You are on page 1of 10

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO IV

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng animnapung (60) minutong talakayan, na may 80% kasanayan,

ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

A. matutukoy ang mga elemento ng pabula

B. makasasagot sa mga tanong tungkol sa kuwentong naibigay

C. masasabi ang kahalagahan ng aral na makukuha sa kuwento

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa: Mga Elemento ng Pabula

“ Si Paruparo at si Langgam ”

B. Sangunian: https://pinoycollection.com/pabula-halimbawa/#Si-Paruparo-

at-si-Langgam

C. Kagamitan: Manila Paper, Marker, Mga Larawan ng Hayop, at

Gawaing Papel

D. Stratehiya: Pag-uulat at Kooperatibong Pag-aaral

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. PANIMULANG GAWAIN

a. Panalangin

- Mga bata lahat ay tumayo para sa ating - (Ang mga bata ay tatayo at mananalangin)

panalangin.

“Panginoon, maraming salamat po sa

ibinigay ninyong panibagong pagkakataon

upang kami ay matuto. Gawaran mo kami

ng isang bukas na isip upang maipasok

namin ang mga itinuturo sa amin at


maunawaan ang mga aralin na

makatutulong sa amin sa pagtatagumpay sa

buhay na ito. Amen.

b. Pagbati

- Magandang Umaga mga bata! - Magandang umaga po titser

c. Pagtatala ng mga lumiban sa klase

- Lahat ba ay nandito ngayon at walang - Opo titser

lumiban sa klase?

d. Pagbibigay ng Pamantayan sa klase

- Anu-ano ang mga dapat gawin kapag

nagsisimula na ang ating klase? - Hindi po magiingay titser

- Ano pa?

- Maasahan ko ba lahat yan sa inyo? - Makinig po ng mabuti

e. Balik Aral - Opo titser!

- Kahapon ay pinag-aralan natin ang

tungkol sa labing-isang (11) elemento ng

Maikling Kwento.

- Anu-ano nga ulit ang mga ito?

Magbigay ng anim Jose. - Ang mga elemento ng Maikling Kwento

ay Panimula, Saglit na Kasiglahan,

Suliranin, Tunggalian, Kasukdulan, at

- Ibigay ang lima pang elemento ng Kakalasan.

Maikling Kwento Maria. - Ito ay ang Wakas, Tagpuan, Paksang

Diwa, Kaisipan, at Banghay.


B. PAGGANYAK

- Mga bata anong hayop ang inyo ng

nakita at narinig? Andrea. - Kabayo po titser

- Ikaw naman Zia?

- Ikaw Jillian? - Pusa at Aso po

- Sino dito sa inyo ang mahilig sa hayop - Ibon po

o may alagang hayop sa bahay? - (Ang mga bata ay tataas ng kamay)

- Ngayon bago natin simulan ang ating

panibagong aralin ay atin munang - (Ang mga bata ay babasahin ang layunin

babasahin ang mga layunin para sa aralin na nasa harapan)

ngayong umaga.

C. PAGLALAHAD/TALAKAYAN

- Base sa inyong binasa, ano sa tingin

ninyo ang ating tatalakayin na aralin sa

araw na ito? Aireen?

- Patungkol sa Pabula at mga Elemento nito

 Pabula - ay kuwento na kung saan

mga hayop ang karaniwang - (Ang mga bata ay mainam na nakikinig sa

gumaganap at ang mga ito ay diskusyon)

kumikilos at nagsasalita tulad ng tao.

 Madalas na inilalarawan ng pabula ang

dalawang hayop na may magkaibang

ugali at nagwawakas ang kuwento na

nagwawagi ang may mabuting ugali.

Nag-iiwan ito ng aral sa mambabasa.

Mga Elemento ng Pabula

 Pamagat - tumutukoy sa pamagat ng

kwento.
 Tauhan - tumutukoy sa mga hayop o

mga bagay na walang buhay na

gumaganap sa kwento.

 Banghay - sunod-sunod na pangyayari

sa kwento.

 Aral ng Kwento - ito ay ang mga

magagandang aral na ating mapupulot

sa pagbabasa ng mga pabula.

Halimbawa ng Pabula

“ Si Paruparo at si Langgam ”

Takang-taka si Paruparo habang

minamasdan niya si Langam na pabalik-

balik sa paghahakot ng pagkain sa

kanyang lungga sa ilalim ng puno.

“Ano ba iyang ginagawa mo, kaibigang

Langgam? Mukhang pagod na pagod ka

at di ka man lang magpahinga?” tanong

ni Paruparo. “Bakit di ka magsaya na

tulad ko?”

“Naku, mahirap na”, aniya. “Malapit na

ang tag-ulan. Iba na ang may naipon na

pagkain bago dumating ang tag-ulan”.

“Kalokohan iyan. Tingnan mo ako. Hindi

natitigatig,” pagmamalaki ng Paruparo.

“Bakit nga ba?” Nagtataka si Langgam.

“Ganito iyon, e. Nakikita mo ba ang

kaibigan ko sa damuhan?” ininguso niya


ang nasa di kalayuan.

“Sino?” tanong ni Langgam.

“Si Tipaklong, kaibigan ko iyan, alam

mo, matapang ang kaibigan ko.

Nabibigyan niya ako ng proteksyon.

Baka akala mo, dahil sa kanya walang

sigwang darating sa akin,” pagyayabang

ni Paruparo.

“A, ganoon ba?” sabi ni Langgam.

“Utak lang, utol. O, di pakanta-kanta

lang ako ngayon dito. Ikaw lang e,” sabi

ni Paruparo.

“Wala akong inaasahan kundi ang aking

sarili. Kaya kayod dito, kayod doon,”

mababa subalit madiin ang tinig ni

Langgam. “O, sige, ipagpapatuloy ko

muna ang aking gawain”.

Pagkatapos ng usapang iyon

nagkahiwalay ang dalawa.

Ang mga sumusunod na araw ay maulan.

Hindi lamang mahabang tag-ulan. May

kasama pang bagyo at baha. Mahirap

lumabas at kung makalabas man wala

ring matagpuang pagkain.

Lalong umapaw ang tubig. Walang

madaanan ang tubig dahil malalim din

ang mga ilog at dagat. Tumagal ang

baha. Palubha nang palubha ang

kalagayan dahil malakas pa rin ang


pagbuhos ng ulan.

Ano kaya ang nagyari kay Langgam?

Naroon siya sa guwang ng puno.

Namamahinga. Sagana siya sa pagkain.

Naisipan ni Langgam ang dumungaw

upang alamin ang kalagayan ng paligid.

Aba, ano ba ang kanyang nakita?

Nakita niya si Paruparo at Tipaklong na

nakalutang sa tubig. Patay ang dalawa.

Mayamaya’y dalawang mabilis na ibon

ang mabilis na dumagit sa kanila.

Napaurong sa takot si Langgam sa

kanyang nakita. Subalit nasabi pa rin

niya sa kanyang sarili: “Kung sino ang

may tiyaga, siya ang magtatamong pala.”

- Ngayon ating tatalakayin ang elemento

ng pabula na makikita sa ibinigay na

halimabawa.

 Ang Pamagat ng Kwento ay Si

Paruparo at si Langgam.

 Ang mga Tauhan ay sina Langgam at

Paruparo

 Ang Tagpuan o lugar na pinangyarihan

ng kwento ay sa kagubatan.

 Ang Banghay ng kwento ay nag-

umpisa sa pag-iipon ni Langgam ng

pagkain upang maging handa sa

pagsapit ng tag-ulan at si Paruparo


naman ay pakanta-kanta lang at

umaasa sa kaibigang si tipaklong, at

nang sumapit ang tag-ulan ay walang

naging problema si Langgam subalit

ang Paruparo at ang Tipaklong ay

namatay sa gutom at sa hindi

kahandaan sa pagsapit ng tag-ulan.

 Ang Aral na makukuha sa Kwento ay

huwag gugulin sa paglilibang lamang

ang magandang panahon. Isipin ang

bukas na darating at paghandaan ang

mga maaaring mangyari. At matutong

mag-impok upang sa oras ng kagipitan

ay may madudukot.

- Mayroon bang katanungan?

- Naintindihan ba ang kwento?

D. PAGLALAHAT

- Sino ang makapagsasabi ng aralin na

ating tinalakay ngayong umaga?

- Wala po

- Opo titser!

- Ano nga ulit ang pabula?

- Anu-ano ang mga elemento ng pabula? - Ang aralin na ating tinalakay ngayong

umaga ay tungkol sa pabula at mga

elemento nito.
- Ang pabula ay isang uri ng kwento na

E. PAGTLALAPAT kung saan ay mga hayop ang karaniwang

- Mga bata, ngayon naman ay gumaganap sa kwento.

magkakaroon tayo ng gawain. Ang gawain - Ang mga elemento ng Pabula ay Pamagat,

na ito ay magiging pangkatan at pagkatapos Tauhan, Tagpuan, Banghay, at Aral ng

ay inyong iuulat ang inyong natapos na Kwento.

gawain.

Panuto: Bawat pangkat ay mayroong iba’t-

ibang uri ng kwentong pabula. Inyong

tutukuyin kung ano ang mga elemento sa

kwento at ilahad/iulat sa klase.

Pamantayan:

G1 G2 G3

Kawastuhan - (Gagawin ng mga mag-aaral ang gawain)

Kalinisan

Nilalaman

= 10 =5

F. PAGPAPAHALAGA NG MORAL

- Bakit mahalaga ang mga aral na

nakukuha sa kwento o pabula?

- Ang bawat kwento ay mayroong aral na

puwedeng makukuha. Kahit ang mga

kwentong maikli, ay posibleng maglaman -Dahil ang mga aral na nakukuha sa kwento

ng mga aral na maaari nating dalhin sa ay nagsisilbing leksyon sa ating mga

buong buhay natin. Bukod rito, ginagawa at magsisilbing aral upang hindi
nakakatulong rin ito sa kaalaman natin. makagawa ng masasamang asal o gawain.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Isulat ang mga salita batay sa kung anong uri ng elemento ng pabula sila

naaangkop.

Si Kuneho at si Pagong Walang imposible sa taong nagsusumikap

Kagubatan Si Pagong at si Matsing

Kakahuyan Nagtapos sila sa isang malubhang sakitan

Sa umpisa ay nanguha sila ng Isda Kuneho

Pagong Huwag maging tuso

PAMAGAT TAUHAN TAGPUAN BANGHAY ARAL NG

KUWENTO

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Maghanap ng isang uri ng Kwentong Pabula at isulat ang mga uri ng elemento

na makikita sa kwento. Isulat ito sa isang buong papel.

Ipinasa ni:

ARA V. YUSOP
3 BEED B

You might also like