You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa

Araling Panlipunan I

Layunin: Pagkatapos ng klase ang mga bata ay inaasahang


1. Mau-unawaan ang halaga ng pag -aaral
2. Mabibigyan ng halaga ang paaralan
3. Makikilahok sa mga Gawaing makatutulong sa paaralan

Paksang Aralin: Aralin 5.1 Ang Kahalagahan ng Aking Paaralan


Mga Kagamitan: cartolina, mga larawan, powerpoint presentation.
Araling Panlipunan Grade I -
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa sa pag aaral at sa paaralan.
III. Pamamaraan:

Panlinang na Gawain
Balik-Aral
Bakit mahalaga na sundin natin ang mga alituntunin ng ating paaralan?

Pagganyak

(Laro nang pangkatan.Mag-uunahan ang mga bata sa pagbuo ng puzzle.)


(Larawan ng mga batang tumutulong sa paglilinis ng paaralan at larawan ng batang
nagsisikap sa pag -aaral )
Anong larawan ang nabuo ninyo?

Itanong:
Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan?

Paglalahad
Tatalakayin natin ngayong umaga ang tungkol sa Kahalagahan ng Paaralan at kung paano
ninyo ito pahahalagan.

Pagtatalakay

Gumamit ng mga larawan na nagpapakita ng pagpapahalaga sa sariling paaralan kagaya


ng paglahok sa Brigada Eskwela (naglilinis, tumutulong sa pagpipintura etc.)
Pag-usapan ito.
Ipasabi ang mga gawain o kilos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa sariling paaralan

Bakit nga ba mahalaga ang pag aaral?


At ano ang dahilan bakit kayo nag aaral?

Mag pakita ng mga larawan ng mga batang hindi nakakapag aral at mga larawan ng mga batang
nakapagtapos ng pag-aaral.ipaghambing ang mga ito.

Paglalapat
Sabay sabay awitin o bigkasin ang “bata pa ako” ni Julia abueva at ilalarawan ng mga bata ang
buong nilalaman ng awitin,ipasasabi kung ano ang kanilang naramdaman at mga kaisipan ng
kanilang inawit ang kanta.

Paglalahat

Ano – ano ang maitutulong mo bilang mag-aaral sa inyong paaralan?


Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa sariling paaralan?

Pagtataya
Panuto:
Alin sa mga pahayag ang nag papakita ng pagpapahalaga sa pag aaral?lagyan ng tsek( ) ang
pahayag kung ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga at ekis ( ) naman kung hindi .

____1 . “mag-aaral po akong mabuti inay.”


_____2. “tara, mag laro nalang tayo!kaysa mag aral.”
_____3. “halina at magbasa tayo ng aklat.”
_____4. “huwag na tayong pumasok sa paaralan!.”
_____5. “tatapusin ko muna ang takdang aralin ko bago ako maglaro.”

Takdang – Aralin:
sa loob ng kahon, gumuhit o gumupit ng larawan na nagpapakita ng kahalagahan ng paaralan.

Inihanda ni:
Ferdinand A. san Buenaventura

You might also like