You are on page 1of 3

Mga Gamit ng Wika ayon kay Halliday

Sa sopistikasyon ng wikang gamit ng tao sa komunikasyon ang nagpapatangi sa


kanya sa mga nilalang sa daigdig at naglalagay sa kanya sa ituktok na antas
(Reyes,2016)
Hindi tulad ng hayop na nakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng paglikha ng tunog,
paggalaw ng katawan, pag-iiba-iba ng kulay o itsura, at iba pa.

Si Michael Alexander Kirkwood Halliday, ang isa sa mga iskolar ng wika na


nagpakadalubhasa pag-aralan ang komunikasyon ng tao. Isinilang siya sa Leeds,
England noong 1925. Pinag-aralan niya muna sa London University ang wika at
panitikang Tsino at saka tumungo ng Tsina para pag-aralan naman ang lingguwistikang
Tsino. Nagtapos siya ng doktorado sa Cambridge University at nagturo sa iba’t ibang
paaralan at naging propesor. Mahigit 170 aklat at artikulo ang kaniyang naisulat.

May tatlong antas ang pag-unlad ng wika ayon kay Halliday (2003), una ang
antas protowika, ikalawa antas transisyonal at ikatlo ang antas maunlad na wika. Upang
mapatunayan at mabuo ang kaniyang teorya at ginamit niyang modelo ang kaniyang
sariling anak na si Nigel.

Tatlong antas ng pag-unlad ng wika ayon kay Halliday (2003)

1. Antas protowika – Ito ang kilos ng sanggol na may tiyak na ibig sabihin at
unang ginagamit ng sanggol upang maintindihan siya ng kaniyang kapwa
habang hindi pa niya kayang magsalita. Upang maintindihan siya ng kaniyang
tagapag-alaga kung nagugutom, nadudumi, naiihi, naiininitan ay gagamitin niya
ang protowika. Ginagamit ito ng sanggol mula pagkasilang hanggang sumapit ng
ika-6 na buwan.

Halimbawa: Inilarawan ni Halliday ang nangyari kay Nigel noong 12 araw pa lang
ito. Ayon sa kaniya iyak nang iyak si Nigel habang naliligo. Tumigil lamang ito sa
kaniyang pag-iyak noong nakita ng kaniyang asawa ang pigsa nito sa siko.
Dali-daling ipinaalam niya ito sa kaniyang asawa sa pamamagitan ng pagtawag
sa telepono. Hindi nawala ang pigsa ngunit tumahan ang sanggol dahil ang nais
lang niya ay maipaalam sa kaniyang ina na mayroon siyang iniindang sugat.

Unang nalilinang sa antas protowika ang unang apat na gamit ng wika, ito ang
mga sumusunod:

1.1 Instrumental (“Gusto ko”) – nagpapahayag ng pangangailangan at


kagustuhan ng isang sanggol na dapat matugunan.

Hal. pag-iyak ng sanggol kapag siya’y nagugutom na upang pasusuhin


1.2 Regulatori (“Gawin mo ang sinasabi ko sa iyo”) – pagpapahayag ng
mensahe na tila kumokontrol sa kilos ng iba.

Hal. pagtataas ng mga braso upang buhatin siya ng kaniyang tagapag-alaga

1.3 Interaksiyonal (“Ako at ikaw”) – upang bumuo ng ugnayan sa ibang tao o


patatagin ang relasyong mayroon sila.

Hal. paghiga ng sanggol sa dibdib ng tagapag-alaga upang iparamdam na


mahal niya ito

1.4 Personal (“Narito na ako”) – ginagamit ng bata ang wika upang ipakilala
kung sino siya.

Hal. kaagad na pagtayo ng isang batang natumba nang sumubok lumakad at


hindi umiyak kahit nasaktan na, ito ay nagpapakita ng kaniyang tapang

Unti-unting mapapalitan ng salita ang mga gamit ng wika na dating ipinahahayag


lamang sa protowika, kapag sumapit na ang sanggol sa susunod na yugto. Halimbawa:
pagsasabi ng “Gatas, Gatas” upang ipahayag na nagugutom siya (Instrumental), “Bili!
Bili! Para pilitin ang tagapag-alaga na sumama sa tindahan at bilhin ang nais niya
(Regulatori), pagsasabi sa kaniyang magulang ng “Mahal kita” upang ipabatid ang
kaniyang pagmamahal (Interaksiyonal), pagsasabi ng “Nay, Darna ako” sabay taas ng
kamay para ipabatid na malakas siya (Personal).

2. Antas transisyonal – ito ang yugtong nagsisilbing tagapamagitan ng antas na


hindi pa makapagsalita ang sanggol at kumikilos pa lamang at ng pinakamataas
na antas o kung sanay na siyang magsalita sa unang wika. Dito ay napapalitan
na ng wikang leksikogramatiko ang wika ng sanggol. Ito ang pagsasama-sama
ng mga salita at magiging mulat sa tamang ayos, kahit paunti-unti at
paputol-putol ang mga ito.

Halimbawa: Sa yugtong ito sinabi ng anak ni Halliday na si Nigel ang salitang


“pusa” na nangangahulugang may nakita itong pusa. Kaya nang maipahayag ni
Nigel ang isang konsepto, gamit ang isang leksikon o salita. Sumunod ay nasabi
na rin ni Nigel ang salitang “Cake” upang ituro ang nakita niyang pagkain at
ipahayag sa kaniyang magulang na gusto niya itong kainin. Sa sitwasyong ito ay
dalawa na ang ibig sabihin ng salita: tinutukoy ang nakitang pagkain at gustong
sabihing nais niya itong kainin. Malaking tulong ang salita sa bata dahil mas
naipahahayag ang kaniyang nais sabihin at nagagawa rin niyang makipag-usap
sa taong kaharap niya.

Nalilinang din sa yugtong ito ang tatlo pang gamit ng wika, ito ang mga
sumusunod:
2.1 Heuristiko (“Sabihin mo sa akin kung bakit”) – paggamit ng bata sa wika
upang pag-aralan ang kapaligirang ginagalawan niya at maunawaan ang
realidad. Ito ang yugtong matanong ang isang bata, tulad ng “Ano iyon?” habang
may itinuturo o “Saan ka pupunta?”

2.2 Imahinatibo (“Kunwari…”) – paggamit ng wika upang makalikha ng isang


mundong kathang-isip, lalo pa at hindi pa hustong matigulang (matured) ang isip
ng bata upang maintindihan ang siyensiya sa kapaligirang ginagalawan: na ito ay
kongkreto dahil sa pisika.
Hal. paglalaro ng bahay-bahayan ng mga bata at pinagkakasunduan kung sino
ang nanay, tatay at anak, pinagkakasunduan din nila ang takbo ng kwento
(“Kunwari, pupunta ako sa palengke upang bimili ng gulay.”)

2.3 Representasyonal o impormatibo (“May sasabihin ako sa iyo”) – ito ang


pinakamalapit sa wika ng matanda dahil sa taas ng talinong kailangan nito. Dito
nakapagpapahayag ng impormasyon ang isang bata at naipapakita niya dito ang
kaniyang paninindigan dahil pinanghahawakan niyang tunay ang kaniyang
sinasabi. Ayon kay Halliday (2003), masasabing nagtapos na ang yugtong
transisyonal kapag alam na alam na ng bata kung paano magpahayag nang
tuloy-tuloy at makipag-usap sa kaniyang kapwa.

Hal. pagkukwento sa magulang ng nangyari sa paaralan o mga napanuod


habang nagkaklase

3. Antas ng maunlad na wika- dire-diretso nang nakapagsasalita ang isang tao


gamit ang kaniyang unang wika. Nakabubuo na rin siya ng mahabang
pangungusap o ng tuloy-tuloy na diskurso. Alam na rin niya kung paano ayusin
nang tama ang sangkap nito (Hal. Pagbuo ng salita, pagsusunod-sunod ng mga
ito, angkop na tono o bantas at iba pa) upang maipahayag sa pinakamabisang
paraan ang nais sabihin. Mas matalas na rin ang kakayahan niyang magsuri at
gumawa ng mga pasiya kaugnay nito, gaya ng pagkatantong may mga bagay
palang hindi alam ng isang matanda kaya kailangang silang sabihihan tungkol
dito. Pinipili rin ng nagsasalita kung alin ang sasabihin at alin ang hindi (Jackson
at Stockwell, 1996).

You might also like