You are on page 1of 28

Makabagong Filipino sa

Makabagong Panahon

FIL
1
C. Ang siklo ng W
ika: Pidgin Patung
ong Creole
Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na ‘nobody’s

native language’. Nangyayari ito kapag may dalawang taong nagtatangkang

mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya't 'di

magkaintintihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa't isa.Wala itong pormal

na estruktura. Bigla na lang itong umuusbong dahil na rin sa pangangailangan

na makabuo ng isang pahayag. (Bernard Comrie, 2008)


C. Ang siklo ng W
ika: Pidgin Patung
ong Creole

Halimbawa ng Pidgin:

"Kayo bata aral buti para laki ganda trabaho."

"Urgh, my feet is so ngalay ngalay na."


C. Ang siklo ng W
ika: Pidgin Patung
ong Creole
Nang ang mga tao ay walang humpay sa pakikipagsalamuha, unti-unti naman

na umuusbong ang wikang maisakategoriyang creole. Ito ay isang wika na

unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized).

Nagkaroon nito, sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-

angkin dito bilang kanilang unang wika. Nagamit ito sa mahabang panahon,

kaya't nabuo ito hanggang sa nagkaroon ng pattern o mga tuntuning sinunod

ng karamihan.
C. Ang siklo ng W
ika: Pidgin Patung
ong Creole

Halimbawa ng Creole:

Chavacano (Zamboanga)
-kung saan ang wikang katutubo ay nahaluan na ng impluwensiya at
bokaryo ng wikang Espanyol o Kastila.
C. Ang siklo ng W
ika: Pidgin Patung
ong Creole
Ang mga creole ay may iba’t ibang uri kaya sa pakikipagsalamuha ng mga

tao sa iba’t ibang lugar nabubuo ang iba’t ibang diyalekto. Buhat sa hindi

mapigilang paglutang ng iba’t ibang diyalekto na may malalwak o makitid na

hangganan ay lumutang ang lingua franca. Ito ay ang wikang ginagamit

upang magkaintindihan ang mga taong may iba’t ibang sinasalitang wika, sa

Pilipinas, naging lingua franca ang Tagalog hanggang nagkaroon ng wikang

Pambansa, ang wikang Filipino.


D. Antas ng Wika
Masasangguni sa pagtatalakay ni Bernales et al (2002) at Garcia et al
(2008) na sa kabuuan mauri sa pormal at impormal.

Ang pormal na antas ay ang wikang ginagamit sa pamayanan sa paaralan,


sa batas, at iba pa, na tinatanggap na pangkalahatan maging sa bansa o
internasyonal at may mga tiyak na katawagan upang mapalinaw ang
bawat kaisipang kinatwan.
D. Antas ng Wika
Ang impormal ay ang wika o pagsasalita na maaaring ginagamit
lamang sa maliliit na pangkat na maaring simple at kadalasang
ginagamit araw-araw. kabilang din ang mga pagsasalitang bulgar at
may mga kakaibang pakahulugan na maaari lamang baguhang
naimbento.
Ang pormal na wika ay nakilala sa mga tiyak na sumusunod na
antas:

A. B. C.
Antas Pambansa Antas Antas
Pampanitikan Lalawiganin

D. E. F.
Antas Kolokyal Antas Balbal Antas Bawal
A. Antas Pambansa
• Ginagamit ng buong bansa.
• Mga salitaing kabilang sa wikang Filipino.
• Mga salitang lahok sa diksyonaryo.
• Wikang opisyal na ginagamit sa komunikasyon dahil sa
naisabatas na at kumakatawan sa iba’t ibang wikang
ginagamit sa buong bansa, kabilang ito sa tinuturo sa
paaralan at ginagamit sa pagsulat pang-akademiko.
A. Antas Pambansa
B. Antas Pampanitikan
• Tinatawag din na antas panretorika.
• Ginagamit ang mga salita sa iba pang kahulugan.
• Ginagamit pangkatha ng dula at iba pang likhang
pampanitikan.
• Ito ay paggamit ng mga patalinghagang paraan o may
natatagong kahulugan, konotasyon, at simboliko upang
hahamonsa pag-iisip.
B. Antas Pampanitikan
C. Antas Lalawiganin
• Salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan.
• Sa Pilipinas, dahil maraming diyalekto kailangang
magkakaroon ng iisang wikang mauunawaan sa lahat, dahil
kapag ang mga Pilipino ay makipagkomunikasyon gamit
ang kani-kanilang diyalekto ay hindi magkakaintindihan
dahil malaking pagkakaiba ang bawat diyalekto sa Pilipinas.
C. Antas Lalawiganin
D. Antas Kolokyal
• Salitang ginagamit sa pangarawaraw ng pakikipagusap.
• Sa anumang pagkakataon, ang mga tao ay may kakayahang
paikliin ang mga salitang ginagamit sa pagsasalita.
• Tumutukoy sa kakaibang anyo ng salita.
D. Antas Kolokyal

Mga Halimbawa

• Ay Hesus! - aysus! • Nasaan - nasan

• Mayroon - meron • Paano - pano

• Dalawa - dalwa • Sa Akin - sakin

• Diyan - dyan • Kailan - kelan


E. Antas Balbal
• Salitang kalye.
• Pinakamababang uri wikang ginagamit ng tao, nabuo sa
kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng
sariling pagkakakilanlan.
• Tinatawag na slang.
• Isang halimbawa ay gay lingo.
E. Antas Balbal
1. Panghihiram mula sa mga salitang banyaga na may
kakaibang kahulugan.
Halimbawa:
• Naka-wheels (mayaman)
• Mag-jingle (iihi)
• Chicks (batang dalaga)
• Nasaktan ka tuloy, bakit ka kasi umenter (pumasok sa uri
ng buhay o kagustuhan).
E. Antas Balbal
2. Pagbibigay ng bagong kahulugan na hango sa mga salitang
katutuo, lalawiganin at iba pa.
Halimbawa:
• Bata - Cebuano (mauutusan)
• Tiguwang - Cebuano (mahina)
• Colgate (toothpaste)
• Saan ba kayo nagmana, mga karagan (Cebuano)(walang
disiplina), umayos nga kayo!
E. Antas Balbal
3. Pagpapaikli o reduksyon, na maaaring gumagamit ng
salitang Filipino o banyaga.
Halimbawa:
• Tol (kapatid)
• Promdi (from the province)
• Pinoy (Pilipino)
• Nakapangasawa ng Kano (American National) si Marites.
E. Antas Balbal
4. Pagbabaligtad at Pagdaragdag.
Halimbawa:
• atabs (bata)
• pakals (kainan)
• dihins (hindi)
• werpa (power)
• petmalu (malupit)
E. Antas Balbal
5. Paggamit ng Akronim.
Halimbawa:
• KSP (kulang sa pansin)
• GGSS (gandang-ganda sa sarili)
• MKB (may kaya sa buhay)
• KNK (kayod ng kayod)
• Huy! FYI (for your information) top one ako noong
kinder palang ako.
E. Antas Balbal
6. Paggamit ng Numero.
Halimbawa:
• 50-50 (naghihingalo, hati-hating kalagayan)
• 123 (madaling umalis dahil sa panloloko)
• 99% (kulang-kulang sa pag-iisip)
• 1 on 1 (harap-harapan)
• 5568 (sabik na sabik na kitang makita)
• 143 (I love you)
E. Antas Balbal
7. Pagdaragdag.
Halimbawa:
• malay -- malaysia
• puti -- isputing
• kaba -- kabanatuan
• kulong -- kulongbia -- colombia
• Mare! Alam mo ba? Na colombia ang asawa ni antonet!
E. Antas Balbal
7. Pagpapalit-wika o Code Switching. (Conyo)
Halimbawa:
Kaibigan 1: Where ba you kanina? I thought hindi kana
makakarating.
Kaibigan 2: Diyos ko, it was so traffic kaya natagalan. nag-rerouting
kasi today.
Kaibigan 3: And so here is our multimedia project na. Sana
makakuha ito ng matataas na marks para masasabi nating nagtataglay
na tayo ng visual literacy.
F. Antas Bawal
Sa mga Pilipino, may mga salitang hindi dapat bigkasin kaya
hinahalinhan lamang ito. Sa panulat ni garcia et al (2010), ito
ay may gahid na tumutukoy sa mga salitang katumbas ng mga
bahaging sekswal na relasyon o mga masilang diskusyon.
Gaya ng paggamit ng salitang itlog, binhi, bulaklak, at iba pa.
Maaaring sa aspektong parental guidance, ang telebisyon ay
nagkakaroon ng panuntunang hindi ipaparinig ang mga
salitang hindi kaaya-aya sa mga bata kaya sa halip na
hinahalinhan itong TOOOOOOOTTTTTTTT.
M AR A
MING
S A L AM
AT

You might also like