Professional Documents
Culture Documents
Week 1
Paksa:Kahulugan, Katangian at Teorya ng Wika
Ang wika ay gamit sa komunikasyong binubuo ng mga letra at mga panuntunan sa
balarila. Ibig sabihin, ang lahat ng bagay at kaisipang nais nating bigyang anyo ay
kinakatawan ng wika komunikasyon. Ito ay nagagamit ng tao sa iba’t ibang
pagkakataon sa buhay gaya ng: pakikiharap sa kapwa (social relation), hangaring
political (political ambition), pagtatamo ng karunungan (education), at pakikitungo sa
Lumikha (spiritual relation)
Ayon kay HENRY GLEASON:
“Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog sa paraang arbitraryo
na ginagamit sa pakikipag-komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura”.
Ang arbitraryo ay pagsasaayos ng mga tunog sa paraang pinagkasunduan ng pangkat
ng mga taong gumagamit nito. May mga salita sa ibang lugar na iba ang kahulugan o
katawagan sa ibang bahagi.
1. Tipolohikal na klasipikasyon
A. Ang panuring ay dapat na malapit sa salitang tinuturingan.
Halimbawa:
1) Higit na maunlad ang lungsod ng Naga kaysa sa lungsod ng Iriga.
2) Ang LGU ng lungsod ng San Pablo ay laging tumutulong sa mga mamamayang
nangangailangan ng kawanggawa.
2. Genetic na Klasipikasyon
Ang klasipikasyong ito ay nakabatay sa pag-unlad ng wika. Ang pangkat ng mga wikang
nagmula sa iisang ninuno ng mga wika ay maituturing na kabilang sa iisang pangkat.
Ang Pinagmulan ng Wika
Ang kakayahang ito na matutunan at magamit ang wika ay bahagi ng gampanin ng utak
ng tao na gumagana bilang isang kasangkapan sa pagkatuto ng wika. Tinatawag ito ni
Chomsky na Language Acquisition Device (LAD).
1.Biblikal na Batayan
Genesis 2:20 na binigyan ng Diyos si Adan ng tungkuling pangalagaan ang lahat ng
nilikha sa mundong ibabaw. Kabilang sa tungkuling ito na pangalagaan ang lahat ng
nilalang sa daigdig. Ito ay nagpapatunay na may likas na kakayahan ang tao na
gumamit ng wika.
“Tore ng Babel”
2. Natural Evolution Theory
Sa punto ng ating ebolusyon, ipinakita na nadedebelop sa tao ang utak dahil ang
paglikha at paggamit ng wika ay natutunan. Malinaw na nag-ebolb ang kakayahan ng
isang tao sa wika. Kapag nahuhubog na ang bayolohikal at nyurolohikal na kakayahan
sa wika, ang pagbibigay depenisyon o kahulugan sa mga ito ang susunod na
matututunan tao.
Ulo: ang pagtango ay ginagamit para sa affirmative na pahaayg at pag-iling naman nito
sa negative o di-pagsang-ayon o kaya’y pagtanggi.
Balikat: Ang pagkibit-balikat ay ginagamit upang magpahayag ng kawalan niya ng
pakialam o kaya’y wala siyang alam sa pinag-uusapan o itinatanong sa kanya.
Kamay: Sa pagkumpas ng kamay naipahahayag naman ang kanilang pagtawag,
pagnanais tumugon o dahil siya’y may kailangang linawin sa pinag-uusapan.
kalikasan tulad ng:
3. Bow-Wow
Sa teoryang ito, pinaniniwalaang ang wika ay nabuo dahil sa panggagaya sa mga
tunog ng mga hayop.
4.Ta – ta
Ang teoryang ito ay likha ni Charles Darwin sa paniniwalang ang wika ay nag-ugat sa
mga kilos at pagkumpas kasabay ng pagbuka ng bibig. Kaya ang wika ay nadedebelop
hango sa kumpas na ginagaya ng ating bibig (first words were lip icons of hand
gestures) Ang “TA – TA” ay galing sa salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “goodbye
o paalam”.
5. Toeryang Yum – yum
Mga salita itong nalilikha ng tao sa bawat panahon tulad ng:
Lispu - pulis erpat - ama
Jaguar - guwardiya mano’ - kapatid ng lalaki
Atik - kita mana’ - kapatid na babae
6. Yo-he-yo
Pinaniniwalaang natutong magsalita ang tao bunga ng kanyang puwersang pisikal lalo
na sa mga pagkakataong puwersahang magbubuhat ng mabigat na bagay, sumusuntok
at maging sa panganganak ng ina.
7. Teoryang Ta-ra-ra-bom-de-ay
Ito ay may kinalaman sa gawaing ritwal na kung saan, ang pakikidigma, pangingisda,
pagluluto, paglalaba, paggamot ng albularyo, paglilinis ng bahay ay sinasabayan ng
pag-awit, sayaw, bulong o incantations at pagsigaw.
8. Teoryang Primmitichus (Hari ngEhipto)
Ayon sa kanya, natututong magsalita ang tao kahit wala itong naririnig na wikang
sinasalita sa kanyang paligid.
May 2 sanggol ang binukod upang malaman kung anong wika ang kaniyang
masaslita.Mula sa pag-aaral na ito, ang unang wika na nabigkas ng dalawang sanggol
ay “BEKOS” na wikang Pyrygean na ang ibig sabihin ay “bread” o tinapay.
1937
Jamie C. De Veyra Tagapangulo (Bisaya-Samar)
Cecilio Lopez Kalihim at Punong Tagapagpaganap Tagalog
Santiago Fonacier Kagawad Ilocano
Casimiro E. Perfecto Kagawad Bikol
Hadji Butu Kagawad Muslim
Filimon Sotto Kagawad Cebu-Hiligaynon
Felix Salas Rodriquez Hiligaynon Kagawad Hiligaynon
Tagalog ang halos nakatutugon sa hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184 kung kayat
itinagubilin na pagtibayin na ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ng
Pilipinas.
1. Mas marami ang nakapagsasalita at nakauunawa ng Tagalog kumpara sa ibang
wika.
2. Mas madaling matutunan ang Tagalog kumpara sa ibang wikain sapagkat sa wikang
ito, kung ano ang bigkas ay siyang sulat.
3. Tagalog ang ginagamit sa Maynila at ang Maynila ang sentro ng kalakalan sa
Pilipinas.
4. Ang wikang Tagalog ay may historikal na basehan sapagkat ito ang wikang ginamit
sa himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio.
5. May mga aklat na pangramatika at diksyunaryo ang wikang Tagalog Dahil sa
pagsusumikap na ito ni Pangulong Manuel L Quezon na magkaroon tayo ng
pagkakakilanlan, siya ay hinirang na "Ama ng Wikang Pambansa."
1940
Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, ang pangulong Manuel L. Quezon
ay pinahintulutan ang pagpapalimbag ng Diksyunaryong Tagalog-Ingles at ng
Balarila ng Wikang Pambansa. Sa kautusan ni Kalihim George Bocobo, ipinag-utos
niya na ituro ang wikang Pambansa sa mga paaralang pampubliko at pampribado.
Sa taon ding ito pinagtibay na ang wikang Pambansa ay isa nang wikang opisyal ng
Pilipinas
1959
Sa bisa ng kautusang Pangkagawaran Blg.7, ipinag-utos ng Kalihim Jose Romero
ng kagawaran ng Edukasyon na kailan ma'y tutukuyin ang wikang pambansa, ang
salitang PILIPINO ang siyang gagamitin.
1970
Batay sa resolusyon Bilang 70, ang wikang pambansa ay naging wikang panturo
sa elementarya, kolehiyo at unibersidad.
1972
Batay sa Kautusang Panlahat Blg. 17 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos,
ipinag-utos niya na limbagin sa Pilipino at Ingles sa Oficial Gazette at gayon din sa
mga pahayagang may malawak na sirkulasyon bago idaos ang plebesito para sa
ratipikasyon ng Saligang Batas.
1973
Sa, ganito ang nakasaad. Ang saligang batas na ito ay dapat ipahayag sa wikang Ingles
at Pilipino, ang dapat na mga wikang opisyal at isalin sa bawat dayalektong sinasalita
ng mahigit na limampung libong taong-bayan, at sa Kastila at Arabic. Sakaling may
hidwaan, ang tekstong Ingles ang mananaig.
1974
Nilagdaan ng Kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang
Pangkagawaran Blg.25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng
Patakarang Edukasyon bilang bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula taong aralan
1974-1975.
1978
Nilagdaan ng kalihim Juan L. Manuel ng edukasyon ang kautusang Pangministri
Blg. 22 na nagtatadhana na ang Filipino ay bahagi ng kurikulum na pangkolehiyo,
simula sa unang Semestri nang taong 1979-1980. Ituturo ang anim na yunit ng Filipino
sa kolehiyo at 12 na yunit sa mga kursong Edukasyon sa lahat ng mataas na
edukasyong institusyon.
1986
Nang sumiklab ang Edsa Rebolusyon noong Pebrero 25, sa taong ito, nang maluklok
ang pangulong Corazon C. Aquino bilang pangulo ng Pilipinas ay nabagong muli
ang konstitusyon.
1987
Sa Konstitusyon ng Pilipinas, Artikulo XIV, Seksyon 6-9, binigyang diin ang tungkol sa
wika.
Sek. 6
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang- ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang
wikang panturo sa sistemang pang-edukasyon.
Sek. 7
Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo ang mga wikang opisyal Ng Pilipinas ay
Filipino at hanggat walang itinadhana ang batas, Ingles. Ang mga Wikang panrehiyon
ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga
wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at Opsyunal ang Kastila at Arabic.
Sek. 8
Ang konstitusyong ito ay dapat na ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat Isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
Sek. 9
Itatatag ng kongreso ang isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng ibat ibang rehiyon at larangan ng karunungan na magsasagawa,
makikipag-ugnayan at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga
wika, para mapaunlad, mapalaganap at mapangalagaan ang mga wikang ito. Sa taong
din ito ipinag-utos ng Kalihim ng Edukasyon, Kultura at Palakasan, Lourdes R.
Quisumbing, sa Kautusan Big.52 ang paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa
lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng paggamit ng Ingles na nakatakda sa
patakaran ng Edukasyon Bilinggwal.
1. Komunikasyong Berbal
Ang komunikasyong ito ay ginagamitan ng wika na maaaring pasulat at maaari rin
namang pasalita. Sa uring ito ng komunikasyon nakatuon ang pansin sa pag-aaral ng
maraming asignaturang Filipino.
2. Komunikasyong Di-berbal
Kinasasangkutan naman ng mga kilos o galaw ng katawan ang uri ng komunikasyong
ito. Karaniwang binibigyan ng interpretasyon ang mga senyas upang maisakatuparan
ang proseso ng komunikasyon.
Anyo ng Komunikasyon
1. Intrapersonal na komunikasyon
Hindi kabaliwan ang pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang sarili. Ito ay isang uri ng
pagmumuni-muni upang makabuo ng isang nararapat na desisyon.
2. Interpersonal na komunikasyon
Ang interpersonal na komunikasyon ay ang ugnayang komunikasyon ng isang tao sa
iba pang tao. Nagaganap dito ang paikot na proseso ng komunikasyon kung kayat
hayag na hayag ang tugon o feedback.
3. Komunikasyong Pampubliko
Ang komunikasyong pampubliko ay ang ugnayang komunikasyon sa pagitan ng isang
tao at dalawa o higit pang katao. Sa pamamagitan nito, ipinararating ng tagapaghatid
ng mensahe o isang indibidwal ang kanyang mensahe sa dalawa o higit pang katao
subalit umaasa ang una para sa isang tugon. Linyar ang komunikasyon sa
komunikasyong pampubliko. Ang ibig sabihin, natatapos ang komunikasyon kapag
naiparating na nagpapadala ng mensahe ang kanyang mensahe sa kanyang mga
tagapakinig.
4. Komunikasyong Pangmadla
Maihahalintulad sa komunikasyong pampubliko ang komunikasyong pangmadla sa
kadahilanang parehong linyar ang komunikasyong namamagitan sa kanilang dalawa.
Nagkaiba lamang ang mga ito sa kasangkapang gamit sa pagpapadala ng mensahe.
Direktang pakikipag-usap sa tao ang sangkot sa komunikasyong pampubliko,
samantalang gumagamit pa ng kagamitang pangkomunikasyon sa komunikasyong
pangmadla.
Elemento ng Komunikasyon
1. Ang tagapaghatid ng mensahe (sender) - Nagsisimula ang proseso ng
komunikasyon sa tagapaghatid (sender) na tinatawag na communicator o
source.
2. Ang tagatanggap ng mensahe - Tinatawag na tagatanggap (receiver) or
interpreter ng mensahe ang taong tumatanggap ng mensahe sa buong proseso
ng komunikasyon
3. Ang Mensahe - Ang mensahe ay tumutukoy sa impormasyon na nais
maiparating ng tagapaghatid (sender) sa tagatanggap (receiver).
4. Daluyan (Channel ng komunikasyon) - Ang daluyan o channel ng
komunikasyon ay tumutukoy sa paraan kung paanong ang mensahe ay
maipahahatid nang buong husay mula sa tagapaghatid (sender) tungo sa
tagatanggap (receiver).
5. Tugon (Feedback) - Tugon o feedback ang pinakapinal na punto upang masabi
6. Ingay (Noise/Barrier) - Ang ingay ng komunikasyon ay hindi lamang tumutukoy
sa naririnig ng tainga kundi anumang nakaaapekto sa buong sistema o proseso
ng komunikasyon.
Konteksto (Context)
Bukod sa mga nabanggit na elemento ng komunikasyon, mahalaga rin na malaman ng
mga mag-aaral ang iba't ibang konteksto o pagtingin sa komunikasyon.
1. Pisikal - Ang oras at lugar na pinagdarausan ng isang pangyayari ay
mahahalagang konteksto ng komunikasyon. Maaari itong kasangkutan ng aktwal
na lugar, oras, ilaw, antas ng ingay at mga kaugnay na salik.
2. Sosyal - Ang sosyal na konteksto ng komunikasyon ay tumutukoy sa mga
personal na ugnayan ng mga kalahok sa komunikasyon
3. Kultural - Ang kultural na konteksto ng komunikasyon ang isa sa
pinakamahalagang salik na nakaaapekto sa buong proseso ng komunikasyon.
4. Sikolohikal - Tinutukoy ng sikolohikal na konteksyo ang ang mood at ang
emosyon ng mga kasangkot sa buong proseso ng komunikasyon.
5. Historikal - Tinutukoy ng historical na konteksto ang mga inaasahan ng bawat
kasali sa proseso ng komunikasyon batay sa mga kaganapang nangyari sa mga
nakaraan.