You are on page 1of 2

MGA YUGTO SA PAGKATUTO NG WIKA

1. UNANG YUTO: PASUMALA (RANDOM)

- Sa yugtong ito, ang mga bata ay lumilikha ng mga tunog nakakailanganin nila sa pagsasalita sa
mga darating na araw.
- Vocalizing, cooing, gurgling at babbling lamang ang nagagawa ng bata
- Ang mga tunog na nililikha ng mga bata ay marami at iba-iba at itoy tinatanaw ng matatanda
bilang ponema (pinakamaliit na yunit ng tunog sa pagsasalita).
- Binubuo ng magkakalapit na tunog ng katinig-patinig gaya ng Ma Ma Ma o Da Da Da

⮚ Echoic Speech - mga ginagayang pagbigkas at pagsasalita lamang ngunit di naman


nauunawaan ang kahulugan

2. IKALAWANG YUGTO: UNITARY

- Patuloy na lumilikha ng maliliit na yunit na tunog ang mga bata na limitado sa isang pantig.
- Ang haba ng pagsasalita o likhang tunog ay naayon sa kalikasan ng pag-unlad na pisikal at
pagkontrol sa paggamit ng kanilang mekanismo sa pagsasalita sapagkat ang mga proseso ng
paglinang ng wika at paggulang (maturation) ay magkasabay na nagaganap.

⮚ Holophrastic Speech- Ang paggamit ng mga bata ng isang salita upang magpahayag ng mga
ideya. Halimbawa: “sali” na maaring ibig nilang sabihin na “Sali ako” o “ Sali ikaw”

- Sa gulang na 12 buwan, ang mga bata ay nagsisimula ng sumunod sa ilangpayak na pasalitang


pautos tulad ng upo, tayo, atbp. at mapaghuhulo na maarina silang magsimulang sumagot sa
kabuuang ponemikong konspigurasyon ngmga salita at mga parirala.

Ang pagkatuto ng bata ng ponolohiya, bokabularyo at balarila ay matagal at mahirap kahit na ang
pag-unlad nilang pisikal ay maoobserbahang mabilis. Sa una, ang mga salitang binigkas niya ay
masasabing katulad ng mga salita ng nakatatanda na ipinalalagay na ginaya, pero ang katunayan,
itoy pagpapatibay na maging sa panahong ito, taglay na ng mga bata ang kanilang sariling
phonemic system kahit na di pa maayos. Halimbawa: nagrararo (naglalaro), tatain(kakain), at
tatayaw(sasayaw)

3. IKATLONG YUGTO: EKSPANSYON AT DELIMITASYON

- Ang pagsasalita ay umuunlad mula sa isahan o dalawang pagsasalita hanggang sa maging


katulad na ito ng pagsasalita ng matanda. (18-20 buwan, dalawahang salita)
Dalawang klasing salitang ginamit:
⮚ Pivot Class: kalimitay maikli, at ito iyong malimit nilang bigkasin at maaaring nasa una o
ikalawang posisyon.
⮚ Open class - tawag sa isa pang salita kasama ang pivot class

Hal: Kain Mommy, Kain baby, Kain ato ( kain ang pivot word) (mommy, baby, ato(ako) ang
opoen class)
Hal: Dede ko, Dede tata, Dede Mama (dede ang pivot word) (tata, mama, ko ang open class)

4. IKAAPAT NA YUGTO : KAMALAYANG ISTRUKTURAL

Upang mailahad nang mahusay ng mga bata ang kanilang papaunlad at paparaming mga
abstraktong ideya at mga damdamin, kailangang makarating sila sa yugtong kamalayang
istruktural. Itoy mahalaga upang makabuo sila ng mga paglalahat at matuklasan nila ang
hulwaran at kaayusan sa pagsasalita. Habang patuloy na nagiging komplikado ang kanilang
pagsasalita, magagawa nilang magkamali dahil bumubuo silang sariling paglalahat na kung
minsan ay hindi pinapansin angmga eksepsyon. Hal: nikain vs, kinain

5. IKALIMANG YUGTO : OTOMATIK

Sa yugtong ito, ang batay nakapagsasabi ng mga pangungusap na may wastong pagbabalarila
kayat magagawa na nilang maipahayag ang kanilang ideya at damdamin kagaya ng mga
matatandang tagapagsalita ng wika. Ang mga batang nasa yugtong itoy may kahandaan na sa
pagpasok sa kindergarten.

6. IKAANIM NA YUGTO : MALIKHAIN

Sa yugtong ito, nagagawa ng mga bata na mag-imbento o lumikha ng sarili nilang wika. Bagamat
ang mga pariralang gamit ay mga dati nang naririnig, nagkakaroon sila ng lakas ng loob dahil
nagagawa na nilang masalita ang ginagamit ng kanilang mga kaibigan at mga tao sa paligid.
Kaya na ng mga bata na paglaruan ang wika o ba kayay baliktarin ito na naintindihan pa rin ang
kahulugan.

You might also like