You are on page 1of 68

Magandang

Umaga!
Midterm Examination Period
 
Attendance/ Participation 20%
Assignment/ Quiz 40%
Written Examination 40%
100%
Final Examination Period
 
Attendance/ Participation 20%
Assignment/ Quiz 40%
Written Examination 40%
100%
Course Requirement
Portfolio FIL 1
1 Katuturan ng Wika Ayon sa
Dalubwika o Iskolar

Nilalaman
2 Katangian, Tungkulin At
Kapangyarihan Ng Wika
Fil 1
1-4 Linggo 3 Teorya Sa Pinagmulan At
Pagkatuto Ng Wika
4 Antas at Anyo ng Wika

5 Barayti at Baryasyon ng
wika
6 Rejister ng Wika
Katuturan ng
Wika
Ayon sa
FIL 1
Katuturan ng Wika Ayon sa Dalubwika
o Iskolar

Ang “komunikasyon” o
“pakikipagtalastasan” ay nagmula sa
salitang Latin na “communis” na
nangangahulugang “panlahat” o “para sa
lahat.”
Katuturan ng Wika Ayon sa Dalubwika
o Iskolar

Sa kabilang banda, ang salitang “wika”


naman ay buhat sa salitang Latin na
“lengua” na ang literal na kahulugan ay
“dila”.
Katuturan ng Wika Ayon sa Dalubwika
o Iskolar

Maituturing namang mayaman at isang


malawak na larangan ang wika. Hindi
nauubos ang mga kaalamang natututuhan at
natutuklasan tungkol sa wika. Sa tanong na
“Ano nga ba ang wika?” ay napakaraming
makukuhang sagot mula sa isa iba’t ibang
dalubwika.
Katuturan ng Wika Ayon sa Dalubwika
o Iskolar

Ngunit ano nga ba


ang dalubwika?
Ang ibig sabihin ng dalubwika ay Kapag sinabing ang isang tao
taong dalubhasa sa wika. Sinusuri ay linguist ibig sabihin dalubhasa
ng mga dalubwika ang mga siya sa pag-aaral ng wika,
istruktura ng mga wika at ang mga samantala, kapag
prinsipyo na nagpapahiwatig ng sinabing polyglot ay ibig sabihin
mga istruktura. nakakapagsalita siya ng iba’t
ibang wika.

Ang taong maituturing


Ang isa sa mga tanyag o kilala
na dalubwika ay
na polyglot ay si Dr. Jose Rizal
maaaring isang linguist o
na nakakapagsalita ng mahigit
lingguwistiko o hindi kaya
sa dalawampung wika.
ay isang polyglot.

Dalubwika
Henry Gleason
Ayon kay Henry Gleason
(1988), ang wika ay
masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.
Webster
Para kay Webster (1974),
ang wika naman ay isang
sistema ng komunikasyon sa
pagitan ng mga tao sa
pamamagitan ng mga pasulat at
pasalitang simbolo.
Archibald V.
Sang-ayon
Hill
naman kay
Archibald V. Hill, wika ang
pangunahin at pinakaelaboreyt
na anyo ng simbolikong
gawaing pantao.
Barker
Ayon kay Barker (1993),
ikinokonekta ng wika ang nakaraan, ang
kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan
din nito ang ating kultura at mga
tradisyon.
Wayne
Si Wayne
Weiten
Weiten (2007) ay
naniniwala na ang wika ay binubuo ng
mga simbolo na naghahatid ng
kahulugan. Binubuo rin ito ng mga
patakaran at pinagsama-samang mga
simbolo na makabuo nang walang
katapusan at iba’t ibang mensahe.
Bruce A.
Si Bruce A.
Goldstein
Goldstein (2008) ay
naniniwala na maaaring bigyan ng
kahulugan ang wika bilang isang sistema
ng pakikipagtalastasan gamit ang mga
tunog at mga simbolo na nagagamit
upang masabi ang nararamdaman,
kaisipan at mga karanasan.
Alfred North
Whitehead
Ayon naman sa isang edukador at
pilosopong Ingles na si Alfred North
Whitehead, ang wika ay kabuuan ng
kaisipan ng lipunang lumikha nito, bawat
wika ay naglalaman ng kinaugalian ng
lahing lumikha nito. Ito ay salamin ng
lahi at kaniyang katauhan.
Noam
Ang wika ayon
Chomsky
kay Noam Chomsky
(1957), ay isang prosesong mental. May
unibersal na gramatika at mataas na
abstrak na antas, may magkatulad na
katangiang lingguwistik.
Dell Hymes
Ayon kay Dell Hymes (1972), ang
wika ay nangangahulugang isang buhay
at bukas sa sistema na nakikipag-
interaksyon. Ang mga taong kabilang sa
isang kulturang gumagamit ang
nagbabago nito. Makatao at panlipunan
ang kasanayang ito.
M.A.K.
Halliday
Sa pagtalakay ni M.A.K. Halliday (1973),
may gamit na instrumental ang wika.
Nakatutulong ito sa mga tao upang
maisagawa ang mga bagay na gusto niyang
gawin. Nagagamit ang wika sa
pagpapangalan, pagpapahayag na berbal,
pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos at
pakikipag-usap.
Richard
Hudson
Ayon kay Richard Hudson, ang wika
ay nakasalalay sa mga karanasan o
pangyayaring natatangi sa isang nilalang.
Alfonso O.
Santiago
Para naman sa lingguwistang si
Alfonso O. Santiago (2003), wika ang
sumasalamin sa mga mithiin, lunggati,
pangarap, damdamin, kaisipan o
saloobin, pilosopiya, kaalaman at
karunungan, moralidad, paniniwala, at
mga kaugalian ng tao sa lipunan.
Dr. Pamela
Constantino
Ayon kay Dr. Pamela Constantino,
isang dalubwika, ang wika ay maituturing
na behikulo ng pagpapahayag ng
nararamdaman, isang instrumento rin sa
pagtatago at pagsiwalat ng katotohanan.
Dr. Erlinda
Mangahis
Ayon kay Dr. Erlinda Mangahis
(2005), ang wika ang
pinakamahalagang kasangkapan ng tao
sa pakikipagtalastasan.
Ibang
Dalubwika
Ayon naman sa ilang mga dalubwika, ang wika ay:
a. Isang instrumento ng komunikasyon
b. Isang paraan ng pagpapaabot ng kaisipan,
kaalaman, impormasyon at damdamin sa
pamamagitan ng pasalita o pasulat
c. Kabuuan ng mga sagisag ng panandang
binibigkas
d. Isang likas na makataong pamamaraan sa
paghahatid ng mga kaisipan, damdamin, at mga
hangarin.
Maraming
Salamat
Magandang
Umaga!
1 Katuturan ng Wika Ayon sa
Dalubwika o Iskolar

Nilalaman
2 Katangian, Tungkulin At
Kapangyarihan Ng Wika
Fil 1
1-4 Linggo 3 Teorya Sa Pinagmulan At
Pagkatuto Ng Wika
4 Antas at Anyo ng Wika

5 Barayti at Baryasyon ng
wika
6 Rejister ng Wika
Katangian
ng Wika
FIL 1
Katangian ng Filipino Bilang
Wika
Bawat wika ay may sariling katangiang kaniya-kaniya
lamang. Tulad din ng lahi na may kaniya-kaniyang
katangiang mapagpapakilanlan. Halimbawa, tayo raw
mga Pilipino ang the most loving and the most hospitable
people sa Asya at marahil sa buong daigdig. Gayon din
ang mga wika—samakatuwid ang Ingles, bilang isang
wika ay may angking katangiang ikinaiiba sa Filipino
(Nenita P. Papa, 2000).
Katangian ng Filipino Bilang
1. May simple ngunitWika
perpektong palatunugan o
ponolohiya

Ayon kay Richard Pettman, isang kilalang


dalubwika, ang ponolohiya ng Filipino ay maituturing
na pinakaperpekto sa buong daigdig. Sapagkat sa
Filipino kung anong bigkas, siyang sulat, siyang basa.
Isang dahilan kung bakit kaydali nitong humiram sa
ibang wika.
Katangian ng Filipino Bilang
Wika
2. May pambihirang mga panlapi

Ang panlaping Filipino, bagamat tatatlo ang mga ito,


UNLAPI, GITLAPI, at HULAPI, ay naikakabit ito sa
anumang salita—katutubo man o dayuhan. Hangga’t
nariyan ang ating mga panlapi matatag ang posisyon
ng ating wika.

Halimbawa: malupit lumuwag inumin


Katangian ng Filipino Bilang
Wika
3. May ugaling mag-ulit

Sa wikang Filipino, ang pag-uulit ay isang paraan ng


pagbubuo ng salita. Nagaganap ito sa mga katutubo o
hiram na salita, na kapag binaligtad ay nagkakaroon
ng iba pang kahulugan.

Halimbawa: bilbil bitbit kaskas tiktik


Katangian ng Filipino Bilang
Wika
3. May kakayahang manghiram

Sa pagpasok ng makabagong kabihasnan,


pagbabagong pang-ekonomiya, kaunlarang pang-agham
at panteknolohiya, sa ayaw man natin o sa gusto, hindi
na maiiwasan pa ang panghihiram sa mga wikang
banyaga. Ang maganda sa hiramang pangwika, walang
saulian. Yumayaman ang wikang nanghihiram subalit
hindi naman nababawasan ang wikang hinihiram.
Katangian ng Filipino Bilang
Wika
May tatlong paraan ng panghihiram na karaniwang
ginagamit ngayon:

i. Pag-alinsunod sa tradisyong Kastila;

Halimbawa:

education - educacion - edukasyon


energy - energia - enerhiya
Katangian ng Filipino Bilang
Wika ng hiram sa Ingles
ii. Pagsulat sa baybay-Filipino
at Kastila;

Halimbawa:

curriculum - kurikulum
elevator - elebeytor
janitor - dyanitor
Katangian ng Filipino Bilang
Wika
iii. Tahasang panghihiram;

Halimbawa

X-ray softdrinks pizza pie


xerox sandwich sausage
Unibersal na Katangian ng
Wika
1. Masistemang Balangkas

Proseso ito upang makabuo ng isang mahusay, makabuluhang


pahayag at magamit nang mabisa ang wika sa
pakikipagkomunikasyon. Ang wika ay may kaakibat na tunog at
ang tawag dito ay ponema. Tinatawag naman na ponolohiya
ang makaagham na pag-aaral sa mga tunog na ito. Kung
pagsasama-samahin ang mga ponema ay makabubuo ng yunit ng
salita na tinatawag na morpema. Morpolohiya ang tawag sa
makaagham na pag-aaral ng mga morpema.
Unibersal na Katangian ng
2. Sinasalitang Tunog Wika

Maraming tunog ang naririnig natin sa ating


kapaligiran tulad na lamang ng lagaslas ng tubig sa ilog,
hanging sumisipol, tunog ng kampana, at iba pang tunog
na naririnig sa ating kapaligiran, subalit, hindi lahat ay
matatawag na wika. Ang wika ay nabubuo sa tulong iba’t
ibang sangkap sa pagsasalita tulad ng labi, dila, ngipin,
ngalangala, at lalamunan.
Unibersal na Katangian ng
Wika
3. May Kakanyahan, Maingat na Pinipili at Isinasaayos

Tulad ng pahayag na walang kambal na magkakapareho, wala


rin namang wika na lubos na magkakatulad, sapagkat, ang wika
ay likas na unique o kakaiba. Maituturing na masining ang ating
mga pahayag kung ito ay maingat na pinipili at isinasaayos.
Nagiging mas makabuluhan ito kung pinag-iisipan at maingat na
pinipili ng bawat tagapagsalita ang angkop na mga salita sa
kanilang pagpapahayag partikular sa isang pormal na usapan o
depende sa pangangailangan at taong kinapal.
Unibersal na Katangian ng
4. Arbitraryo Wika
Ang kahulugan ng arbitraryo ay napagkasunduan. Ang bawat
wika ay pinipili at isinasaayos sa paraang pinagkakasunduan ng
pangkat ng mga taong gumagamit nito. Ang mga tunog na
binibigkas ay pinili at isinaayos para sa layunin ng mga
gumagamit. Ang wikang Maranao halimbawa ay pinili at isinaayos
para gamitin ng isang grupo ng mga Muslim. Gayundin ang
Nihonggo ng Hapon, Arabic ng Arabyano, Mandarin ng Intsik, at
lahat ng wika sa sangkalupaan.
Unibersal na Katangian ng
5. Kabuhol ng KulturaWika

Kabuhol na ng kultura ng bawat tao sa mundo ang


wika. Sabi nga, kung ano ang wika mo, iyon ka. Wika ang
nagpapakilala sa kinagisnang kultura, ito ang repleksyon ng
ating pagkatao. Sa bawat tradisyon, paniniwala, kaugalian,
pananampalataya at pakikibaka ay wika ay kaakibat upang
isalaysay at isaling-bibig ang lahat ng nangyayari sa iba’t
ibang henerasyon ng kanilang lahi.
Unibersal na Katangian ng
5. Kabuhol ng KulturaWika

Halimbawa:
Kano at Pinoy

Kano: Tayo na?


Pinoy: Puwede ba akong manligaw?
Unibersal na Katangian ng
6. Ang Wika ay Buhay Wika

Sa paglipas ng panahon, may mga bagong salita o wika


ang isinisilang at umuusbong. Buhay ang wika kung ating
mapagninilayan. Likas na sa tao ang pagiging malikhain,
hindi lamang sa usapin ng teknolohiya kung hindi pati na rin
sa wika. Habang ang tao’y umuunlad, kasabay, kaakibat nito
ang wika. Sa katunayan ito ay parami nang parami sa
paglipas ng panahon depende sa pangangailangan ng tao o
lipunang ginagalawan nito.
Unibersal na Katangian ng
6. Ang Wika ay Buhay Wika

Halimbawa:

Salitang kanto (balbal)


Gay-lingo
Unibersal na Katangian ng
Wika
7. Daynamiko o Nagbabago

Sa paglipas ng panahon, maaaring ang wika ay


mabago batay sa mga grupo o samahan ng mga taong
gumagamit nito. Napapalawak ang gamit at
mapapayabong ang ating wika sa iba’t ibang paraan,
tulad ng pananaliksik ng mga manunulat at mga
dalubhasa sa wika, subalit, hindi ito nawawala o
namamatay kung ito ay nagbabago lamang.
Unibersal na Katangian ng
Wika
7. Daynamiko o Nagbabago

Yumayaman ang bokabularyo ng wika kapag may


naidaragdag na mga bagong salita na dulot ng pananaliksik,
pagkamalikhain ng tao kasabay ng modernong teknolohiya. Tulad
ng mga lengguwahe ng mga kabataan ngayon, siyota ang tawag
sa “girlfriend” nila, samantalang noong mga taong 1960,
“kasintahan” o kaya’y “nobya” ang katawagan nito. Ang mga
salitang hindi na ginagamit dahil itinuturing na luma at hindi
naaayon sa modernong panahon ay nawawala o namamatay.
Unibersal na Katangian ng
Wika
8. Ginagamit sa Komunikasyon

Ayon sa kasabihan sa Ingles: “Man is by nature


gregarious,” ang tao ay naghahangad na laging may
makakasama. Sa puntong ito, ang tao ay hindi masaya
nag-iisa at kailangan niya ang kasama upang
maipahayag ang anuman na nararamdaman, saloobin,
damdamin, paniniwala, kalungkutan, kaligayahan,
ideolohiya at iba pa.
Unibersal na Katangian ng
Wika
8. Ginagamit sa Komunikasyon

Nangangahulugan na ang tao ay hindi maaaring


mabuhay na mag-isa sa mundo. Ang ating lipunan ay
binubuo ng mga grupo o lipon ng mga tao na patuloy sa
pakikisalamuha sa kpawa, nag-uugnayan,
nagtatalastasan. Saan mang lugar, sinuman ang ating
kausap, mayaman o mahirap, may pinag-aralan o wala,
wika ang gamit natin.
Unibersal na Katangian ng
9. Makapangyarihan Wika

Maaaring maging kasangkapan upang labanan ang


bagay na salungat sa wastong pamamalakad at pagtrato
sa tao.
Unibersal na Katangian ng
9. Makapangyarihan Wika

Isang halimbawa nito ay ang walang kamatayang akdang


“Uncle Tom’s Cabin” na isinulat ni Harriet Beecher Stowe. Dahil
sa nobelang ito, nagkaroon ng lakas ang mga aliping itim na
ipaglaban ang kanilang mga karapatang pantao laban sa mga
Amerikano. Ang salita, sinulat man o sinabi ay isang lakas na
humihigop sa mundo. Ito ay nagpapatino o nagpapabaliw,
bumubuo o nagwawasak, nagpapakilos o nagpapahinto.
Unibersal na Katangian ng
10. Kagila-gilalas Wika
Bagama’t ang pag-aaral ng wika ay isang agham,
kayraming salita pa rin ang kayhirap ipaliwanag.

Halimbawa:
a. May ham ba sa hamburger?
(beef ang laman nito at hindi hamon)
b. May itlog nga ba sa gulay na eggplant?
Tungkulin
ng Wika
FIL 1
Tungkulin ng Wika
Sa “Exploration in the Functions of Language” ni
M.A.K. Halliday, (1973), ang tungkulin ng wika ay:

1. Personal
Sa pamamagitan ng wika ng naipapahayag ng tao ang
kaniyang sariling pananaw, damdamin, tulad ng
pagkagulat, galit, hinanakit at tuwa. Karaniwang
nangyayari sa taong galit ay nakasasambit ng mga
masamang salita na maituturing na sakop sa uring ito.
Tungkulin ng Wika
2. Imaginative

Ang mga manunulat sa mga akdang pampanitikan ay


ginagamit ang wika sa masining na paraan, sa paglalapat
ng iba’t ibang uri ng damdamin naipapahayag ang
kanilang mga nilikhang kuwento, nobela, at iba pang
mga akda, na bunga na malikhaing kaisipan.
Tungkulin ng Wika
3. Interaksyonal

Sa iba’t ibang grupo o samahan , ang wika ang siyang


tagapamagitan sa pananatili ng magandang relasyon ng
mga miyembro o magkakaibigan at sa relasyong
panlipunan. Maging sa pagbibiruan ng mga
magkakaibigan, mga magkakamag-aral, mga
propesyonal, wika ang pangunahing gamit sa
pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan.
Tungkulin ng Wika
4. Informative

Sa pagnanais natin na ipaalam ang iba’t ibang


kaalaman, katotohanan, pangyayari, datos o
impormasyon ay kinakailangan natin na gumamit ng
wika. Nagiging pormal ang gamit nito sa larangan ng
pagtuturo, pagtatalumpati, pagpapalitan ng kuro-kuro,
pagbabalita, at pag-uulat.
Tungkulin ng Wika
5. Regulatory

Sa mga taong nagtataglay ng kapangyarihan na


magsubaybay at pagkontrol sa kaniyang kapwa, wika ang
ginagamit nito, pasalita o pasulat upang pakilusin ang
mga taong may katungkulan gawin para sa
pagpapatupad ng kanilang gawain at pagtutol sa hindi
karapat-dapat na gawain o mga bawal gawin.
Tungkulin ng Wika
6. Heuristic

Ang wika ay ginagamit ng mga taong nais matuto at


makamit ang mga kaalamang akademik o propesyonal.
Ginagamit din ang wika kung kinakailangan ang
pagsusuri, pag-eksperimento, pagtatanong at pagsagot,
pakikipagtalo, pagpuna at pagbigay ng kahulugan o
pagpapaliwanag.
Tungkulin ng Wika
7. Instrumental

Kung may binabalak tayong isagawa o ipag-utos sa


iba, makiusap, humingi, magmungkahi o magpahayag ng
ating ninanais o mithiin, maaari nating gawin ang mga
nabanggit, gamit ang wika sa paraang pasalita o pasulat.
Kapangyari
han
ng Wika F I L 1
Kapangyarihan ng Wika
1. Ang wika ay maaaring makapagdulot ng ibang
kahulugan.

Anumang pahayag ay maaaring makapagdulot ng


ibang kahulugan o interpretasyon sa mga tanggap ng
mensahe nito. Ito ay tinatawag ding “bypassing” na ang
ibig sabihin ay maling paniniwala na ang isang salita ay
nagtataglay lamang ng iisang kahulugan.
Kapangyarihan ng Wika
2. Ang wika ay humuhubog ng saloobin.

Sa pamamagitan ng wika, nagagawa ng tao na


hayagang alisin ang mga negatibong paniniwala na sa
kanyang palagay ay hindi makapagdudulot ng mabuti sa
kanyang kapwa. Samakatuwid, dahil sa wika nagagawa
nating makipag-ugnayan mismo sa ating sarili,
nagkakaroon ng pagtitimbang timbang at hubugin ang
ating mga saloobin bago magbitiw ng mga salitang ating
sasabihin.
Kapangyarihan ng Wika
3. Ang wika ay nagdudulot ng polarisasyon.

Ito ay ang pagtanaw sa mga bagay na magkasalungat


na paraan. Halimbawa ay mabuti sa masama, mataas at
mababa, pangit sa maganda at iba pa. Nagagawa ng
wikang maghambing at maglarawan ng pagkakaiba-iba.
Kapangyarihan ng Wika
4. Ang kapangyarihan ng wika ay siya ring
kapangyarihan ng kulturang nakapaloob dito.

Kailanman ay hindi maikakaila na kakambal ng wika


ang kultura kung kaya’t hindi dapat na tanawin na may
superyor at imperyor na wika.
Kahalagaha
n ng Wika
FIL 1
Kahalagahan ng Wika
Ang wika ay tulad ng hangin at tubig na kung ito ay
mawawala, tiyak na kamatayan ang resulta.
Napakahalaga ng pakikipagtalastasan dahil walng taong
mabubuhay na mag-isa lamang (No Man is an Island).
Kailangan may makakausap at makakasama upang
maipahayag ang kaisipan, saloobin, at damdamin.
Kahalagahan ng Wika
Ayon sa aklat ni L.C. Garcia, et. al., (2011) may tatlong
kahalagahan ang wika.

1. Kahalagahang pansarili
2. Kahalagahang panlipunan
3. Instrumento ng komunikasyon
4. Nagpapalaganap ng kaalaman
5. Wika ang nagbubuklod ng bansa
6. Lumilinang ng malikhaing pag-iisip
Maraming Salamat

You might also like