You are on page 1of 21

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY


GRADUATE SCHOOL
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City

FIL 604/A – PRINSIPYO, METODO, ISTRATIHIYA SA


PAGTUTURO NG WIKA

Pinasa nina:

Charles Vincent G. Carbonell


Maria Cecille E. Cael
Kimberly C. Yray
Angel Grace H. Bautista
Mary Rose C. Suyat
Sairah Mae V. Malabarbas
Aisah U. Andang

Pinasa kay:

Jovita M. Collado, MAED


ANG PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG WIKA

Madali lang ba talaga ang maging guro?

 Mapanghamong propesyon ang pagtuturo.


 Ang isang guro ay alagad ng agham at sining.
 Nagbubunga ang mahusay at matalinong pagtuturo ng guro ng
epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral.

Paano natin maaaring simulan ang prosesong ito?

 Magsimula sa pagkilala sa mga mag-aaral na tuturuan.


 Mahalagang simulan ang relasyong guromag-aaral sa isang magaan
at palagayang sitwasyon. Sa sitwasyong ito, pumapasok ang
mahalagang tungkulin ng guro- ang pagkakaroon at paggamit ng mga
mabisang estratehiya sa pagganyak sa mga mag-aaral upang mapabuti
ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa loob ng silid-aralan.
 Sa paggamit ng mga epektibong estratehiya, maaari nitong gisingin
ang interes ng mga magaaral pati ang pagnanais nilang matuto pa.
 Maaari nitong gabayan ang mga mag-aaral sa patuloy nilang
pagtuklas ng bagong kaalaman.
 Ang pagtuturo sa mga mag-aaral kung paano matuto at kung paano
magkaroon ng malayang kaisipan ay pinakamahalagang papel ng isang
guro.

Mga Terminolohiya Sa Wikang Filipino Kaugnay Ng Mga Estratehiya Sa


Pagtuturo

1. Pagdulog (Approach) - ay set ng mga pagpapalagay hinggil sa


kalikasan ng pagkatuto.
2. Pamaraan (Method) - ay ang sunod-sunod na hakbanging
gumagabay sa guro sa kanyang pagtuturo ng tiyak na aralin.
3. Estratehiya (Strategy) - ay isang planadong proseso para sa isang
particular na gawain.
4. Teknik (Technique) - ay ang tiyak na gawaing malinaw na makikita sa
pagtuturo.

Mga Mahahalagang Salik Na Nakakaapekto Sa Pagtuturo Sa Kaligirang


Akademiko

 Guro - Matalino, Mapagmahal, Masayahin , Malikhain,


Makabago
 Mag-aaral - Edad, Kasarian, Ugali, Kultura, Talino
 Kagamitan o Materyal

1. GURO - Ikinikintal ng isang guro ang pagtitiwala at ginagawang


isang kawili-wiling hamon ang pagaaral.

 Matalino - Ang malawak na kabatiran at kaalaman ng guro sa


kanyang ituturo at paraan kung paano ito ituturo ay mahalagang
katangian ng isang epektibong guro. Magiging mahirap ang
gagawing pagtuturo kung mismo ang guro ay walang ganap na
pagunawa sa paksang kanyang itinuturo.
 Mapagmahal - Kinakailangan sa isang guro ang mataas na
pagpapahalaga at pagmamahal sa kanyang gawain at sa kanyang
mga mag-aaral. Maging bukas ang isipan sa mga pagbabago upang
lalong mapahusay ang gampanin at may magandang saloobin at
pananaw sa pagtuturo at sa kanyang pagiging guro.
 Masayahin - Nag-uudyok ng kawili-wili at epektibong pagkatuto
ang kaaya-ayang katauhan ng isang guro. Ang pagkakaroon ng
masayang disposisyon o diwa ng paluwag tawa ay nagdudulot ng
masiglang kapaligiran sa loob ng silid-aralan.
 Malikhain - Ang kaalaman sa mga paraan at estratehiya sa
pagtuturo ay lalong nagiging epektibo kung may malikhain at
mayamang pag-iisip ang guro sa pagbabalak o pagpaplano ng
kanyang aralin.
 Makabago - Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, nagiging mabilis
ang takbo ng pamumuhay ng tao. Kinakailangan ng isang guro ang
kakayahan niyang tumuklas ng mga bagong paraan sa pagtuturo na
aangkop sa kasalukuyang kalakaran ng kanyang gawain at
katangian ng mga mag-aaral.

2. MAG-AARAL - Laging isaisip na ang mga mag-aaral ay may


kanikaniyang katangian. Lahat ay may karapatang maturuan at
matuto ng mga bagay na nararapat niyang matutunan. Maaaring
magkaiba ang mga mag-aaral sa iba-t ibang aspekto ng kanilang
katangian.

 Edad - May mga batang-batang mag-aaral, mayroon ding may


edad na, may dalaga/binata, at mayroon ding matandang
mag-aaral. Bawat isa ay nagtataglay ng iba’t ibang lebel ng dapat na
matutunan.
 Kasarian - Ang interes ng lalaking mag-aaral ay iba sa interes ng
mga babaeng mag-aaral. Marapat lamang na malaman ng guro ang
kaibahang ito lalong-lalo na sa pagbibigay-halimbawa sa mga
pagtalakay.
 Ugali - Nagmula sa iba’t ibang tahanan at kapaligiran ang mga
mag-aaral sa loob ng isang silid. Bawat isa ay natuto ng
magkakaibang paraan ng pakikisalamuha sa kapwa. Mahalagang
tungkulin ng guro ang pagiging pangalawang magulang sa loob ng
silid-aralan.
 Kultura - Kinakailangan sa isang guro ang pagiging sensitibo at
mulat sa iba’t ibang kulturang maaaring pinagmulan ng kanyang
mga mag-aaral.
 Talino - Walang itinuturing na bobong mag-aaral. Bawat isa ay may
kani-kaniyang talinong taglay. Kaiba man sa nakararami ngunit may
sariling kakayanan ang bawat mag-aaral sa maraming bagay o
aspekto.

3. Kagamitan/Materyal - Mahalagang salik sa proseso ng


pagtuturopagkatuto ang anumang kagamitan o sitwasyong
nagagamit ng guro sa kanyang pagtuturo.
URI NG PAKIKILAHOK NG MGA MAG-AARAL

Pakikilahok Ng Mga Mag-Aaral

 Indibidwal- Indibidwal na mag-aaral at guro


 Buong Pangkat- Guro at buong klase
 Peer Tutoring- Mag-aaral at kapwa mag-aaral
 Team Learning- Maliit na pangkat ng mga mag-aaral

LEARNERS-CENTERED TEACHING (MULTIPLE INTELLIGENCES)


Multiple Intelligence" Pagtuklas ng mga Talento at Kakayahan

Isang napakahalagang teorya ang binuo ni Dr. Howard Gardner noong


1983, ang teorya ng Multiple Intelligence. Ayon sa teopryang ito, ang mas
angkop na tanong ay “Ano ang iyong talino” at hindi, “Gaano ka katalino?” ayon
kay Gardner, bagama’t lahat ay may angking likas na kakanyahan, iba’t iba ang
mga talino bawat isa ay may kakayahang natatangi sa iba. Ang mga ito ay:
“Visual Spatial, Verbal/ Linguistic, Mathematical/Logical,
Bodily/Kinesthetic, Musical or Rhythmic, Intrapersonal, Interpersonal,
Existentialist at Naturalist”.

1. Visual or Spatial- Ang mga taong may talinong visual/spatial ay mabilis


matuto sa pamamagitan ng paningin at mag-ayos ng mga ideya. Nakagagawa
ng mga ideya at kailangan din niyang makita ang paglalarawan upang
maunawaan ito. May kakayahang siyan na makita sa kaniyang isip ang mga
bagay upang makalikha ng isang produkto o makatuklas ng isang produkto o
makalutas ng suliranin. May kaugnayn din ang talinong ito sa kakayahn sa
matematika. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: artists,
designers, cartoonists, story-boarders, architects, photographers,
sculptors, town-planners, visionaries, inventors, engineers, cosmetics
and beauty consultants: (Pampaningin, nakikita, larawan, grapiko, imahe,
larawang-diwa, drowing, tsart, disenyo, panaginip, pelikula, video, puzzle,
imahinasyon)
2. Verbal/Linguistic- Ito ay ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita.
Kadalasan ang mga taong may taglay na talinong ito ay mahusay sa
pagbabasa, pagsulat, pagkuwento, at pagmemorya ng mga salita at
mahahalagang petsa. Mas madali siyang matuto kung nagbabasa, nagsusulat,
nakikinig, o nakikipagdebate. Mahusay siya sa pagpapaliwanang, pagtuturo,
pagtatalumpati, o pagganyak sa pamamagitan ng pananalita. Madali para sa
kanya ang matuto ng ibang wika. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino
ay: writers, lawyers, journalists, speakers, trainers, copy-writers, english
teachers, poets, editors, linguists, translators, PR consultants, media
consultants, TV and radio presenters, voice-over artistes (Pagsasalita,
mga sinasalita, pakikinig, pagsusulat, pagbabaybay, gramatika,
pagsasalaysay, banyagang wika, tula, sanaysay, talumpati, newsletter,
pahayagan)

3. Matematikal/ Logical- Taglay ng taong may talino nito ay mabilis ang


pagkakatuto sa pamamagitan ng pangangatwiran at paglutas ng suliranin
(problem solving). Ito ay talinong may kaugnay ng lohika, paghahalaw at
numero. Gaya ng inaasahan, ang talinong ito ay may kinalaman sa kahusayan
sa matematika, chess, computer programming at iba pang kaugnay na
gawain. Gayunpaman, mas malapit ang kaugnayan nito sa kakayahan sa
siyentipikong pag-iisip at pagsisiyasat, pagkilala ng abstract patterns, at
kakayahang magsagawa ng mga nakalilitong pagtutuos. Halimbawa ng mga
taong may ganitong talino ay: scientists, engineers, computer experts,
accountants, statisticians, researchers, analysts, traders, bankers
bookmakers, insurance brokers, negotiators, deal-makers,
trouble-shooters, directors (Lohika, pangangatwiran, pabuod, pasaklaw,
katotohanan, pagtaya, pagtasa, ranking, katibayan, assessment, pagsasaayos,
databases)

4. Bodily/ Kinesthetic- Ang taong may ganitong talino ay natututo sa


pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o interaksiyon sa kapaligiran.
Mas natututo siya sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang katawan, tulad
halimbawa ng pagsasayaw opaglalaro. Sa kabuun, mahusay siya sa pagbubuo
at paggawa ng mga bagay gaya ng pagkakarpintero. Mataas ang tinatawag na
muscle memory ng mga taong may ganitong talino. Halimbawa ng mga taong
may ganitong talino ay: dancers, demonstrators, actors, athletes, divers,
sports-people, soldiers, fire-fighters, PTI's, performance artistes;
ergonomists, osteopaths, fishermen, drivers, crafts-people; gardeners,
chefs, acupuncturists, healers, adventurers
(Aksyon, pagkilos, pagsasagawa, isports, pagsali, drama, aktibiti, lumundag,
itapon, hawakan)

5. Musical/Rhythmic- Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa


pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa
pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng isang karansan Halimabawa ng
mga taong may ganitong talino ay: musicians, singers, composers, DJ's,
music producers, piano tuners, acoustic engineers, entertainers,
party-planners, environment and noise advisors, voice coaches.
(Musikal/ritmo/melodiya, tono, tenor, soprano, jazz, folk, classical, jingle, opera,
choir, rock)

6. Intrapersonal- Sa talinong ito natututo, ang tao sa pamamagitan ng


damdamin, halaga, at pananaw. Ito ay talinong kaugnay ng kakayahang
magnilay at masalamin ang kalooban. Karaniwang ang taong may ganitong
talino ay malihim at mapag-isa o introvert. Mabilis niyang nauunawaan at
natutugunan ang kanyang nararamdaman at motibasyon. Malalimang
pagkilala niya sa kanyang angking talent, kakayahan at kahinaan. At lahat ng
tao na nasa proseso ng pagbabago ng pang-unawa sa sarili, sa paniniwala, at
mga gawain na may kinalaman sa sarili, sa iba, at sa komunidad na kanyang
ginagalawan. (Nag-iisip, pag-iisa, lumikha, magnilay-nilay, binabalangkas na
mga layunin, panukala, pangarap)

7. Interpersonal- Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-uganayan sa ibang


tao. Ito ang kakayahan na makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat. Ang
taong nabibilang dito ay kadalasang bukas sa kaniyang pakikipagkapwa o
extrovert. Siya ay sensitibo at mabilis na nakatutugon sa pagbabago ng
damdamin, motiobasyon, at disposisyon sa kapwa. Mahusay siya sa
pakikipag-ugnayan nang may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba.
Siya ay epektibo bilang pinuno o tagasunod. Halimbawa ng mga taong may
ganitong talino ay: therapists, HR professionals, mediators, leaders,
counsellors, politicians, eductors, sales-people, clergy, psychologists,
teachers, doctors, healers, organisers, carers, advertising professionals,
coaches and mentors; (there is clear association between this type of
intelligence and what is now termed'Emotional Intelligence' or EQ)
(Makipagtalastasan, makipag-usap, bumati, umunawa, makiramay,
makisalamuha, makihalubilo, tumawag, bumulong, umiyak, salu-salo, piging,
pangkat)

8. Naturalist- ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan.


Madali niyang makilala ang mumunti mang kaibahan sa kahulugan (definition).
Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan.
Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: Botanist, farmer,
environmentalists (Likas, kapaligiran, pagmamasid, isda, punongkahoy,
hayop, dahon, bundok, lawa, ilog, dagat, nangaso, buhay na mga tao/bagay,
ang sining ng pagkuha ng larawan, mga Bulaklak)

9. Existentialist- ito ay talino sapagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa


daigdig. “ Bakit ako nilikha?” “Saan ako nanggaling?” Ano ang papel na
ginagampanan ko sa mundo?”. Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat
at makatotohanang pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa mundong ating
gingalawan. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: Mga pilosopo,
theorist, mga pari o pastor

Ano ag wika?

Bibigyang kahulugan natin ito bilag sining ng kumunikasyon. Ang wika


ay hindi lamang nakatuon sa anyo nitong pasalita o pasulat. Ayon kay
Sampson et. al, (1995:4) ang wika ay isang obra maestra ni Pablo
Picasso, isang Komposisyon ni Beethoven, o di kaya’y ang kahanga
hangang pagtatanghal ng dyimnast sa Olimpyada.
ANG MGA BATANG MAG-AARAL AT ANG
PAGTUTURO NG WIKA

Ang simula ng lahat ng pagsisikap sa pagtuturo ng Filipino sa ating mga


paaralan ay ang pag-unawa sa kalikasan at pagkakaiba-iba ng mga bata sa
paaralan pati na ang pagkakaroon ng kaalaman at pang-unawa kung paano
natutuhan ang wika, una at wika man, at ang mga proseso sa pagkatuto nito.

Naniniwala tayo mas madaling matuto ng pangalawang wika ang mga


bata kaysa sa may mga edad nang nag-aaral. Sa ganitong paniniwala,
nararapat lamang ang ilang kwalipikasyon.

1. Ang kaibahan sa pagkatuto ng wika sa pagitan ng mga bata at may edad na


mag-aaral ay nababatay sa likas at natural na paraan ng pagsasalita ng mga
bata at kalimitang hindi nila binibigyang pansin ang anyo ng wikang sasabihin.
Samantalang sa may mga edad na mag-aaral ng wika, tahasang binibigyang
niya ng pokus ang salitang bibigkasin at pinag-iisipang mabuti ang nayo ng
wikang kanyang sasalitain.

2. May mga pag-aaral na nagsasabi na ang may mga edad ay may higit na
kakayahan sa pagtatamo ng pangalawang wika. Magagawa nilang
makapagsaulo ng higit na maraming talasalitaan kaysa sa mga bata. Maari
silang gumamit ng mga prosesong deduktibo at abstraksiyon at iba pang
konseptong panggramatika kaya sa kabila ng otomatikong pagpoprosesong
ginagamit ng mga bata sa pagtatamo ng wika, maaaring magkaroon sila ng
problema pag-aaral ng pangalawang wika.

3. Hindi malinaw ang hanggan ng edad ng mga batang bago pa lamang


nag-aaral ng wika magsalita sa mga batang pre-pubescent. Lumilitaw na
maraming pagkakataon na may mga batang totoong hirap sa pagtatamo ng
pangalwang wika dahil sa maraming kadahilanan. Pangunahin sa mga
kadahilanan ay may kinalaman sa mga salik na personal, sosyal at politikal.
Limang (5) kategorya na may kinalaman sa paglaki at pag-unlad ng mga
mag-aaral na maaring makatulong sa guro sa pagpili ng mga praktikal at
istratehiya sa pagtuturo ng wika

1. Intelektwal na Pag-unlad

2. Tagal ng Pagkawili (Attention Span)

3. Pakilusin ang Iba’t ibang Pandamdam (Sensory Input)

4. Mga Salik na Apektib (Affective Factors)

5. Awtentiko, Makbuluhang Wika

5 KATEGORYA NA MAY KINALAMAN SA PAGLAKI AT


PAG-UNLAD NG MGA MAG-AARAL NA MAAARING
MAKATULONG SA GURO SA PAGPILI NG PRAKTIKAL
NA TEKNIK AT ISTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG
WIKA

1. Intelektwal Na Pag-Unlad
 Dahil sa ang mga bata (humigit kumulang hanggang edad
labinsiyam) sa ganitong edad ay nasa yugto pa rin ng tinatawag
ni Piaget na “concrete operations”, dapat lamang na
isaalang-alang ang kanilang mga limitayson.
 Ang mga tuntunin at mga paliwanag tungkol sa wika ay
kailangang gamitin nang may ibayong pag-iingat.
 Hindi masyadong pinapahalagahan ng mga bata sa ganitong
yugto ng paglaki ang nosyon ng mga edad ng “kawastuhan” at
along higit na hindi nila mauunawaan ang mga pagpapaliwanag
ng tungkol sa mga konseptong panglinggwistika.
 Ilang mga tuntunin para sa mabisang pagkaklase:
 Iwasan ang paggamit ng mga teknikal na salita sa
pagpapaliwanag ng ilang kaalamang pambalarila ( e.g.
ponolohiya, morpema, atp)
 Iwasan ang pagbibigay ng mga tuntunin na makalilito sa
mga nag-aaral.

2. Tagal Ng Pagkawili (Attention Span)


 Isang kapansin-pansing kaibahan ng mga may edad sa mga
bata ay ang tagal ng panahon ng kanilang pagkawili.
 Mahalagang maunawaan ng guro ang kahulugan ng tagal ng
panahon ng pagkawili:
 Paupuin mo ang mga bata sa harapan ng TV na ang
palabas ay ang paborito nilang cartoon at asahan
walang tatayo ni isa man sa kanila hanggang hindi
natatapos ang palabas.
 Kaya’t hindi ka maaaring magbigay ng isang paglalahat
na maikli lamang ang tagal ng panahon ng pagkawili ng
mga bata.
 Mangyayari lamang ang maikling panahon ng pagkawili
kung ang pagkaklase ay nakasasawa at walang
kabuhay-buhay.
 Dahil mahirap minsan ang paksang pinag-aaralan sa wika,
tungkulin mong gawin itong kawili-wili, buhay, at masaya. Paano
mo ito gagawin?
 Mag-isip ng mga gawaing may kagyat na kawilihan para sa
mga bata.
 Maglahad ng mga makabago at iba’t ibang gawain.
 Gawing buhay ang pagkaklase at huwag mabahala na
mag-oober-akting dahil kailangan ito ng mga bata para sila’y
maging gising at listo.
 Tuklasin ang kiliti ng mga bata at gawin itong puhunan sa
pagpapanatili ng kanilang kawilihan.
 Isaalang-alang ang pagiging palatanong o kuryusidad ng
mga bata upang mapanatili ang kanilang kawilihan.
3. Pakilusin Ang Iba’t Ibang Pandamdam (Sensory Input)

 Maglaan ng mga gawaing magpapakilos sa mga bata tulad ng role play


at mga laro.

 Gumamit ng iba’t ibang kagamitang panturo na makatutulong sa


pagpapatibay ng mga kaisipang natamo.
 Isaalang-alang din ang paggamit ng sariling mga non-verbal
language.
4. Mga Salik Na Apektib (Affective Factors)

 Iparamdam sa mga mag-aaral na natural lamang na makagagawa sila


ng pagkakamali sa pagsasalita, pagbabasa at pagsulat habang
nag-aaral ng isang wika.

 Maging mapagpaumanhin at ibigay ang lahat ng suporta upang


magkaroon ng tiwala sa sarili ang bawat mag-aaral, ngunit maging tiyak
sa mga inaasahang matatamo ng iyong mag-aaral

 Maglaan ng mas maraming pakikilahok na pasalita mula sa mga


mag-aaral lalo’t higit iyong mga tahimik sa klase upang mabigyan sila
ng maraming pagkakataon na subukin ang iba’t ibang gawain sap
ag-aaral ng wika.

5. Awtentiko, Makabuluhang Wika

 Iwasan ang paggamit ng mga salitang hindi awtentiko at di


makahulugan. Magaling ang mga bata sa pahalata ng wikang di
awtentiko; dahil dito, iwasan hangga’t maari ang mga dekahon o di
natural na paggamit ng wika.

 Ang mga pangangailangan pangwika ng mga mag-aaral ay kailangang


nakapaloob sa isang konteksto. Gumagamit ng mga kuwento,
sitwasyon, mga tauhan at mga usapang pamilyar sa karanasan ng mga
mag-aaral upang mapanatili ang kanilang atensyon at mapatatag ang
kanilang retensyon.

 Iwasan ang paghahati-hati ng wika sa maliit nitong mga sangkap dahil


mahihirapan ang mga batang Makita at kabuuan nito. Bigyang-diin din
ang pag-uugnayan ng mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita,
pagbasa at pagsulat.
ANG MGA MAY EDAD NA MAG-AARAL AT ANG
PAGTUTURO NG WIKA
Bagamat maraming “tuntunin” sa pagtuturo ng mga bata na maaaring
ilapat kung may edad na mag-aaral ang tuturuan, dapat pa ring alalahanin na
maraming pagkakaiba ang dalawang pangkat na ito ng mag-aaral na
kailangang alam ng isang guro. Mas higit ang kakayahang kognitibo ng mga
may edad kaysa mga batang mag-aaral kayat maaaring mas magiging
matagumpay sila sa ilang mga gawaing pangwika sa loob ng klasrum.
Mapapagalaw nila nang mabisa ang kanilang pandamdam (“imahinasyon” sa
pagsamyo ng bulaklak vs. totoong amoy ng bulaklak) na hindi pa kaya ng mga
bata. Maaaring pareho ang antas ng kanilang pagiging mahiyain pero higit na
may tiwala sa sarili ang mga may edad na mag-aaral. Kung may limang salik
na isinasaalang-alang sa pagtuturo ng wika sa mga sa mga bata, mayroon
ding mga mungkahing dapat isaalang-alang kung may edad na mag-aaral ang
tuturuan.

a. May kakayahan na ang mga may-edad sa pag-unawa ng mga konsepto


at mga tuntuning mahirap unawain. Pero kailangan pa rin ang pag-iingat.
Maaaring kainisan ng mga ito ang masyadong mahirap o masyadong madali
na paglalahat at tuluyan silang mawalan ng gana sa pag-aaral.

b. Maaaring mahaba ang kanilang panahon ng pagkawili subalit ang mga


gawaing maikli at ayon sa kanilang interes ay hindi dapat kaligtaan.

c. Hangga’t maaari’y gisingin ang lahat nilang mga pandamdam upang


ang klase ay maging masigla at laging buhay.

d. May taglay din silang kaunting tiwala sa sarili kaya’t hindi masyadong
kritikal ang kanilang pagiging maramdamin. Subalit hindi dapat iwaksi ang
mga salik emosyunal na kaugnay ng kanilang pag-aaral ng wika.
IMPLIKASYON SA PAGTUTURO NG PAG-ALAM NG
PAGKAKAIBA NG MGA BATA AT MGA
MAY-EDAD NAMAG-AARAL NG WIKA

1. Igalang ang mga damdaminh emosyunal ng mga mag-aaral lalo na


iyong medyo mahina sa pagkatuto.

2. Huwag ituring na parang bata ang mga may edad na mag-aaral.


2.1 Huwag silang tawagin na “mga bata”.
2.2 Iwasan ang pagkausap sa kanila na parang bata.

3. Bigyan sila ng maraming pagkakataon para makapamili at


magkapagbigay ng sariling desisyonhinggil sa ung ano ang maari nilang
gawin sa loob at labas ng klasrum.

4. Huwag disiplinahin ang mga may edad na parang mga bata. Kung may
lumalabas na suliraningpandisplina (di-paggalang, pagtawa, pag-aabala
sa klase, atbp.) laging ipalagay na may edad ang iyong tinuturuan atmay
kakayahan silang umunawa at magpaliwanag sa bawat kilos at galaw na
ipinapakita nila sa loob at labas ng klasrum.

ANG MGA TINEDYER AT ANG PAGTUTURO NG WIKA

“Bagets” o Tinedyer

May edad mula 12-19 ang tawag sa pangkat na ito ng mga mag-aaral sa
Sekundarya. “Sakit ng ulo” ang tawag ng ilang guro sa mga mag-aaral na nasa
ganitong edad. Ito ang yugto ng paglaki na sila’y lito, kimi at kakikitaan ng
maraming pagbabago sa kanilang anyong pisikal at intelektuwal. Ito ang edad
tungo sa pagbibinata at pagdadalaga.

Ilang Paalala sa Pagtuturo ng mga Tinedyer:


1. May kakayahan na ang mga mag-aaral sa ganitong edad na gamitin
ang mga proseso sa abstraktong pag-iisip kaya’t maari na silang ilayo
nang unti-unti mula sa kongkretong paglalahad ng mga gawain tungo
sa sopitikadong pagpoproseso ng mga kaisipan subalit mahalaga pa
ring isaisip na ang pagtatagumpay sa anumang gawaing intelektuwal ay
nakasalalay sa antas ng kawilihan o atensyong ibinibigay dito.
2. Ang tagal o haba ng kanilang pagkawili (attention span) ay tumatagal
na rin bunga ng kahustuan ng kanilang pag-iisip subalit maaari itong
maging panandalian din dahil sa maraming pabago-bagong nagaganap
sa pag-iisip at buhay ng isang tinedyer.

3. Maglaan din ng iba’t ibang input na pandamdam (sensory input) sa mga


pagkakataong kailangan ito ng mga mag-aaral.

4. Tandaan palagi na ang mga kabataan sa yugtong ito ng paglaki ay


nasa karurukan ng kanilang pagpapahalaga sa sarili. Isa sa mga
mahahalagang tungkulin ng guro sa paaralang sekundarya ang
mapanatiling mataas ang pagpapahalagang-pansarili ng kanyang mga
tinuturuan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
 pag-iwas na ipahiya sila sa klase;
 pagpapahalaga sa kanilang iwi at pansariling talino at kalakasan;
 pagiging maluwag sa mga pagkakamaling nagagawa sa
pagkaklase;
 pag-iwas sa mga kompetisyong pangklase na maaaring mauwi sa
di-pagkakaunawaan;
 at paglalaan ng mga gawaing pangkatan sa loob ng klase kung saan
maaari silang makipagsapalaran sa paglahok na hindi magiging
kahiya-hiya kung magkamali man sila sa pagsagot.

5. Hangga’t maaari’y maging maingat sa pagbibigay ng puna at mahihirap


na gawin lalo na doon sa may kahinaan sa pag-aaral.
DOKUMENTASYON NG PAG-UULAT NG UNANG
PANGKAT
REPLEKSYON NG UNANG PANGKAT SA
PAGKATUTO AT PAGTUTURO NG WIKA

Sa mahabang panahon na ako ay nagtuturo ng asignaturang Filipino,


makailang beses na ring naitatanong sa akin ang tungkol sa pagtuturo nito.
Ang kadalasang tanong ay, “Mahirap ba itong ituro?” o “Paano ba ito itinuturo?”
Ngunit ang mas mapanghamong tanong ay, “Bakit kailangang ituro ang
Filipino?”

Sa ganang akin, ang pagtuturo ng asignaturang Filipino ay higit sa


pagtuturo lamang ng kaalamang balarila o gramatika at pag-unawa sa akdang
binasa. Hindi nagtatapos ang kaalaman sa pagbuo ng wasto at makabuluhang
pangungusap at pagsagot sa mga kasanayan sa pagbasa. Ang FILIPINO
bilang asignatura ay pagpapalalim ng ating wika at kultura.

Ang susunod na katanungan, marahil, sa pahayag na ito ay “Bakit? at Paano?”

Bilang guro ng Filipino, mahalagang maisama sa oryentasyon ng mga


batang tinuturuan kung bakit nila pinag-aaralan ang Filipino. Sa oryentasyong
ito, malalaman nila na higit sa isang asignatura ang Filipino na kanilang
pinag-aaralan. Sa pagagamit ng wika, mahahasa ang kanilang kaalaman at
kakayahan sa pagsasalita ng Filipino. Kapag ginagamit parati ang wika,
magiging matatag ang pundasyon ng mga salita na siyang magagamit
sa pag-unawa sa maraming bagay tungkol sa ating mga Pilipino. Ang mga
nakalimbag na akda, dula o anumang palabas o panoorin, at ang mga
kuwentong naririnig tungkol sa ating mga Pilipino gamit ang wikang Filipino ay
mas napahahalagahan dahil sa pagkakaroon ng sapat na pag-unawa rito. Ito
rin ang maaaring pag-ugatan ng damdaming pagkamakabayan at magsisilbing
ningas ng pagmamahal sa ating bansa, sa ating pagka-Pilipino. Hindi ba’t kay
sayang isipin na nauunawan ng mga batang Pilipino ang kanilang kultura gamit
ang wikang Filipino?

Mahalaga na sa murang edad ng mga bata ay naiintindihan nila at


nagagamit ang wikang Filipino. Kaya naman kailangan ang patuloy na
paglinang sa kakayahan ng mga bata na magamit ito araw-araw sa kanilang
pamumuhay. Sa paraang komunikatibo kailangang maipagamit ang wikang
Filipino. Sa pag-aaral ng Filipino, hindi sapat na matukoy ng mga bata ang mga
bahagi ng pananalita. Sa halip, mas magiging makabuluhan kung ipagagamit
ito sa kanyang pakikipagtalastasan sa iba.

Isang magandang halimbawa nito ay ang paggamit ng pang-uri o salitang


naglalarawan. Mas mabuting ipalarawan sa mag-aaral ang kanyang kalaro o
kaibigan kaysa ipaisa-isa sa kanya ang mga salitang naglalarawan. Sa
ganitong paraan, babaunin niya ang kaalaman at kasanayang natutuhan
upang sa kanyang paglabas sa paaralan ay magamit niya nang wasto at
makabuluhan. Ganoon din, isang araw, kapag kinailangan niyang ilarawan ang
kanyang sarili sa oras ng panayam o anumang gawaing may kinalaman sa
pagpapakilala, kakayanin niyang gawin ito dahil hindi naman itatanong sa
kanya kung ano ang pang-uri sa halip, ipalalarawan sa kanya ang kanyang
sarili.

Ayon kay Gng.Reyes guro sa aking pinagtratrabahuang paaralan,


"Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong
daan upang magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan."

Ang isang batang matatas sa wikang Filipino ay angat sa karaniwan. May


kakayahan siyang makipag-ugnayan sa kahit kanino sa ating bansa. Minsan
isang tanghalian, habang ako ay teacher prefect sa aking mga mag-aaral,
naitanong sa akin ng isa kong estudyante kung bakit pa raw niya pag-aaralan
ang Filipino kung magiging CEO naman siya ng kanilang kumpanya
balang-araw. Sinagot ko muna siya ng isang tanong bago ko sagutin ang totoo
niyang tinatanong. “Gusto mo bang maging isang mahusay at mabuting CEO
sa iyong mga manggagawa?” Sa simpleng tanong kong ito, nakita ko ang
pagkunot ng noo at pagsalubong ng kanyang mga kilay. At habang
ipinaliliwanag ko ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino upang
makipag-ugnayan mula sa simpleng manggagawa hanggang sa mga aral at
dalubhasang kasamahan sa kumpanya, nakita ko rin ang unti-unting
pagliwanag ng kanyang mukha. Napalitan ng ngiti at matamis na “Salamat
Ma’am” ang natanggap ko mula sa kanya.
Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong
daan upang magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan.
Kaya kung tatanungin muli ako kung bakit mahalaga ang pagtuturo ng Filipino
sa mga bata, ito ang aking tugon. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sila
ang magtataguyod ng wikang magbubuklod sa ating mga Pilipino at
magpapakita ng kakayahan, kahusayan, at kabutihan nating mga Pilipino. Sila
rin ang magpapamalas sa buong mundo kung gaano kaganda at kayaman ang
ating wika at kultura. Nararapat lamang na matutuhan nila ito.
Mga sanggunian:

A. MGA AKLAT

Badayos, Paquito Ph.D (1999). Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika, Mga


Simulain at Istratehiya. Makati City: Grandwater Publications and
Research Corporation

____________________, (2003). Metodolohiya sa Pagtuturo ng Filipino.


Philippine Normal University, Philippines.

Belvez, Paz M. Ang Sining at Agham ng Pagtuturo. Rex Book Store, Inc.,
20013.

Paz M. Belvez, Ed.D. Sining at Agham ng Pagtuturo: Aklat sa


Pamamaraan ng Pagtuturo ng Filipino at sa Filipino. Rex Book Store, Inc.,
2000.

Sandoval, Mary Ann S. Ph D. at Teresita Semorlan, Ph. D (2013).


Paghahanda ng Instruksyunal na mga Kagamitan (Salik sa Mahusay na
Pagtuturo at Masbisang Pagkatuto. Rex Book Store, Inc., 20013.

Semorlan, Teresita P. 2010. Intruksyunal na kagamitan: Salik sa Mahusay


na Padtuturo at Mabisang Pagkatuto. Iligan City: Departamento ng
Filipino at iba pang Wika, MSU-IIT.

Villafuerte, Patrocinio V. at Rolando A. Bernales. (2008). Pagtuturo ng/sa


Filipino: MGA TEORYA AT PRAKTIKA. Valenzuela City. Mega
Jesta Prints, Inc.

https://isabelgonzales1104.wordpress.com/2015/11/20/wika-mga-teorya-at-pa
niniwala-sa-pagkatuto/

You might also like