You are on page 1of 35

PAGBASA SA

PANAHON NG
PANDEMYA
Isinulat ni: Ilynne San Jose - Samonte

Gabay para sa magulang


Opening
Prayer
Discussion
Kahalagahan
ng Pakikipag-usap
• Ang pakikipag-usap sa isang bata lalo na kung ikaw ang magulang
niya ay sa pinakamabisang paraan upang siya ay matuto ng
maraming mga salita at kung kailan ginagamit ang mga ito.
Hindi natin sila dapat kausapin sa
pautal na paraan.

Tayo ang mga modelo nila ng


tamang pagsasalita kung kaya't
marapat lang na tuwid at maayos
din ang ating pagsasalita. Iwasan
natin ang pag "baby talk"
Kahalagahan ng
Pagbabasa
• Ang paglalaan ng oras ng pagbabasa sa mga bata
GADGET
(maaaring bago matulog) ay malaking tulong
para matutunan nila na ang salita ay binubuo ng
mga letra. Gayudin natutunan nila ang salita ay
binubuo ng mga letra.
• Gayundin natututunan nila ang tamang direksyon
ng mata sa pagbabasa. Higit sa lahat nagkakaroon
ng mas malapit na relasyon ang bata at ang
kanyang mga magulang o gumagabay sa kanya sa
kanyang paglaki.
a. Habang bibabasahan ang mga bata, maaaring ituro ang
ilang salita na gusto mong matutunan niya. Tandaan
lamang na dapat ay angkop sa kanyang edad at
pagkaunawa ang kwento na binabasa mo para sa kanya.
b. Maari ding pagkuwentuhan ninyo ang
nabasa upang malaman kung
naunawaan niya iba ito o kung may mga
bahagi na maaaring idugtong sa
kanyang karanasan. Maaari ding
itanong kung ano ang kanyang
paboritong bahagi, o paboritong
karakter.
c. Pwede ring matuto ang bata ng pabilang.
Ituon ang pansin sa larawan at samahan siya
sa pagbilang o sabayan siya sa gawaing ito.
d. Maaari ding matukoy ang iba't ibang uri
ng kulay muna sa mga larawan.

e. Mahalaga na gumamit ng mga


babasahin na angkop sa kanyang interes
at kakayahan.Maaaring gamitin ang
babasahin mula sa paaralan o di kaya'y
mga kuwento mula sa internet.
Kahalagahan ng Halimbawa
ugnayan • paggawa ng listahan ng
mga maaaring bilhin sa
palengke
Sa mga ordinaryong gawain sa
bahay. Maaari nating isali ang
mga bata.
• tanungin kung saang
letra kaya nagsisimula
ang okra.
Subalit hindi sabay sabay ang progreso o pagkatuto ng mga bata.
Tandaan na mayroong sadyang mabilis matuto at mayroon namang
di nakakasabay. Ang mahalaga ay patuloy tayong kaagapay ng ating
mga anak sa kanilang paglaki at nauunawaan natin na may kanya-
kanyang bilis ng pag-unlad ang bawat bata. Importante rin na alam
natin kung ano ang mga senyales na nagpapakita na ang bata ay
maaaring magkaroon ng kahirapan sa pagkatutong bumasa.
Sa edad na isang taon na natututo nang magsalita
ang mga bata at paunti-unti ay nadadagdagan ang
kanilang nalalamang mga salita. Subalit may mga
batang di sumasabay sa ganitong edad. Maaaring
isa itong senyales na pagdating ng edad na siya ay
Kahirapan sa mag-aaral na ay mahirapan siyang matutong
pagsasalita bumasa. Kung kaya't importante ang unang
binahagi dito na kausapin madalas ang ating mga
anak na may tamang pagbigkas.
Karamihan ng mga sanggol ngayon ay binibigyan na ng
"hearing test" pagkapanganak kung kaya't mas madali
para sa magulang na malaman kung may problema sa
pandinig ang bata. Gayunpaman, importante ring
obserbahan kung malakas ba o mahina ang pandinig ng
bata. Kapag di niya nadidinig ang mga tunog ng letra o
salita, hindi niya ito mabibigkas. Subalit di ito dahilan
Kahirapan sa upang mawalan ng pag-asa. Kung ang isang bata ay may
suliranin sa pagdinig, mayroong Special Education
pagdinig (SPED) Centers ang ating mga pambublikong paaralan
kung saan maaari silang maturuan ng sign language o lip
reading.
Alam natin na may salita na
magkakatunog sa dulo dahil sa
pareho ang mga letra na
bumubuo ng hulihan niyang
Hirap sa pagtukoy bahagi. Halimbawa nito at ang
ng magkakatunog
na salita o rhyming salitang 'bata' na katunog ang
words. 'lata' o kaya ay 'tasa' na katunog
ang 'lasa'.
Ang pagbabasa ay binubuo ng maraming
kakayahan at kinakailangan ang mga
pangunahing kakayahan bago pa matuto ng
pagbasa.
Hirap sa pagkatuto
ng alpabeto,
numero, o mga Ang pagkilala sa bawat letra at tunog nito
kulay at ngalan ng
araw. ay isa na sa mga pangunahing kakayahan na
dapat matutunan ng bata.
Ito ay maaaring senyales ng
hirap niya sa pag-unawa o di
Hirap sa muling
kaya ay pagkakaroon ng mas
pagkukuwento ng maikling atensiyon na di
istorya na nabasa
na. angkop sa kanyang edad.
Narito ang tsart kung saan
makikita ang tamang
pagbigkas ng tunog ng bawat
letra.
Narito ang ilan pang mga
mungkahi na makakatulong sa
inyong anak upang masiguro na
siya ay makakabasa.
• Maglaan ng regular na oras
ng pag-aaral.
Sa pamamagitan nito magkakaroon ng "routine" ang
mga bata at higit na maiiwasan ang pagkalibang niya
sa mga ibang gawain. Siguruhin lamang na ang oras
ding ito na inilaan sa pag-aaral niya ay gaya rin ng
paghahanda kung siya ay pumapasok ng regular sa
paaralan: may sapat na nutrisyon, espasyo at suporta.
• Maaari kayong gumawa ng 'kontrata'
na susundin ninyo ng inyong anak na
may kinalaman sa kanyang
pag-aaral.
2. Gamitin ang lahat ng pagkakataon na
maituro ang alpabeto, tunog ng letra,
numero, kulay, at iba pang mga kakayahan na
maaari nating ituro.
Maaaring gumawa ng mga maliliit na
flashcard gamit ang mga recyclable
materials gaya ng mga karton na
nagpapakita ng mga letra sa malaki at maliit
nitong porma
3.Turuan o sabayan ang mga anak ng mga
awit pambata at nursery rhymes.
• Ang kakayahang ito ay magtuturo sa
kanya ng mga pattern sa mga salita.
Magkakaroon din siya ng mga
karagdagang salita na matututunan at
higit na tatalas ang kanyang memorya.
4. Magbaon ng maraming
pasensiya at pagmamahal!
• Mahalaga na makita nila sa atin
ang wastong pag-uugali na
nasimulan mo na rin naman ituro
buhat nang siya ay isilang.

You might also like