You are on page 1of 12

Masusung Banghay Aralin

Sa Filipino 7

Jhon Junard G. Alcansare


BSED-Fil.III
Tañon College

I. Layunin
a. Nakasasagot sa mga katanungan na may kinalaman sa kuwentong binasa.

II. Paksang-Aralin
Paksa: Pagsagot sa mga katanungan na may kinalaman sa kwentong binasa.
(Naging Sultan si Pilandok)
Sanggunian: https://www.academia.edu/8877842/NAGING_SULTAN_SI_PILANDOK
https://philnews.ph/2018/11/12/maikling-kwento-ang-aswang-sa-baryo-
dekada-sitenta
https://philnews.ph/2018/11/12/maikling-kwento-si-amboy-saranggola-
marunong-lumipad/
Kagamitan: PowerPoint Presentation, Mga Larawan, Visual Aids, bagay na magagamit sa
mga gawain
a. Pagpapahalagang Pangkatauhan: walang magandang maidudulot sa kahit
kanino ang paghahangad ng labis

III. Pamamaraan
Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
Panalanging
Magsitayo ang lahat para sa ating
Pinangunahan ni Jonel ang panalangin
panalanngin. Pangunahan mo Jonel ang
(yumuko ang lahat at taimtim na nanalangin)
panalangin.
(Pamukaw Sigla)
Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng
masiglang awitin na pinamagatang “Kung Ikaw
Ay Masaya”.
Tumayo at sumabay ang lahat sa pagkanta. (sabay-sabay ang lahat sa pagkanta at
pagsayaw)

Isang napakagandang hapon sa inyong lahat! Magandang hapon din po Sir!

Kumusta naman kayo klas? Maganda ba ang Opo Sir.


inyong hapon?

Mabuti naman kung gayon klas.


Cupcake pakitala ang liban sa klase ngayong (Tumayo at itinala ang liban sa klase)
araw na ito. Maraming salamat Cupcake

Klas, ano ba ang gagawin ng isang mabuti at Makinig ng mabuti Sir, umupo ng maayos,
epektibong tagapakinig kung ang guro ay itaas ang kamay kung gusting sumagot, iligpit
nagsasalita ditto sa harap? ang mga bagay na walang kinalaman sa
talakayan sir.

Magaling klas!
Nawa’y maaasahan ko ang lahat ng iyon sa
inyo ngayong araw na ito klas.
Maliwanag? Opo Sir.

B. Balik-Aral
Klas, noong nakaraan ay tinalakay natin ang Opo sir.
tungkol sa mga element ng maikling kuwento,
tama ba klas?

Ano ba ang mga elemento nito? Sir, ang iba’t-ibang elemento ng maikling
Stepehene, ibigay ang iba’t-ibang elemento ng kuwento ay ang tauhan, tagpuan, saglit sa
maikling kuwento. kasiglahan, kasukdulan, suliranin, kakalasan at
wakas sir.

Magaling, talagang naunawaan niyo ang


paksang natalakay natin noong nakaraan.

(Panlinang na Gawain)
C. Pagganyak
Ngayon klas may ipapakita akong mga larawan
sa inyo at tutukuyin ninyo kung anu-ano ito.
Maliwanag ba klas? Opo sir!

(magtatanong ang guro sa bawat larawan na


(sasagot ang mga mag-aaral at magbibigay ng
kanyang ipapakita.)
kani-kanilang sariling opinion tungkol sa mga
Mga tanong: ano ang nakikita sa larawan?
larawang naipakita)
Ano ang katangiang inyong napapansin
batay sa larawan?

Magaling klas dahil natukoy ninyo ang mga


nasa larawan at nasagot ninyo ang mga
katanungang aking binigay kaugnay sa mga
larawang naipakita.

Batay sa mga larawang inyong natunghayan


klas, anu-ano kaya ang mga pumapasok sa
Sir, tungkol po sa hari at sa alipin.
inyong isipan?

Mahusay, maaari ngang tungkol ito sa hari at


sa alipin.
Ibang kasagutan klas? Sir, tungkol sa dalawang magkaaway sir.

Magaling, maaari rin itong tungkol sa


dalawang magkaaway.

Ngayon klas, sa tingin niyo ba may kaugnayan


Opo, sir!
ito sa tatalakayin natin ngayong hapon?

D. Pagganyak na tanong

Kung ganun klas sinu-sino kaya ang mga


tauhan sa teksto/kwentong ating tatalakayin?
Tungkol saan ang kwentong ating babasahin?

Malalaman natin iyan sa pagtalakay sa aralin


natin ngayong hapon.

E. Pagpapalawak ng talasalitaan
Pero bago niyan klas, wawaksiin muna natin
ang mga mahihirap na salita na matatagpuan
natin sa kuwentong ating tatalakayin.

Panuto: piliin ang angkop na kahulugan ng


(Mga posibleng sagot)
mga salitang may salungguhit.
1. Ang Sultan ay nanggilalas nang Makita
Nagulat
si Pilandok sa kanyang harap na
nakasuot ng magarang kasuotan ng
sultan.
a. natuwa
b. nagulat
c. nagalit
2. Nakasubkit sa kanyang baywang ang
isang kumikislap na ginintuang tabak. Espada/itak
a. espada/itak
b. lubid
c. baril
3. “ Paanong nangyaring ikaw ay nasa Maganda/kaaya-aya
harap ko at nakadamit nang magara?”
a. maganda/kaaya-aya
b. hindi kaaya-aya

F. Paglalahad
Mahusay klas, ngayong alam na natin ang mga
balakid sa kwentong ating babasahin ay
sisimulan na natin ang pagtalakay sa paksa
natin ngayong hapon.
Ang tatalakayin natin ngayon ay isang kwento
na pinamagatang “Naging Sultan si Pilandok”.

Ano nga ulit ang pamagat ng kwentong ating “Naging Sultan si Pilandok” po sir
tatalakayin?

Ngayon klas, sa paraan n gating pagtatalakay


sa kwento ay magkakaroon tayo ng
pagbabasa.
Handa na ba kayo klas? Opo sir!

Mabuti kung gayun klas, sabay-sabay nating


basahin ang kuwento na may twist. So ganito
klas, sisimulan ko ang pagbabasa sa unang
talata ng kuwento pagkatapos ay magtatawag
ako ng mag-aaral na magbabasa sa susunod na
talata ng kuwento hanggang sa matapos ang
kuwento.
Maliwanag ba klas?
Opo sir!

Sinimulan ang pagbasa ng kwentong


pinamagatang:
“NAGING SULTAN SI PILANDOK”

Ang kinagigiliwang Juan ng katagalugan ay


may katumbas sa mga Maranaw - siPilandok.
(klas, sa binasa konng unang talata ng
kwento? Sino ang tauhang nabanggit ditto? Si Pilandok po sir.

Tama, ipagpatuloy mo…

Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang


kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa
isang pagkakasalang kanyang ginawa.

Ano kaya ang mangyayari ni Pilandok


pagkatapos nitong ikulong at itapon sa dagat?

Malalaman natin iyan sa pagpapatuloy ng


kwento.
Ipagpatuloy mo… Pagkalipas ng ilang araw, ang sultan ay
nanggilalas nang makita si Pilandok sakanyang
harap na nakasuot ng magarang kasuotan ng
sultan. Nakasukbit sa kanyangbaywang ang
isang kumikislap na ginituang tabak.

So klas, sa tingin ninyo ano ang nangyari kay Nakaligtas po si Pilandok sir at buhay na
Pilandok matapos itong ikulong at itapon sa buhay.
dagat?

Tama, sige ipagpatuloy mo…


"Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?"
nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok.
"Siyapong tunay, mahal na Sultan," ang
magalang na tugon ni Pilandok.
"Paanongnangyaring ikaw ay nasa harap ko at
nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka
nangayon," ang wika ng sultan.

Sa ikatlo at ikaapat na talata, sino ang tauhang Ang Sultan po sir!


nadagdag sa kwento?
Tama, ipagpatuloy mo… "Hindi po ako namatay, mahal na sultan
sapgkat nakita ko po ang aking mga ninuno
sailalim ng dagat nang ako'y sumapit doon.
Sila po ang nagbigay sa akin ng
kayamanan.Sino po ang magnanais na
mamatay sa isang kahariang masagana sa
lahat ng bagay?"ang paliwanag ni Pilandok.
"Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng
ayaw maniwalang sultan. "Nalalaman ng lahat
na walang kaharian sa ilalim ng dagat."

Klas, ano ang nakita ni Pilandok sa ilalim ng Sir, nakita po ni Pilandok ang kanyang mga
ninuno sa ilalim ng dagat.
dagat?

"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako


Mahusay, ipagpatuloy mo…
ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sagitna ng
dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay
naririto ngayon at kausap ninyo,"ang
paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa
ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa
pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at
itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalisna at
marahil ay hinihintay na ako ng aking mga
kamag-anak." Umakmang aalis na siPilandok.

Pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat


Ano ang tanging paraan upang makatungo sa
ang tanging paraan upang makatungo sa
kaharian sa ilalim ng dagat? kaharian po sir.

"Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok.


Tumpak, sige ipagpatuloy mo…
"Isama mo ako at nais kong makita ang
akingmga ninuno, ang sultan ng mga sultan at
ang iba ko pang kamag-anak." Tatawagin
nasana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil
siya ni Pilandok at pinagsabihangwalangdapat
makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay
mag-isang pupunta roon ang Sultansa loob ng
isang hawla.
Ano sa tingin ninyo klas ang susunod na
mangyayari?
Malalaman natin iyan sa pagpapatuloy ng
kwento.
Ipagpatuloy mo…
"Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla
at itapon mo ako sa gitna ng dagat," angsabi
ng sultan. "Sino po ang mamumuno sa
kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanongni
Pilandok. "Kapag nalaman po ng iba ang
tingkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sailalim
ng dagat ay magnanais silang magtungo rin
doon."

At ayon nga klas! Nagpakulong sa hawla ang Sandaling nag-isip ang sultan at nakangiting
Sultan at itatapon sa gitna ng dagat. nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang
Ipagpatuloy mo… sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng
isang kautusang ikawang pansamantalang
hahalili sa akin." "Hintay, mahal na Sultan,"
ang pigil ni Pilandok."Hindi po ito dapat
malaman ng inyong mga ministro."

Klas, ano kaya ang susunod na magiging "Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng
hakbang ng Sultan? Malalaman natin iyan sa sultan. "Ililihim po natin ang bagay naito.
pagpapatuloy ng kwento. Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong
Ipagpatuloy mo… korona, singsing at espada. Pag nakitaang mga
ito ng inyong kabig ay susundin nila ako," ang
tugon ni Pilandok.

Ipagkaloob ng Sultan kay Pilandok ang


Ano ang naging mungkahi ni Pilandok sa kanyang korona, espada at singsing.
Sultan?
Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat
Tama, sige basahin mo ang huling talata… kay Pilandok ang hinihingi at isinakay saisang
bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis
ang hawlang kinalululanan ngsultan. Kaagad
lumubog ang hawla at namatay ang sultan.
Mula noon si Pilandok naang naging sultan.

Ano ang kinalalabasan ng ugnayan ng dalawa? Namatay ang Sultan at naging Sultan si
Pilandok.

Mahusay, palakpakan ang isa’t-isa klas. (nagpalakpakan)


G. Pagtatalakay

Okay klas, ngayong natapos na nating basahin


ang kwento:
(magbibigay ng mga katanungan na sasagutin
ng mga mag-aaral. Tatawagin ang mag-aaral
na sasagot sa tanong kung walang gustong
magbahagi ng kanilang sagot.)

1. Paano naging Sultan si Pilandok? Anong (magbibigay ng kanyang sagot)


katangian mayroon si Pilandok kung bakit
siya naging Sultan?

2. Kung ikaw ang Sultan, maniniwala ka ba (magbibigay ng kanyang sariling opinyon)


sa mga sinasabi ni Pilandok? Bakit?

3. Kung ikaw si Pilandok, sa tingin mo ba’y (magbibigay ng kanyang sariling opinyon)


tama ang iyong ginawa? Bakit?

4. Ano ang aral ang inyong natutunan sa (magbibigay ng kani-kanilang aral na


pagtalakay natin sa kwento? natutunan sa kwentong tinalakay)

H. Paglalapat
Ngayon klas ay magkakaroon tayo ng
pangkatang Gawain. Hahatiin ko kayo sa
dalawang pangkat, bawat pangkat ay pumili
ng inyong pinuno, isang tagatala at isang
tagabantay ng oras, at isa o dalawang
miyembro na magsasagawa sa presentasyon
ng inyong Gawain sa harap. Mayroon laman
kayong 10 minuto para isagawa ang inyong
Gawain at 5 minuto para sa presentasyon.

Ito naman ang pamantayan ng magiging


marka ninyo sa pangkatang Gawain.
Ang inyong Gawain ay nasa loob ng brown
envelope. Sundin lamang ang panuto na nasa
loob ng inyong brown envelope.

Maliwanag ba klas?
Opo sir!
Pangkat 1.
Laman ng Brown Envelope
May 6 na malalaking bilog na colored paper
na may sa loob ng envelope. Gawin itong story
worm, sundin lamang ang halimbawa ng story
worm na nasa loob din ng envelope.
Mayroong maikling kwento na pinamagatang
“Ang Aswang sa Baryo Dekada Setenta” at
isang pentelpen.

Panuto: Basahin ang kwento at sagutin o


ibigay ang mga hinihingi ng story worm.

“Ang Aswang sa Baryo Dekada Setenta”

Pangkat 2.
Laman ng Brown Envelope
Mayroong manila paper sa loob, pentelpen,
at ang kwento na pinamagatang “Ang Aswang
sa Baryo Dekada Setenta” at maliit na papel na
naglalaman ng mga tanong.
Panuto: Basahing mabuti ang kwento at
isulat sa manila paper ang mga katanungan at
inyong mga sagot sa mga katanungan.
Mga tanong:
1. Sinu-sino ang mga tauhan at katangian
ng mga tauhan sa kwento?
2. Sa inyong palagay, tama ba ang ginawa
ng mga tao kay Mang Boy? Bakit?
3. Sa mga bintang na natatanggap ni Mang
Boy mula sa mga tao, bakit naging
maganda pa rin ang pakikisama ng
pamilya Cruz kay Mang Boy?
4. Anu-anong mga aral ang inyong
natutunan mula sa binasa ninyong
kwento?

Maaari na kayong magsimula klas


Okay po sir!
(naglilibot-libot at nag-oobserba habang
nagsasagawa ng Gawain ang mga mag-aaral)

okay klas, kung tapos na kayo ay pwedi niyo


nang ipaskil sa pisara at simulant ang Nagsagawa ng presentasyon
presentasyon ng inyong mga Gawain.

Nakikinig ng mabuti sa presentasyon ng mga


mag-aaral.

Klas, palakpakan ang isa’t-isa dahil naging


matagumpay ang inyong pangkatang Gawain. Nagpalakpakan

Maayos ang presentasyon at lahat naman


kayo ay nakilahok sa Gawain. Magaling klas!

I. Paglalahat
Pansin ko klas na tama ang inyong mga
naging kasagutan sa mga tanong at sa mga
Gawain na ating ginawa kanina.

Paano ba natin nasasagot ang mga


Mga posibleng sagot
katanungan sa kwentong ating binasa?
1. Sa pamamagitan po ng pagbabasa ng
maayos.
2. Iniintindi ang nilalaman ng kwento
3. pagbibigay ng tamang atensyon sa
kwentong babasahin
4. huwag makipag kwentuhan sa katabi
habang nagbabasa

Mahusay klas!
IV. Pagtataya

Klas mayroon ulit akong ipapabasang kwento sa inyo at magbibigay ako ng mga
katanungan mula dito. Mayroon ako ditong mga kopya ng kwentong (“Si Amboy at ang
Saranggola na ‘di lumilipad”) inyong babasahin at ipapaskil ko ang mga katanungan para
inyong sasagutin. Sa pagkakataong ito ay indibidwal ang pagsagot dito.

Panuto: basahin at unawaing mabuti ang akda at sagutan ang mga katanungang nakapaskil
sa pisara. Isulat sa isang buong papel ang mga tanong at inyong mga sagot

1. bakit hindi lumilipad ang saranggola ni Amboy?


2. Paano nangyari na ang saranggola ni Amboy ay lumilipad na?
3. Ano ang aral na inyong natutunan mula sa kwentong binasa?

V. Takdang-Aralin

Mag-relaks o mamasyal kasama ang mga mahal ninyo sa buhay. Wala munang
Gawain.

You might also like