You are on page 1of 3

TAKDANG ARALIN 1

BARRIGA, JILLIAN FILIPINO 1 09/07/22

STEM C-11 BRILLIANCE MS. CHANDA GONZALES

I. Kahulugan ng Wika

“Ang wika ay isang masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinipili at isinisaaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang o kasapi sa isang kultura o lipunan.” – Henry Gleason

II. Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika

1.TEORYANG BOW -WOW

Ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok at huni ng ibon.
Ginagaya naman daw ng tao ang tunog ng kalikasan at paligid gaya ng ihip ng hangin, patak ng ulan at
langitngit ng kawayan.

2. TEORYANG DING DONG

Lahat ng bagay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang
ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabago-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.

3. TEORYANG DING DONG

May sariling tunog na kumakatawan sa lahat ng bagay sa kapaligiran. Tinawag din ito ni Max Muller na
simbolismo ng tunog. Halimbawa: tsug- tsug ng tren, tik- tak ng orasan.

4. TEORYANG POOH -POOH

Nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig, napabubulalas ang mga tunog ng
pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas.

5. TEORYANG TA-RA-RA- BOOM DE AY

Ang wika ng tao ay nag –ugat sa mga tunog na kanilang nilikha sa mga ritwal na kalauna’y nagpapabagu-
bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Halimbawa: pagsayaw, pagsigaw at incantation o mga
bulong na ginagawa tuwing makikidigma, pagtatanim at iba pa.

6. TEORYANG SING-SONG

Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa


sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas- emosyunal. Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya,
ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng
marami.

7. TORE NG BABEL

Teoryang nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Nagkaroon ng panahon kungsaan ang wika ay iisa
lamang. Napag-isipang magtayo ng isang tore upang hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan ang
Panginoon. Nang malaman ito ng Panginoon, bumababa Siya at sinira ng tore. Nang nawasak na ang
tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya
na sila at kumalat sa mundo.

8. TEORYANG YOO HE YO

Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S Diamond (2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano
ng kanyang puwersang pisikal.

9. TEORYANG TA -TA

Ayon sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na
okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita.
Tinatawag itong ta-tana sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang
isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng
pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.

10. Teoryang Mama

Nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman
ang mga bata. Sa una’ y hindi niya masasabi ang salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng
nasabing salita ang pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa
salitang mother.

11. Teoryang Hey you

Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao
ang wika. Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at
pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!).
Tinatawag din itong teoryang kontak.

12. Teoryang Coo Coo

Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol. Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng
mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay- bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami
na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.

13. Teoryang Babble Lucky

Ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao. Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte
lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at walang kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay
naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.

14. Teoryang Hocus Pocus

Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga
mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno. Maaari raw kasing noo’y tinatawag
ng mga unang tao ang mga hayop sa pamamagitan ng mga mahikal na tunog na kalaunan ay naging
pangalan ng bawat hayop.

15. Teoryang Eureka!


Sadyang inimbento/nilikha ang wika ayon sa teoryang ito ayon kay (Boeree, 2003).Maaari raw na ang
ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga
tiyak na bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at
naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay- bagay.

III. Daluyan ng Pagpapakahulugan


1. Tunog- Ang lahat ng wika ay nagsisimula sa tunog mula sa paligid, sa kalikasan, at sa mismong
tunog na likha sa pagbigkas ng tao
2. Simbolo- Binubuo ito ng biswal na larawan, guhit, o hugis na kumakatawan sa isa o marami pang
kahulugan.
3. Kodipikadong Sulat- Paglitaw ito ng sistema ng pagsulat tulad ng Heiroglyphs sa sinaunang
Ehipto, at mga Alpabetong Griyego at Romano. Sa ating bansa, nandiyan ang Baybayin ng mga
Tagalog at Buhod ng mga Mangyan sa Mindoro.
4. Galaw- Ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamay, at galaw ng katawan o bahagi ng katawan na
nagpapahiwatig ng kahulugan o mensahe.
5. Kilos- Tumutukoy sa ano ang ipinapahiwatig ng isang ganap na kilos ng tao.
IV. Gamit ng Wika
1. Talastasan- Pangunahing kasangkapan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Pangunahing
instrumento sa pagkakasundo.
2. Lumilinang ng Pagkatuto- Ang mga naisulat ng akda ay pinapagaralan at sunusiri para sa
paglinang ng kaisipan.
3. Saksi sa Panlipunang Pagkilos- Wikang Tagalog ang nagpalaya sa mga Pilipino at nagbuklod sa
ating kasarinlan.
4. Lalagyan o Imbakan- Isang hulugan, imbakan, taguan, o deposito ng kaalaman ang wika ng isang
bansa. Ingatan ang mga tradisyong nakalagak ditto.
5. Tagapagsiwalat ng Damdamin- Wika ang ginagamit sa pagpapahayag ng damdamin tulad ng pag-
ibig, pagkagalit at pagkapoot.
6. Imahinatibong Pagsulat- Ginagamit ang wika sa paglikha ng mga tula, kwento, at iba pang
akdang pampanitikan na nangangailangan ng malikhaing imahinasyon.
V. Katergorya at Kaantasan ng Wika

1. Pormal - wika na ginagamit ng higit na nakakarami, sa pamayanan, bansa, o isang lugar.

a. Pambansa- ito ang wikang ginagamit sa pamahalaan at paaralan.

b. Pampanitikan- ito ang wikang ginagamit ay matatalinghaga at masining na kadalasanng gamit


sa iba’t ibangakdang pampanitikan.

2. Di-pormal - wika na karaniwan at gamit sa kaswal na usapan araw-araw.

a. Panlalawigan- Dayalekto o karaniwang sinasalita sa isang rehiyon.

b. Kolokyal- ito ay nagmula sa pormal na mga salita na naglaon ay naasimila na dala ng mga
taong gumagamitnito.

c. Balbal- umusbong ang mga salitang ito sa mga lansangan at kadalasang ginagamit ng masa
ngunit ng lumaonay ginamit na rin ng ibang tao

You might also like