You are on page 1of 10

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 4

I. Layunin

Sa loob ng isang oras na talakayan, inaasahan na ang ikaapat na baitang ay:


a.Nailalarawan ang elemento ng kuwento: tagpuan, tauhan, banghay at pangyayari;
b.Naibabahagi ang kaalaman tungkol sa nabasang kuwento.
c. Naiiugnay ang mga pangyayari sa kuwento mula sa totoong buhay

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang Elemnto ng Kuwento
Kagamitan: Mga larawan, Manila Paper, marker

III. Pamamaraan

Gawaing guro Gawaing Magaaral


A. Panimulang Gawain

Pagdarasal

Mga bata, bago natin simulan ang ating Magsisimulang magdasal ang mga bata)
araw, tayo munay manalangin.

Pagbati

Magandang araw sa inyong lahat Magandang araw din po.

Pagsasaayos sa loob nang silid


aralan, pagtatala ng liban at hindi
liban sa klase

Maari nyo bang pulutin ang mga kalat sa


inyong paligid at ayusin ang inyong mga
upuan.

Kung tapos na ay maari ng magsiupo


ang lahat

Mayroon bang liban sa ating klase Wala po Bb. Calibo


ngayong araw?

Mabuti naman at walang liban sa ating (Palakpakan)


klase ngayon. Palakpakan ang inyong
mga sarili

Pagbabalik Aral

Inyo pa bang natandaan ang tinalaky Kahapo po ay tinalakay natin ang


natin kahapon o tungkol saan ang patungkol sa sanhi at bunga.
tinalakay natin kahapon?
Magaling at ang ulit ang sanhi? Ang sanhi po ay tumutukoy sa dahilan
kung bakit naganap ang isang
pangyayari. Ito ang nauna sa dalawang
kaganapan.
Mahusay. Ano naman ang bunga?
Ang bunga po ay tumutukoy sa naging
resulta o epekto ng naunang
pangyayari.
Maaari ba kayong magbigay ng
halimbawa ng sanhi at bunga?
Si Julios ay kumain ng maraming
kendikaya sumakit ang kanyang ngipin

Ano ang sanhi sa pangungusap na ito? Ang sanhi sa pangungusap ay “Si Julios
ay kumain ng maraming kendi”

Magaling. Ano naman ang bunga sa Ng bunga sa pangungusap ay ‘’Sumakit


pangungusap na ito? ang kanyang ngipin’’

Mahusay ang inyung mga kasagutan.

Ngayon, may ipapakita ako sa inyung


mga larawan at inyu lamang tukuyin
kung ano ang nasa larawan.

Unang larawan

Mga bata ano ito? (Magtaas ang mga bata ng kamay)

Itopo ay karwahe
Magaling. Ang nasa sa larawan ay
karwahe. Nakasakay o nakakita naba Opo binibini.
kayo ng karwahe?

Mabuti.

Pangalawang Larawan

Mga bata, ano naman ito? (Magtaas ang mga bata ng kamay)
Itopo ay maskara
Magaling. Ang nasa sa larawan ay
maskara.

Nakagamit o nakakita naba kayo ng Opo binibini.


maskara?

Mabuti kung ganun.

Panghuling Larawan

Mga bata, ano naman ito? (Magtaas ang mga bata ng kamay)
Ito po ay prinsesa
Magaling. Ang nasa sa larawan ay isang
prinsesa.

Nakakita naba kayo ng isang prinsesa? Opo binibini.

Mabuti kung ganun.

Sa mga pinakita kong larawan may ideya Isang kwento po binibini.


naba kayo kung ano ang tatalakayin
natin ngayun?

Tama. Ngayun ay tatalakayin natin ang


patungkol sa maikling kwento at may
kinalaman ang karwahe, at isang
prinsesa sa kwentong ating babasahin
mamaya.

Pero bago iyon, ano nga ba ang maikling Ang maikling kuwento ay kadalasang
kwento? Pakibasa. sinusulat upang magbigay aliw sa mga
mambabasa at magturo ng mga aral sa
buhay.

Tama. At may mga elemento ang isang


kwento. Ito ay ang tauhan, tagpuan, at
banghay. Isaisahin natin ang ibig sabihin
ng mga ito.

Tauhan - gumaganap sa akdang


napapaloob sa kuwento na maaaring ito
ay mga tao, hayop o kaya ang mga
bagay.

Tagpuan - lugar kung saan nangyari


ang kuwento. Nagsasaad rin ito ng
takdang oras, epekto at panahon ng
pangyayari na pinatitingkad sa kuwento.

Banghay - pagkakahanay o
pagkakasunodsunod ng mga pngayayari
sa kuwento upang makalikha ng isang
suliranin. Ito ay kadalasang nahahati sa
tatlong pangyayari: simula, tunggalian at
wakas.

1. Simula - ang bahaging ito ay


kailangang kawili-wili kaysa sa iba
pang bahagi ng kuwento sapagkat
dito nakasalalay kung ang
mambabasa ay magpapatuloy pa o
hihinto na sa pagtunghay sa
kuwento. Dapat ay makuha ng
manunulat ang iteres ng
mambabasa sa simula pa lamang.
2. Tunggalian - tumutukoy ito sa
paglalabanan ng pangunahing
tauhan at sumasalungat sa kanya.
Ang tunggalian ay maaring tao
laban sa sarili, tao laban sa
kalikasan, o kaya ay tao laban sa
tao/lipunan.
3. Wakas - ito ay binubuo ng
kakalasan at katapusan. Ito ay ang
unti-unting pagbaba ng takbo ng
kuwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan. Maaring
masaya o malungkot, pagkatalo o
pagkapanalo ang magiging wakas
ng kuwento.

Naintindihan nyo ang ang bawat


elemento? Opo binibini

PAG-ALIS SAGABAL

Pero bago natin basahin ang kwento ay


bibigyan kahulugan muna natin ang mga
talasalitaan sa kwento upang mas
maintindihan ninyo ng mabuti.

Dampa-kilala sa tawag na bahay kubo;


ito ay yari sa kawayan at anahaw. Ito
ang katutubong bahay ng mga Pilipino

Balabal - ito ay isinusuot sa leeg o


kaya’y sa ulo
Mesitera - sang lalagyan ng mga
mababangong bulaklak para bigyang
disenyo ang ating mga bahay.

Ngayon handa naba kayong marinig ang Handa napo kami binibini.
kwento tungkol sa ‘’Ang Nawawalng
Prinsesa?

B. Analisis

Makinig kayong mabuti dahil pagkatapos


kung basahin ang maikling kwentong ito
ay may mga katanungan ako sa inyu.

Maliwanag ba mga bata? Maliwanag po.

Ang Nawawalang Prinsesa

Nawawala ang prinsesa gabi-gabi


ngunit walang makapagsabi kung saan
siya pumupunta. Nagpabalita na ang hari
na ang sinumang makapagtuturo kung
saan tumitigil ang anak tuwing hating-
gabi ay bibigyan ng kalahati ng kaharian
at, kung binata, ay ipakakasal sa
prinsesa. Marami ang nagtangkang
makipagsapalaran hindi lamang dahil sa
kayamanang matatamo kundi dahil sa
napakaganda raw ng prinsesa. Ang
pangalan niya ay Prinsesa Amaya. Ang
lahat ng mga binatang sumubok ay
nabigo. Sa kalagitnaan ng gubat na
malapit sa palasyo ay may isang
dampang tinitirhan ng isang matandang
mangkukulam. Isang araw, dinalaw ng
binatang si Arturo na napamahal na sa
kanya ang matanda na lagi niyang
tinutulungan. Ngayon naman, ang binata
ang humihingi sa kanya ng tulong.
“Tulungan mo po akong
mapagtagumpayan na tukuyin kung saan
pumupunta ang prinsesa tuwing gabi”
tugon ng binata sa matanda. Binigyan
siya ng isang balabal na kapag kanyang
isinampay sa mga balikat niya ay hindi
siya makikita ninuman. Binindisyunan ng
matanda ang balabal na gagamitin ng
binata.Nang gabi ring iyon, nasa labas
na nga siya ng silid ng prinsesa at
handang magbantay. Biglang nabuksan
ang pinto at tumambad sa kanya ang
napakagandang binibini. May iniabot sa
kanyang isang basong inumin. Nang
makatalikod ang prinsesa ay kanyang
itinapon sa isang masitera ng halaman.
Nalanta agad ang mga dahon ng
halaman.Nagkunwaring natutulog, ang
binata sanhi ng inumin. Nang
maramdaman niyang lumabas sa silid
ang prinsesa, isinuot niya ang
mahiwagang balabal at sinundan niya ito.
Sumakay sa isang naghihintay na
karwahe ang prinsesa. Di nito alam na
kasama ang binatang nakasakay sa
karwahe ngunit di niya ito nakikita.Sa
gitna ng mga kakahuyan huminto ito at
bumaba ang prinsesa. Nakipagsayaw
siya sa mga gitanong nagkakaipon doon
at nagsasaya.Sa likod ng isang puno,
tinanggal ng binata ang kanyang balabal
at naglagay ng maskara.Nilapitan niya
ang prinsesa at sila’y nagsayaw.
Nagsayaw sila nang nagsayaw
hanggang mapagod ang dalaga at halos
mabutas ang mga suwelas ng
sapatos.Muling isinuot ng binata ang
balabal nang paalis na ang karwahe at
sila’y bumalik sa palasyo.“Masasabi mo
ba kung bakit nawawala ang prinsesa sa
hating-gabi?” tanong ng hari nang
humarap sa kanya ang binata
kinaumagahan.“Opo, Mahal na Hari!
Nakikipagsayaw po siya sa mga gitano
sa gubat gabi-gabi. Ito po ang
katunayan. Itong halos wasak nang
sapatos na kinuha ko sa kanyang
pinagtapunan matapos na makasayaw
siya.”Ipinatawag ng hari ang prinsesa at
hindi naman ito makatanggi sa amang
nagpakita ng katunayan.Balak pa sana
ng prinsesa na umayaw na maging
asawa ang binata, ngunit nang ilagay
nito ang maskara, nakilala niya ang
kasayaw na kinagiliwan nang nagdaang
gabi.Tumugtog ang banda at masuyong
niyaya ng binata na magsayaw sila ng
prinsesa na masaya namang yumakap
sa kanya.

Mga bata, nagustuhan nyo ba ang Opo binibini.


Maikling kwentong ‘’Ang Nawawalang
Prinsesa”

Magaling, ako ay natutwa dahil


nagustuhan ninyo ang kwentong aking
binasa.
Ano nga ulit ang pamagat ng aking “Ang Nawawalang Prinsesa’’
binasa?

Sino-sino ang mga tauhan sa kwento? Ang mga tauhan po sa kwento ay Si


Prinsesa Amaya, ang hari, si Arturo at
ang matandang mangkukulam.

Saan naganap ang kwento? Ang kwento ay naganap sa kaharian at


sa kakahuyan kung saan nagtungo ang
prinsesa

Ano ang ginagawa ng prinsesa sa Nakikipagsayaw sa mga gitano


gubat?

Ano ang ginawa ni arturo upang Nagtungo sya sa dampa ng


masundan nya ang prinsesa? mangkukulam at humingi ng tulong.

Ano ang ibinigay ng mangkukulam sa Isang balbal na kapag isinuot nya ay


kanya? hindi sya makikita.

Nang makita ni Arturo ang prinsesa na Isinuot nya ang balbal na binigay ng
nakikipagsayaw sa mga gitana ano ang mangkukulam.
kanyang ginawa upang malapitan ng
hindi sya nakikilala?

Ano ang naging wakas ng kwento? Nakilala sya at napangasawa niya ang
prinsesa.
Magaling mga bata.

C. Abstraksyon

Ano nga ulit ang ating binasa kanina?

Ang binasa natin kanina ay isang


Magaling. Ilan at ano ano ang mga maikling kwento
elemento ng isang mailing kwento?
Mayroong tatlong elemento ang isang
maikling kuwento. Ito ang tauhan,
At ang banghay ay nahahati sa ilan at tagpuan at banghay.
ano anong pangyayari?
Ang banghay ay nahahati sa tatlong
pangyayari: simula, tungggalian at
D. Aplikasyon wakas.
Ano ang simula ng kwento?

Ang kwento ay nagsimula sa pagkawala


ng prinsesa at pagbabalita ng hari na
kung sino ang makapagturo kung saan
pumupunta ang kanyang anak tuwing
Ano ang tunggalian ng kwento? hating gabi ay syang mapapangasawa o
hahatian ng kayamanan.

Nang nagkunwaring natutulog si Arturo


matapos syang bigyan ng inumin ng
prinsesa. Pagkatapo ay sinundan niya ito
Ano ang naging wakas ng kwento? sa kagubatan gamit ang balbal at nang
magsuot sya nga maskara upang hindi
makilala.

Ang kwento ay nagwakas sa kaharian na


kung saan si Arturo at ang Prinsesa ay
masayang nagsasayaw bilang mag
asawa na.
Mahusay!

IV. Ebalwasyon

Panuto: Basahin ang maikling kuwento. Ibigay ang mga elemento tungkol sa
kuwentong binasa. Isulat ang sagot sa kahon.

Ang Alamat ng Rosas

Noong unang panahon, may isang dalagang nag ngangalang Rosa. Bukod sa
natatanging ganda ay kilala rin ang dalaga na gagawin ang lahat upang
mapatunayan ang tunay na pag-ibig.

Nakatakda na noong ikasal ang dalaga ng matuklasan niyang may


malubhang sakit si Mario, ang kanyang nobyo.

Hindi naging hadlang ang sakit ni Mario upang matigil ang kanilang kasal.

Sa kabila nito ay naging mabuting asawa si Rosa kay Mario. Hindi siya umalis
sa tabi ng asawa kahit anumang oras. Maging sa pag gising at pag tulog ni Mario ay
mukha ni Rosa ang nasisilayan nito.

Ang mga ngiti rin ni Rosa ang huling nasilayan ng asawa bago ito nalagutan
ng hininga.

Ang mga ngiting iyon ay hindi napawi hanggang sa ilibing si Mario. Nagtaka
ang mga tao, aniya "Alam kong masaya si Mario kung nasaan man sya. Alam ko na
ako lamang ang kanyang minahal at maghihintay sya sakin hanggang sa magsama
kaming muli".

Naging inspirasyon si Rosa para sa iba.


Bago namatay si Rosa ay hiniling nito na ilibing sya katabi ng libingan ng
asawa.

Kakatuwang may tumubong napakagandang bulaklak sa gilid ng puntod ni


Rosa. Tinawag nilang "Rosas" iyon bilang pag alala kay Rosa.

Panuto: Buuin at punan ang mga kahon ayon sa hinihinging detalye ng


elemento ng kuwento.

_______________________
Pamagat

Banghay:
Tauhan: Tagpuan: Simula:____________________________
________________ ________________ __________________________________
________________ ________________ __________________________________
________________ ________________
________________ ________________ Tunggalian:_________________________
________________ ________________ __________________________________
________________ ________________
________ ________ Wakas:____________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
V. Takdang aralin

Panuto: Magbasa ng iba pang kuwento. Ibigay ang mga elemento tungkol sa
kuwentong binasa. Isulat ang sagot sa kahon.

____________________
Pamagat

Banghay:
Simula:____________________________
Tauhan: Tagpuan: __________________________________
________________ ________________ __________________________________
________________ ________________
________________ ________________ Tunggalian:_________________________
________________ ________________ __________________________________
________________ ________________ __________________________________
________________ ________________
________ ________ Wakas:____________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________

You might also like