You are on page 1of 14

PAANO BA TAYO

NATUTUTO NG WIKA?

Layunin ng Aralin
Naipaliliwanag ang mga aspekto ng
wika na dapat na linangin sa mga
mag-aaral
Natutukoy ang mga salik na dapat
ninyo isaalang-alang upang maging
matagumpay sa iyong pagtuturo

Ano nga ba ang WIKA?

Mga Yugto sa Pagkatuto ng


Wika

Hindi basta ginagaya ng mga bata ang wikang kanilang


naririnig. Pinipili at inaakma nila ang kayarian ng mga bahagi ng
pananalita na makahulugan sa kanila.

Ang mga bata ay active learners at hindi passive learners.

Sinusuring magaling ng mga bata ang wikang naririnig at


pinipili nila ang bahaging may kahulugan sa kanila.

Ang intonasyon ng wika ang unang hulwarang natutuhan ng


mga bata. Mula rito ay pinipili nila ang salita at mga hulwaran
ng mga makahulugang tunog gaya ng: mama, dada, dede.

Sa simula ang mga bokabularyo ng mga bata ay binubuo ng


mga pangngalan, pandiwa, at pang-uri.

Ang mga salitang pangkayarian o function words ay sa bandang


huli na natutunan.

Ang modelong ilalahad sa ibaba ay isang paglalarawan sa


proseso ng pagkatuto ng wika na konsistent sa ilang
pananaliksik (Brooks, Goodman, 1976, Brown at
Bellugi, 1961). Sa modelong ito ang pagkatuto sa wika ay
hinati-hati sa ibat ibang yugto.

Kakikitaan ito ng pagsasanib na ang ibig sabihin ay may


mga bata na pumapasok sa mas mataas na yugto bago pa
man nila namamaster ang mas mababang yugto ng
pagkatuto. Ang pangyayaring ito ay may kinalaman sa
kanilang pagkakaiba. Ang mga edad na inilahad sa bawat
yugto ay may kalkulasyon lamang.

Unang Yugto: PASAMULA (RANDOM)


Sa yugtong ito, ang mga bata ay lumilikha ng mga tunog na
kakailanganin nila sa pagsasalita sa mga darating na araw.
Vocalizing, cooing, gurgling at babbling.
Ang mga tunog na nililikha ng mga bata ay marami at ibaiba at itoy tinatanaw ng mga matatanda bilang ponema.
Babblingbinubuo ng magkakalapit na tunog ng katinigpatinig gaya ng Ma Ma Ma o Da Da Da
Echoic Speech Ang mga ginagayang pagbigkas at
pagsasalita.

Ikalawang Yugto: Unitary

Patuloy na lumilikha ng maliliit na yunit na tunog ang mga bata na


limitado sa isang pantig.

Ang haba ng pagsasalita o likhang tunog ay naayon sa kalikasan ng


pag-unlad na pisikal at pagkontrol sa paggamit ng kanilang
mekanismo sa pagsasalita sapagkat ang mga proseso ng paglinang
ng wika at paggulang (maturation) ay magkasabay na nagaganap.

Holophrastic Speech- Ang paggamit ng mga bata ng isang salita


upang magpahayag ng mga ideya.

Sa gulang na 12 buwan, ang mga bata ay nagsisimula ng sumunod


sa ilang payak na pasalitang pautos tulad ng upo, tayo, atbp. at
mapaghuhulo na maari na silang magsimulang sumagot sa
kabuuang ponemikong konspigurasyon ng mga salita at mga
parirala.

Ikalawang Yugto: Unitary


Ang pagkatuto ng bata ng ponolohiya,
bokabularyo at balarila ay matagal at mahirap
kahit na ang pag-unlad nilang pisikal ay
maoobserbahang mabilis.
Sa una, ang mga salitang binigkas niya ay
masasabing katulad ng mga salita ng
nakatatanda na ipinalalagay na ginaya, pero ang
katunayan, itoy pagpapatibay na maging sa
panahong ito, taglay na ng mga bata ang
kanilang sariling phonemic system kahit na di
pa maayos.

Ikatlong Yugto: Ekspansyon at Delimitasyon


Ang pagsasalita ay umuunlad mula sa isahan o dalawang
pagsasalita hanggang sa maging katulad na ito ng
pagsasalita ng matanda. (18-20 buwan, dalawahang salita)
Dalawang klasing salitang ginamit:
Pivot Class: kalimitay maikli, at ito iyong malimit nilang
bigkasin at maaaring nasa una o ikalawang posisyon. Ang
posisyon ay iyong kinalalagyan ng salita sa isang
pangungusap. Ang ikalawa ay iyong isa pang salita at
tinatawag itong open class. Hal: Kain Mommy, Kain
baby, Kain ato
Pivot Word: Hal: Dede ko, Dede tata, Dede Mama,
Tuya alit, Mommy alit, Daddy alit, alit
Mommy raro

Ikatlong Yugto: Ekspansyon at Delimitasyon

Magiging mabilis ang pagtatamo o pagkatuto ng mga salita kapag


ang kognitibong kalinangan ng mga bata ay humahantong sa
punto ng pagkaunawa sa mga bagay, pangyayari at mga tiyak na
pangalan ng mga ito.

Magiging palatanong na ang mga bata at malimit na maririnig ang


mga tanong na Ano to? Ano yan? at maraming Bakit.

Upang hindi malunod ang mga bata sa yugtong ito ng kanilang


pagsasalita, iwasan ang pagbibigay na maraming impormasyon at
unawaing mabuti ang mensahe ng batang nagsasalita.

Kailangang gumanap bilang mga salbabida ang mga matatandang


nakapaligid sa mga bata.

Ikaapat na Yugto: Kamalayang Istruktural


Upang mailahad nang mahusay ng mga bata ang
kanilang papaunlad at paparaming mga abstraktong
ideya at mga damdamin, kailangang makarating sila sa
yugtong kamalayang instruktural.
Itoy mahalaga upang makabuo sila ng mga paglalahat
at matuklasan nila ang hulwaran at kaayusan sa
pagsasalita.
Habang patuloy na nagiging komplikado ang kanilang
pagsasalita, magagawa nilang magkamali dahil
bumubuo sila ng sariling paglalahat na kung minsan ay
hindi pinapansin ang mga eksepsyon. Hal: nikain vs,
kinain

Ikalimang Yugto: Otomatik


Sa yugtong ito, ang batay nakapagsasabi ng mga
pangungusap na may wastong pagbabalarila
kayat magagawa na nilang maipahayag ang
kanilang ideya at damdamin kagaya ng mga
matatandang tagapagsalita ng wika.
Ang mga batang nasa yugtong itoy may
kahandaan na sa pagpasok sa kindergarten.

Ikaanim na Yugto: Malikhain

Sa yugtong ito, nagagawa ng mga bata na mag-imbento o lumikha


ng sarili nilang wika. Bagamat ang mga pariralang gamit ay mga
dati nang naririnig, nagkakaroon sila ng lakas ng loob dahil
nagagawa na nilang masalita ang ginagamit ng kanilang mga
kaibigan at mga tao sa paligid.

Sa mga natalakay na yugto, malalagom na ang mga bata ay


natututo ng wika sa pamamagitan ng:

1. Pag-ugnay (Pagtambal ng tunay na bagay sa tunog ng salita)


2. Pagpapatibay (Anumang positibong papuri na gaganyak sa isang bata upang
ulitin ang anumang tugon)
3. Panggagaya (Paggagad sa anumang tunog na narinig sa matatanda)
4. Elaborasyon (Pagpapalawak ng isang salita upang makabuo ng pangungusap)

You might also like