You are on page 1of 4

Jhon Junard G.

Alcansare
BSED-Fil.III

Mga Uri ng Pagsusulit

Paksa

Mga Kayarian ng Salita at halimbawa


1) Payak – binubuo ng salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit, at walang katambal na ibang
salita.
Halimbawa: Anim, dilim, presyo, langis, tubig

2) Maylapi – binunuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi.

May limang paraan ng paglalapi ng salita:

a. Inuunlapian – ang panlapi ay nakakabit sa unahan ng salitang-ugat


Halimbawa: Kasabay- paglikha, maramib.
b. Ginigitalipian – ang panlapi ay nakasingit sa gitna ng salita
Halimbawa: Sinasabi, sumahod, tumugon
c. Hulapi – ang panlapi ay nasa huulihan ng salita
Halimbawa: Unahin, sabihin, linisan
d. Kabilaan – ang panlapi nasa unahan at hulihan ng salita
Halimbawa: Pag-isipan, pag-usapan, kalipunan
e. Laguhan – ang panlapi ay nasa unahan, hulihan, at sa loob ng salita
Halimbawa: Pagsumikapan, ipagsumigawan, magdinuguan

3) Inuulit – ang kabuuan o isa higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit.

May dalawang uri ng pag-uulit:


a. Pag-uulit na Ganap – inuulit ang buong salitang-ugat
Halimbawa: Araw-araw, sabi-sabi, sama-sama

b. Pag-uulit na Parsyal – isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit

Halimbawa: Aangat, tatakbo, aalis-alis, bali-baligtad

4) Tambalan – binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isa lamang salita.

May dalawang uri ng Pagtatambal:

a. Malatambalan o Tambalang Parsyal – nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang


pinagtatambal. Ginagamitan ito ng gitling sa pagitan

Halimbawa:Bahay-kalakal, habing-Ilok, balik-bayan

b. Tambalang Ganap – nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa sa kahulugang iba kysa sa
kahulugan ng dalawang salitang pinagsama

Halimbawa:Hampaslupa, kapitbahay, bahaghari


I. Pagpili o Multiple Choice

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay binubuo ng salitang-uagt lamang.


a. Payak
b. Maylapi
c. Tambalan
d. Inuulit
2. Ito ay binubuo ng dalawang salitang pinagsama para makabuo ng isang salita lamang.
a. Payak
b. Maylapi
c. Tambalan
d. Inuulit
3. Ang kabuuang salita o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit.
a. Payak
b. Maylapi
c. Tambalan
d. Inuulit
4. Ito ay binubuo ng salitang ugat at isa 0 higit pang panlapi.
a. Payak
b. Maylapi
c. Tambalan
d. Inuulit
5. Alin sa mga sumusunod ang salitang payak?
a. Aangat
b. Balik-bayan
c. Sabihin
d. Dilim

II. pagtatapat-tapat

Panuto: hanapin sa hanay B ang tinutukoy sa hanay A.

Hanay A Hanay B

6. Ang panlapi ay nakakabit sa unahan a. ginigitlapian

7. Ang panlapi ay nasa unahan at hulihan b. hulapi

8. Ang panlapi ay nasa gitna c. inuunlapian

9. Ang panlapi ay nasa unahan, gitna at hulihan d. kabilaan

10. Ang panlapi ay nasa hulihan e. laguhan


III. TAMA o MALI

Panuto: isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI kung ang pahayag ay
mali.

_______11. Ang payak na salita ay binubuo ng salitang-ugat na may katambal.

_______12. Tambalang ganap kapag ang dalawang salitang pinagtambal ay nakabubuo ng panibagong
kahulugan.

_______13. Pag-uulit na parsyal ang tawag sa salitang inuulit ang buong salitang-ugat.

_______14. Masasabing payak ang isang salita kung ito ay walang panlapi, walang katambal na salita at
hindi inuulit.

_______15. Ang panlapi ay maaring ikabit sa hulihan, unahan at gitna.

IV. Pagiisa-isa

Panuto: Ibigay at isa-isahin ang mga hinihingi sa bawat bilang.

16-18. Hlimbawa ng salitang payak (3)

19-23. Paraan ng paglalapi (5)

24-25. Uri ng pag-uulit (2)

26-27. Uri ng pagtatambal (2)

28-29. Halimbawang salita ng paglalaping laguhan (2)

30-32. Halimbawa ng salitang tambalan (3)

33-35. Halimbawa ng salitang inuulit (3)

V. Pagsusulit na maiksi ang sagot (short response item test)

Panuto: Isulat ang wastong sagot sa bawat bilang.

36. Binubuo ng dalawang salitang pinagsama para makabuo ng isa pang salita.
37. Binubuo ng salitang-ugat lamang.
38. Paglalaping ang palapi ay makikita sa unahan at hulihan.
39. Inuulit ang buong salitang-ugat.
40. Nanatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal.

VI. Close Test

Panuto: Punan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang pangungusap. 2pts bawat
patlang

41-50..

Ang ____________ ay nakabubuo ng _________ kahulugang ________ kaysa sa ___________ ng


_________________ pinagsama.
Talahanayan ng Ispesipikasyon

Kasanayan/Kaalaman Bahagdan ng Bilang ng Kinalalagyan


Aytem Aytem ng Aytem
A. Pag-unawa sa Binasa

I. Natutukoy ang angkop 10% 5 1-5


na salita mula sa binigay na
kahulugan ng salita.

II. Napagtatapat ang salita 10% 5 6-10


at pangungusap na may
kaugnayan sa isa’t-isa.

III. Natutukoy ang tama at 10% 5 11-15


maling mga pahayag mula sa
binigay na pahayag.

IV. Naibigay ang mga 40% 20 16-35


kahingian

V. Nakikilala ang wastong 10% 5 36-40


kasagutan sa bawat bilang.

VI. Napupunan ang mga 20% 10 41-50


kakulangan sa pangungusap.

Kabuuan 100% 50 50

You might also like