You are on page 1of 2

Angelo Brian L.

Ribleza

2013 14859

Ang Bata at ang kanyang Wika

Ayon sa mga eksperto sa wika, nagsisimulang matuto ng wika ang bata sa sinapupunan ng ina
kapag nakikipag-usap ang ina ng bata sa ibat-ibang tao at naririnig ng bata ang tunog nila. Sa kalaunan,
nagiging pamilyar ang sanggol sa tunog na kanyang naririnig mula sa kanyang kapaligiran. Mas pamilyar
ang sanggol sa tunog na ginagawa ng kanyang mga magulang, lalung-lalo na sa kanyang ina. Kahit alam
na ng sanggol ang tunog ng kanyang wika, walang pa rin siyang kakayahang makipagusap sa mga tao sa
kanyang paligid kaya silay umiiyak bilang isang imboluntaryong aksyon na kadalasay tinutugunan agad
ng kanyang magulang. Ito ang kanilang paraan ng komunikasyon.

Dahil sa kanyang kapaligiran, may kaalaman na sa tunog ang mga sanggol. Gamit itong kaalaman
na ito, may kakayahang ang sanggol na tukuyin kung ay tunog ay galing sa wikang nalalaman niya. Ito ring
kaalaman na ito ang kanilang ginagamit upang tukuyin ang mga tunog na may halaga para sa kanila, tulad
ng mga salita kung ikukumpara sa tunog na ginagawa ng ibang mga hayop. Base sa mga pag-aaral ng mga
linguist, ang mga bata ay may kakayahang pagtugmain ang tono ng boses at ang ekspresyon sa mukha ng
nagsasalita. Isang halimbawa nito ay hindi mapapalagay ang bata kapag nakikita niya na ang nagsasalita ay
mukhang masaya ngunit tunog malungkot ang kanyang boses. Natuklas din sa isang pag-aaral na
naiintindihan ng mga sanggol ang kahalagahan ng pagtingin sa mga mata ng bawat isa kapag
nakikipagusap.

Ang kakayahan ng bata na tukuyin agad ang pagkakaiba ng mga tunog ng ibat-ibang wika ay
nananatili sa kanila sa edad na 6 hanggang 10 buwang gulang. Sa pagitan ng mga edad na ito, kayang
matuto ng bata ng ibat-ibang tunong ng ibat-ibang wika ngunit wala pa silang kakayahan bigkasin ang
mga ito. Mas nalilinang ang kakayahan ng sanggol na makapagsalita ng isang wika kung paulit-ulit niyang
maririnig ang tunog ng wika sa kanyang paligid. Dito papasok ang kahalagahan ng magulang sa pagbuo ng
kaalaman ng bata sa wika. Ang mga magulang, kahit anuman ang kulturang mayroon sila, ay gumagamit
ng paraan ng pananalita ng kanilang wika kung saan sila ay gumagamit ng boses na may mataas na tono at
kadalasan ay mabagal na inuulit-ulit nila ang kanilang mga sinasabi upang ipakita sa bata ang ibat-ibang
tunog ng kanilang wika. Ito ay binansagang parentese.

Hindi lamang limitado ang pakikipagusap ng mga bata sa paggamit nang ibat-ibang tunog.
Natututo ding makipagusap ang sanggol sa pamamagitan ng paggalaw ng ibat-ibang parte ng kanilang
katawan o body language. Isa sa mga madalas na matutunang gesture ng isang bata ay ang pagturo gamit
ang daliri. Ang pagturo ay pagpapaalam sa mga nasa paligid sa isang bagay na maituturing na mahalaga o
importante. Nagagamit din ang pagturo sa pagbibigay ng pangngalan sa isang bagay. Kapag
nagpapangngalan ng isang bagay sa pamamagitan ng pagturo, para sa mga bata, mahalaga na makita ng
bata na nakatingin ang taong nagtuturo sa bagay na tinuturo ng daliri niya. Bukod sa pagturo, may
kakayahan din ang bata na matuto ng sign language. Ayon sa pag-aaral, mas mdaling matuto ng sign
language ang mga bata dahil nabubuo kaagad ang kanilang kakayahang pagalawin ang kanilang katawan,
lalo na ang kanilang mga kamay.

Kahit anuman ang klase ng pakikipagusap na natututunan ng isanng bata, magiging mahalaga ang
panggagaya ng bata sa paraan ng komunikasyon sa kanyang pagkatuto. Hindi lang ito limitado sa wika
dahil ang tunog ay parte lamang ng pakikipagusap. Kahit anuman ang wikang ginagamit sa pakikipagusap,
alam ng sanggol ang daloy ng pakikipagusap.

Sa edad ng espesyalisasyon sa isang wika na kadalasay 1 taong gulang, halos 70 porsyento ng


salitang alam ng bata ay pangngalan dahil mayroon pisikal na representasyon ang mga ito. Ang hugis ng
isang bagay ay importante sa pag-aaral ng isang bata ng salita para dito. Sa edad ng espesyalisasyong ito,
nagkakaroon ang bata ng language explosion kung saan maraming silang salitang natututunan.

Maraming nagsasabi na ang wika ay hindi natural sa tao at natututo lang tayo sa pamamagitan ng
panggagaya sa mga tunog na naririnig natin. Kung ganito talaga ang nangyayari, ayon sa mga linguist at
biologist, kakailanganin natin ng mas malawak na memorya upang maalala lahat ng batas ng gagayahing
pananalita o wika. Ito ang limitasyon ng lenggwahe bilang resulta ng panggagaya. Ito rin ay patunay na ang
wika ay natural sa tao at ito ay lumalawak sa pamamagitan ng pag-uulit ng salita.

You might also like