You are on page 1of 17

Filipino Major

Lunes, Marso 12, 2012

KAHULUGAN NG WIKA
-kalipunan ng mga salita na ginagamit ng isang lipunan.

1. KAPANGYARIHAN NG WIKA
a. ANG WIKA AY MAAARING MAKAPAGDULOT NG IBANG
KAHULUGAN
-anumang pahayag ng isang interlokyutor ay maaaring makapagdulot ng
ibang kahulugan o interpretasyon sa mga tatanggap ng mensahe nito.
b. ANG WIKA AY HUMUHUBOG NG SALOOBIN
-sa pamamagitan ng wika,nagagawa ng tao na hayagang alisin ang mga
negatibong paniniwala na sa kanyang palagay ay hindi makapagdudulot ng
mabuti sa kanyang kapwa.
c. ANG WIKA AY NAGDUDUDLOT NG POLARISASYON
-ito ay ang pagtanaw sa mga bagay sa magkasalungat na
paraan.Halimbawa nito ay masama at mabuti,mataas at mababa,pangit at
maganda at iba pa.
d. ANG KAPANGYARIHAN NG WIKA YA SIYA RING
KAPANGYARIHAN NG KULTURANG NAKAPALOOB DITO
-kailanman ay hindi maikakaila na kakambal ng wika ang kultura.
2. GAMPANIN NG WIKA
a. IMPORMATIB
-ang wika ay impormatib kung nagagawa nitong makapaglahad ng
impormasyon tungo sa tagatanggap nito.
Hal: Si Leo Oracion ang kauna-unahang Pilipinong nakaakyat sa tuktok
ng Bundok Everest na pinakamataas sa buong mundo.
b. EKSPRESIB
-nagagawa nitong makapagpahayag ng saloobin o
makapagpabago ng emosyon.
Hal: Napakasaya ko ngayon
c. DIREKTIB

-nagiging direktib ang wika kung hayagan o di hayagan nitong napakikilos


ang isang tao upang isagawa ang isang bagay.
Hal: Pakipuntahan naman si Mr. Francisco sa kanyang opisina.
d. PERPORMATIB
-ang perpormatib na gamit ng wika ay higit pa sa pasalitang anyo ng
komunikasyon.Ito ay kinapapalooban din ng kilos bilang pansuporta sa
isang pahayag.
Hal: Kapag ang isang tao ay nagsabi ng paalam,kaakibat nito ang
pagkaway ng kanyang kamay sa direksyon ng taong kinakausap.
e. PERSWEYSIB
-persweysib ang wika kapag nagagawa nitong makahikayat ng tao tungo
sa isang paniniwala.
Hal: Ang pahayag ng mga salesperson sa loob ng mall na nanghihikayat
na bilhin ang kanilang produkto.
3. TUNGKULIN NG WIKA
a.INSTRUMENTAL
-nagagawa ng wika na magsilbing instrument sa mga tao upang
maisagawa o maisakatuparan ang anumang naisin.
Hal: Adrian: Nais ko sanang maipadama sa iyo kung gaano kita kamahal.
Jenifer: Ganun ba?Sige,walang problema.
b.REGULATORI
-nangyayari naman ito kapag nagagawa ng wika na kontrolin ang mga
pangyayari sa kanyang paligid.
Hal: Islogan ng MMDA: Bawal Umihi Rito.Multa: Php.500.
George: Naku,saan kaya ako maaaring umihi?Bawal pala dito.
c. REPRESENTASYONAL
-ang wika ay ginagamit upang makipagkomyunikeyt,makapagbahagi ng
mga pangyayari,makapagpahayag ng detalye,gayundin,makapagpadala at
makatanggap ng mensahe sa iba.
Hal: Dominic: Alam mo ba na ang salitang goodbye ay nagmula sa
pahayag na God be with ye?
Jaja: A,talaga?
d. INTERAKSYONAL
-ipinapaliwanag dito na nagagawa ng wika na mapanatili at mapatatag
ang relasyon ng tao sa kanyang kapwa.Kabilang ditto ang pang-araw-araw
na pagbati at pagbibiruan.

Hal: Sandy: Aba,ang hitad kong sister ,wis na ang pagka chaka doll.
Aubrey: Siyempre,salamat po Doe yata ang drama ko.
e. PERSONAL
-nagagamit din ang wika upang maipahayag ang personalidad ng isang
indibidwal ayon sa sarili niyang kaparaanan.
Hal: Geser: Talaga?Nanalo ako ng limang milyon sa lotto?Yahoooo
Nelo: Balato naman diyan.
f. HEURISTIC
-ang wika ay tumutulong din upang makapagtamo ang tao ng ibat
ibang kaalaman.Ilan sa mga ito ang pagsagot sa mga tanong,pagtanaw sa
mga argumentasyon at konklusyon bilang kongkretong kaalaman at
pagtuklas sa mga bagay-bagay sa paligid.
Hal: Gicko:Ngayon ko lang nalaman na ang Dalmatian ay isang wika,at
hindi basta wika,ito ay isang halimbawa ng patay na wika o frozen
language.
Nixan: A,oo.Namamatay kasi ang wika kapag hindi ito sasailalim sa
pagbabago.Bawat wika sa mundo ay kinakailangang makaangkop sa
pagbabago ng panahon,upang patuloy itong mabuhay at umunlad.Ang
wikang Latin ay isa rin sa halimbawa ng patay na wika.
g. IMAHINATIBO
-isa sa mga kagandahang dulot ng wika ay nagagawa nitong hayaan
ang isang tao na mapalawak ang kanyang imahinasyon na tumutulong sa
knya upang siya ay maging artistic.
Hal: Shimy: Rex,kung sakaling may makilala kang genie,ano ang hihilingin
mu sa kanya?
Rex: Siympre,ang makalipad tulad ng isang ibon para makapaglakbay
ako sa paraang gusto ko at Makita ang buong mundo.At higit sa lahat,ang
kalayaang magawa ang gusto ko tulad ng isang ibon.

Kahalagahan ng Wika
Mahalaga ang wika dahil ito ang batay ng pakikipagugnayan at pakikipagtalastasan tungo sa
pagkakaunawaan at pagkakaintindihan sa sangkatauhan. Mawawalan ng saysay ang gawain ng
sangkatauhan kung wala ang wika. Dahil ang wika bilang pakikipagugnayan ay ginagamit sa
pakikipagkalakalan, diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan at pakikipagpalitan ng kaalaman
sa agham, industriya at teknolohiya. Ang wika bilang pakikipagtalastasan ay ginagamit sa pagtungo,
paghahanapbuhay at paninirahan sa ibang bansa.

Limang Antas ng Wika


1.
2.
3.
4.

pabalbal
lalawiganin
kolokyal
pampanitikan 5.pambansa/neutral
Ang mga antas ng wika ay ang mga:
balbal = wikang balbal ay ginagamit sa lansangan..............ang wikang sinasalita ng mga walang pinagaralan.
kolokyal= wikang sinasalita ng pangkaraniwang tao ngunit bahagyang tinatanggap ng lipunan
== Answer == Ang antas ng wika ay nagsasaad sa paggamitnito
1.)balbal ang unang antas ng wika-ito ang pinakamababang antas ng wika.
2.)lalawiganin ang pangalawang antas-ito ay kabilang sa antas ng mga salitain ng mga katutubo sa
lalawigan.
3.)pambansa ang pangatlong antas-ang antas na ito ay laman parin ang pagtatalo kung ano ang kasama sa
antas na ito.marami ang nagsasabing wikang filipino ang wikang pambansa,samantalang tagalog naman
ang sa iba.ngunit wikang filipino parin ang naitala bilang wikang pambansa.
4.)pampanitikan naman ang pang apat-ito ay ang pinaka mayamang uri,madalas itong ginagamitan ng
mga salitang may iba pang kahulugan.ginagamit dito ang mga idioma,tayutay,atbp.

Pormal. Ito ay antas ng wika na istandardm kinikilala/ginagamit ng nakararami.


1. Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at
pamahalaan.
Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan
2. Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang mga salita ay
karaniwang malalim, makulay at masining.
Halimbawa: Kahati sa buhay
Bunga ng pag-ibig
Pusod ng pagmamahalan
Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipagusap at pakikipagtalastasan.
1. Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa partucular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang
tono o punto.
Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)
2. Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maari rin itor refinado ayon
sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita.

Halimbawa: Nasan, pa`no,sa'kin,kelan


Meron ka bang dala?
3. Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas
bulgar.
Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)
Kolokyal/pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na
pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at Filipino

Kolokyalismong karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish"

Kolokyalismong may talino - ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan

Lalawiganin/panlalawigan - wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook.

Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa


kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. ito rin ay maaring
nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang Kolokyal/pambansa.

Pampanitikan - wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika.


ang mga antas ng wika ay ang mga:
balbal = wikang balbal ay ginagamit sa lansangan..............ang wikang sinasalita ng mga walang pinagaralan.
kolokyal= wikang sinasalita ng pangkaraniwang tao ngunit bahagyang tinatanggap ng lipunan

Mga teorya ng pinagmulan ng wika


Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Bukod sa dami-daming
teorya ng iba't ibang tao hindi padin maipaliwanag kung saan, paano at kailan
talaga nagsimula ang wika. Tinatanggap ng mga dalubwika na hanggang sa ngayon
ay wala pa ring katiyakan ang iba't ibang teorya tungkol sa pinagmulan nito. Isa
itong palaisipang hanggang sa kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay subalit
nananatili pa ring hiwaga o misteryo.

Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba't ibang paniniwala ng mga


bagay-bagay na may mga batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba't
ibang pagsipat o lente ang pinanghahawakan ng iba't ibang eksperto. Ang iba ay
siyentipiko ang paraan ng pagdulog samantalang relihiyoso naman sa iba. May
ilang nagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng koneksiyong sa isa't isa.
Narito ang iba't ibang teorya ng wika sa tulong ng talahanayan.

Tore ng Babel

Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya't walang
suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang
kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang
langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga
tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa
pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang
magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay
ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kab. 11:1-8)

Bow-wow

Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa
mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa
mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang
paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng
mga ito. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko dahil sa
tunog na nalilikha ng nasabing insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa
lamang magsalita. Hindi bat nagsisimula sila sa panggagaya ng mga tunog, kung
kayat ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw. Ngunit kung totoo ito,

bakit iba-iba ang tawag sa aso halimbawa sa ibat ibang bansa gayong ang tunog
na nalilikha ng aso sa Amerika man o sa Tsina ay pareho lamang?

Ding-dong

Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang
ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid.
Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging
sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling
tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad
ng mga sinaunang tao na kalaunay nagpabagu-bago at nilapatan ng ibat ibang
kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog

Pooh-pooh

Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay
napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap,
kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong
napapabulalas sa sakit. Hindi bat siya y napapa-Aray! Samantalang ang mga
Amerikano ay napapa-ouch! Anong naibubulalas natin kung tayoy nakadarama ng
tuwa? Ng sarap? Ng takot?

Yo-he-ho

Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay


natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga bat
tayoy nakalilikha rin ng tunog kapag tayoy nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa,
anong tunog ang nililikha natin kapag tayoy nagbubuhat ng mabibigat na bagay,
kapag tayoy sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?

Yum-yum

Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng


pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito
ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos

ng teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan


ng wika

Ta-ta

Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng
pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalaunay nagsalita. Tinatawag itong tatana sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag
ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa
at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang
salitang ta-ta.

Sing-song

Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro,


pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal.
Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay
sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng
marami.

Hey you!

Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga


ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay
Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!)
at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit
o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.

Coo Coo

Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga
sanggol. Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang
pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na
ang mga bata ang nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.

Babble Lucky

Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas
ng tao. Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi
sinasadya at walang kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga
bagay-bagay sa paligid na kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.

Hocus Pocus

Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng


pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga
ninuno. Maaari raw kasing nooy tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop sa
pamamagitan ng mga mahikal na tunog na kalaunan ay naging pangalan ng bawat
hayop.

Eureka!

Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang ating mga
ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang
ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha,
mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng
mga bagay-bagay (Boeree, 2003).

La-la

Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang
magsalita.

Ta-ra-ra-boom-de-ay

Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat
ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal,
pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat

ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw atincantation o mga bulong.


Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang
nililikha sa mga ritwal na ito na kalaunay nagpapabagu-bago at nilapatan ng ibat
ibang kahulugan.

Mama

Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng


pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una y hindi
niya masasabi ang salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing
salita ang pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang
panumbas sa salitang mother.

Rene Descartes

Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya't likas sa kaniya ang gumamit ng
wika na aangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato ang tao lalo na sa
kaniyang utak gayundin sa pagsasalita upang magamit sa mataas at komplikadong
antas ang wikang kailangan niya hindi lamang para mabuhay bagkus magampanan
ang iba't ibang tungkulin nito sa kaniyang buhay.

Plato

Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of all


invention. Sa paniniwalang ito, gaya ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing
pangangailangan din ng tao ang wika kung kaya;t naimbento ito ng tao.

Jose Rizal

Kung lahat ng likas na bagay ay galing sa Poong Maykapal, bakit hindi ang wika?
Naniniwala ang pambansang bayani na kaloob at regalo ng Diyos ang wika sa tao

Charles Darwin

Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya't nabuo ang wika. Survival of the fittest,
elimination of the weakest. Ito ang simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang
tao, kailangan niya ng wika. Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may
pamagat na On the Origin of Language, sinasaad dito na ang pakikipagsapalaran
ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang makalikha ng ibat ibang wika.

Wikang Aramean

Believes that all languages originated from their language, Aramean or Aramaic.
Syria. May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang
lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria
(Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika.

Haring Psammatichos

Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang hari ng Ehipto, gumawa ng isang


eksperimento si Psammatichos kung paano nga ba nakapagsasalita ang tao. May
dalawang sanggol siyang pinalaki sa loob ng kuweba at mhigpit na ipinag-tos na
hindi ito dapat makarinig ng anumang salita. Sa tagal ng panahon nakapagsalita
raw ng "Bekos" ang dalawang bata na ang ibig sabihin ay tinapay. Sa maikling sabi,
likas na natututuhan ng tao ang wika kahit hindi ituro ang pinanghahawakan ng
teoryang ito.

Alin sa mga teoryang ito ang wasto? Hindi natin matutukoy. Kaya nga teorya ang
tawag sa mga ito, mga haka-haka lamang na mahirap patunayan at husgahan. Ang
pagpipilit na ang isa ang tama ay tiyak na hahantong lamang sa walang hanggang
pagtatalo. Bawat teorya ay may sari-sariling kalakasan at kahinaan na maaaring
maging batayan upang ating paniwalaan o di kayay tanggihan. Magkagayon man,
mahalaga ang bawat isa sa pagtalakay sa pinagmulan ng wika.

Antas ng Wika
1. formal at di-formal di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad
samantalang formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o
nakatatanda
2. lingua franca wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang
Filipino ang lingua franca ng mga tao
3. lalawiganin mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng
Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang
paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng
implikasyon ng kultura ng isang lalawigan
4. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan
napaiikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito.
Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na', /pre/ para sa 'pare'
5. balbal o pangkalye wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at
may kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla halimbawa
ang mga salitang eklavush, erpat at ermat at cheverloo.
6. edukado/malalim wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at
pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba pang venyung profesyunal
Ang wika ay nahahati sa ibat ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay
sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan,
panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.
Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami.

Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila


para sa paaralan at pamahalaan

Halimbawa:
Asawa, Anak, Tahanan

Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat.


Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.

Halimbawa:
Kahati sa buhay

Bunga ng pag-ibig
Pusod ng pagmamahalan
Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas
gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.

Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan,


makikilala ito sa kakaibang tono o punto.

Halimbawa:
Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)

Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti,


maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,
dalawa o higit pang titik sa salita.

Halimbawa:
Nasan, pa`no,sakin,kelan
Meron ka bang dala?

Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas
na ito; ikalawa sa antas bulgar.

Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)

Karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang balbal:


1. Paghango sa mga salitang katutubo
Halimbawa:
Gurang (matanda)
Bayot (bakla)
Barat (kuripot)
2. Panghihiram sa mga wikang banyaga
Halimbawa:
Epek (effect)
Futbol (naalis, natalsik)
Tong (wheels)
3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog
Halimbawa:
Buwaya (crocodiles greedy)
Bata (child girlfriend)
Durog (powdered high in addiction)
Papa (father lover)
4. Pagpapaikli
Halimbawa:
Pakialam paki
Tiyak tyak
5. Pagbabaliktad
Buong Salita
Halimbawa:
Etned bente

Kita atik

Papantig
Halimbawa:
Dehin hindi
Ngetpa Panget
Tipar Parti
6. Paggamit ng Akronim
Halimbawa:
G get, nauunawaan
US under de saya
7. Pagpapalit ng Pantig
Halimbawa:
Lagpak Palpak Bigo
Torpe Tyope torpe, naduwag
8. Paghahalo ng salita
Halimbawa:
Bow na lang ng bow
Mag-jr (joy riding)
Mag-gimik
Mag-MU
9. Paggamit ng Bilang
Halimbawa:
45 pumutok
1433 I love you too
50-50 naghihingalo

10. Pagdaragdag
Halimbawa:
Puti isputing
Kulang kulongbisi
11. Kumbinasyon
Pagbabaligtad at Pagdaragdag
Halimbawa:
Hiya Yahi Dyahi

Pagpapaikli at pag-Pilipino
Halimbawa:
Pino Pinoy
Mestiso Tiso, Tisoy

Pagpapaikli at Pagbabaligtad
Halimbawa:
Pantalon Talon Lonta
Sigarilyo Siyo Yosi

Panghihiram at Pagpapaikli
Halimbawa:
Security Sikyo
Brain Damage Brenda

Panghihiram at Pagdaragdag
Halimbawa:
Get Gets/Getsing
Cry Crayola

You might also like