdol
5. Ito ay nagpapakita ng pinakamatindi o pinakasukdulang katangian sa
paghahambing ng higit sa dalawang pangngalan o panghalip.
A. lantay B. pahambing C. pasukdol D. pasahol
6. Uri ng pahambing na may mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay
na pinaghahambingan.
A. lantay B. palamang C. pasahol D. pasukdol
7. Gumagamit ng mga salitang lalo, higit/mas, labis, di hamak sa
paghahambing.
A. pahambing B.palamang C. pasahol D. pasukdol
8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kayarian ng pang-uri na lantay
A. Ang baho-baho ng basura sa labas.
B. Ang dalawang bansa ay magkasingyaman.
C. Magkasinghusay umawit si Regine at Sara.
D. Nabighani ako sa proyekto ng DENR na white sand sa Manila Bay.
9. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pahambing na magkatulad.
A. Ayon sa sarbey, mas mabait ang panganay kaysa pangalawang anak.
B. Higit na malinis ang barangay Maunlad kaysa sa Barangay Masikap.
C. Mas gusto ko pang magsalita si Leny kaysa kay Rod dahil naipapaliwanag
niya ng maayos.
D. Magsingdami lang ang bilang ng kaso ng may COVID sa ospital at
Quarantine Facility.
10. Ang anyo ng pang-uri kung ito ay naglalarawan lamang ng iisang
pangngalan o panghalip.
A. lantay B. paghahambing C. pasahol D. pasukdol

47 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL5_ARALIN1)
11. Alin sa mga sumusunod ang tamang kaantasan ng pang-uri sa
pangungusap na “Ang aklat niya ay ________________ kaysa sa aklat ko.”
A. lalong makapal B. makapal C. mas makapal D. pinakamakapal
12. Ang bahay ni Ginong Alfonso ay malayo sa simbahan. Ang inilalarawan sa
pangungusap ay _________.
A. bahay B. Ginoong Alfonso C. malayo D.simbahan
13. Ang baon mo ay higit na masarap kaysa sa akin. Ang pangungusap ay
nagpapakita ng pahambing na ________.
A. pahambing B. palamang C.pasahol D.pasukdol
14. Mas matamis ang ice cream kaysa mangga. Ang may salungguhit sa
pangungusap ay ______.
A. inihahambing B. paksa C. pang-uri D.pinaghahambingan
15. Pinakadakilang pag-ibig ang pag-aalay sa sariling buhay para sa bayan.
Ang pang-uri sa pangungusap ay nasa kaantasan ng pang-uri na ______.
A. lantay B. pahambing C. palamang D. pasukdol

Aralin Kaantasan ng Pang-Uri


1 (Mga Pahayag sa Paghahambing)

Nakasisiguro ako ang lubos na pagkatuto ay nakasalalay sa iyong mga kamay,


at natitiyak ko rin ang iyong kasiyahan sa pagtuklas ng mga salitang maaaring
ngayon mo pa lamang mababasa at magagamit.
Handa ka na ba?
Halina at ating simulan ang iyong pagsasagot.
Halina at ating simulan ang iyong pagsasagot.

Panuto: May mga salitang magkakapareho ang kahulugan subalit may


magkakaibang digri o antas ng kahulugan. Isulat sa sagutang papel
ang mga salita at ilagay ang bilang 1 hanggang 3 sa unahan ng salita.
1 para sa pinakamababaw na salita, 2 para sa katamtaman at 3 para sa
pinakamatindi ang digri o intensidad.

1. inaalagaan kinupkop kinalinga


2. pighati lungkot lumbay
3. mahina malambot marupok
4. matayog matarik mataas
5. maganda nakakabighani kahanga-hanga
6. halakhak tawa ngiti
7. matalino maalam marunong
8. mayaman marangya masagana
9. pagkawala pagkaubos pagkasaid
10. gusto kita mahal kita sinasamba kita

48 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL5_ARALIN1)
Panuto: Isulat sa loob ng talahanayan ang mga salitang naglalarawan at
salitang naghahambing na matatagpuan sa loob ng talata. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel
Walang Katulad
Papunta ka pa lang, pabalik na ako, umuwi ka ng maaga, saan ka na naman
nanggaling? -mga linyang madalas nating marinig sa mga pinakamamahal nating
magulang. Paulit-ulit na pagpapaalala na minsan ay hindi binibigyang- pansin.
Mahirap na tungkulin ang pagpapalaki sa anak ngunit lahat ng pagsubok ay
kakayanin nila. Labis ang hirap na dinaranas mabigyan lamang ng magandang
buhay ang anak. Magalang, responsable at maging masunurin ay ilan lamang sa
mga katangian na nais nilang taglayin ng kanilang anak. Mahalaga sa kanila na
makitang masaya at matagumpay ang kanilang mga anak kaysa sa mga materyal na
bagay. Ubod ng saya ang mga magulang na makitang ang kanilang mga anak ay
masaya at matagumpay sa knilang mga buhay. Di hamak na marami ang naging
sakripisyo ng magulang kaysa sa mga anak. Kung kaya’t huwag sayangin ang bawat
oras at pagkakataon. Sulitin ang bawat minutong kasama sila.

SALITANG NAGLALARAWAN SALITANG NAGHAHAMBING

Pang-uri
Bahagi ng pananalitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa pangngalan o
panghalip.
Halimbawa: asul (kulay), lima (bilang), isang
kilo(dami), mataas (laki), parisukat (hugis), matangos (itsura)
Kaantasan ng Pang-uri
1. Lantay- ang anyo ng pang-uri kung ito ay naglalarawan lamang ng iisang
pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Malaki ang responsibilidad ng magulang sa pagpapalaki ng mga anak.
Mahirap ang tungkuling ito.

2. Pahambing- ito ay ginagamit upang maiugnay ang mga pagkakatulad at makita


ang pagkakaiba.

49 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL5_ARALIN1)
Dalawang Uri ng Paghahambing
A. Pahambing na Magkatulad- Ginagamit ito kung ang dalawang
pinaghahambing ay may patas o magkatulad na katangian. Ginagamitan ito ng
mga panlaping ka, magka, ga, sing, kasing, magsing, magkasing, at mga
salitang paris, wangis/ kawangis, gaya, tulad, hawig/ kahawig, mistula,
mukha/ kamukha, kapuwa, pareho.
Halimbawa:
Ang telebisyon at internet ay parehong masama kapag nasobrahan.
Ang impluwensiyang dulot ng mga ito sa isipan ay magsindami.
B. Paghahambing na Di-Magkatulad - kung nagbibigay ito ng diwa ng
pagkakait, pagtanggi o pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap.

May dalawang uri ang hambingang di magkatulad:


1.1 Hambingang Pasahol- Ito ay may higit na katangian ang
pinaghahambingan sa bagay na inihahambing. Ginagamitan ito ng lalo,
di-gasino, di-gaano at di totoo.
Lalo –ginagamit ito sa pagpapakita ng kalamangan kaysa sa
inihahambing at sinusundan ito ng kaysa sa o kaysa kay.
Di-gasino-sinusundan ito ng alinman sa mga katagang
naghahambing, kabilang ang gaya, tulad, para o paris at
pagkatapos ay ginagamitan ng panandang ni.
Di-gaano – katulad ng gamit sa di-gasino ngunit ito ay
ginagamit lamang sa hambingan ng mga bagay.
Di-totoo- nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa
karaniwang uri. Nagagamit itong pamalit sa di-gasino at
di-gaano.
Halimbawa:
Lalo siyang tumangkad ng siya ay uminom ng vitamins kaysa noong
hindi siya umiinom.
1.2 Hambingang Palamang- may mahigit na katangian ang ihahambing
sa bagay na pinaghahambingan. Naipakikita ito sa tulong ng
sumusunod na salita lalo, higit/mas, labis, di hamak at iba pa.
Halimbawa: Mas mahaba ang buhok ko kaysa kay Leny.

3. Pasukdol- ang pang-uri kung ito ay nagpapakita ng pinakamatindi o


pinakasukdulang katangian sa paghahambing ng higit sa dalawang pangngalan
o panghalip. Gumagamit ito ng mga panlaping pinaka-, napaka-, pagka-
kasunod ng pag-uulit ng salitang ugat o ng mga salitang ubod ng, hari ng,
sakdal, sobra at iba pa.
Halimbawa:
Ang pinakamalaking hamon para sa lahat ng magulang ay kung papaano
mapapalaki nang mabuti at may magagandang asal ang mga anak sa
panahong nagkalat ang masasamang impluwensiya sa lipunan.

50 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL5_ARALIN1)
Gawain 1: Piliin ang pag-uri na ginamit sa pangungusap, at tukuyin ang
kaantasan ng pang-uring ginamit at isulat ang LY kung lantay, PG
kung pahambing at PL kung pasukdol, sa iyong sagutang papel.
1. Mahirap ang bumiyahe pa probinsiya ngayong GCQ sapagkat hindi pa
pinapahintulutan ang pagbiyahe ng mga bus patungong probinsiya.
2. Malaki ang responsibilidad na nakaatang kay Sec. Francisco Duque, kalihim ng
Kagawaran ng Kalusugan, upang masugpo ang pagkalat ng nakakahawang
sakit na COVID19.
3. Mas mabuti pa rin ang pagsulat ng mga aralin kaysa sa pagkuha ng larawan
gamit ang camera.
4. Parehong mahusay mamuno si Lam-Ang at si Tuwa-ang.
5. Ang pinakatanyag na laro sa mga kabataan ngayon ay ang Mobile Legends.
6. Higit na mabilis tumakbo ang kuneho kaysa sa aso.
7. Ang gawa niyang keyk para sa aking kaarawan ay ubod ng tamis.
8. Sa mga kilalang artista, kapuwa magaling umarte si Bb. Angel at Bb. Bea.
9. Higit na mura ang mga mask na gawa sa tela kaysa sa N95 respirator mask.
10. Naging madali ang pag-unawa sa mga aralin dahil sa mga gurong nagtuturo
sa telebisyon.

Gawain 2: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salitang hambingan upang


mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

gamundo pinaka labis


di-hamak lalo gaya
higit mas higit magkatulad
di-gaano
1. ________________ sila ng paninindigan ng kaniyang kaibigan.
2. ________________ ang ipinakitang pagsunod ng mga magulang sa panuntunan ng
IATF ng kunin nila sa paaralan ang modyul na sasagutan ng kanilang anak.
3. ________________ na pinahalagahan ng mga mag-aaral ang mga modyul na
natanggap kaysa sa mga laro sa kanilang cellphone.
4. Ang sawikain ay ________________ ng pag-ibig, nakatago ang kahulugan.
5. Sa sarbey na isinagawa, ___________ natututo ang mag-aaral kung sila ay may
nakikita kaysa sa naririnig lamang.
6. ________________ na pinagbuti ng mag-aaral ang pagsagot sa modyul nang
malaman nilang ito ang magiging basehan ng kanilang marka kaysa sa paglalaro
ng mobile legends.
7. ________________ ang kanilang pagpapahalaga sa edukasyon kaya kahit hirap sa
buhay ay pinipilit nilang matustusan ito.
8. ________________ na mataas ang marka nila sa Filipino
9. Kaninong proyekto ang ______________ makulay sa lahat?
10.Ang sasabihin ko ay ____________mahalaga tulad ng mensahe ni Joaquin.

51 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL5_ARALIN1)
Gawain 2: Punan ng wastong kaantasan ng pang-uri ang bawat pangungusap.
Gawing gabay ang salitang-ugat na nasa loob ng panaklong.
1. __________ (matangkad) si James kaysa kay Stephen.
2. Ang magkakapatid na Reyes ay __________ (matalino).
3. Kasabay ng pagdami ng kaso ng COVID19, __________ (dumami) ang bilang
ng kabataang kababaihan na magiging batang ina at huminto sa pag-aaral
kaysa noong mga nakalipas na taon.
4. Maging __________ (buti) sa magulang upang ang iyong buhay ay maging
maginhawa.
5. __________ (saya) ng isang magulang kung ang kaniyang anak ay lumaki
nang maayos.

Gawain 3: Isulat sa sagutang papel kung Palamang o Pasahol ang sumusunod na


pangungusap.
1. Mababa na ang marka niya ngayon di tulad noon.
2. Di gaanong mabigat ang isang kilo ng baboy kapag inihambing sa dalawang
kilong bigas.
3. Mahirap ang pagsusulit ngayong may pandemya dahil sa koneksyon sa
internet kaysa noong wala pang pandemya.
4. Ayon sa sarbey, di hamak na mas nakaaaliw panoorin ang Gag Show
kumpara sa Wrestling.
5. Higit na mabuti ang mapansin dahil sa panloob na katangian kaysa sa
panlabas na katangian.
6. Sariwa ang simoy ng hangin sa kamaynilaan nang mag-ECQ di tulad noon na
puro polusyon.
7. Mas maingay ang kalsada sa lungsod kaysa sa nayon.
8. Di gaanong magkapalad ang naging karanasan ni Alvin sa ibang kabataan.
9. Ang ani natin ngayon ay mas kaunti kaysa sa nakaraang taon.
10. Higit na mabalahibo ang asong Labrador kaysa Doberman.

Gawain 5: Bumuo ng isang makabuluhang pangungusap gamit ang sumusunod na


pahayag sa paghahambing. Maaaring gawing paksa ang pagiging
mabuting anak, kapatid, kapamilya o mamamayan. Isulat ang gawain sa
sagutang papel.
1. di-gaanong magaspang
2. kasing bagsik
3. hari ng kupad
4. singlambot
5. lalong lalakas

Panuto: Buoin ang pahayag at isulat sa sagutang papel.


Natutuhan ko na _______________________________________________.
Mahalaga ang mga pahayag na naghahambing at naglalarawan dahil
__________________________________________________________________.

52 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL5_ARALIN1)
Panuto: Mula sa Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan, punan ang talahanayan
sa ibaba. Tukuyin ang katangian ng mga tauhan sa alamat at ihambing ito
sa iyong sarili. Gumamit ng mga salita/pahayag na naghahambing.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

KATANGIAN NG PITONG SALITANG


SARILI
ANAK NAGHAHAMBING

Panuto: Piliin ang angkop na letra sa sumusunod na pangungusap at isulat ang


sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang karneng niluluto mo ay matigas pa. Ang paglalarawan na ginamit sa
pangungusap ay ________.
A. karne B. luto C. matigas D. niluluto
2. Siya ang pinakamatinik sa aming klase. Walang tatalo sa kanya. Ang may
salungguhit ay nangangahulugan ding _______.
A. pinakamataas C. pinakamayabang
B. pinakamatalino D. pinakapayat
3. Tunay na kahanga-hanga ang determinasyon ni Carlos nang makamit ang
tagumpay sa larangan ng Gymnastics. Ang pang-uri sa pangungusap ay nasa
kaantasan ng pang-uri na ________.
A. lantay B. maylapi C. pahambing D. pasukdol
4. Di gaanong maganda ang kalagayan ngayon dahilan sa pagdami ng kaso ng
COVID-19 ngunit hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ang edukasyon.
Ang pang-uri sa pangungusap ay nasa kaantasan ng pang-uri na ________.
A. lantay B. maylapi C. pahambing D. pasukdol
5. Labis ang pinakitang pagkakaisa ng mga mamamayan ng Batangas City ng
pumutok ang Bulkang Taal. Ang pang-uri sa pangungusap ay nasa kaantasan
ng pang-uri na ________.
A. lantay B. maylapi C. pahambing D. pasukdol
6. Ang mga sumusunod na salita ay mga pahayag/salita na ginagamit sa
paghahambing na di-magkatulad maliban sa _______.
A. di-hamak B. di-totoong C. lalong D. mistula
7. Di-gasinong bilugan ang mukha ni Sandrine gaya ni Toni. Ang ginamit na
pahayag upang maipakita ang hambingang pasahol ay _________.
A. bilugan B. di-gasino C. gasino D. gaya

53 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL5_ARALIN1)
8. Ang mga sumusunod na pangungusap ay halimbawa ng pahambing na
magkatulad maliban sa _____________.
A. Singganda niya ang iniidolo kong modelo.
B. Ang asawa ni Alfred ay kahawig ni Marian.
C. Di gaanong masarap magluto si Ate kaysa kay nanay.
D. Magkasing galing si Tess at Ness sa pamamalakad ng negosyo.
9. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagtataglay ng pang-uri na nasa
kayarian ng lantay maliban sa _______.
A. Balingkinitan ang katawan niya
B. Kay gwapo ng iyong panganay na anak.
C. Damhin mo ang mahinhing dapyo ng amihan.
D. Sina Alexa at Erin ay magkasingpantay na ng taas.
10. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagtataglay ng pang-uri na nasa
kayarian ng pasukdol maliban sa _______.
A. Ubod ng galing sa matematika ang aking kapatid.
B. Lalong kahali-halina na tumulong sa batang ito dahil sa pagsusumikap
niya kahit siya ay may kapansanan.
C. Hirap man siyang lumakad sa lupa at kailangan pang pasanin ngunit
kapag nasa tubig ay simbilis ng sirena sa paglangoy.
D. Hatid sundo ng ama ang batang hindi makalakad sa tuwing siya ay
papasok sa paaralan sapagkat lubha namang napakahirap sa batang ito
ang pagpasok at pag-uwi.

B. Panuto: Bumuo ng pangungusap na naghahambing gamit ang sumusunod na


salita. Isulat ang gawain sa sagutang papel.

SALITA PAHAMBING
1. matalas
2. mabango
3. makintab
4. maingay
5. malikot

Panuto: Batay sa inyong natutuhan sa paghahambing at kaantasan ng pang-uri,


bumuo ng talata ng paglalarawan o paghahambing sa paraan ng
pagdidisiplina o pamamalakad ng iyong mga magulang. Gamitin nang
maayos ang mga pahayag sa paghahambing sa pagbuo ng mga
pangungusap. Isulat ang gawain sa sagutang papel.

54 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL5_ARALIN1)
(DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL5_ARALIN1) 55
Subukin
B.
6. D 6. B
7. D 7. B
8. C 8. D
9. D 9. D
10. C 10. A
Pagyamanin
Gawain 1
1. mahirap-LY
2. malaki-LY
3. mas mabuti-PG
4. parehong mahusay- PG
5. pinakatanyag-PL
6. higit na mabilis-PG
7. ubod ng tamis- PL
8. kapuwa magaling- PG
9. higit na mura- PG
10. madali-LY
Gawain 3
1. pasahol 6. palamang
2. pasahol 7. palamang
3. pasahol 8. pasahol
4. palamang 9. pasahol
5. palamang 10. Palamang
Gawain 4
1. magkatulad
2. labis
3. higit
4. gaya
5. lalo
6. mas higit
7. gamundo
8. di-hamak
9. pinaka
10. di-gaano
Tayahin
1. C 6. D
2. B 7. B
3. A 8. C
4. C 9. D
5. D 10. C
MODYUL 5
Pinagyamang Pluma 7 (Emily V. Marasigan at Mary Grace G. Del Rosario)
pahina 178-179
Yugto Pinagsanib na Wika at panitikan 9 (Nerielyn G. Maceda), The Library
Publishing House (pahina 272)

56 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL5_ARALIN1)
7
FILIPINO
Ikalawang Markahan
Modyul 6
Aralin 1: Pagsulat ng
Pangulong Tudling

57 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL5_ARALIN1)
Natapos mo na ang Aralin 5, ngayon ay susubukin naman ang iyong
kaalaman sa pagtamo ng bagong kasanayan at ikaw ay inaaasahang matamo ang
mga sumusunod na kasanayan:
✔ Naisusulat ang isang editoryal na nanghihikayat kaugnay sa paksa
(F7PU-IIe-f-9)
✔ Naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa pagpapahalaga ng mga
taga-Bisaya sa kinagisnang kultura (F7PU-IIg-h-10)

A. Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang pagpapakahulugang ipinararating


ng mga sumusunod na pahayag.
1. Ang editoryal ay isang artikulong nagbibigay-kahulugan sa __________.
A. balita B. paksa C. panahon D. pangyayari
2. Ang editoryal ay isang lathalain sa pahayagan o magasin na nagsasaad ng____.
A. balita C. kuru-kuro ng editor
B. pakikipagtalo ng editor D. badyet sa pagpapaimprenta
3. Ang nangingibabaw na katangian ng isang editoryal ay ang napapanahong
pagtalakay sa __________________.
A. mahahalagang balita C. seguridad ng editor
B. suliranin ng bansa D. pagkakaisa ng buong staff
4. Ang editoryal ay kailangang magtaglay ng isa lamang ________.
A. kakintalan C. paninindigan
B. ideya D. tono
5. Nagsisimula muna ang editoryal sa mga detalyeng _____________.
A. kilala patungo sa di-kilala C. kongklusyon patungo sa panimula
B. di-kilala patungo sa kilala D. mabisa patungo sa kaakit-akit
6. Iniiwasan sa editoryal ang ___________________.
A. magbigay-puri C. magpaunawa
B. manuligsa D. magbanta
7. Ang editoryal na nagbibigay rin ng kahulugan, nakikipagtalo at namumuna at
ang binigyang-diin ay ang mabisang panghihikayat ay ______.
A. editoryal na nagpapabatid C. editoryal na nagpapakahulugan
B. editoryal na nagpaparangal D. editoryal na nanghihikayat
8. Isang uri ng editoryal kung saan pinaparangalan o pinupuri sa editoryal ang
mga taong ___________.
A. kapapanganak lamang.
B. may malaking kontribusyon sa larangang kanyang napili.
C. sumasang-ayon sa balita
D. sumusulat ng editoryal na namumuna
9. Ang editoryal ay makikitaan ng paglalahad ng mga tala, ideya o paninindigan
laban sa sang- ayon sa paksa. Ito ay bahagi ng editoryal na matatagpuan sa ___.
A. pangwakas na bahagi
B. pagbibigay kongklusyon
C. katawan ng editoryal
D. talaan ng pagbibigay mungkahi

58 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL6_ARALIN1)
10. Bahagi ng editoryal na nagpapahayag ng panghihikayat o paglagom upang
mabuo sa isipan ng mambabasa ang pananaw nan ais ikintal ng editoryal.
A. pamagat C. katawan
B. panimula D. wakas

B. Panuto: Basahin at tukuyin ang layunin ng halimbawang Editoryal.


Pagsunod Tungo sa Kaligtasan
ni: Elaine A. Palo
(1) Hindi na nga maiiwasan ang paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa,
higit lalo ngayon na lumabas ang Delta Variant na totoong nakababahala dahil tila
kumakalat ito nang mas madali kaysa sa orihinal na virus at iba pang mga baryante
(variants). (2) Maaari rin itong maging sanhi ng mas matinding mga impeksyon,
kabilang ang mga humahantong sa pagpapaospital.
(3) Tunay na hindi biro ang libo-libong kaso araw-araw na talagang dumoble
ngayong may mga bagong sulpot na baryante na iba-iba. (4) Ang mga baryanteng ito
ay seryosong banta sa mga matatanda na hindi pa ganap na nabakunahan, lalo na
sa mga nasa may mas mataas na panganib ng malubhang sakit sa COVID-19 at sa
mga bata. (5) Naniniwala akong dapat pagtuunan ng pansin ng bawat isa ang
pagbagal ng pagkalat nito hanggang sa mas maintindihan natin kung paano
kumakalat ang baryanteng Delta at sino ang nahahawaan nito. (6) Ngayon na
nakikita natin na mas maraming nahahawa na hindi nabakunahan, kaya huwag
na tayong magpatumpik-tumpik pa, ito na ang panahon upang tayo ay
magparehistro para magpabakuna. (7) Napakaimportante na tayo ay
mabakunahan para magkaroon tayo ng karagdagang proteksyon laban sa virus.
(8) Kaya natin ito! Hindi man natin maiwasan ang virus ngunit maaari natin itong
labanan sa pamamagitan ng pagpapabakuna, pananatili sa loob ng bahay at
sumunod sa mga health protocols.
(9) Ipagpatuloy na natin ang nakasanayan habang kumakalat ang COVID-19
at pagsulpot ng iba’t ibang variants. (10) Sanayin na natin ang mga ito at higit
sa lahat kahit na tayo ay bakunado na, tayo ay mag-ingat. Bahagi na ng ating
buhay ang pag-iingat upang tayo ay makaiwas sa sakit.

1. Ano ang layunin ng Editoryal na binasa?


A. namumuna C. nanghihikayat
B. nanlilibang D. nagbibigay-kaalaman
2. Ano ang paksa ng binasang Editoryal?
A. patuloy na paglobo ng COVID-19
B. pagiging matigas ang ulo ng mga tao
C. pag-ayaw ng mga tao sa pagpapabakuna
D. pagkawala ng pag-asa ng tao sa pagkalat ng COVID-19
3. Alin sa mga sumusunod na salita ang kabilang sa mga pang-ugnay na ginamit
sa panghihikayat?
A. maaari B. ipagpatuloy C. kaya natin ito D. higit sa lahat
4. Mula sa pahayag bilang (10), ano ang ginamit na pang-ugnay na nanghihikayat?
A. ngunit C. maaari natin
B. kaya natin ito D. hindi man natin
5. Ano ang mensaheng nais ipabatid mula sa binasang editoryal?
A. magpabakuna C. sumunod sa mga health protocol
B. manatili sa bahay D. tumayo sa tabi ng kalsada

59 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL6_ARALIN1)
Aralin Pagsulat ng Pangulong Tudling o
1 Editoryal na Nanghihikayat

Magandang buhay!
Lubos ang aking pagkagalak dahil naipamalas mo ang iyong lubusang
pagkaunawa sa mga nakalipas na aralin. Sa pagkakataong ito ay iyong matatamo
ang pagkatuto sa pagsulat ng Pangulong Tudlins o Editoryal na nanghihkayat.
Handa ka na ba?
Halina at ating simulan ang iyong gawain
Simulan na.

Panuto: Magtala sa iyong sagutang-papel ng dalawang awiting-bayan ng


kabisayaan na iyong napakinggan. Pagkatapos ay isulat sa sagutang
papel ang talahanayan na nagpapakita ng mga kultura ng Kabisayaang
nangingibabaw sa awitin.

Awitin Bilang1 Awiting Bilang 2


Tradisyon/Paniniwala
Kaugalian
Kapaligiran

A. Panuto: Simulan naman nating basahin ang kasunod na teksto.


Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Kulturang Bisaya Dapat Pa Bang Pahalagahan?


ni: Angeline E. Bautista
Ang mga Bisaya ay isa sa mga pangkat etniko na binubuo ng malaking
porsyento ng tao at naninirahan sa rehiyon ng Kabisayaan at ilang bahagi ng
Ano-ano ba ang mga kultura ng mga kabisayaan? Naisasagawa pa rin ba nila ito sa
kasalukuyan? May malaki bang ambag ang kultura ng mga kabisayaan sa Pilipinas?
Ano ba ang halaga ng pagpapanatili ng kultura ng mga Bisaya?
Bago pa man sumibol ang pandemya sa Pilipinas. Kapansin-pansin ang
patuloy na pagdiriwang ng mga pista sa kabisayaan. Ilan na rito ang mga
sumusunod: Ati-atihan Festival, Binirayan Festival, Dinagyang Festival, Masskara
Festival, Pintados-Kasadyaan Festival, Sinulog Festival. Tampok na tampok ang iba’t
ibang pagdiriwang na ito. Ano kaya ang masasalamin na kultura ng mga kabisayaan
sa pagdiriwang na ito? Bakit kaya tampok na tampok ang pagdiriwang na ito?

60 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL6_ARALIN1)
Tunay na maraming mga pista sa buong kabisayaan at makikita natin ang
kulturang sumasalamin sa kanilang lugar. Sa pamamagitan ng iba’t ibang estilo,
indayog at pilantik ng kanilang mga kamay habang sumasayaw ay nagbibigay ito ng
pagpapakahulugan para sa kanilang seremonyas gayundin ay naipakikila rin nila
ang mga tampok nilang kasuotan at paniniwala katulad na lamang ng Sinulog
Festival. Ang sayaw na alay kay Inang Maria at ng batang anak niya na si Sto. Nino.
Sa ganitong paraan nasasalamin ang pagiging malikhain, masining, masiyahin at
relihiyoso ng mga kabisayaan. Masiyahin sapagkat napagtutuunan nila ng pansin
ang mga ganitong uri ng masasayang pagdiriwang tulad ng mga iba’t ibang pista.
Malikhain at Masining sapagkat nakabubuo sila ng iba’t ibang kagiliw-giliw na
kasuotan at sayaw na sinasabayan pa ng iba’t ibang instrumento na mas lalong
magpapaingay at magbibigay kulay sa pagdiriwang. Relihiyoso sapagkat may ilang
mga handog na sayaw at pagpapahalaga sa relihiyong katolosismo. Ang mga pista
ring ito ay pamamaraan ng mga kabisayaan bilang pagpapasalamat sa kasaganahan
ng kanilang pamumuhay.
Totoong ngang dapat na malaman ng bawat Pilipino na ang pangkat ng mga
Bisaya ay isa sa mga malaking pangkat etniko ng bansang Pilipinas na maituturing
may malaking ambag sa yaman ng kulturang Pilipinas hindi lamang sa mga pista
kung hindi maging sa ibang larangan. Kitang-kita natin ang yaman ng kulturang
Bisaya. Naniniwala ako na higit pa itong mapagyayaman kung lubos pa natin itong
bibigyan ng pansin at higit pa tayong bibigyan ng kaalaman kung atin pang
sasaliksikin, kikilalanin at tatangkilikin ang iba’t iba pang kulturang mayroon ang
Kabisayaan at ang mga yamang ito sa pangkat ng Bisaya ay kaugnay ng yaman ng
Pilipinas. Talagang aangat ang ating bansa di lamang sa husay at galing ng mga
Pilino bagkus sa likas na yamang taglay din ng Pilipinas. Kaya tayo ay magsama-
sama sa pagtangkilik sa ating sariling atin. Kulturang Bisaya, Kulturang Pilipinas,
Ito ay ating Yaman.

Mga tanong
1. Tungkol saan ang paksang binasa?
2. Saang bahagi ng teksto makikita ang paksang tinalakay?
3. Paano sinimulan ang pagtalakay sa paksa?
4. Ano ang naging opinyon ng manunulat ukol sa Kultura ng Kabisayaan?
5. Sa iyong palagay, ano ang panig ng manunulat ng tekstong iyong binasa at
saang bahagi ng teksto ito makikita?

B. Panuto: Punan ng angkop na mga salitang nanghihikayat ang sumusunod na


pangungusap. Gawin ito sa sagutang papel.
1. ___________na maraming mga pista sa buong kabisayaan at makikita natin
ang kulturang sumasalamin sa kanilang lugar.
2. ____________ ngang dapat na malaman ng bawat Pilipino na ang pangkat ng
mga Bisaya ay isa sa mga malaking pangkat etniko ng bansang Pilipinas na
maituturing may malaking ambag sa yaman ng kulturang Pilipinas hindi
lamang sa mga pista kung hindi maging sa ibang larangan.
3. ____________ natin ang yaman ng kulturang Bisaya.
4. ____________ aangat ang ating bansa di lamang sa husay at galing ng mga
Pilino bagkus sa likas na yamang taglay din ng Pilipinas.
5. ___________tayo ay magsama-sama sa pagtangkilik sa ating sariling atin.
Kulturang Bisaya, Kulturang Pilipinas, Ito ay ating Yaman.

61 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL6_ARALIN1)
Mga Pahayag na Ginagamit sa Panghihikayat
Ang pagnanais na mahikayat o makumbinsi ang iyong mga mambabasa sa
iyong pananaw o paninindigan ay isang hamon sa isang manunulat. Makatutulong
ang paggamit ng mga angkop na pahayag sa iyong paghihikayat.

Ilang halimbawa ng mga Pahayag at Salitang Naghihikayat


- totoo/tama - tunay - sama na
- ngayon na - tumpak - kitang-kita mong
- naniniwala akong - kaya natin ito - siguradong
- talaga - siyempre - pero/subalit
- ito na - kaya mong maging bahagi ng
Pagsulat Ng Pangulong Tudling O Editoryal
Ang editoryal na tinatawag ding pangulong tudling ay bahagi ng pahayagang
nagsasaad ngmapanuring pananaw o kuro-kuro ng pahayagan tungkol sa isang
isyu. Itinuturing itong tinig ng pahayagan dahil dito mababasa ang paninindigan
nila ukol sa isang napapanahong isyu. Ito rin ay naglalayong magbigay ng kaalaman,
magpakahulugan, humikayat at kung minsa’y lumibang sa mambabasa.

Tatlong Bahagi ng Editoryal o Pangulong Tudling


1. Panimula – binabanggit dito ang isyu o balitang tatalakayin
2. Katawan - ipinahahayag dito ang opinyon o kuro-kuro ng patnugot. Maaaring
ilahad ito sa pamamagitan ng paglalarawan, gayundin ang pro (pagpanig) o con
(pagsalungat) sa isang isyung tinatalakay.
3. Wakas – ipinahahayag dito ang panghihikayat o paglagom upang mabuo sa isipan
ng mambabasa ang pananaw na nais ikintal ng editoryal.

Mga Uri ng Editoryal o Pangulong Tudling


May iba’t ibang uri ang editoryal o pangulong tudling. Nakabase sa layunin
ang uri ng pangulong tudling na isusulat ng editor. Naririto ang ilan sa mga uri ng
editoryal o pangulong tudling:
1. Nagpapabatid-ipinaliliwanag o nililinaw ang isang isyu sa hangaring higit na
mauunawaan ang balita o pangyayari
2.Nagpapakahulugan-binibigyang-kahulugan ang isang pangyayari o
kasalukuyang kalagayan sang-ayon sa paningin o pananaw ng pahayagan
3. Namumuna-isang hayagang panunuri ngunit di naman pagbatikos tungkol sa
isang mainit na isyu. May layunin itong magmungkahi sang-ayon sa
paninindigan ng pahayagan.
4. Nanghihikayat-mabisang nanghihikayat sa mga mambabasa upang sumang-
ayon sa isyung pinapanigan o pinaninindigan ng pahayagan.
5. Nagpaparangal o Nagbibigay-puri-nag-uukol ng papuri o karangalan sa isang tao
o kapisanang nakagawa ng kahanga-hanga.
6. Nanlilibang-nahahawig ito sa sanaysay na impormal. Tumatalakay ito sa
anumang panig ng buhay, kaya’t madalas na nakawiwili ang paksa,

62 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL6_ARALIN1)
nakalilibang sa mambabasa o nakapagbabalik ng masasaya o maging
sentimental na alaala.
7. Nagpapahalaga sa natatanging araw-tinatalakay nito ang mga pambansang
pagdiriwang gaya ng pasko, mahal na araw, todos los santos, bagong taon
at iba pa.

Mga Tuntuning Dapat Sundin sa Pagsulat ng Editoryal o Pangulong Tudling


1. Magkaroon ng kawili-wiling panimulang maikli lamang upang maakit ang
atensyon ng mambabasa.
2. Buoin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan sa paraang
maayos at malinaw.
3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran. Sa halip,
a. gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang simula;
b. gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba.
c. gumamit ng magkakatulad na kalagayan; at
d. banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalagayan.
4. Tapusin nang naaangkop. Bigyan nang mahusay na pagwawakas.
5. Tandaan ang pinakamahalagang bahagi ay ang panimula at ang wakas.
6. Huwag mangaral o magsermon (No preaching). Ilahad lamang ang mga patunay at
katwiran at hayaan ang mambabasang gumawa ng sariling pagpapasiya.
7. Sundin ang lahat ng simulain sa mabisang pagsulat-kaisahan (unity), linaw
(clarity), pagkakaugnay-ugnay (coherence) at diin (emphasis).

Gawain 1: Basahin ang dayalogo ng magkakaibigan at isulat sa sagutang papel


ang mga pahayag na ginamit sa panghihikayat.
Lea: Talagang ang dami ng naaapektuhan dulot ng pandemyang COVID-19.
Ana: Totoo iyan! Bagsak na bagsak na ang kabuhayan ng maraming kababayan
natin sa Kabisayaan.
Lea: Siguradong mas madami pa ang mawawalan ng trabaho nito kapag
nagtagal pa ang pandemya.
Ana: Tunay na kinakailangan natin ang bawat isa na magtulungan upang
makaraos at mabuhay sa kabila ng lahat nang dinaranas nating ito.
Jana: Tumpak kayo diyan! Hindi lamang sa pamahalaan tayo dapat umasa.
Naniniwala akong bawat isa sa atin ay may kakayahan makatulong kahit
sa maliit na paraan.

Gawain 2: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Gumawa ng maikling talata na


nagpapahayag ng isang editoryal. Isaalang-alang ang pamantayan sa
pagsulat ng editoryal. Isulat ang gawain sa sagutang papel.
1. Mayaman sa kultura ang mga pagdiriwang
2. Panlipunang impluwensiya ng panitikang Bisaya
3. Gamit ng wikang Cebuano
4. Layunin ng mga manunulat na Bisaya sa pagsulat
5. Ugnayan ng mga pangyayari sa lipunan
6. Puno ng aral ang mga akdang pampanitikang Bisaya.

63 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL6_ARALIN1)
Gawain 3: Isulat sa sagutang papel kung Tama o Mali ang panuntunan sa pagsulat
ng isang editoryal.
1. Hindi lubhang kailangan ang ganap na kawastuhan (accuracy) sa pagsulat
ng pangulong tudling di gaya sa pagsulat ng balita.
2. Maaari ring hindi pormal na kongklusyon ang huling bahagi ng pangulong
tudling.
3. Upang maging mabisa ang pangulong tudling, ito ay dapat mangaral o
magsermon.
4. Hayaang bumuo ng sariling kongklusyon ang isang mambabasa kaysa
idikta sa kanya ang dapat niyang panigan.
5. Kailangang maging magaling na reporter muna bago maging isang
dalubhasang manunudling.
Gawain 4: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Gumawa ng maikling talata na
nagpapahayag ng isang editoryal. Isaalang-alang ang pamantayan sa
pagsulat ng editoryal. Isulat ang gawain sa sagutang papel.

1. Mayaman sa kultura ang mga pagdiriwang


2. Panlipunang impluwensiya ng panitikang Bisaya
3. Gamit ng wikang Cebuano
4. Layunin ng mga manunulat na Bisaya sa pagsulat
5. Ugnayan ng mga pangyayari sa lipunan
6. Puno ng aral ang mga akdang pampanitikang Bisaya

Gawain 5: Isulat sa iyong sagutang papel ang maikling talata na nagpapahayag ng


panghihikayat at magpapakita ng pagpapahalaga sa mga Taga-Bisaya
na sumasalim sa kanilang kultura na ayon sa mga aspektong
nakapaloob sa kahon.

1. Magulang o 2. Sa Kapwa 3. Lipunan


Pamilya

Panuto: Ilahad ang iyong natutuhan sa araling ito sa pamamagitan ng


pagdurugtong ng mga pahayag upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
Isulat ang gawain sa sagutang papel.

1. Ang kahulugan ng pangulong tudling ay _________________.


2. Ang mga katangiang taglay ng isang pangulong tudling
ay________________________________________________________.
3. Layunin ng pangulong tudling na ________________________________
4. Mayroong labing-isang uri ng Editoryal, ito ay ang
____________________, ________________, __________________,

64 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL6_ARALIN1)
________________, _________________, __________________,
_____________________, _____________________, ___________________,
____________________, ___________________________.
5. Sa paghahanda sa pagsulat ng pangulong tudling, kinakailangan na
________________________________________________.
6. Ang tatlong bahagi ng pangulong tudling ay ________________________,
_______________________, ___________________.
7. May mga tuntunin na dapat sundin sa pagsulat ng pangulong tudling
tulad ng ___.

Panuto: Sumulat sa sagutang papel ng isang editoryal na nanghihikayat tungkol


sa tradisyonal na pagdiriwang sa isang lugar sa Bisayas na ang batayan
ay ang mga impormasyong makukuha mula sa Youtube link na:
youtube.com/watch?v=44kSCzgXgys
Pamantayan sa Pagmamarka
Marka
Nakaaagaw-pansin ang simula at wakas ng 5
editoryal
Ang katawan ay nakapaglahad ng mga 5
katibayan na magpapatunay sa posisyon
Malinaw at maayos ang paglalahad ng posisyong 5
nais ipahayag ng editoryal
Wasto ang gramatika 5
KABUOAN 20

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng
tamang sagot batay sa hinihingi ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ito ay isang tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian,
karanasan, pananampalataya, gawain o hanap buhay ng mga taong naninirahan
sa isang pook.
A. awiting-bayan B. bulong C. korido D. sayaw
2. Bago pa lamang dumating ang mga Kastila’y mayroon nang mga awiting bayan
ang mga Pilipino at ang mga ito’y isinalin nila sa mga sumusunod na _________.
A. anito B. bathala C. kapaligiran D. salin ng lahi
3. Ang mga unang awit ay mga anyong _______ rin, ngunit may mga tugtugin at
indayog na ayon sa damdamin, kaugalian at himig ng pag-awit noong unang
panahon.
A. dula B. epiko C. kwentong-bayan D. tula
4. Alin ang angkop na salita upang mabuo ang awiting-bayan.
Sagwan, tayo'y sumagwan, Ang buong kaya'y ibigay.
Malakas ang ______, Baka tayo'y tanghaliin, Pagsagwa'y pagbutihin.
A. akin B. awitin C. hangin D. tingin

65 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL6_ARALIN1)
5. Alin sa sumusunod ang mensahe ng awiting-bayan na ito?
“Tra, la, la, la, Ako’y nagtanim ng binhi, Sumibol, nabuhay.
Di naglao’t namunga, Ang bunga’y naging binhi.”
A. nagpapamalas ng pagtutulungan
B. nagpapakita ng pagmamahal sa bayan
C. nagbunga ng masaganang ani ang itinanim na binhi
D. nananalangin nang hindi maganda bilang ganti sa ginawang masama

A. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang nanghihikayat sa sumusunod


na pangungusap.
1. Totoong ang industriya ng turismo ang isa sa mga naapektuhan ng
pandemya sa kabisayaan.
2. Siguradong makababangon muli tayo sa tamang panahon.
3. Naniniwala akong isang magandang bukas ang naghihintay sa atin sa
kabila ng paghihirap sa pandemyang ito.
4. Kaya natin malampasan ang pagsubok basta maging positibo tayo sa
buhay.
5. Talagang ito ay isang pangarap na unti-unti nang matutupad.
6. Ito na ang tamang panahon upang bawat isa ay gumanap sa ninanais
nating pagbabago.
7. Anoman ang estado ng kanilang pamumuhay, kitang-kita mo na bawat
isa sa kanila ay nakikiisa sa programa ng lokal na pamahalaan.
8. Tara! Ito ang tamang panahon upang lahat ay kumilos.
9. Sama na sa pagsulong ng isang magandang kinabukasan sa lahat.
10. Tama ang hangarin ng pamahalaang maipaabot ang edukasyon maging
sa pinakamalayo mang lugar.

B. Panuto: Isulat sa sagutang papel kung anong uri ng pangulong-tudling o


editoryal ang inilalarawan sa bawat bilang.
1. Layunin ng editoryal na ito talakayin ang magkabilang panig sa
kabila ng katotohanang ipinagtatanggol niya ang isa sa mga ito.
2. Ang tanging layunin ng editoryal na ito ay magbigay ng kabatiran.
3. Layunin ng editoryal na ito na magpahalaga sa isang taong
namayapa, na may nagawang pambihirang kabutihan.
4.Tinatalakay ng editoryal na ito sa anumang panig ng buhay, kaya’t
madalas na nakawiwili ang paksa.
5.Editoryal na ipinaliliwanag ang kahalagahan ng mga tanging okasyon
tulad ng pasko.

66 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL6_ARALIN1)
Panuto: Sumulat sa sagutang papel ng isang editoryal na nanghihikayat ukol sa
Kultura ng Kabisayaan na iyong natutuhan sa mga aralin. Isaalang-alang
ang mga pamantayan sa pagmamarka.

Pamantayan sa Pagmamarka

Marka
Kawili-wiling panimula 20
Maayos at malinaw ang paglalahad ng ideya 30
Ang katawan ng editoryal ay naglalaman ng mga sapat na patunay na 30
nagbibigay-katwiran sa opinyon
Ang pangwakas ay nagbibigay ng mungkahi, tagubilin o panghamon 10

Maayos ang pagkakasulat ng editoryal. Wasto ang mekaniks at 10


gramatika.
KABUOAN 100

67 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL6_ARALIN1)
(DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL6_ARALIN1) 68
Tayahin
A.
1. Totoong
2. Siguradong
D 5. 3. Naniniwala akong
B 4. 4. Kaya natin
C 3. 5. Talagang
A 2. 6. Ito na
C 1. 7. Kitang-kita
B 8. Tara!
9. Sama na
10. Tama
10. D B.
9. C 1. Pangulong Tudling na
8.B Namumuna
7. D 2. Pangulong Tudling na
6. D Nagpapabatid
5. B 3. Pangulong Tudling na
4. B Nagpaparangal o
3. A Nagbibigay-puri
2. C 4. Pangulong Tudling na
1. D
(Guro) Panlibang
A. 5. Pangulong Tudling na
Nagpapahayag ng
Gawain 1-6
Natatanging Araw
Subukin Pagyamanin
Modyul 6
Aklat
Dayag, Alma M., et. al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House

Website
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2019/09/04/1948916/editoryal-pinapatay-
ang-mga-magsasaka
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2017/10/24/1752110/editoryal-walang-
disiplina-sa-pagtatapon-ng-basura
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2020/03/19/2001942/editoryal-huwag-
matigas-ang-ulo
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pangulong_tudling

https://www.slideshare.net/IrahNicoleRadaza/pagsulat-ng-pangulong-tudling-o-editoryal

https://prezi.com/p/vqfk7yj5-765/tekstong-naglalahad-ekspositori-masusing-nagpapaliwanag/

https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/pitong-simpleng-
hakbang-upang-maprotektahan-ang-sarili-at-ang-iba-laban-sa-covid-19

69 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL6_ARALIN1)
7
FILIPINO
Ikalawang Markahan
Modyul 7
Aralin 1: Awiting Bayan

70 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL6_ARALIN1)
Halika, simulan mo na ang kasunod na aralin!
Matatamo mo ang kasanayan na:
✓ Nasusuri ang kulturang nakapaloob sa awiting-bayan (F7PB-lli-12)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang


papel ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ito ay isang tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian,


karanasan, pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng mga taong
naninirahan sa isang pook.
A. awiting-bayan B. bulong C. korido D. sayaw
2. Bago pa lamang dumating ang mga Kastila’y mayroon ng mga awiting
bayan ang mga Pilipino at ang mga ito’y isinalin nila sa mga sumusunod na
_________.
A. anito B. bathala C. kapaligiran D. salin ng lahi
3. Ang mga unang awit ay mga anyong _______ rin, ngunit may mga tugtugin
at indayog na ayon sa damdamin, kaugalian at himig ng pag-awit noong
unang panahon.
A. dula C. kwentong-bayan
B. epiko D. tula
4. Ang angkop na salita upang mabuo ang awiting-bayan ay
Sagwan, tayo'y sumagwan, Ang buong kaya'y ibigay.
Malakas ang ______, Baka tayo'y tanghaliin, Pagsagwa'y pagbutihin.
A. akin B. awitin C. hangin D. tingin
5. Ang mensahe ng awiting-bayan na ito ay
“Tra, la, la, la, Ako’y nagtanim ng binhi, Sumibol, nabuhay.
Di naglao’t namunga, Ang bunga’y naging binhi.”
A. nagpapamalas ng pagtutulungan
B. nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.
C. nagbunga ng masaganang ani ang itinanim na binhi
D. nananalangin nang hindi maganda bilang ganti sa ginawang masama
6. Ito ay nagsasaad ng kabuoang mga damdamin at mga saloobing
ipinangangako ng pag-ibig.
A. dalit B. kundiman C. oyayi D. tagumpay
7. Ang katawagan sa awiting nagpapatulog ng sanggol. Kalimitang ang mga
awiting ito ay walang kahulugan, inaawit lamang sa isang malambing na
himig upang makatulog ang isang bata.
A. diona B. kumintang C. oyayi D. soliranin
8. Ang awiting-bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma.
Subalit kalauna’y nilapatan ito ng _____ upang maihayag nang paawit at mas
madaling matandaan o masaulo.
A. bulong B. himig C. liriko D. sayaw

71 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL7_ARALIN1)
9. Ang lahat ay kahulugan ng awiting-bayan MALIBAN sa isa.
A. Pasalitang nagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo.
B. May iba’t ibang uri ito batay sa sitwasyon o layunin ng pagkakabuo
nito.
C. Ginagamit bilang pagbibigay-galang o pagpapasintabi sa mga bagay o
pook.
D. Naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng
matatanda sa pagpapaalala sa kabataan kaugnay ng mga dapat ikilos
at gawin.
10. Ang lahat ay kahulugan ng awiting-bayan MALIBAN sa isa.
A. Bahay Kubo
B. Dandansoy
C. Leron-leron Sinta
D. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
11. Ang mensahe ng awiting-bayan na ito ay…
“Sagwan, tayo'y sumagwan, Ang buong kaya'y ibigay.
Malakas ang hangin, Baka tayo'y tangayin, Pagsagwa'y pagbutihin.”
A. nagpapamalas ng pagtutulungan
B. nagpapakita ng kagandahang asal
C. nagbunga ng matiyagang pagsasama
D. nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan
12. Ang nakasanayang gawin ng mga taga-Bisayas na ipinapahiwatig sa
awiting-bayang ito ay
Si Pilemon, si Pilemon, nangisda sa karagatan,
Nakahuli, nakahuli, ng isdang tambasakan,
Pinagbili, pinagbili, sa isang munting palengke
Ang kaniyang pinagbilhan, pinambili ng tuba.
A. umiinom ng tuba para makagala
B. umiinom ng tuba para mawala ang pagod
C. umiinom ng tuba para masunod ang layaw
D. umiinom ng tuba para makatakas sa gawain
13. Ang karaniwang iniuugnay sa pag-awit ng mga Pilipino ay
A. pagiging tamad
B. pagiging madiskarte
C. pagiging masayahin
D. pagiging maramdamin
14. Ang katangian ng awiting-bayan na karaniwang iniuugnay sa iba’t ibang
lugar sa Pilipinas ay
A. kayamanan ng isang bayan
B. mga kasabihan ng matatanda
C. Kultura’t kaugalian ng isang bayan
D. pagdurusang pinagdadaanan ng bayan
15. Ang HINDI kabilang sa wikang sinasalita ng mga taga-Bisaya ay
A. Waray-waray B. Hiligaynon C. Sugbuwanon D. Kapampangan

72 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL7_ARALIN1)
Aralin
1 Awiting-Bayan

Magandang araw!
Inaasahan ang iyong sipag, tiyaga at pakikiisa sa bawat gawain upang
matuklasan mo kung masasalamin ba ang buhay at kultura ng Bisayas sa kanilang
Awiting Bayan.
Handa ka na ba? Halina at ating simulan.

Panuto: Tukuyin ang mga uri ng awiting-bayan sa tulong ng mga ginulong letrang
nakapaloob sa bilohaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Awit ng mga mangingisda SLOINIRAN TDAWAILN


2. Awit ng mga bangkero
3. Awit sa mga ikinakasal
DOIAN YIYOA
4. Awit pampatulog sa mga bata
5. Awit sa digmaan
NKIUMATNG ITADL
6. Awit sa simbahan
7. Awit sa pagtatagumpay
8. Awit ng pag-ibig SMBATONAI WALIT
9. Awit sa patay ng Ilokano B
10. Awit sa lansangan KUNGAT -KUNGAT AW DUNG

Panuto: Basahin ang awiting-bayang Balitaw sa Paghangyo Nga mapangasawa


(Cebuano). Pagkatapos ay sagutin ang gabay na tanong. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
Balitaw sa Paghangyo Nga
Balitaw sa Paghangyo Nga mapangasawa
mapangasawa (Cebuano)
(Cebuano) 'Dong, kung gusto mo akong
Kon ikaw, 'Dong, mangasawa, mapangasawa,
Si Tatay ug si Nanay maoy sultihi; Kailangan sabihin mo sa aking tatay
Kay kinsa ba'y mosaka sa kahoyNga sa at nanay;
puno-an dili mo-agi? Dahil kung sino man gustong
umakyat sa puno
kailangan dumaan sa punongkahoy

73 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL7_ARALIN1)
Gabay na tanong:
1. Mula sa awiting bayang iyong napakinggan, Ano ang kulturang isinasalamin ng
mga Cebuano?
2. Sa iyong palagay, masasalamin ba sa mga awiting-bayan ang paniniwala,
pamahiin uri ng pamumuhay ng mga tao sa Bisayas? Patunayan.
3. Sa iyong hinuha may mga mag-aaral pa kaya ang nakakaalaala o
nakakabigkas ng mga awiting ito? Pangatuwiranan.

Awiting-Bayan
Laganap ang mga awiting-bayan sa buong Pilipinas. Ang mga naninirahan sa
bulubundukin maging sa kapatagan ng Luzon, Bisaya’t Mindanaw ay may kanya-
kanyang awiting-bayan. Ang awiting-bayan ay isang tulang inaawit na
nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o
hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook. Maraming uri ng mga awitin.
May mga awit tungkol sa pagdakila sa kanilang bathala, pag-awit sa pagsisisi sa
kasalanan, pag-awit upang sumagana ang ani, pag-awit sa pakikidigma, pag-awit sa
tagumpay, pag-awit sa pagpapatulog ng bata, pag-awit sa kasal, pag-awit bilang
papuri sa kanilang mga ninuno at iba pa.
Bago pa lamang dumating ang mga Kastila’y mayroon nang mga awiting
bayan ang mga Pilipino at ang mga ito’y isinalin nila sa mga sumusunod na saling
lahi. Nang dumating ang mga Kastila’y lalo pang nadagdagan ang mga kantahing
bayan ng mga Pilipino. Ang mga kantahing-bayan ay bunga ng kulturang Silangan
at Kanluran. Ang mga unang awit ay mga anyong tula rin, ngunit may mga tugtugin
at indayog na ayon sa damdamin, kaugalian, at himig ng pag-awit noong unang
panahon. Marami sa mga awit na ito ay naririnig pa ngayon, bagamat lalong marami
ang natatabunan taun-taon ng mga song hits at marahil, marami na ang nalimutan
ng mga taong bayan sapagkat nawala na ang mga pagkakataong pinag-aawitan.
Marami sa mga awiting-bayan ay tumatalakay sa pang araw-araw na buhay,
kabuhayan, karanasan, kaugalian, damdamin, at relihiyon.

Mga Uri ng Awiting-bayan:


1. Kundiman- awit ng pag-ibig
2. Kumintang o Tagumpay- awit ng pandigma
3. Dalit o Imno – awit sa diyos- diyosan ng mga Bisaya at awit ng
panrelihiyon ng Bisaya
4. Oyayi o Hele- awit ng pagpapatulog ng bata
5. Diona- awit sa kasal
6. Soliranin- awit ng mga manggagawa
7. Talindaw - awit sa pamamangka
8. Dungaw – awit sa patay
9. Hibais o ibayis- awit ng paglalakbay ng Negros
10. Anop- awit sa pangangaso ng mga Nabaloi

74 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL7_ARALIN1)
11. Bung-aw- awit sa patay ng mga Ilokano
12. Balitaw- awit sa paghaharana ng Bisaya
13. Pangangaluluwa – awit sa araw ng mga patay sa katagalugan
14. Colado- awit sa mga taong hindi inaanyayahan sa kainan ng mga
katagalugan.
15. Maluway - awit sa sama-samang gawa
16. Tigpasin - awit sa paggaod
17. Tingad – awit sa pamamahinga mula sa maghapong pagtatrabaho.
18. Sambotani – awit sa pagtatagumpay sa isang pakikipaglaban.
19. Dolayanin at Indolanin – awit panlansangan.
20. Tingud – awit pantahanan
21. Umbay – awit panlibing
22. Ombayi- Isang malungkot na awit
23. Omiguing – Isang malambing na awit

Mga kahalagahan ng Awiting-bayan


1. Ang mga kantahing-bayan ay nagpapakilala ng diwang makata.
2. Ang mga kantahing-bayan natin ay nagpapahayag ng tunay na kalinanga ng
lahing Pilipino.
3. Ang mga kantahing-bayan ay mga bunga ng bulaklak ng matulaing damdaming
galing sa puso at kaluluwang bayan.

Gawain 1: Basahin ang liriko ng awit sa ibaba at unawaing mabuti ang mga
tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

KORO Tulungan, saklolohan


Ay, Ay Kay Lungkot Ay, ay Inday Ang nabilanggo kong
Puro isang kabiguan pag-ibig
Ay, ay kay lungkot Wala, walang – wala Mabuti pa ang mamatay
Kay lungkot ng binayaan Ni anumang Ang halos nang mamatay
Araw – gabi
kasiyahan. Nang ‘di ko maalalang
Lagi kitang tinatangisan.
Ay, cielo azul Wala akong ligaya
Ay, saan ka na ba

1. Ano ang kahulugan ng salitang cielo azul na nakadiin sa awit?


A. alapaap at bughaw C. bughaw at asul
B. alapaap at himpapawid D. lahat ng nabanggit
2. “Araw at gabi lagi kitang tinatangisan”. Ano ang kahulugan ng salitang
nakasalungguhit?
A. iniisip C. hinahanap
B. iniiyakan D. kinakausap

75 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL7_ARALIN1)
3. Anong kaugalian ng isang dalagang taga-Bisaya ang masasalamin sa unang
saknong ng awit?
A. Ang isang dalaga taga- Bisaya ay dapat lamang na paiyakin palagi.
B. Labis – labis kung magmahal ang isang dalagang taga- Bisaya.
C. Kaakit – akit ang isang dalagang taga- Bisaya kung umiiyak.
D. Araw at gabi umiiyak ang isang dalagang taga- Bisaya.
4. Sa panghuling saknong ng awit, ano ang tinutukoy na nabilanggo?
A. dalaga C. magnanakaw
B. pag-ibig D. manloloko
5. Sa unang linya ng “KORO” ay binanggit ang pangalang “Inday”. Ano ang
kaugnayan nito sa kultura ng mga taga- Bisaya?
A. Magandang pakinggan ang salitang “Inday”.
B. Ang “Inday” ang pangalan ng dalaga na tinutukoy sa awit.
C. Ang “Inday” ang napiling pangalan ng may- akda ng awiting – bayan
D. Ang “Inday” ang katawagan sa pagmamahal sa mga dalagang nakatira sa
Bisayas.

Gawain 2: Suriin ang sumusunod na awiting-bayan sa pamamagitan ng pagtukoy


sa kulturang masasalamin sa awit ng mga Bisaya. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Kulturang
Salin Sa Bisaya Salin sa Tagalog
Masasalamin
1. Ili-Ili Tulog Anay (Iloilo) Batang Munti Tulog Na
Ili-Ili (Salin sa Tagalog)
Tulog anay, Batang munti,
Wala diri matulog na
Imong nanay, Wala rito ang iyong nanay,
Kadto tienda Siya’y bumili ng tinapay
Bakal papay, Batang munti, Matulog na.
Ili-ili
Tulog anay.

2. Dandansoy (Hiligaynon) Dandansoy


Dandansoy, bayaan ta ikaw (Salin sa Tagalog)
Pauli ako sa Payao Dandansoy, iiwan na kita
Ugaling kung ikaw hidlawon Babalik ako sa Payao
Ang Payao imo lang lantawon. Sakaling ika’y mangulila
Sa Payao ikaw ay tumanaw.
3. Si Pilemon, Si Pilemon (Cebu) Si Pilemon, Si Pilemon
Si Pilemon, Si Pilemon (Salin sa Tagalog)
namasol sa karagatan; Si Pilemon, Si Pilemon
Nakakuha, nakakuha, Nangisda sa karagatan,
Sang isdang tambasakan, Nakahuli, nakahuli
Guibaligya, guibaligya Ng isdang tambasakan
Sa merkado nga guba, Pinagbili, pinagbili
Ang halin puros kura, Sa isang munting palengke
Ang halin puros Ang kaniyang pinagbilhan
Igo ra i panuba. Ang kaniyang pinagbilhan
Pinambili ng tuba.

76 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL7_ARALIN1)
Gawain 3: Iguhit sa sagutang papel ang bituin ( ) kung ang awiting-bayan ay
naging tanyag at lumaganap sa kasalukuyang panahon at ekis (X) kung
hindi.
1. Dandansoy 6. Sitsiritsit Alibangbang
2. Si Pilemon, Si Pilemon 7. Magtanim ay di biro
3. Awit ng magtutuba 8. Manang Biday
4. Tong Pakitong-kitong 9. Leron-leron Sinta
5. Paru-parong Bukid 10. Ako ay may alaga

Gawain 4: Tukuyin ang pamagat ng sumusunod na awitin sa pamamagitan ng


pagpili sa angkop na letra at isulat ang sagot sa sagutang papel.
A. Ay Kalisud
B. Dandansoy
C. Si Pilemon
D. Waray-waray
E. Lawiswis Kawayan
F. Tong pakitong-kitong
_______ 1. Kanta mula sa Cebu.
Tong, tong, tong, tong, pakitong-kitong
Alimango sa dagat
Malaki at masarap
Kay hirap hulihin
Sapagkat nangangagat.
_______ 2. Kanta mula sa Ilonggo
Ay, ay, kalisud, kay saklap ng iniwanan
Gabi’t araw ang mata ay laging luhaan
Ay, ay irog ko, ang sumpa’y bakit nalimutan?
Buhat ng iyong iniwan laging sa kalungkutan
_______ 3. Kanta mula sa Negros Occidental.
Dandansoy, bayaan ta ikaw,
Pauli ako sa Payaw
Ugaling kung ikaw hidlawon
Ang Payaw, imo lang lantawon.
_______ 4. Kanta mula sa Samar Leyte.
Sabi ng binata halina o hirang
Magpasyal tayo sa Lawiswis kawayan
Pugad ng pag-ibig at kaligayahan
Ang mga puso ay pilit magmahalan.
_______ 5. Kanta mula sa Cebu.
Si Pilemon, si Pilemon namasol sa kadagatan.
Nakakuha, nakakuha og isdang tambasakan.
Gibaligya, gibaligya sa merkadong guba—
Ang halin pulos kura, ang halin pulos kura,
Igo lang ipanuba

77 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL7_ARALIN1)
Gawain 5: Tunay ngang maraming makata ang bihasa sa pagsulat ng mga awiting-
bayan na tumutukoy sa paniniwala, pamahiin o uri ng pamumuhay na
nakapaloob sa mga ito. Piliin ang uri ng awiting-bayan sa loob ng gitara
na tinutukoy sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Awit ng pagpapatulog ng bata -___________________


2. Awit sa kasal - ___________________
3. Awit ng mga manggagawa-___________________
4. Awit sa pamamangka -___________________
5. Awit sa patay -_________________
6. Awit panlansangan -_________________
7. Awit panlibing -_________________
8. Awit ng pag-ibig -_________________
9. Awit ng pandigma -_________________
10. Awit sa Diyos-_________________
11. Isang malambing na awit-_________________
12. Awit sa kasal ng mga Tagalog-_________________
13. Awit sa paghaharana ng Bisaya -_________________
14. Awit sa sama-samang gawa -_________________
15. Awit sa pagtatagumpay sa isang pakikipaglaban-_________________

Gawain 6: Suriin muli ang isa sa mga awiting-bayan ng mga taga-Bisayas.


Ipaliwanag ang mga katangian, kaugalian, paniniwala, pamahiin at uri
ng pamumuhay ng taga-Bisayas. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ilang Awiting - Bayan ng Bisayas

PAALALA: SA BAHAGING ITO AY MAY PAGE BREAK NA NAKA HIDE KAHIT ANO
PONG GAWIN NAMIN LAHAT NG EERROR- help po sir raffy

Si Pilemon, Si Pilemon Si Pilemon, Si Pilemon


Cebu (Salin sa Tagalog)
Si Pilemon, Si Pilemon Si Pilemon, Si Pilemon
namasol sa karagatan; Nangisda sa karagatan,
Nakakuha, nakakuha, Nakahuli, nakahuli
Sang isdang tambasakan, Ng isdang tambasakan
Guibaligya, guibaligya Pinagbili, pinagbili
Sa merkado nga guba, Sa isang munting palengke
Ang halin puros kura, Ang kaniyang pinagbilhan
Ang halin puros Ang kaniyang pinagbilhan
Igo ra i panuba. Pinambili ng tuba.

78 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL7_ARALIN1)
Panuto: Dugtungan ang pahayag upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat
ang gawain sa sagutang papel.

1. Nalaman ko _________________________________________________________
2. Naramdamam ko ____________________________________________________
3. Nabigyang-halaga ko _______________________________________________

Panuto: Magsaliksik ng mga awiting bayang sumasalamin sa tradisyon at


kaugalian ng mga Bisaya. Isulat ang mga patunay na nakabubuo ng
sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang nakapaloob sa akda.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Awiting-bayang sumasalamin sa
Patunay
tradisyon at kaugalian ng mga Bisaya

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot sa sumusunod na bilang.
1. Ano ang gawi o nakasanayang gawin ng mga taga-Bisayas matapos magtrabaho
buhat sa awiting-bayang “Si Pilemon, Si Pilemon”?
Si Pilemon, si Pilemon, Nangisda sa karagatan
Nakahuli, nakahuli, Ng isdang tambasakan,
Pinagbili, pinagbili, Sa isang munting palengke
Ang kaniyang pinagbilhan, Pinambili ng tuba.
A. Mahilig mangisda ang mga tao sa Bisayas.
B. Isdang tambasakan lang ang kanilang nahuhuli.
C. Libangan ng mga tao sa Bisayas ang pangingisda.
D. Isa sa pangunahing kabuhayan sa Bisayas ang pangingisda.
2. Ano ang kulturang nakapaloob sa awiting-bayan na ito?
“Tra, la, la, la; Ako’y nagtanim ng binhi,
Sumibol, nabuhay; Di naglao’t namunga,
Ang bunga’y naging binhi.
A. Nanalangin ng isang bunga na makakain.
B. Nagpapakita ng kagandahan ng kapaligiran.
C. Pagtutulungan sa pagtatanim ng mga buto.
D. Nagbunga ng masaganang ani ang itinanim na binhi.
3. Ano ang kultura ng awiting-bayan na ito?
Batang munti, Matulog na; Wala rito ang iyong nanay,

79 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL7_ARALIN1)
Siya’ybumili ng tinapay; Batang munti, matulog na.
A. Matutulog ang sanggol kahit wala ang kanyang ina.
B. Ang pag-awit para maging mahusay na mang-aawit.
C. Ang pag-awit para sa matanda ay bahagi ng kulturang Bisaya.
D. Inaawitan ang sanggol upang ito’y mahimbing na makatulog kahit
umalis ang kanyang ina.
4. Napatutunayang ang kulturang nakapaloob sa awiting-bayan na sadyang
sumasalamin sa kultura ng sariling lugar. Alin sa sumusunod ang nagpapakita
ng kahalagahan sa pagbuo ng isang awiting-bayan?
A. Ang mga awiting-bayan ay mahalaga sa buhay.
B. Ang awiting-bayan ay nabuo lamang ng ating mga ninuno.
C. Ang awiting-bayan ay kinakikitaan ng ating pagiging Pilipino.
D. Ang awiting-bayan ay kumakatawan sa bayang pinanggalingan.
5. Ano sa sumusunod na kultura ang nakapaloob sa awiting-bayan na Dandansoy?
“Dandansoy, iiwan na kita; Babalik ako sa payaw
Kung sakaling ika’y mangulila; Sa payaw, ikaw ay tumanaw.”
A. Muling magbabalik ang minamahal na nangungulila.
B. Tanging alaala na lamang ng nakalipas ang gugunitain ng isang taong
iniwan.
C. Kultura ng mga taga-Bisaya ang maghintay sa muling pagbabalik ng
minamahal at alalahanin ang masayang nakalipas
D. Isang kaugaliang nakagawian na ng mga Pilipino sa kabisayaan ay ang
iniiwan ang mga minamahal upang matakasan ang problema.

6. Ang lahat ay halimbawa ng awiting-bayan MALIBAN sa isa


A. Balitawtaw B. Kundiman C. Oyayi o Hele D. Talindaw
7. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng awiting-bayan na nagpapakilala ng
diwang makata MALIBAN sa isa.
A. Ang makata ay nakabubuo ng awiting-bayan na sumasaklaw lamang
sa kapaligiran.
B. Ang mga awiting -bayan ay kayaman ng isang pook o lugar na
masasalamin sa kulturat kaugalian ng isang bayan.
C. Ang mga kantahing-bayan natin ay nagpapahayag ng tunay kalinangan
ng lahing Pilipino.
D. Ang mga kantahing-bayan ay mga bunga ng bulaklak ng matulaing
damdaming galing sa puso at kaluluwang bayan.
8. Ano sa mga sumusunod ang tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin,
kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng mga
taong naninirahan sa isang pook?
A. Awiting-bayan B. bulong C. nobela D. tula
9. Ang awiting-bayan na tinatawag ding ____________ ay isa sa mga uri ng
sinaunang panitikang Pilipino na naging popular bago pa man dumating ang
mga Espanyol.
A. Kantahing-bayan C. Awit ng ninuno
B. Awiting sambayanan D. Awit ng kalikasan
10. Ang karaniwang paksa ng mga awiting-bayan ay ang pang araw-araw na
pamumuhay ng mga tao sa isang bayan. Alin sa sumusunod ang HINDI
masasalamin sa awiting-bayan?
A. Pagkakaroon ng sariling libangan at negosyo sa pag-awit.
B. Repleksiyon ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino.
C. Taglay rin ng mga ito ang iba’t ibang damdaming umiiral sa iba’t ibang
pagkakataon.
D. Masasalamin sa mga ito ang mga kaugalian, karanasan,
pananampalataya, gawain o hanapbuhay.

80 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL7_ARALIN1)
11. Ang mga awiting-bayan ay parte ng makulay na musika ng mga Bisaya. Alin sa
sumusunod ang hindi halimbawa ng awiting bayan sa Bisayas?
A. Ang kalisod-lisod
B. Lawiswis Kawayan
C. Tong Pakitong-kitong
D. Balitaw sa Paghangyo Nga mapangasawa
12. Isa sa mga awit na ang layunin ay magpatawa, magpasaring o manukso.
Maaaring ang himig nito ay lumang-luma na ngunit makabago ang liriko na may
temang nanunudyo.
A. awit sa lansangan/Dolayanin
B. awit pagpapahinga/Tingad
C. awit pantahanan/ Tingud
D. awit sa pagtatagumpay / Sambotani
13. Paano masasalamin ang kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
awiting-bayang: “Ang nuno nating lahat, sa kulog di nasindak”?
A. kahit kulog ay haharapin ng ating mga ninuno
B. nagpapahayag na pahalagahan ang kalikasan
C. nagpapahayag ng katapangan ng ating mga ninuno
D. nagpapakita na kailangang makipagpaligsahan sa kulog
14. Paano naiiba ang awiting-bayan sa Tula?
A. isang ritwal C. binibigkas ng pabulong
B. nilalapatan ng himig D. ginagamit sa orasyon
15. Ang awiting-bayan ay karaniwang iniuugnay sa:
A. Kalusugan ng isang bayan
B. Pagkalugmok ng isang bayan
C. Materyal na kaugalian ng isang bayan
D. Kultura at tradisyon na kinaugalian ng isang bayan

Panuto: Pumili at isulat sa sagutang papel ang tatlong awiting-bayan sa Bisayas na


hindi pa nabanggit sa aralin. Sagutin ang bawat tanong na inihanda.
1. Bakit maganda ang nilalaman ng mga ito para sa iyo?
2. Paano ang estilo ng pagkakalikha nito?

81 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL7_ARALIN1)
(DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL7_ARALIN1) 82
Pagyamanin
Gawain 1 :
1. Kulayan ng dilaw 6. Kulayan ng dilaw
2. Kulayan ng dilaw 7. Kulayan ng dilaw
3. Kulayan ng dilaw 8. Kulayan ng dilaw
4. Kulayan ng dilaw 9. Kulayan ng dilaw
5. Kulayan ng dilaw 10. Walang Kulay
Gawain 2:
1. F
2. A
3. B
4. E
5. C
Gawain 3:
1. Oyayi o Hele- awit ng pagpapatulog ng bata
2. Diona- awit sa kasal
3. Soliranin- awit ng mga manggagawa
4. Talindaw - awit sa pamamangka
5. Dungaw – awit sa patay
6. Dolayanin at Indolanin – Awit panlansangan.
7. Umbay – Awit panlibing
8. Kundiman- awit ng pag-ibig
9. Kumintang o Tagumpay- awit ng pandigma
10.Dalit o Imno – awit sa diyos- diyosan ng mga
Bisaya at awit ng panrelihiyon ng Bisaya
11.Omiguing – Isang malambing na awi
12.Diona – awit sa kasal ng mga Tagalog
13.Balitaw- Awit sa paghaharana ng Bisaya
14.Maluway - awit sa sama-samang gawa.
15.Sambotani – Awit sa pagtatagumpay sa isang
pakikipaglaban.
Gawain 4:
1. A
2. B
3. B
4. B
5. D
Gawain 5:
1. Oyayi / pagpapatulog ng bata
2. Kundiman/ awit ng pag-ibig
3. Talindaw / pangingisda
4. Balitaw/ panghaharana Modyul 7
AKLAT

● A.B. Julian, N.S. Lontoc, C.H. Esguerra, A.M. Duyag, (2018). Pinagyamang
Pluma 7. Quezon City: Phoenix Publishing House
● Rex Interactive pahina 26
● Panitikang Filipino awtor Lucila A. Salazar
MGA LARAWAN

● https://www.google.com/search?sa=G&hl=en_US&tbs=simg:CAQSqAIJGi
o12wNVlT8anAILELCMpwgaYgpgCAMSKMcIpAbDCJQD7BOfA5ID7RPGC
M0TuTaJOIw4nzjOJoU4qjatIrY28CkaMM3LQ8-
GEgrH2yXc74Y8WFEqum6QmTab364jQxOwFwJbiNSNB6wc6_1eH90YPL
pOkhiAEDAsQjq7-
CBoKCggIARIE9CQtGgwLEJ3twQkalAEKFwoFY2Fub2XapYj2AwoKCC9tLz
BwaDM5ChoKB2dvbmRvbGHapYj2AwsKCS9tLzAyMDY4eAoYCgVza2lmZt
qliPYDCwoJL20vMDY1cWZ4Ch0KCWpvbGx5Ym9hdNqliPYDDAoKL20vM
DI1eV82cgokChF3YXRlcmNyYWZ0IHJvd2luZ9qliPYDCwoJL20vMDU2a3M
yDA&q=sail+a+boat+clipart+black+and+white&tbm=isch&ved=2ahUKEwj
05Y6GibnrAhWJd94KHQIwBXcQwg4oAHoECAkQKA&biw=1366&bih=608
● https://www.google.com/search?q=g+clef&hl=en_US&source=lnms&tbm=
isch&sa=X&ved=2ahUKEwi8kZnFibnrAhU1y4sBHav7ANcQ_AUoAXoECB
QQAw&biw=1366&bih=608#imgrc=5MImk9rlJnM_xM&imgdii=MZtpwMck
Q7vdxM
● https://www.google.com/search?q=hARANA+clipart+BLACK+AND+WHIT
E&tbm=isch&hl=en_US&chips=q:harana+clipart+black+and+white,online
_chips:cartoon&hl=en-
US&sa=X&ved=2ahUKEwiq99L7jLnrAhUUI6YKHXZFAAQQ4lYoAHoECAE
QFQ&biw=1349&bih=608#imgrc=ZwIbjLqxDNHL7M
● https://rmhalife.wordpress.com/2018/10/15/filipino-2nd-grading/
● https://www.scribd.com/document/432666062/Awiting-Bayan-Ng-
Bisaya-mga-Halimbawa
● https://www.affordablecebu.com/load/literature/mga_halimbawa_ng_mg
a_bisayang_awiting_bayan/22-1-0-957
● https://philnews.ph/2020/03/05/pakitong-kitong-lyrics-and-meaning-
of-the-song-pakitong-kitong/

83 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL7_ARALIN1)
FILIPINO
Ikalawang Markahan
Modyul 8
Aralin 1: Kumbensyon
sa Pagsulat ng Awit
(sukat, tugma, tayutay,
talinghaga at iba pa)

84 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL7_ARALIN1)
Sa panibagong aralin na ito, ikaw ay inaaasahang:
✓ Nagagamit ang mga kumbensyon sa pagsulat ng awit (sukat, tugma, tayutay,
talinghaga at iba pa. (F7WG-llj-12)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang


papel ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang.
1. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
A. korido B. sukat C. tugma D. tayutay
2. Isang mahalagang elementong nagbibigay ng higit na rikit o ganda sa isang
tulang may sukat at tugma ay ang pagkakaroon ng magkakapareho o
magkakasintunog na dulumpantig.
A. saknong B. sukat C. tugma D. tayutay
3. Ito ay isang uri ng tugma na may magkakaparehong tunog ang huling pantig o
dalumpantig ng bawat taludtod.
A. tugmang di-ganap C. tugmang hulihan
B. tugmang ganap D. tugmang unahan
4. Isa sa mahalagang pamantayan sa pagsulat ng awiting-bayan ay ang: Nakasulat
nang maayos at orihinal ang liriko ng awiting bayan gamit ang sariling wika o
wikang nakaaakit sa kabataan. Ano ang nais ipabatid nito?
A. Ang awiting bayan ay ginagaya lamang
B. Kinasasalaminan ng tradisyon at kulturang kinagisnan
C. Ang estilo ng pagkakasulat ay mula dapat sa ibang wika
D. Ang wika na gagamitin ay simple at madaling maintindihan.
5. Bakit mahalagang isaalang-alang ang paggamit ng mga kumbensiyon sa pagsulat
ng awit (sukat, tugma, tayutay, talinghaga at iba pa)?
A. upang malinang ang kasanayan sa pagbasa.
B. upang maging maayos ang awit na susulatin
C. sapagkat ito ay bahagi ng pamantayang dapat sundin.
D. sapagkat ito ang magbibigay ng lalim at ganda ng awit na bubuuin.
6. Kapag binasa ang bawat taludtod ay nagkakaroon ng saglit na tigil sa gitna o sa
ikaanim na pantig. Ang tawag sa saglit na tigil na ito ay _______.
A. hinto B. hudyat C. sensura D. sesura
7. Ito ang paggamit ng masining na salitang nagbibigay ng higit na kariktan sa tula.
A. metapora B. pagmamalabis C. pagtutulad D. tayutay

85 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL8_ARALIN1)
8. Nagsimula ang awiting-bayan bilang mga tula o tugma, nilapatan lamang ito ng
________ kaya’t nabuo ang makatawag-pansing mga awiting-bayan.
A. diin B. himig C. tunog D. sensura
9. Upang makabuo ng isang makabuluhang awiting-bayan kinakailangan munang
himuking makagawa ng tulang may sukat, tugma at _______.
A. saknong B. salita C. talinghaga D. taludtod
10. Ang awiting-bayan ay karaniwang iniuugnay sa _______.
A. kalusugan ng isang bayan
B. pagkalugmok ng isang bayan
C. kultura’t kaugalian ng isang bayan
D. materyal na kaugalian ng isang bayan
11. Tukuyin ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng bahagi ng awiting-bayan sa
ibaba.
Ang mga puso ay pilit magmahalan.
Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw
Sasabihin pa kay Inang ng malaman
Binata’y nagtampo at ang wika ikaw pala’y ganyan
Akala ko’y tapat at ako’y minamahal
-Lawiswis Kawayan
A. 12-13-12-14-12 C. 12-14-12-16-15
B. 12-13-12-16-13 D. 12-13-16-12-13
12. Ito ay tumutukoy sa grupo o pangkat ng mga linya sa isang tula.
A. pantig B. saknong C. sukat D. taludtod
13. Ito ang paggamit ng masining na salitang nagbibigay ng higit na kariktan sa
tula. Dito’y sadyang inilalayo ang paggamit ng mga karaniwang salita upang
higit na maging mabisa at kaakit-akit ang tula.
A. talinghaga C. mababaw na salita
B. tugmaan D. mapanghikayat na salita
14. Tukuyin ang uri ng tayutay ng sumusunod na pangungusap. “Ang kanyang
anyo ay kawangis ng isang anghel.”
A. metapora B. pagtanggi C. pagtawag D. pagtutulad
15. Ito ay tumutukoy sa tunog o impit sa hulihan ng bawat taludto ng isang tula.
A. tugma B. saknong C. sukat D. taludtod

Aralin Kumbensyon sa Pagsulat ng Awit


1 (sukat, tugma, tayutay, talinghaga at
iba pa)

Magandang araw!
Ito ay dinisenyo at inihanda upang mailantad ang mga mag-aaral sa Ikapitong
Baitang sa Ikalawang Markahan bilang paghahanda sa pagbuo ng sariling awiting-
bayan sa pamamagitan ng paggamit ng mga kumbensyon sa pagsulat ng awit.
Halina na’t ating simulan!

86 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL8_ARALIN1)
Panuto: Ilagay sa sagutang papel ang tsek ( / ) kung ang mga pahayag ay
nagpapakita ng kultura o tradisyon ng mga taga-bisayas at ekis ( X ) kung hindi.
1. Pagdiriwang ng kapistahan.
2. Paghahanda ng pagkain sa mga namayapang kamag-anak tuwing Araw ng
Patay sa paniniwalang bumibisita sila.
3. Simbolo ng Sarimanok.
4. Pagpapakasal bago magkapamilya.
5. Mahigpit na pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak.

A. Panuto: Punan ng nawawalang salita ang bahagi ng awit na “Himig Valenzuela.”


Pagkatapos mabuo, awitin ito kasama ang mga kasapi ng pamilya.
Sagutin ang mga katanungan sa sagutang papel.

Himig Valenzuela
I
‘Sang bayang payapa ay daan sa kaunlaran Mga Tanong:
Malinis na paligid, tanda ng ____________
____________ at pagtutulungan
Mamamayang nagmamahal sa __________.
1. Nagustuhan mo ba ang
II awit? Bakit?
Yaman at dangal ka ng bayan, ____________ 2. Paano ang estilo ng
Tayo’y_________, kapit bisig, magkaisa manunulat sa pagbuo
Nasa ating mga kamay, nasa Diyos ang gabay ng awit na iyong
Kinabukasa’t _____________ ng bayan. kinanta at binuo?
3. Sa iyong palagay, madali
Refrain bang maunawaan ang
Tulong, sama-sama, lahat _____________ mga salitang ginamit sa
Lungsod ng Valenzuela puno ng _____________
awit? Bakit?
Isang umagang kay ____________
4. Masasabi bang ito ay
Sisikat na, sisikat sa _______________
isang uri ng awiting-
Repeat I, II and Refrain bayan? Patunayan.

Bridge: Mamamayang nagmamahal sa bayan


II
Repeat Refrain
Yaman at dangal ka ng bayan,
____________

Tayo’y_________, kapit bisig,


magkaisa

Nasa ating mga kamay, nasa


Diyos ang gabay

Kinabukasa’t _____________ ng
bayan.
87 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL8_ARALIN1)

Refrain
B. Panuto: Ngayon naman ay punan ang talahanayan ng mga impormasyon
hinggil sa awit. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
___________________

___________________

SUKAT

TUGMA TALINGHAGA

“Himig Valenzuela”
_____________________ ___________________

Awiting-bayan
Ang mga awiting-bayan ay nagsimula bilang mga tula o tugma. Nilapatan ito
ng himig o melodiya kaya’t nabuo ang makatawag-pansing mga awiting-bayan.
Mahalaga kung gayon ang paglikha muna ng mahusay na tula o tugma. Halika at
kilalanin ang mahahalagang elemento sa pagsulat ng tula tulad ng sukat, tugma at
talinghagang kinabibilangan ng mga tayutay.

Mga Elemento ng Tula


Sukat, Tugma, Talinghaga sa Tula
1. Sukat- Isa sa mahahalagang elemento ng tula ang sukat. Ito’y tumutukoy sa bilang
ng pantig sa bawat taludtod. Ang karaniwang bilang ng pantig sa isang
tula ay labindalawa, labing-anim, at labingwalo.
Halimbawa:
Or/ga/nong/ sa/ lo/ob/ ng / i/sang/ sim/ba/han/
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
Ay/ na/na/na/la/ngin / sa/ ka/ pig/ ha/ ti/ an/
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
Ang halimbawa na mababasa sa itaas ay mula sa tulang “Isang Punong
Kahoy” na may sukat na lalabindalawahing pantig. Kapag binasa ang
bawat taludtod ay nagkakaroon ng saglit na tigil sa gitna o sa ikaanim na
pantig. Ang saglit na tigil na ito ay tinatawag na sesura.
2.Saknong- Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa
o maraming linya o taludtod.

3. Tugma- Isang mahalagang elementong nagbibigay ng higit na rikit o ganda sa


isang tulang may sukat at tugma ay ang pagkakaroon ng magkakapareho
o magkakasintunog na dulumpantig na tinatawag na tugma. Ang tugma
ay maiuuri sa dalawa:

88 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL8_ARALIN1)
a. Tugmang di-ganap- May magkaparehong patinig sa huling pantig o
dalumpantig subalit magkakaiba ang huling katinig sa bawat
taludtod.
Halimbawa:
Pinipintuho kong bayan ay paalam,
Lupang iniirog ng sikat ng araw
Mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
Kaluwalhatiang sa ami’y pumanaw.
Mula sa “Pahimakas” ni Jose P. Rizal
b. Tugmang ganap- may magkakaparehong tunog ang huling pantig o
dalumpantig ng bawat taludtod.
Halimbawa:
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Mula sa “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”
ni Andres Bonifacio
4. Talinghaga (Paggamit ng Tayutay o Idyoma) – Ito ang paggamit ng masining na
salitang nagbibigay ng higit na kariktan sa tula. Dito’y sadyang inilalayo
ang paggamit ng mga karaniwang salita upang higit na maging mabisa at
kaakit-akit ang tula. Mga tayutay ang isa sa karaniwang ginagamit na
paraan para sa pagbibigay ng talinghaga sa tula. Mababasa sa ibaba ang
ilan sa mga uri ng tayutay na karaniwang nagagamit sa pagbibigay ng
talinghaga sa tula:
a. Pagtutulad o simili – paghahambing ng dalawang magkaiba subalit may
pagkakaugnay na mga bagay at ginagamitan ng mga pariralang tulad
ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing, kasing, sim, magkasing,
magkasim at iba pa.
Halimbawa:
Ang pag-ibig ay tulad ng isang ibong kailangang pakawalan
upang kapag nagbalik, itoy sadyang sa iyo nakalaan.
b. Metapora o Metaphor – Tulad ng pagtutulad, ang metapora ay naghahambing
din subalit direkta ang paghahambing ng dalawang bagay at hindi na
ginagamitan ng mga panlapi at salitang naghahambing.
Halimbawa:
Ang kanyang puso ay bakal na pinatigas ng mga pagsubok ng panahon.
c. Personipikasyon o Personification- Pagsasalin ng mga katangian ng isang tao
tulad ng talino, gawi at kilos sa mga bagay na walang buhay.
Halimbawa:
Lumuha pati ang langit sa kanyang naging kasawian.
d. Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole)- Dito ay sadyang pinalalabis o
pinakukulang ang kalagayan o katayuan ng tao o bagay na tinutukoy.
Halimbawa:
Lumuha ng dugo ang anak subalit hindi na niya maibabalik ang
nawalang buhay ng kanyang ama.

89 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL8_ARALIN1)
e. Pagpapalit – Saklaw o Synecdoche- Sa pagpapahayag na ito, maaaring
banggitin ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuoan at maaari namang ang
isang tao ay kumakatawan sa isang pangkat.
Halimbawa:
Ninanais ng binatang hingin na ang kamay ng dalaga.
Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng isang Orihinal na Liriko ng Awiting-bayan
Gamit ang Wika ng Kabataan
1. Nagagamit ang mga kumbensiyon sa pagsulat ng awitin (sukat, tugma,
tayutay, talinghaga at iba pa)
Una, susulat ka muna ng maikling tulang may sukat at tugma tungkol
sa anomang bagay na maaaring maiugnay sa kultura o tradisyon ng inyong sariling
lugar. Magsisilbi itong orihinal na liriko ng iyong awiting-bayan. Tiyaking ito’y
gumamit ng mga salitang nauunawaan ng tulad mong kabataan sa kasalukuyan
o mismong katutubong wika sa inyong bayan at gumamit ng mga kumbensyon sa
pagsulat tulad ng sukat, tugma at talinghaga tulad ng mga tayutay.
2. Naibibigay ang mga mungkahi sa napakinggang awiting-bayan na isinulat ng
kapwa mag-aaral.
Pagkatapos mong mabuo ang tula o tugma ay lalapatan mo ito ng angkop
na himig upang maging isang awiting-bayan.
3. Nasusuri ang kulturang nakapaloob sa awiting-bayan.
Susuriin ang kulturang nakapaloob sa binuo mong awiting-bayan upang
matiyak na ito’y sumasalamin nga sa kultura ng iyong sariling bayan.
4. Naitatanghal ang orihinal na awiting-bayan gamit ang wika ng kabataan.
Itanghal ang nabuong awiting-bayan. Gawin itong malikhain. Gamitan ito
nang angkop na kagamitan at instrumentong makikita sa inyong tahanan tulad
ng kutsara’t tinidor, bato o baryang kumakalansing sa loob ng lata o bote, angkop
na kasuotan at may naaangkop ding kilos o sayaw.

Gawain 1: Isa sa elemento ng tula ay ang sukat. Itala sa sagutang papel ang bilang
ng sukat ng bawat pantig sa mga piling taludtod ng sumusunod na
awiting bayan.
1. Awit sa paghahanapbuhay
Magtanim ay di biro, ____
Maghapong nakayuko. ____
Di man lang makaupo, ____
Di man lang makatayo. ____
2. Awit sa Paghehele ng bata
Sanggol kong anak na giliw ____
Matulog nang mahimbing ____
Marami akong gagawin ____
'Wag mo akong abalahin. ____

90 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL8_ARALIN1)
3. Awiting ukol sa paggaod
____
Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto at salagubang ____
Ang babae sa lansangan ____
Kung gumiri'y parang tandang ____

Gawain 2: Isulat sa sagutang papel kung ang mga sumusunod na saknong ay


tugmang ganap o tugmang di-ganap.
1.Pakinggan mo aking bunso itong mga sasabihin
Na sa aking katandaa’y parang huling habilin
Sa puso mo ay ingatan, at sa diwa’y kandilihin
Balang-araw ay tutubo’t parang utang na singilin.
2. May isang lupain sa dakong Silangan
Na nag-aalaga ay sikat ng araw
Kaya napatanyag ay sa kagandahan
At napabalita sa magandang asal.
Gawain 3: Isulat sa sagutang papel ang uri ng tayutay na ginamit sa bawat bilang.
1. Ang puso mo ay gaya ng bato.
2. Ang kanilang tirahan ay malaking palasyo.
3. Sumasayaw ang mga bituin sa alapaap.
4. Pag-asa, nasaan ka na?
5. Pag-ibig, anong ginawa mo sa puso kong sugatan?
6. Ang buhay ay tulad ng isang gulong, minsan nasa itaas, minsan naman ay
nasa ibaba.
7. Bumaha ng luha sa kanyang paglisan.
8. Nagsasayawan ang mga dahon sa sanga sa lakas ng hangin.
9. Para siyang anghel na bumaba sa langit.
10. Siya ay parang naupos na kandila sa kahihiyan.

Gawain 4: Sumulat ng sariling-likhang tula na naglalarawan sa opinyon mo sa


“COVID-19 Vaccine” gamit ang sumusunod na mga pamantayan. Gawin
ito sa sagutang papel.

_____________________________ 1. (paksa/pamagat)

2. (lalabindalawahin ang sukat)


__________________________________________
_________________________________________
__________________________________________
3. (may (2) __________________________________________
saknong)
__________________________________________
_________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

4 -5. (tugma sa bawat taludtod)

91 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL8_ARALIN1)
Gawain 5: Bumuo ng sariling pangungusap sa sagutang papel na ginagamitan ng
tayutay sa pamamagitan ng mga larawang may hatid na mensahe sa
bawat bilang.

1.

+ =

2. + =

3. + =

4. + =

5. + =

Nais kong malaman ang kaganapan ng iyong pagkaunawa sa kabuoan ng Modyul sa


pamamagitan ng pagdurugtong sa sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Nalaman ko ______________________________________________________________
2. Naramdamam ko _________________________________________________________
3. Nabigyang-halaga ko _____________________________________________________

Panuto: Ngayong batid mo na ang lahat tungkol sa panitikang Visayas,


handang- handa ka na sa pagsasagawa ng isang awtput. Sundin ang nasa ibaba.
Gumawa ng saliksik sa inyong barangay tungkol sa mga awiting-bayan.
Sumulat ng liriko ng sariling awiting-bayan gamit ang wika ng makabagong

92 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL8_ARALIN1)
kabataan na naglalarawan sa inyong kultura. Isaalang-alang ang mga kumbensyon
sa pagsulat ng awitin (sukat, tugma, talinghaga at iba pa).

Pamantayan sa Pagmamarka
5 4 3 2 1
1. Nakagamit ng wika ng kabataan.

2. Nakabuo ng orihinal na liriko.


3. Nagtataglay ng sukat, tugma,
talinghaga awit na nabuo.
4. May ugnayan ang mga liriko sa
bawat bahagi.
5. Nasasalamin ang kultura ng iyong
bayan
6. Nakahihikayat ang himig na
inilapat sa awit.
5- Napakahusay 3- Katamtaman 1- Maraming kulang
4- Mahusay 2- Di-mahusay

A. Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Piliin at isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ito ang paggamit ng masining na salitang nagbibigay ng higit na kariktan sa tula.
A. metapora B. pagmamalabis C. pagtutulad D. tayutay
2. Tukuyin ang uri ng tugmaan ng sumusunod na bahagi ng awiting-bayan.
Magtanim ay 'di Biro
Magtanin ay 'di biro
Maghapong nakayuko
Di man lang makaupo
Di man lang makatayo
A. Tugmang ganap C. Tugmang unahan
B. Tugmang di ganap D. Tugmang hulihan
3. Tukuyin ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng bahagi ng awiting bayan.
Balud (isinalin mula sa Waray)
Tila nag-aapoy, mapupulang langit
Maging itong dagat, tila nagngangalit
Siguro ay may nagkaingin kung saan
Malakas na hangin ang dumadaluyong.
A. 12-12-12-13 C. 12-14-12-12
B. 12-13-12-16 D. 12-12-12-12
4. Ito ay isang tayutay na gumagamit ng mga katangian ng mga tao at inihahantulad
sa mga mga bagay na walang talino tulad ng hayop, bagay, at iba pa.
A. Pagmamalabis C. Pagtutulad
B. Personipikasiyon D. pagtanggi

93 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL8_ARALIN1)
5. Ito ang kahalagahan ng ng paggamit ng mga kumbensiyon sa pagsulat ng awit
(sukat, tugma, tayutay, talinghaga, at iba pa).
A. upang malinang ang kasanayan sa pagbasa
B. upang maging maayos ang awit na susulatin
C. sapagkat bahagi ng pamantayang dapat sundin
D. sapagkat ito ang magbibigay ng lalim at ganda ng awit na bubuoin

B. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang isinasaad sa pangungusap.


Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.
A. pagtutulad D. pagmamalabis
B. metapora E. pagpapalit-saklaw
C. personipikasyon F. pagtawag
G. pagtanggi
1. Parang ulan sa tuyong lupa ang musika sa konsiyerto.
2. Ang susi sa tagumpay ay tiyaga.
3. Wari’y hampas sa tambol ang tibok ng aking puso.
4. Tambakan ng basura ang silid-tulugan ni Ivan.
5. Umaatungal ang langit sa paparating na sigwa.
6. Maraming ulan na ang nakahimlay sa libingan ng pagkalimot.
7. Naninikluhod ang langit para sa kapayapaan.
8. Langit ang tahanang ito.
9. Naglalakad siyang parang namamasyal sa buwan.
10. Namuti ang aking mata sa kahihintay sa iyo.

Panuto: Tukuyin at isulat sa patlang ang mga uri ng tayutay na karaniwang


nagagamit sa pagbibigay ng talinghaga sa tula. Pagkatapos ay sumulat ng
sariling pangungusap sa sagutang papel.
1. Ito ay paghahambing ng dalawang magkaiba subalit may pagkakaugnay na
mga bagay at ginagamitan ng mga pariralang tulad ng, paris ng, kawangis ng,
tila, sing, kasing, sim, magkasing, magkasim at iba pa.
Uri ng Tayutay: ____________________
Pangungusap: _____________________________________________________
2. Ito ay pakikipag-usap sa karaniwang bagay o dinaramang kaisipang para bang
nakikipag-usap sa isang buhay na tao o isang tao gayong wala naman ay
parang naroo’t kaharap.
Uri ng Tayutay: ____________________
Pangungusap: _____________________________________________________
3. Ito ay naghahambing din subalit direkta ang paghahambing ng dalawang
bagay at hindi na ginagamitan ng mga panlapi at salitang naghahambing.
Uri ng Tayutay: ____________________
Pangungusap: _____________________________________________________
4. Pagsasalin ng mga katangian ng isang tao tulad ng talino, gawi, at kilos sa
mga bagay na walang buhay.
Uri ng Tayutay: ____________________
Pangungusap: _____________________________________________________

94 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL8_ARALIN1)
(DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL8_ARALIN1) 95
Pagyamanin
Gawain 1 :
6. Kulayan ng dilaw 6. Kulayan ng dilaw
7. Kulayan ng dilaw 7. Kulayan ng dilaw
8. Kulayan ng dilaw 8. Kulayan ng dilaw
9. Kulayan ng dilaw 9. Kulayan ng dilaw
10.Kulayan ng dilaw 10. Walang Kulay
Gawain 2:
6. F
7. A
8. B
9. E
10. C
Gawain 3:
16.Oyayi o Hele- awit ng pagpapatulog ng bata
17.Diona- awit sa kasal
18.Soliranin- awit ng mga manggagawa
19.Talindaw - awit sa pamamangka
20.Dungaw – awit sa patay
21.Dolayanin at Indolanin – Awit panlansangan.
22.Umbay – Awit panlibing
23.Kundiman- awit ng pag-ibig
24.Kumintang o Tagumpay- awit ng pandigma
25.Dalit o Imno – awit sa diyos- diyosan ng mga Bisaya at awit ng
panrelihiyon ng Bisaya
26.Omiguing – Isang malambing na awi
27.Diona – awit sa kasal ng mga Tagalog
28.Balitaw- Awit sa paghaharana ng Bisaya
29.Maluway - awit sa sama-samang gawa.
30.Sambotani – Awit sa pagtatagumpay sa isang pakikipaglaban.
Gawain 4:
6. A
7. B
8. B
9. B
10. D
Gawain 5:
5. Oyayi / pagpapatulog ng bata
6. Kundiman/ awit ng pag-ibig
7. Talindaw / pangingisda
8. Balitaw/ panghaharana
Gwain 6:
Modyul 8
MGA IMPORMASYON

• A.B. Julian, N.S. Lontoc, C.H. Esguerra, A.M. Duyag, (2015). Pinagyamang
Pluma 7. Quezon City: Phoenix Publishing House
• Rex Interactive pahina 26
• Panitikang Filipino awtor Lucila A. Salazar

MGA LARAWAN

• https://www.google.com/search?sa=G&hl=en_US&tbs=simg:CAQSqAIJGio12
wNVlT8anAILELCMpwgaYgpgCAMSKMcIpAbDCJQD7BOfA5ID7RPGCM0TuT
aJOIw4nzjOJoU4qjatIrY28CkaMM3LQ8-
GEgrH2yXc74Y8WFEqum6QmTab364jQxOwFwJbiNSNB6wc6_1eH90YPLpOk
hiAEDAsQjq7-
CBoKCggIARIE9CQtGgwLEJ3twQkalAEKFwoFY2Fub2XapYj2AwoKCC9tLzBw
aDM5ChoKB2dvbmRvbGHapYj2AwsKCS9tLzAyMDY4eAoYCgVza2lmZtqliPYD
CwoJL20vMDY1cWZ4Ch0KCWpvbGx5Ym9hdNqliPYDDAoKL20vMDI1eV82cg
okChF3YXRlcmNyYWZ0IHJvd2luZ9qliPYDCwoJL20vMDU2a3MyDA&q=sail+a
+boat+clipart+black+and+white&tbm=isch&ved=2ahUKEwj05Y6GibnrAhWJd
94KHQIwBXcQwg4oAHoECAkQKA&biw=1366&bih=608
• https://www.google.com/search?sa=G&hl=en_US&tbs=simg:CAQSpAIJ3_1jL
jtglFocamAILELCMpwgaYgpgCAMSKPgfyhPrE8kT7BPYHe4TwwjCCJIIrSmcI5
4jyCmFKv0hmyOsKf4hrSMaMJLnBW0-d7FyzyyK_1-
hfedlYqscQ8MW6jAKqnqcPNchawhY8rK-PO8uQNFKA-hbl6CAEDAsQjq7-
CBoKCggIARIEMkGdfAwLEJ3twQkakAEKGwoIbGluZSBhcnTapYj2AwsKCS9t
LzA5MTlyeAofCgxpbGx1c3RyYXRpb27apYj2AwsKCS9tLzAxa3I4ZgoaCgdzaXR
0aW5n2qWI9gMLCgkvbS8wMTVjNHoKGQoHY2FydG9vbtqliPYDCgoIL20vMDI
xNW4KGQoGc2tldGNo2qWI9gMLCgkvbS8wN2dsenEM&q=baby+and+mommy
+coloring+pages&tbm=isch&ved=2ahUKEwiez_KcibnrAhWHBIgKHZj0CYgQwg
4oAHoECAkQKA&biw=1366&bih=608#imgrc=qAgqXK5QgDmtPM
• https://www.google.com/search?q=g+clef&hl=en_US&source=lnms&tbm=isc
h&sa=X&ved=2ahUKEwi8kZnFibnrAhU1y4sBHav7ANcQ_AUoAXoECBQQAw
&biw=1366&bih=608#imgrc=5MImk9rlJnM_xM&imgdii=MZtpwMckQ7vdxM
• https://www.google.com/search?q=hARANA+clipart+BLACK+AND+WHITE&t
bm=isch&hl=en_US&chips=q:harana+clipart+black+and+white,online_chips:c
artoon&hl=en-
US&sa=X&ved=2ahUKEwiq99L7jLnrAhUUI6YKHXZFAAQQ4lYoAHoECAEQF
Q&biw=1349&bih=608#imgrc=ZwIbjLqxDNHL7M
• https://rmhalife.wordpress.com/2018/10/15/filipino-2nd-grading/
• https://www.scribd.com/document/432666062/Awiting-Bayan-Ng-Bisaya-
mga-Halimbawa

96 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL8_ARALIN1)
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – NCR, SDO Valenzuela City

Office Address: Pio, Valenzuela St., Marulas Valenzuela City

Telefax: 02-292-3247

Email Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

97 (DO_Q2_FILIPINO_7_MODYUL8_ARALIN1)

You might also like