You are on page 1of 22

Masusing Banghay-aralin sa Filipino III

I. Mga Layunin
1. Napipili at nabibigyang-kahulugan ang mga kaisipang nakapaloob sa teksto
2. Natutukoy ang damdamin habang binabasa ang teksto
3. Napipili ang mga salitang pumukaw sa interes at pag-uugnay ng angkop na
simbolismo sa mga salita
4. Nababasa nang may damdamin ang teksto at nailalapat ang tamang kilos at
galaw

II. Paksang-Aralin
Paksa: Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula
Teksto: Ang Aso at Ang Uwak
Kasanayang Pampanitikan: Pagpapaliwanag sa mga kaisipang nakapaloob sa
teksto
Kasanayang Pampag-iisip: Pagbuo ng konsepto
Halagang Pangkatauhan: Huwag agad-agad magpapaloko sa mga papuri
Mga Kagamitan: Big Book, Kagamitang Biswal, Concept Strips
Sanggunian:
http://www.scribd.com/doc/18743728/ANG-ASO-AT-ANG-UWAK
http://kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-fables-mga-pabula-kaligirang-
pangkasaysayan-ng-pabula_1145.html
http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Filipino-Folktales/ang-aso-at-ang-
uwak.html
http://www.bse.ph/download/BSE%20site_/BSE%20WEBSITE%202010/2010SE
C/Fil/Pabula%20Kaligirang%20Pangkasaysayan.pdf 

III. Pamamaraan
 A. Panalangin
Panalangin
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Magandang hapon sa bawat isa sa
inyo! Magandang hapon din po, Sir!

Maria, maaari bang pangunahan mo


ang ating panalangin? Classmates are you ready to pray?
Yes, we are.

In the name of the Father, and of the


Son, and of the Holy Spirit. Amen.
Loving heavenly Father we come to
you this hour asking for your blessing
and help as we are gathered together.
We pray for guidance in the matters at
hand and ask that you would clearly
show us how to conduct our work with
a spirit of joy and enthusiasm. Give us
the desire to find ways to excel in our 
work. Help us to work together and
encourage each other to excellence.
We ask that we would challenge each
other to reach higher and farther to be
the best we can be. We ask this in the
name of the Lord Jesus Christ. Amen
In the name of the Father, and of the
Son, and of the Holy Spirit. Amen.

B. Pangganyak
Istratehiya: Story Telling
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Okay, huwag na tayong magpatumpik-
tumpik pa. Magandang hapon ulit sa
inyo mga bata! Magandang hapon Sir!

Gusto n‟yo bang makarinig ng isang


kuwento? Opo!

Kung ganun, halikayo‟t making at tiyak


magugustuhan n‟yo ang kuwentong ito.
 Ang kuwentong
kuwentong ilalahad ko sa inyo ay
pinamagatang “Ang Aso at Ang Uwak”
mula sa panulat ng isang Griyego na si
 Aesop. Nabasa
Nabasa n‟yo
n‟yo na ba
ba ito? Hindi pa po.

Mabuti! Kung ganun, sisimulan ko na.


handa na bang making? Opo!

 Ayan. Isang araw, si Uwak aymay


nakitang karne na nakabilad sa sikat ng
araw. Anong nakita ni Uwak mga bata? Karne!

Tama, karne. Tinangay niya ito at


lumipad nang malayo.

Siya ay dumapo sa isang sanga ng


punong duhat. Saan siya dumapo? Sa isang sanga ng punong duhat.

Tama ulit mga bata at doon ay


sinimulan niyang kainin ang karne.
Ngunit narinig niya ang malakas na
boses ng isang aso. Ang sabi ni Aso:
"Sa lahat ng ibon, ang uwak ang
pinakamagaling! Walang
kakumpara!"Ano ulit ang sabi ni Aso? "Sa lahat ng ibon, ang uwak ang
pinakamagaling! Walang kakumpara!"
 Ang galing n‟yo naman mga bata! Sa
pagkarinig ni Uwak sa sinabing ito ni
 Aso, siya ay natuwa at binukas ang
bibig para humalakhak. “HA-HA-
“HA-HA-
HAHAHA!” Paano nga n ga tumawa si
Uwak? “HA-HA-
“HA-HA-HAHAHA!”
HAHAHA!”

 Ang galing-
galing-galing
galing n‟yo talaga mga bata!
Eh sa tingin ninyo, ano kaya ang
sumunod na nangyari? Nalaglag ang karne mula sa kanyang
bibig.

Tama! Nalaglag ang karne mula sa


kanyang bibig. Nahulog ito sa lupa
kung saan agad namang sinunggaban
ni Aso na matuling tumakbo palayo kay
Uwak. Anong ginawa ni Aso? Sinunggaban ang karne at matuling
tumakbo palayo kay Uwak.

Magaling! Ngayon alam na natin na


ang papuri sa ibang tao ay isang uri na
rin ng panloloko.  At d‟yan na
nagtatapos angating kuwento.

Nagustuhan n‟yo ba ang kuwento mga


bata? Opo!

Mabuti. Kung ganun, sino-sino nga ulit


ang mga tauhan sa kuwento? Sina Aso po at Uwak.

Okay. Sina aso at uwak. Kung ang mga


tauhan sa kuwento ay mga hayop, ano
kayang uri ng panitikan ito? Pabula!

Tama. Ito ay isang pabula. Bukod sa


mga hayop ang tauhan sa kuwento,
ano-ano pang nalalaman ninyo tungkol
sa pabula? (Mag-iisip.)

Saan at kalian kaya unang nagkaroon


ng pabula?
Sino-sino ang mga kilala ninyong
manunulat ng pabula?

Kagaya ng tagline ni Tony Gonzaga:


“Malalaman ninyo ang lahat ng „yan.
Maya-maya
Maya-maya lamang.” Kaya ngayon,
para madagdagan ang inyong
kaalaman tungkol dito, tatalakayin natin
ang “Kaligirang Pangkasaysayan ng
Pabula”.

C. Pagtalakay
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
(Ipapaskil sa pisara ang kagamitang
biswal. Tatawag ng mag-aaral na
babasa nito.)  Ang karaniwang
karaniwang pabula ay mga
kuwento na hayop ang gumaganap
ngunit kumikilos at nagsasalita na tulad
sa tao. Madalas na inilalarawan dito
ang dalawang hayop na may
magkaibang ugali at nagwawakas ang
kuwento na nagwawagi ang may
mabuting ugali at nag-iiwan ng aral.

Pinalalagay na ang pabula ay nagmula


kay Aesop na tinaguriang “ Ama Ama ng
Sinaunang Pabula”
Pabula ” noong panahong
620-560 BK. Siya ay isang Griyegong
alipin mula sa Isla ng Samos, pangit at
may kapansanan sa pandinig mula
pagkabata ngunit dahil sa taglay na
katalinuhanm sipag at katapatan ay
binigyan siya ng kalayaan ng kanyang
amo. Hinayaan siyang maglakbay at
makilahok sa mga tao sa bayan. Dahil
nang mga panahong iyon, walang
karapatan ang isang alipin na lumabas
at makihalubilo sa mga tao. Sumulat
siya ng mga pabula tungkol sa buhay
at kalikasan ng tao, at ang kalagayan
ng lipunan sa kanyang kapanahunan.
Pinuna niya ang mga maling gawigawi ng
mga tao sa lipunan. Tinuruan niya ang
mga ito ng tamang pag-uugali at
pakikitungo sa kapwa.Ginamit niya ang
mga hayop bilang mga tauhan sa
kanyang mga isinusulat. Sa tingin
ninyo, bakit kaya? Joshua. Dahil ang mga tao ay hindi rin naman
nalalayo sa mga hayop.

Okay. Bigyan natin siya ng tatlong


palakpak. (Papalakpak ng tatlong beses.)
Sino pa? Michael. Dahil isa lamang po siyang alipin, Sir.

Magaling! Naisip ni Aesop na gamitin


ang mga hayop bilang mga tauhan
dahil bilang isang alipin, wala rin siyang
karapatan na punahin ang mga tao lalo
na kung ang mga ito ay nabibilang sa
mataas na uri sa lipunan. At noon pa
man ay ayaw na ng mga tao na
pinangangaralan nila nang tuwiran.
Kaya bago siya namatay, tinatayang
nakalikha siyang mahigit 200 pabula
bago siya namatay.

May paniniwala rin na ang mga pabula


ay nagmula sa India at hinango sa
Jatakas at Panchantara. Ang Jatakas,
Marlon, pakibasa…  Ang Jatakas ay kalipunan ng mga
pabula sa India na ipinalalagay na
lumaganap noong 500 BK. Ito ay
ikinabit ng mga Budhista sa mga
kuwentong nauukol sa muling
pagkabuhay ni Gautama Buddha.

 Ayan. Si Gautama Buddha ay ang


tinatawag na “The Enlightened One”.
 Ayon sa paniniwala,
paniniwala, bago raw nagging
Buddha si Gautama ay nagpasalin-
salin muna raw siya sa iba‟t ibang
hayop tulad ng barako, leon, isda at
daga. Naniniwala ba kayo roon? Opo.
Hindi po.

Iyan ay kanilang paniniwala kaya


tanggapin na rin natin dahil kahit tayo
ay may sarili ring mga paniniwala. Sa
547 kuwentong Jatakas, may 30
lamang ang maaaring pambata. Ito ay
ayon na rin sa pagsusuri at pagtipon ng
mga pabulang ito nina Ellen C. Babbit
at Marie Shedlock. Isa pang katipunan
ng mga pabula ang napatanyag sa
India, ito ay ang Panchantara. Ang
Panchantara ay kalipunan ng mga
pabula sa India na sinulat ni Kashmir 
noong 200 BK. Ang mga kuwentong ito
ay nagsasalaysay ng mga buhay ng
mga itinuturing nilang dakilang tao.
Pero, makalipas ang maraming taon,
patuloy na lumaganap ang pabula
ngunit nagkaroon ng pagbabago sa
mga paksa. Hindi n ito tungkol sa mga
dakilang tao kundi mga kuwento na
rinna naglalayong maturuan ang mga
tao tungkol sa moralidad at wastong
pamumuhay. Kaya nga‟t si Bidpai ay
sumulat ng dalawang aklat ng mga
pabula na ang mga pamagat ay buhat
sa pangalan ng dalawang lobo
(jackals): Kalilab at Dimab.
Gayunpaman, ang Jatakas,
Panchantara kabilang na ang Kalilab at
Dimab ay lumaganap lamang sa
bansang India hindi tulad sa mga
pabula ni Aesop na nakarating sa iba‟t
ibang panig ng mundo. Kaya
pagkamatay ni Aesop, Sheila, maaari
mo bang basahin? Pagkamatay ni Aesop, maraming
manunulat ng pabula ang nakilala. Ilan
rito sina Babrias, Phaedrus, Romulus,
Hesiod, Socrates, Phalacrus at
Planudes. Kabilang din sa
nagpalaganap ng pabula sa daigdig
ang mangangaral na si Odon ng
Cheriton noong 1200; si Marie de
France noong 1300; si Jean La
Fountaine noong 1600; si G.E. Lessing
noong 1700 at si Ambrose Bierce
noong 1800. Samantalang ang mga
pabula ni Aesop ay tinipon ni Milo
Winter noong 1989 at ipinalathala ang
“The Aesop for Children”.

 Ayan. Ang mga pabula ay patuloy na


lumaganap sa iba‟t ibang bansa
hanggang sa makarating sa ating
kapuluan bago pa man dumating ang
mga Español. Nakalikha ng mga
katulad na kuwento ang ating mga
ninuno. Ginamit din nila ang mga ito
upang turuan ang mga tao ng tamang
pag-uugali at pakikitungo sa kapwa.
Tulad ng iba pang kuwentong-bayan,
sa simula ang mga pabula ay
nagpasalin-salin lamang sa bibig ng
ating mga ninuno. Subalit nang
matutuhan nila ang sistema ng panulat,
ilan sa mga ito ay nagawa nilang
maiukit sa malalaking bato, balat ng
mga punongkahoy, talukap ng niyog at
mga dahon ng halaman. Ginamit nila
bilang panulat ang matutulis na kahoy
at bato. Sa paglipas ng panahon ay
nagawa na nila itong maisalin sa mga
papel, naimprenta at lumaganap
hanggang sa kasalukuyan. At isa nan
gang konkretong halimbawa rito ay ang
pabula na isinalaysay ko sa inyo
kanina, ang “Ang Aso at Ang Uwak”.
(Ipapaskil sa pisara ang kopya ng
pabula.) Basahin n‟yo ngang lahat. ANG ASO AT ANG UWAK
Ni:Aesop
 Ang ibong si Uwak
Uwak ay lipad ng lipad
Nang biglang makita tapang nakabilad
 Agad na tinangay
tinangay at muling lumipad
lumipad
Sa dulo ng sanga ng malagong duhat.

Habang kumakain si Uwak na masaya


Nagpakubli-kubli nang huwag Makita
Nang iba pang hayop na kasama niya
 At nang masarili
masarili kinakaing
kinakaing tapa.
tapa.

Walang anu-ano narinig ng Uwak


Malakas na boses nitong Asong Gubat
“Sa lahat nang ibon ika‟y naiiba
 Ang kulay mong itim ay walang
kapara”.

Sa mga papuri nabigla ang Uwak


 At sa pagkatuwa
pagkatuwa siya‟y humalakhak;
 At ang kagat
kagat na karne
karne sa lupa‟y
nalaglag
Kaagad nilundag nitong Asong Gubat.

 At ang tusong


tusong aso‟y tumakbong matulin
Naiwan si Uwak na nagsisi mandin
“Isang aral ito na dapat isipin
 Ang labis na
na papuri‟y panloloko na rin”.

 Anong napapans
napapansin
in ninyo
ninyo sa pabula?
pabula? Patula po, Sir.

Tama. Ito ay nasa anyong patula


samantalang gaya ng pagkakaalam
natin, ang pabula ay nabibilang sa mga
panitikang nasa anyong tuluyan.
Huwag sana kayong maguguluhan,
kasi noong araw, ang lahat ng uri ng
panitikan ay nasa anyong patula.
Dumating lang ang sandali na ang ilan
sa mga ito ay naisulat nang patuluyan.
Buod dito, ang pabulang ito ay
hinalawa lamang mula sa orihinal na
gawa ni Aesop na may pamagat sa
Ingles na “The Fox ang The Crow”.
Doon, isang fox ang kaagawan ni uwak
ng pagkain pero rito sa pabula ay
nagging aso. Bakit kaya? Dahil wala pong fox dito sa ating
bansa.
Tama. Isa pa, doon sa bersyon sa
Ingles, ang pinag-aagawan nina Fox at
Crow ay isang cheese samantalang
pagdating dito sa pabulang ibinahagi
ko sa inyo ay isa ng karne na nakabilad
sa araw. Isda lang?
Ito ang kaligirang pangkasaysayan ng
pabula.

D. Pagpapalalim
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
May tanong ba? Wala po!

Kung wala, maaari bang pumunta sa


kanya-kanyang pangkat? (Hahanapin ang mga kapangkat.)

Nasa kanya-kanya na bang pangkat? Opo!

Mabuti. Ngayon, pumunta sa akin ang


mga pinuno ng bawat pangkat para
bunutin ang kanilang group activity. (Pupunta sa guro at bubunot ng isang
Bibigyanko lamang kayo ng 15 minuto index card kung saan nakalagay ang
para tapusin ang mga gawaing iyan. mga sumusunod na group activities:)
a. Mungkahing Istratehiya:
Concentric Circle

Kaisipan 1

Kaisipan 2

b. Mungkahing Istratehiya:
Categorize/Classify Organizer 

Bilang ng Mensahe
saknong
Saknong bilang 1

Saknong bilang 2

Saknong bilang 3

Saknong bilang 4

Saknong bilang 5

c. Mungkahing Istratehiya: Ladder 


d. Mungkahing Istratehiya: Choral
Reading

e. Pagpili ng mga salitang pumukaw


sa kanilang interes at pag-
uugnay ng angkop na simbolismo
sa salita.
Halimbawa :
Bata –
Bata – manyika
Wika –
Wika – kadena

E. Pagbabahaginan ng Bawat Pangkat


F. Pagkuha sa Feedback ng Iba pang Mag-aaral

IV. Pagpapahalaga
1. Ano-anong pag-uugali o katangian ng mga tao ang makikita kina Aso at Uwak?
2. Marami kayang aso at uwak noong araw dahlan para maisulat ang pabulang ito?
Maaari ba kayong makapagbigay ng halimbawa?
3. Sa inyong palagay, ano kaya ang gustong iparating sa atin sa pabulang ito?

V. Paglalahat
Alam Gustong Malaman Nalaman
VI. Pagtataya
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Kumuha ng isang kapat na papel. (Kukuha ng papel)
Makinig sa panuto. Ibigay ang hinihinging
sagot sa sumusunod na mga tanong.
Maliwanag ba? Opo, Sir.
1. Anong taguri kay Aesop noong
kapanahunan niya?  AMA NG SINAUNA
SINAUNANG
NG PABULA
PABULA
2. Saang isla nagmula si Aesop? SAMOS
3-4. Ano-ano ang pamagat ng mga
aklat na sinulat ni Bidpai? KALILAB at DIMAB
5. Sino ang sumulat ng Panchantara? KASHMIR
6. Anong akalat ang lumaganapsa
India noong 500 BK? JATAKAS
7. Kanino hinango ang mga pabula sa
Jatakas? GAUTAMA BUDDHA
8. Sino ang nagpalathala ng Aesop for 
Children noong 1919? MILO WINTER
9-10. Sino-sino ang nagtipon ng mga
kuwentong Jatakas? ELLEN C. BABBIT at MAINE SHEDLOCK

VII. Takdang-Aralin
Gumawa ng isang angkop na kasabihan mula sa pabulang tinalakay.

You might also like