You are on page 1of 47

Gramar

at
Linggwistika
Balarila
Mula sa salitang

Bala at dila
Gramar
at Tumutukoy ang balarila sa pagsulat o pananalitang
Linggwistika inihahambing sa wastong paggamit (ayon sa balarila). Ito
rin ang kaalaman hinggil sa mga salita, parirala, sugnay at
mga pangungusap na nagtuturo ng wastong
kabalangkasan, palakahuluganan, palabigkasan, at
palaugatan ng mga salita. Kung minsan, tumukoy din ang
salita sa mga aklat na pambalarila, na nagiging batayang
simulain, pamatagan o saligan ng mga kaalaman.

Gramar at L inggwistika 1
Ang BALARILA ay ang
pag-aaral hinggil sa isang wika na
kinabibilangan ng mga sumusunod:
ng morpolohiya o pagsusuri sa
Gramar
at pakakabalangkas ng mga salita
Linggwistika (morpolohiya); ng sintaks (syntax) o
pagsasaayos upang ang mga salita
ay maging makabuluhang mga
pangungusap; ng ponolohiya o
wastong pagbigkas; ng semantika
o kahulugan ng mga salita at
parirala; at ng etimolohiya o ugat o
palaugatan ng mga salita.
Gramar at L inggwistika 2
Ponolohiya o Fonoloji
- ang pag-aaral ng makabuluhang tunog sa wika.

- makabuluhan ang tunog kung may kakayanan


itong baguhin ang kahulugan ng isang salita.

Gramar
at
Fonema o ang palatunugan
Linggwistika - ang yunit ng tunog o ang pinakamaliit na bahagi
ng pananalita.

28 ang titik ng Alfabetong


Filipino

25 ang fonema
Gramar at L inggwistika 3
a, b, c, d, e, f, g, h, i, j, k, l, m, n,
ñ, ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y,
z
Ayon sa Rebisyon ng Alfabetong Filipino 2001
Gramar
at
Linggwistika Walo ang nadagdag na letra sa lumang ABAKADA
 c, f, j, q, v, x, z at ñ
 Apat lamang sa walo ang may fonemic status
• f, j, v at z
• pag may fonemic status ang ibig sabihin ay may
kinatawang tunog ang mga letra
 Ang letrang c, ñ, q at z ay redundant

Gramar at L inggwistika 4
Redundant ang tunog kung
ponema/tunog ay di
kumakatawan sa iisang yunit ng
tunog
Gramar Halimbawa:
at
Linggwistika c - /s/ = cingco singko
c - /k/ = cabinet kabinet

ñ - /ny/= baño banyo

q - /k/ = queso keso


q - /kw/= quintet kwintet

x - /ks/= extra ekstra


Gramar at L inggwistika 5
Fonemang Segmental
- ang fonemang katinig at fonemang patinig ay
pwedeng pagsamahin upang makabuo ng isang
tunog.
Halimbawa:

b + a = ba
Gramar k + o = ko
at s + i = si
Linggwistika Diptonggo
- Kapag isinudlong ang alin man sa fonemang
patinig sa unahan ng malapatinig na fonemang w
at y na karaniwang nasa huling pantig ng salita.
Halimbawa:

a + w = aw
o + y = oy

sawsaw, nguyngoy, aruy, aliw, beysbol

Gramar at L inggwistika 6
Pares Minimal
- mga pares ng salita na magkatulad na magkatulad
ang bigkas maliban sa isang fonema na siyang
ipinagkakaiba ng kahulugan.
Gramar
at
Linggwistika

Gramar at L inggwistika 7
Mga Fonemang Nagpapalitan

May mga pagkakataong ang ponemang e at i,


gayundin ang o at u, ay nagkakapalitan nang
hindi nababago ang kahulugan ng salita
Gramar
at
halimbawa:
Linggwistika
babae babai
kunsume kunsumi
lalaki lalake
note: hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagaganap ito
may pagkakataong ganap ang pagpapalitan dahilan upang
mabago ang kahulugan ng salita
misa ≠ mesa
oso ≠ uso
Gramar at L inggwistika 8
Morpema at Morpolohiya

Morpolohiya
- ang pag-aaral ng pinakamaliit na yunit
na bumubuo sa salita na may kahulugan.
Gramar
at
Linggwistika Morpema
- ang pinakamaliit na yunit na bumubuo
sa salita na may kahulugang “ kaagad na
naihahayag kahit ang ilan sa kanila ay
pangkayarian at di kahulugang leksikal ang
binibigay” (Villanueva at Villanueva, 1971) ay
maaaring salita o salitang-ugat.

Gramar at L inggwistika 9
Anyo ng Morpema
1. Morpemang Kataga
- ang kataga ay isang morpemang iisahaning
pantig lamang at ang mga ito’y walang
kahulugan kung nag iisa maliban na lamang
kung isasangkap sa pangungusap.
Gramar
at Ang mga ingklitiko ay “ mga katagang iisahing
Linggwistika
pantig na sa gawang sarili ay walang kahulugan
ngunit kapag ginagamit sa pangungusap ay
nakaradagdag ng diwa nito. – Cruz, et.al. 1 978
Halimbawa:

ba pa na din rin raw


daw po ho nga man pala
naman

Gramar at L inggwistika 10
2. Ang Morpemang Panlapi
a. May malakas na sistema ng panlapi ang
wikang Filipino. Ito ang dahilan kung bakit
Gramar
at
napakadali nating manghiram sa banyagang
Linggwistika salita at gawing tunog – Filipino. Sa ibang salita
ay nagiging “Filipinized” na salita
Halimbawa:
Halimbawa

mag-jet in-ambush nagpa-xerox


nag-smuggle ni-rape ni-raid
nag-administer ni-research i-promote
nag-coach naka-cortina

Gramar at L inggwistika 11
b. dahil sa kahulugang taglay ng panlapi
nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan ang
isang salitang-ugat na pinagkakapitan nito.
Halimbawa:

nagtubig - nagkaroon ng tubig


Gramar matubig - maraming tubig
at natubig - naparami ang inom
tubigan - tapayan o lalagyan ng tubig
Linggwistika tubigan - lagyan ng tubig
tinubig - pinarusahan ng tubig
patubig - padaloy na tubig/irigasyon
pantubig - gamit sa tubig

GAWAIN
- Subuking lagyan ng iba’t ibang panlapi ang salitang
tao, bahay, balita, bayan at tignan kung ano ang
mabubuong salita.

Gramar at L inggwistika 12
Anyo ng Panlapi

3. Morpemang Salitang-Ugat
- ang salitang-ugat ang maituturing na
pinaka-ina ng mga salita dahil ito ay
Gramar
at
nagtataglay ng kahulugang leksikal na
Linggwistika karaniwang binubuo ng dadalawahing pantig.

Alam nyo ba na kung pakasusuriin


ay galing sa iisang pantig lamang
ang ating wika? Ito’y ayon sa haka
ni Dr. E. Arsenio Manuel at
mapapansin ito sa kayarian ng mga
salitang inuulit.

Gramar at L inggwistika 13
Gramar
at
Linggwistika

Gramar at L inggwistika 14
- Ang morpemang kataga at morpemang
salitang-ugat ay napagsasama rin ngunit ang
kanilang kabuuan ay hindi maituturing na
dalawang morpema kundi iisang morpema
lamang.
Halimbawa:

Gramar ma + itim = maitim


at ka + hapon = kahapon
Linggwistika in + ibig = iniibig
taga + lungsod = tagalungsod
HOMOFONUS- Ang tawag sa salitang-ugat
na nag-iiba-iba ng kahulugan ayon sa bigkas
ngunit pareho ng ispeling.
Halimbawa:

baga (ember) sala (sin) paso (pass)


baga (lungs) sala (seive) paso (burn)
baga (particle) sala (seived) paso (Flower pot)
Gramar at L inggwistika 15
Pagbabagong Morpoponemiko
- Ang pagbabago ng anyo ng
morpema dahil sa impluwensya ng
kaligiran nito.
1. Asimilasyon – ang ponemang /ng/ sa
Gramar
at
mga panlaping pang-, mang-, hing-, sing- ay
Linggwistika nagbabago depende sa unang tunog ng
salitang-ugat.
a. pang na nagiging pam

- ang tunog kapag ang palabing /p/ at /b/ ang


umpisang titil ng salitang-ugat.

halimbawa:

pangbabae = pambabae
pangpamanhid = pampamanhid
Gramar at L inggwistika 16
Pagbabagong Morpoponemiko
a. pang na nagiging pan

- ang tunog kapag ang pangipin /d/, /l/, /r/, /s/ at /t/
ang umpisang titil ng salitang-ugat.

halimbawa:

pang+dalawa = pandalawa
Gramar pang+laro = panlaro
at pang+regalo = panregalo
Linggwistika pang+sala = pansala
pang+tawid = pantawid

Asimilasyong Ganap – kung nagbago ang baybay


ng salitang-ugat (hal., panakip sa halip na pantakip)

Asimilasyong Parsyal – kung nanatili naman ang


baybay ng salitang-ugat (hal., pambura)

Gramar at L inggwistika 17
Pagbabagong Morpoponemiko
2. Pagpapalit ng ponema

- nagpapalitan ang ponema sa loob ng salita

a. ang /d/ ay nagiging /r/


b. ang /e/ ay nagiging /i/
c. ang /o/ ay nagiging /u/

Gramar halimbawa:
at
Linggwistika lakad+an lakadan lakaran
ma-+dunong madunong marunong
ka-+dagat+an kadagatan karagatan
hubad+in hubadin hubarin
babae+ka+in kababaehan kababaihan
sige+han sigehan sigihan
laro+an laroan laruan
biro+an biroan biruan

Gramar at L inggwistika 18
Pagbabagong Morpoponemiko

3. Pagkawala ng ponema / pagkakaltas ng ponema


– nawawala ang huling ponemang patinig (a, e, i, o,
u) kapag nilalagyan ng hulapi.

halimbawa:

tupad+ -in tupadin tupdin


Gramar kuha+ -in kuhanin kunin
at takip+ -an takipan takpan
Linggwistika
4. Metatesis
– nagpapalit ng posisyon ang mga tunog sa isang
salita kapag nilapian.

halimbawa:

tanim+ -an taniman tamnan


atip+ -an atipan aptan
lutas+ in linutas lutasin
lakad+ -in lakadin lakarin
yari+ in yinari niyari
Gramar at L inggwistika 19
Pagbabagong Morpoponemiko

5. Paglilipat-diin
– naiiba ang diin (stress) sa pagbigkas ng salita dahil sa
paglalagay ng hulapi.

halimbawa:

luto (to cook) + -an = lutuan (cooking place)


Gramar /lu:to’/ /luto’an/
at
Linggwistika lakad + ka- -an = kalakaran
/la:kad/ /kalaka’ran/

Gramar at L inggwistika 20
Paano nga ba nabubuo ang mga
Salita?
a. Inuulit – ang mga salitang unuulit ay binubuo
sa pamamagitan ng buong pag-uulit ng
salitang-ugat at pinaghihiwalay lamang ng
Gramar gitling. Ang ganitong pag-uulit ay tinatawag na
at ganap na pag-uulit.
Linggwistika
Halimbawa:

sama-sama araw-araw agam-agam


utay-utay sintu-sinto kuru-kuro
akay-akay ipit-ipit halu-halo
baku-bako luku-lukolubak-lubak

Gramar at L inggwistika 21
• Ang alaala, paruparo, sarisari, gunamgunam at
guniguni ay hindi ginigitlingan dahil walang
salitang-ugat na ala, paro, sari, ganam, at guni.
• Ang salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na o
kapag-unuulit ay pinapalitan ng u.
Gramar
at • Sa pag-uulit ng salitang-ugat na unaangkupan o
Linggwistika ginagampanan ng pang-angkop upang ipakita
ang kasidhiang kahulugan at nagtatapos sa
patinig na e, ito’y pinapailitan ng i sa gayo’y
mabilis ang pagbigkas at upang lubos na
mabigyang diin ang unang hati ng salita. Ang
gitling ay ginagamit
Halimbawa:
torpe torping-torpe
salbahe salbahing-salbahe
lalake lalaking-lalake
Gramar at L inggwistika 22
Ang di-Ganap na Pag-uulit

1. Pag-uulit ng huling pantig sa salitang-ugat

Halimbawa:
Gramar lamikmik luningning alit-it
at langitngitkuliglig
Linggwistika
2. Pag-uulit ng una o unang dalawang pantig ng
salitang-ugat o una o unang dalawang tunog ng
salitang-ugat.
Halimbawa:
iikot tatakbo sisilip-silip
aakyat lilima sisiga-sigarilyo
tatali-talilis

Gramar at L inggwistika 23
Paano nga ba nabubuo ang mga
Salita?
b. Tambalan – Nagiging tambalan ang salita
kung ang dalawang salita na may kani-kaniyang
kahulugan ay pinagsasama at nananatili ang
Gramar kahulugan, minsa’y bumubuo ng ikatlong
at kahulugan at mayroon din namang nagpapakita
Linggwistika
ng kasalungatan ng bawat isa.
Halimbawa:

taong-bundok dalagang-bukid
panhik-panaog isdang-tabang
daang-bakal humigit-kumulang
hanap-buhay kapos-palad
kahoy-gubat lumubog-lumitaw
bungang-araw malaon-madali

Gramar at L inggwistika 24
Paano nga ba nabubuo ang mga
Salita?
c. Maylapi – Kung ang salitang-ugat
pinapanlapian. Maaring sa unahan, sa gitna, sa
magkabila o sa laguhan.
Gramar 1. Unlapi
at umalis, umibig, umawit, igatong, isama, pautang
Linggwistika 2. Gitlapi
kinain, sumampa, tinaga, tumuka, sinita
3. Hulapi
isipin, diktahan, tamaan, ingatan, bilihin
4. Kabilaan
magtampuhan, pagtulungan, panatilihin, paraanin
5. Laguhan
ipagsumigawan, paghumiyawin, magginataan.

Gramar at L inggwistika 25
Kahulugan ng mga Panlapi

1. Panlaping Makangalan

a. an at han
1. lalagyan ng marami sa bagay na isinasaad ng
Gramar salitang-ugat
at hal.:
Linggwistika aklatan, bigasan, manukan,
palayan,tindahan

2. pook na ginaganapan ng kilos ng salitang-ugat


hal.:
aralan, lutuan, laruan, labahan

3. panahon na maraming pagganap sa isinasaad ng


salitang-ugat
hal.:
pistahan, anihan, taniman, uwian

Gramar at L inggwistika 26
Panlaping Makangalan

4. gantihang kilos
hal.:
barilan, balitaan, sulatan, suntukan

5. di karaniwang laki o labis na dami


hal.:
Gramar pangahan, duguan, uluhan, sugatan, duguan
at
Linggwistika b. in o hin
1. relasyong isinasaad ng salitang-ugat
hal.:
tiyuhin, amain, inapo

2. kahugis ng isinasaad ng salitang-ugat


hal.:
inubas, pinalay, sinampalok

Gramar at L inggwistika 27
Panlaping Makangalan
b. ka
1. kasama sa pangkat
hal.:
kalahi, kagrupo, katropa, kabayan

2. relasyon na isinasaad ng salitang-ugat


hal.:
Gramar kalaro, kagalit, kaaway, kasuyo, kalambingan
at
Linggwistika c. ka – an
1. nagsasaad ng pinakasentro na salitang-ugat
hal.:
kabayanan, kanayunan, kabahayan

2. nagsasaad ng kasukdulan ng pangyayari.


hal.:
katanghalian, kainitan, kasasalan

Gramar at L inggwistika 28
Panlaping Makangalan
d. mag
1. nagsasaad ng relasyong tinutukoy sa salitang-ugat.
hal.:
maglolo, mag-ama, magkapatid, magbayaw

2. mag- na may pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat na


nagsasaad ng gawain o propesyon.
hal.:
Gramar manggagamot, manbibigkas, manananggol
at
Linggwistika e. tag – nagsasaad ng panahon
hal.:
tag-ulan, tag-araw, taglagas, tagsibol

f. taga – nagsasaad ng gawaing isinasaad ng salitang-ugat


hal.:
tagaluto, tagalinis, tagawalis, tagabasa
g. an/han – nagsasaad ng pinaggalingan
hal.:
talasalitaan, talaarawan, talatinginan

Gramar at L inggwistika 29
Kahulugan ng mga Panlapi
Mga Panlaping Makauri
1. ma
a. pagkamayroon
halimbawa:
Gramar maganda, tataas, mayaman
at
Linggwistika b. pagkamarami
halimbawa:
matao, madahon, matubig, maahas

2. maka – katig, kampi, hilig


halimbawa:
maka-Diyos, maka-Hapon, makatao,
makakaibigan

3. mala – parang
halimbawa:
malasebo, malahimimga, malakanin
Gramar at L inggwistika 30
Panlaping Makauri

4. mapag – may ugali


halimbawa:
mapagbiro, mapagbintang, mapag-alalahanin

5. Mapang – may katangian, may kakayahan


halimbawa:
mapang-akit, mapanrahuyo
Gramar
at
Linggwistika
6. maka – katig, kampi, hilig
halimbawa:
maka-Diyos, maka-Hapon, makatao,
makakaibigan

7. mala – parang
halimbawa:
malasebo, malahimimga, malakanin

Gramar at L inggwistika 31
Ang mga Bahagi ng Pananalita
- Ang istruktura ng wika

I. Mga Salitang Pangnilalaman (Content Word)


A. Nominal
Gramar 1. Pangalan
at 2. Panghalip
Linggwistika B. Pandiwa
C. Panuring
1. Pang-uri
2. pang-abay
II. Mga Salitang Pangkayarian (Function Word)
A. Ang mga Pang-ugnay
1. Pangatnig
2. Pang-angkop
3. Pang-ukol
B. Mga Pananda
1. Pantukoy
2. pangawil
Gramar at L inggwistika 21
Bahagi ng Pananalita
“ Siya agad bumili lapis papel malapit
tindahan”
- May nilalaman ang pahayag ngunit walang
ganap na kayarian ang pangungusap sapagkat kulang ito
sa mga salitang mag-uugnay sa mga salita para sa isang
buong kayarian.
Gramar
at “ Siya ay agad na bumili ng lapis at papel
Linggwistika sa malapit na tindahan.”

Gramar at L inggwistika 33
Bahagi ng Pananalita
siya panghalip
ay pangawil
agad pang-abay
na pang-angkop
bumili pandiwa
Gramar
at ng pantukoy
Linggwistika lapis pangalan
at pangatnig
papel pangalan
sa pang-ukol
malapit Pang-uri
na Pang-angkop
tindahan pangalan

Gramar at L inggwistika 34
Bahagi ng Pananalita

Gramar
at
Linggwistika

Gramar at L inggwistika 35
Ang Pangungusap
Salita o lipon ng mga salita na may buong diwa. Sa
katuturang ito ang isang salita ay maaaring isang
pangungusap kung ito ay may isang buong diwa. Gayundin
ang mga sambitla.

Gramar 1. Sambitlang panawag


at hal.:
Linggwistika Nanay! Ate!
Neneng! Lolo!

`- Sa sambitlang panawag “Neneng!” para nang sinabing “Neneg,


ikaw ay tinatawag ko.” o kaya’y sa “Lolo! “Lolo, kayo po’y
tinatawag ko.”

2. Sambitlang nagsasaad ng damdamin


hal.:
“Aruy!” “Naku po!” “Aba!”

- Sa sambitlang “Aray!” para na rin sinabing “Ako ay nasaktan”


Gramar at L inggwistika 36
3. Sambitlang sagot sa tanong Ang Pangungusap
hal.:
“Opo!” “Oho!” “Hindi po!”

`- Sa sambitlang panawag “ Opo!” ay isinagot sa tanong na “Sasama


ka ba?” para na rin sinabing “Ako ay sasama.”

4. Sambitla ng pagtawag
hal.:
Gramar “Halika!” “Halina !” “halikayo!”
at
Linggwistika - Sa sambitlang “Halika!”para nang sinabing “Lumapit ka sa akin”

13. Sambitla ng Matinding Damdamin


hal.:
“Sunog!”
- Sa sambitlang “Sunog!” para nang sinabing “ Nasusunog ang
bahay.”

18. Sambitlang Pautos


hal.:
“Layas!” “Takbo!”

Gramar at L inggwistika 37
Ang Pangungusap
7. Pormulasyong Panlipunan (pangkalahatan)
hal.:
“ Magandang umaga po!”
“ Tao po!”
“ Salamat!”

8. Pangungusap na Pamanahon
hal.:
Gramar
“Umuulan.” “Bumabagyo.”
at
“ Kumikidlat.”
Linggwistika
- Sa sambitlang “Halika!”para nang sinabing “Lumapit ka sa akin”

9. Pangungusap na eksistensyal
hal.:
May magandang tanawin doon.
Walang tao sa kubo.
Maraming pananim dito.

Gramar at L inggwistika 38
Ang Pangungusap
10. Pangungusap na may panaguri at paksa.
hal.:
Guro ang nanay ko.
Nagtuturo siya sa aming baryo.

Gramar
at
Linggwistika Ang Panaguri ng Pangungusap
- Ang bahagi ng pangungusap na
nagsasabi tungkol sa paksa.

1. Pangalan
Pilipinas ang bayan ko.
Filipino ang ating wikang pambansa.
4. Panghalip
Tayo ang bagong Pilipino.
Sila ang dapat maging huwaran ng mga kabataan.

Gramar at L inggwistika 39
Ang Pangungusap
3. Pang-uri
Magigiting ang ating mga bayani.
Mapagmahal sa kanilang kapwa ang mga tao noon.

5. Pang-abay
Bukas ang araw ng pagdiriwang.
Dito ang sentro ng kasiyahan.

Gramar 9. Pandiwa
at Nagmamano ang mga bata sa magulang nila.
Linggwistika Magpapasalamat tayo sa poong Maykapal.

13. Panguring Parirala


Pagbabasa ng aklat at magasin ang nakalibang sa kanya.
Pagtatanim ng gulay ang libangan niya.

Gramar at L inggwistika 40
Ang Pangungusap

Paksa
Ang bagay na pinag-uusapan sa
pangungusap. Simuno ang dating katawagan dito.

1. Pangalan
Mahalin natin ang ating bansa.
Gramar
Gamitin ang sariling wika.
at
Linggwistika
5. Panghalip
Tayo ay mga Pilipino.
Ikaw ay pag-asa ng mga magulang mo.

9. Pang-uri
Ang masipag at matiyaga ay nagtatagumpay.
Ang mga maralita at dukha ay ating tulungan.

4. Pag-abay
Ang dito ay maiiwanan na sa silid na iyan.
Ang diyan ay ipapadala ko sa inyo.
Gramar at L inggwistika 41
Ang Pangungusap
5. Pandiwa
Ang gumagawa nang mabuti ay pinagpapala.
Ang nagsisikap ay nagtatagumpay.

6. Pawatas
Ang magdamayan ay magandang kaugalian.
Ang mamatay ay ganap na pamamahinga.
Gramar
at
Linggwistika
Aspekto at pokus ng Pandiwa

3 Aspekto ng Pandiwa (Banghay sa ibang aklat)

a. Pangnagdaan
b. Pangkasalukuyan
c. Panghinaharap

Gramar at L inggwistika 42
Ang Pangungusap

Pokus

Ang relasyon ng pandiwa at paksa ng


pangungusap ay tinatawag na pokus. Madaling malaman
ang pokus kung alam ang paksa ng pangungusap. Bukod
dito, may mga panlaping sadyang ginagamit sa bawat
pokus. Upang makilala sa loob ng pangungusap ang
Gramar paksa, tandaan na ang paksa ay pinangungunahan ng
at mga panandang paksa, gaya ng ang, ang mga, at si at
sina.
Linggwistika
1. Pokus sa Tagaganap o Aktor
- ang paksa sa pangungusap ang gumaganap ng
kilos
Halimbawa:

1. Nagsayaw ng cha-cha ang panauhin.


2. Mabilis na umalis si Raul.
3. Magtatanim sila ng gulay sa bakuran.
4. Sumulat ng liham si Maria.

Gramar at L inggwistika 43
2. Pokus sa Layon o Gol Ang Pangungusap
- ang paksa sa pangungusap ang tumatanggap
ng kilos.
Halimbawa:

1. Pinitas ni Jose ang mangga.


2. Binabalot ni ate ang mga regalo.
3. Iluluto ni nanay ang ulam.

Gramar 3. Pokus sa Sanhi o Kausatibo


at - Ang paksa ng pangungusap ang sanhi ng
pagkaganap ng kilos ng pandiwa.
Linggwistika
Halimbawa:
1. Ikinatuwa ni Lola ang pagkatuwa ng apo
2. ikinasira ng panamin ang baha.
3. Ikinagalit ni Tatay ang paglalasing ni Ronie.

4. Pokus sa Kagamitan o Instrumental


-Ang paksa ng pangungusap ay kagamitan sa
kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
1. Ipinaghiwa niya ng karne ang kutsilyo.
2. Ipanghahalo niya ang sandok sa nilugaw
3. Ang palakol ay ipansibak mo ng kahoy.
Gramar at L inggwistika 44

You might also like