You are on page 1of 3

 

Ano ang Wika?


          Isang paraan ng komunikasyon ang wika. Sa isang bansang tulad ng Pilipinas na nagsasalita ng
humigit-kumulang 180 wika, mahalagang maunawaan ang kalikasan ng wika at maging malay sa mga
varayti ng wika na umiiral sa buong bansa. Mayaman ang wika at isa itong malawak na larangan. Hindi
nauubos ang mga kaalamang natutuhan at natutuklasan tungkol sa wika. Sa tanong na “Ano nga ba ang
wika?” napakaraming makukuhang sagot mula sa iba’t ibang dalubhasa sa wika.

          Pinakagamitin at popular ang kahulugan ng wika na ibinigay ng linggwistang si Henry Gleason.


Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa iisang kultura. Sa aklat nina Bernales et al.
(2002), mababasa ang kahulugan ng wika bilang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal (doku.pun/documents/komunikasyon-
at- pananaliksik-sa-wika-at-kuturang-pilipino-3Oj764o4g0w).

          Kung sasangguni naman sa mga diksyunaryo tungkol sa kahulugan ng wika, ang wika ay Sistema
ng komunikasyon ng mga tao sa pamamagitan ng pasulat o pasalitang simbolo. Samantala ayon sa UP
Diksyunaryong Filipino (2001) ang wika ay “lawas ng mga salita at Sistema ng paggamit sa mga ito na
laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook na tinatahanan.”

Katangian ng Wika
          Lahat ng nilikha sa mundo ay may katangian o kalikasang taglay. Tulad ng mga tao at ng iba pang
mga bagay sa mundo, nagtataglay rin ng mga katangian o kalikasan ang wika. Kung babalikan ang
kahulugan ayon kay Henry Gleason, nakapaloob sa kahulugang kaniyang binigay ang tatlong katangian
ng wika.

1. Masistemang balangkas. Binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema ang wika na


nakalilikha ng mga yunit ng salita na kapag pinagsama-sama sa isang maayos at makabuluhang
pagkakasunod-sunod ay nakabubuo ng mga parirala, pangungusap at talata.
2. Arbitraryo. Pinagkakasunduan ang anumang wikang gagamitin ng mga grupo ng tao para sa
kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
3. Ginagamit ng mga taong kabilang sa iisang kultura. Magkaugnay ang wika at kultura at hindi
maaaring paghiwalayin. Katulad ng nabanggit, ang kultura ang nagpapayaman sa wika,
samantalang ang wika naman ang nagbibigay ng ngalan o salita sa lahat ng mga gawaing
nakapaloob sa kultura.
4. Dinamiko. Sumasabay sa pagbabago ng panahon ang wika at malaya itong tumatanggap ng mga
pagbabago upang patuloy na yumaman at yumabong. Namamatay ang wika kapag hindi
nakasabay sa pagbabago ng panahon.
5. Unique o Natatangi. Walang wikang may magkatulad na magkatulad na katangian. May kani-
kaniyang lakas o kahinaan din ang wika. May mga salitang mahirap hanapan ng eksaktong salin o
katumbas sa ibang wika dahil sa magkakaibang kulturang pinagmulan.
6. Kabuhol ng kultura. Ito ay dahil sinasalamin nito ang paraan ng pamumuhay ng mga tao.
Nahihinuha ang kulturang kinabibilangan ng mga tao sa kanilang wikang ginagamit.

Antas ng Wika
          Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang
pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong
dinadaluhan.
1. Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami.
 Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan
at pamahalaan.
Halimbawa: 
Asawa, Anak, Tahanan

 Pampanitikan o Panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhaing manunulat. Ang mga salita ay
karaniwang malalim, makulay at masining.
Halimbawa:
Kahati sa buhay
Bunga ng pag-ibig
Pusod ng pagmamahalan

2. Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.

 Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan, makikilala ito sa


kakaibang tono o punto.
Halimbawa:
Papanaw ka na? (Aalis ka na?)
Buang! (Baliw!), Nakain ka na?
(Kumain ka na?)

 Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maaari rin ito
refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa
salita.
Halimbawa:
Nasan, pa`no, sa’kin, kelan
Meron ka bang dala?

 Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa
sa antas bulgar.
Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)

Kahalagahan ng Wika
          Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan ng wika ang pagiging instrumento nito sa
komunikasyon. Mahihirapang magtagumpay ang komunikasyon kapag walang wikang ginagamit.
Kailangan naman ang komunikasyon hindi lamang sa pagpapalitan ng mensahe kundi sa pagkatuto at sa
pagkalat ng karunungan at kaalaman sa mundo.

          Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng bawat


grupo ng tao. Nagkakahiraman ng kultura ang mga bansa sa tulong ng wika. Kung walang wika, walang
magagamit na pantawag sa tradisyon at kalinangan, paniniwala, pamahiin at sa iba pang bagay na
kaugnay ng pamumuhay at paraan ng pamumuhay ng mga tao. Naipakikilala ang kultura dahil sa wika.
Yumayaman naman ang wika dahil sa kultura.

          Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay malaya at may
soberanya. Hindi tunay na malaya ang isang bansa kung hindi nag-aangkin ng sariling wikang lilinang sa
pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.

          Ang kawalan ng wika ay magdudulot ng pagkabigo ng sangkatauhan. Sa kabilang banda naman,


ang pagkakaroon ng wika ay nagreresulta sa isang maunlad at masiglang sangkatauhang bukas sa
pakikipagkasunduan sa isa’t isa.

You might also like