You are on page 1of 6

Wika: Panimulang Kaalaman

A. Wika,Katuturan at Katangian
Ang wika ang buhay ng tao. Ito ang pangunahin mong kasangkapan upang
maipahayag ang iyong kaisipan at saloobin. Kung may impormasyon ka mang nais
sabihin sa iba, o may anumang pagtutol o reklamong nais ipahayag, o may damdaming
nais ipagtapat, o may pasalita o pasulat na pahayag na nais suriin, wika ang magsisilbi
mong instrumento.
Ang wika ang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan, sa
pamamagitan nito ay maaaring matamo ng tao ang mga instrumental at sentimental
niyang pangangailangan (Constantino, 1996).
Nabigyang-kahulugan na ang wika sa iba't ibang paraan. Pinakatampok sa mga ito ang
sinabi ni
Gleason (1961) na ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa
isang kultura. Ayon naman kay Constantino (1996), ang wika ang siyang pangunahing
instrumento ng komunikasyong panlipunan; sa pamamagitan nito ay maaaring matamo
ng tao ang kaniyang instrumental at sentimental na mga pangangailangan. Ayon kay
Salazar (1996), ang wika ang ekspresiyon, ang imbakan-hanguan at agusan ng kultura
ng isang grupo ng tao, maliit
man o malaki, na may sarili at likas na katangian.

Ang mga sumusunod ay mga katangian ng wika:


1. Ang WIka ay tunog. Unang natututuhan ang wika sa mga tunog na naririnig, hindi sa
mga titik na nababasa. Mahalaga ang nasabing tunog sa batang namumulat sa
kaniyangunang wika o sa sinumang natututo ng pangalawang wika sa anumang edad
dahil narerehistro ito sa kaniyang isip, sa tinatawag na language acquisition device o
LAD, na siya niyang nagagaya at nabibigkas.
2. Ang wika ay arbitraryo. Hindi magkakatulad ang tuntuning sinusunod ng mga wika
sa pagbuo ng salita at sa pagkakabit ng kahulugan sa mga salitang iyon: Maaari itong
mag-iba-iba, depende sa natatanging kalikasan ng bawat wika. Halimbawa, sa Tagalog,
nagkasundo ang mga nagsasalita nito na kapag sinabing “langgam," tumutukoy ito sa
maliit na insektong pula o itim. Sa mga Bisaya naman ang napagkasunduang
kahulugan ng langgam ay ibon. Hindi masasabi ng una na sila ang may tamang
kahulugan at bise-bersa dahil may kani-kaniyang kayarian sa pagpapakahulugan sa
mga salita ang bawat lingguwistikong komunidad.
3. Ang WIka ay masistema. Ang wika ay may tiyak na ayos na sinusunod upang
makabuo ng kahulugan at maunawaan. Halimbawa, kung nais mabuo ang konsepto ng
pook na tinitirhan, ang salitang "bahay" ay dapat ayusin sa eksaktong paraan. Nauuna
ang ponemang /b/ na susundan ng /a/, h, /a at /y/. Kapag nagulo ang ayos na ito,
halimbawa’y naging “baahy”,o “bhaay”, hindi mabubuo ang konseptog nais mabuo at
maipaunawa ito sa kausap.Masistema rin ang wika dahil bukod sa may tuntuning
panggramatika ang bawat wika,may pagkakabaitang-baitang din itong sinusunod upang
mapalawak ang pagdidiskurso---nagsimula sa mga tunos, susundan ng titik,
salita,parirala,pangungusap,sugnay,talata, at iba pa.
4. Ang wika ay sinasalita. Ang pagsasalita ay isang mabilis na paraan upang
makapagpahayag ng kaisipan o saloobin. Ito rin ang pinakakaraniwang paraan sa
pagsasalin ng impormasyon. Iba't ibang bahagi ng katawan ang responsable sa
pagpoprodyus ng tunog, gaya ng baga na pinanggagalingan ng hangin, vocal cords na
nagpoproseso ng hanging iyon upang maging tunog, at bibig o ilong na nagmomodipika
ng tunog upang maging naiintindihang salita. Ang pinsala sa alinman sa mga bahaging
ito na gamit ng katawan sa pagsasalita, halimbawa ay ang pagkakaroon ng singaw,
bungi o bingol, ay makaaapekto rin sa kalidad ng pagsasalita.
5. Ang wika ay kabuhol ng kultura. Ayon kay Salazar (1996), ang wika ang "impukan-
kuhanan ng isang kultura. Dito natitipon ang pag-uugali, isip at damdamin ng isang
grupo ng tao. Ang wika ang gamit ng tao sa pagpapangalan ng anuman sa mundong
kaniyang ginagalawan, hal., ang tawag niya sa kaniyang diyos; sa kaniyang mga
magulang, kapatid, at anak, at sa relasyon niya sa bawat isa; sa kaniyang ikinabubunay
at sa bawat kasangkapang gamit doon; sa mga sakit at gamot, sa kalagayan ng
panahon o kalikasan; at iba pa.
6. Ang Wika ay nagbabago. Dahil dinamiko ang wika, nagbabago ito dahil sa
impluwensya ng panahon at kasaysayan. Malayo na sa dalisay na pananagalog nina
Balagtas ang wikang Filipino sa kasalukuyan, na pinayaman ng mga salitang banyag at
hango sa iba't ibang wika sa Pilipinas. May mga nadagdag at nawala na sa bokabularyo
at kahit ang gramatika at ortograpiya ay pana-panahon ding nababago.
7. Ang Wika ay may kapangyarihang lumikha. Ayon kay Ferdinand de Saussure
(1983),ang isang ideya (sign) ay binubuo ng salitang kumakatawan dito (signifier) at ng
konseptong kaakibat nito (signified). Halimbawa, upang mabuo ang ideya ng isang
panulat na ang paglabas ng tinta ay kontrolado ng isang maliit na bolitas na umiikot sa
dulo nito, nilikha ang salitang “bolpen”. Ang “bolpen” ang signifier samantalang ang
pagiging panulat nito ang signified. Dahil sa kakayahan ng wikang bihagin ang isang
konsepto at ilagay ito sa isang salitang magsisilbi nitong pananda, nagkakaroon ng
kapangyarihan ang wikang lumikha nang lumikha ng salita sa ioa no ibat-ibang antas,
mapapormal o balbal. Malikhain din ang wika dahil nagagamit ito sa paggawa ng iba’t
ibang pahayag, diskurso, o panitikan, pasalita man o pasulat, gaya ng tula, maikling
kuwento,sanaysay. dula, nobela, talumpati, balita, batas, mga alituntunin, at marami
pang iba.
8. Ang wika ay may kapangyarihang makaapekto sa kaisipan at pagkilos. Ang wika
ang anyo at paraan ng kapangyarihan. Ito ang gamit ng nasa itaas upang ipakilala ang
kaniyang awtoridad at ipailalim ang mga taong nakabababa sa kaniya. Ito rin ang gamit
ng mga nasa ilalim upang ipahayag ang pagtutol o paglaban sa naghaharing-uri kapag
umaabuso ito sa kapangyarihan. Halimbawa, sa isang pamahalaan o organisasyon,
ang isang Pinuno ay maaaring gumamit ng wikang nagpapasiya, nag-uutos, o nagagalit
upang ipakilalang siya ang may kapangyarihan.
B. Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika
Malinaw na ipinahahayag sa Bibliya na ang wika ay kaloob ng Diyos. Sa mga
relihiyoso, walang duda ito. Napakarami at napakasalimuot nga naman ng mga wika at
halos kung hindi man perpekto ang pagkakaayos ng mga wika sa daigdig. Walang
makagagawa nito kung hindi ang Maylalang ng lahat. Sa Bibliya pa rin, isinasalaysay
kung paanong mula sa isang wika, ang mga tao sa daigdig ay nagkaroon ng iba't ibang
wika.
May iba't ibang teorya na nagtatangkang ipaliwanag kung paano nagkaroon ng
wika ang tao. Karamihan sa mga ito ay may kakatwang katawagan na inimbento nina
Muller at Romanes noong huling bahagi ikalabindalawang siglo. Dinagdagan din ito ni
Boeree ng ilang teorya. Pag-aralan natin ang mga teoryang ito.

1. Teoryang Bow-wow. Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula
sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay
kulang na kulang sa mga bokabularyon o
magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang
tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil ito ang dahilan
kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing
insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa lamang magsalita. Hindi ba't nagsisimula
sila sa panggagaya ng mga tunog, kung kaya't ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa
pusa ay miyaw. Ngunit kung totoo ito, bakit iba-iba ang tawag sa aso
halimbawa sa iba't ibang bansa gayong ang tunog na nalilikha ng aso sa
Amerika man o sa Tsina ay pareho lamang?
2. Teoryang Pooh-pooh. Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito,
nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad
ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan,takot, pagkabigla at iba pa. Pansinin nga naman ang
isang Pilipinong napapabulalas sa sakit. Hindi ba't siya'y napapa-Aray!. Samantalang
ang mga Amerikano ay napapa-ouch! Ano'ng naibubulalas natin kung tayo'y
nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?
3. Teoryang Yo-he-ho. Pinaniniwalaan ng lingguwistang si A.S. Diamond (sa Boeree,
2003) na ang tao ay natutongmagsalita burnga diumano ng kanyang puwersang pisikal,
Hindi nga ba't tayo'y nakalilikha rin ng
tunog kapag tayo'y nag-eeksert ng puwersa. Halimbawa, ano' ng tunog ang nililikha
natin kapag tayo'y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo'y sumusuntok o
nangangarate o kapag ang mga ina ay
nanganganak?
4. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay. Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay
may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani,
pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo
at pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw at
incantation o mga bulong.
5. Teoryang Ta-ta. Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao
na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi
ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna'y magsalita. Tinatawag itong ta-ta
na sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang
isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at
pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang
ta-ta.
6. Teoryang Ding-dong. Kahawig ng teoryang bow-wow, nagkaroon daw ng wika ang
tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-
bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang
kung hindi maging sa mga bagay na likha ng tao.
7. Teoryang Mama. Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling
pantig ng pinakamahahalagang bagay. Pansinin nganaman ang mga bata. Sa una'y
hindi niya masasabi ang salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing
salita ang pinakamahalaga di-umano, una niyang nasasabi ang mama bilang panumbas
sa salitang mother.
8.Teoryang Sing-song. Iminungkahi ng lingguwistang si Jesperson na ang wika ay
nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-
emosyonal. Iiminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita
ay sadyang mahahaba at musikal at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng
marami.
9. Teoryang Hey you! Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng lingguwistang
si Revesz na bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang
wikay. Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng
pagkakakilanlan (Ako!l) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang
pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!).
10. Teoryang Coo Coo. Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na
nalilikha ng mga sanggol. Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda
bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami
na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.
11. Teoryang Yum Yum. Katulad ng teoryang ta-ta, pinag-uugnay ng teoryang ito ang
tunog at kilos ng pangangatawan. Katulad halos ng teoryang ta-ta ang paliwanag ng
mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng wika.
12. Teoryang Babble Lucky. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga
walang kahulugang bulalas ng tao. Sa pagbubulalas ng tao sinuwerte lamang daw siya
nang ang mga hindi sinasadya at walangkabuluhang tunog na kanyang nalikha ay
naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.
13. Teoryang Hocus Pocus. Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan
ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng
pamumuhay ng ating mga ninuno. Maaari raw kasing noo'y tinatawag ng mga unang
tao ang mga hayop sa pamamagitan ng nga mahikal na tunog na kalaunan ay naging
pangalan ng bawat hayop.
14. Teoryang Eureka. Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw
na ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang
ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis
na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga
bagay-bagay (Boeree, 2003).
Alin sa mga teoryang ito ang wasto? Hindi natin matutukoy. Kaya nga teorya ang
tawag sa mga ito, mga haka-haka lamang na mahirap patunayan at husgahan. Ang
pagpipilit na ang isa ang tama ay tiyak na hahantong lamang sa walang hanggang
pagtatalo. Bawat teorya ay may sari-sariling kalakasan at kahinaan na maaaring
maging batayan upang ating paniwalaan o di kaya'y tanggihan. Magkagayon man,
mahalaga ang bawat isa sa pagtalakay sa pinagmulan ng wika.

You might also like