You are on page 1of 4

KATANGIAN NG WIKA

Ang wika ay masistemang balangkas.Isinasaayos ang mga tunog sa sistematikong paraan upang bumbuo ng makabuluhang yunit
katulad ng tunog, salita, parirala, pangungusap at diskors. Lahat ng wika ay nakaayon sa sistematikong ayos sa isang tiyak na
balangkas. Kaya mahalagang maunwaan na lahat ng wika ay may gramatika at nahahati sa sumusunod; ponolohiya, morpolohiya,
sintaksis at semantika.
Ang wika ay sinasalitang tunog. Ang wika ay sinasalita na galing sa magkakasunod-sunod na tunog na nabubuo sa pamamagitan
ng interaksyon ng ibat ibang aparato sa pagsasalita tulad ng bibig, dila, ngipin, ngalangala, velum at gilagid. Ang mga bahagi ng
katawang ito na ginagamit natin sa pagpapahayag ay tinatawag na speech organs.
Ang wika arbritaryong simbolo ng mga tunog. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga
Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa], kapag nais tukuyin ang bahay at
[bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles.
Ang wika ay komunikasyon. Ang wika ay kasangkapan ng komunikasyon ng dalawa o higit pang taong nag-uusap. Sa
pamamagitan ng wika, naipapahayag ang damdamin, kaisipan, pangarap, imahinasyon, layunin at pangangailangan ng tao. Maari
itong pasalita o pasulat man.
Ang wika ay pantao. Isang ekslusibong pag-aari ng tao ang wika. Tao ang lumilikha, tao rin ang gumgamit. Dala-dala niya ito
bilang instrumento sa pakikipagtalastasan. Ang pagkakaroon ng wika ay isang katangiang ikinaiiba ng tao sa iba pang kinapal
ng Diyos .
Ang wika ay ginagamit. Upang magkaroon ng saysay ang isang wika, kailangang itoy gamitin bilang kasangkapan sa
komunikasyon. Kapag ang wikay hindi na ginagamit, itoy unti-unting nawawala,
Ang wika ay natatangi. Bawat wika ay may kaibahan sa ibang wika. Walang dalawang wika na magkatulad. Bawat wika ay may
sariling set ng mga yunit panggramatika at sariling sistema ng ponolohiya, morpolohiya at sintaksis at maging aspekto
pansemantika.
Ang wika ay malikhain. May kakayahan ang anomang wika na makabuo ng walang katapusang dami ng pangungusap. Ang
isang taong maalam sa isang wika ay nakapagsasalita at nakabubuo ng ibat ibang pahayag, nakauunawa ng anomang narinig o
nabasang pahayag. Habang patuloy itong ginagamit ng mga tao, patuloy na makabubuo sila ng bagong pahayag.
Ang wika ay dinamiko. Ang wika ay buhay at patuloy sa pagbabago dahil patuloy na nagbabago ang pamumuhay ng tao at
inaangkop ang wika sa mabilis na takbo ng buhay dulot ng agham at teknolohiya.
Ang mga salita patuloy na dumarami, nadaragdagan at umuunlad. Lumalawak ang mga bokabularyo,nagbabago ang sistema
ng pagsulat at palabaybayan.
TEORYA NG WIKA

1. Teoryang Ding-dong 3. Teoryang Pooh-Pooh 5. Teoryang Yum-yum
2. Teoryang Bow-wow 4. Teoryang Yo-he ho


TUNGKULIN NG WIKA (Ayon kay M.A.K. Halliday (1975)
1. Personal
Naipapahayag ang mga sariling damdamin, pananaw, opinyon at maging personalidad ng isang indibidwal. Sakop
nito ang mga bulalas ng damdamin tulad ng pagkagulat, galit, hinanakit at tuwa. Maging ang pagmumura ay maituturing sa uring
ito, kung kaya, ang ganitong gamit ay nasa ilalim ng alinman sa formal at informal na talakayan.
Hal: Geser: Talaga? Nanalo ako ng limang milyon sa lotto? Yaoooooooo!
Nhelo: Balato naman diyan!
2. Pang-imahinasyon
Nalulubos ang gamit ng wika kapag nailapat sa pagsulat o pagbigkas ng mga akdang pampanitikan. Malikhain
ang tunguhin nito kung kaya karaniwan nang mapapansin ito sa mga gawang masining o estetiko. Sa pasulat o pasalita man,
nagagamit ito sa mga tula, awit, kuwento at iba pang nangangailangan ng talinghaga.
Hal: Shimy: Christian, kung sakaling may makilala kang genie, ano ang hihilingin mo sa kanya?
Christian: Siyempre, ang makalipad tulad n g isang ibon para makapaglakbay ako sa paraang gusto ko at makita ang
buong mundo
3. Interaksyonal
Mahalaga ang gamit na ito ng wika sa dahilang sa pamamagitan nito, pinananatili at pinatatag ang mga relasyong
panlipunan. Sa mga magkakaibigan, nariyan ang pagbibiruan at panunukso. Sa mga magkakamag-anak, nariyan ang mga
paanyaya at pasasalamat. Sa mga pangkat panlipunan, nariyan ang mga salitang pangkabataan, wika ng mga bading, at mga
propesyonal na jargon.
Hal: Sandy: Aba, ang hitad kong sister, wis na ang pagka-chaka doll.
Abrey: Siyempre, salamat po Doc yata ang drama ko!


4. Informative/Representasyonal
Naghahatid ito ng kaalaman, tulad ng ngalan nito, ginagamit ang wika dahil na sa pangangailangang maipaalam ang
napakaraming katotohanan, datos at informasyong hatid ng mundo. Dahil dito, mas higit na formal ang gamit na ito ng wika lalo
pat gamit ito sa pagtuturo, mga talumpati, pakitang-kuro, pagbabalita o sa simpleng pag-uulat.
Hal; Dominic: Alam mo ba na nag salitang goodbye ay nagmula sa pahayag na God be with ye?
Jaja: A, talaga?
5. Instrumental
Ginagamit ang wika upang magawa ng isang indibidwal ang kanyang nais gawin. Pasalita man o pasulat, magagamit
ang wika upang mag-utos, makiusap, humingi, magmungkahi at magpahayag ng sariling kagustuhan.
Hal: Adrian: Nais ko sanang maipadama sa iyo kung gaano kita kamahal.
Jennifer: Ganun ba? Sige walang problema
6. Regulatori
Madalas na ginagamit ito ng mga taong may nasasakupan o mga taong may taglay na kapangyarihang
magpakilos ng kanyang katawan. Kontrolado ng gumagamit ng wika ang sitwasyon kung kaya niyang pakilusin ang sinuman
matapos niyang magamit nang ganap ang wika. Sa pasalita, kapansin-pansin ito sa mga talumpati o debateng ang layunin ay
manghimok tulad sa isang halalan. Sa pasulat, mapapansin ito sa mga memorandum, patakaran, resolusyon at iba pa.
Hal: Islogan ng MMDA: Bawal Umihi Rito. Multa: Php. 500
George: Naku saan kaya ako maaring umihi? Bawal pala dito
7. Heuristik
Gamit ito ng taong nais na matuto at magkamit ng mga kaalamang akademik at/o profesyonal. Upang kanyang
mabatid, kailangan niyang sumuri, mag-eksperimento, magtanong at sumagot, magbigay-kahulugan, makipagtalo at pumuna.
Hal: Gicko: Nagyon ko lang nalaman na nag Dalamatian ay isang wika, at hindi basta wika, ito ay isang halimbwa ng
patay na wika o frozen language.
Nixan: A, oo Namamatay kasi ang wika kapag hindi ito sasailalim sa pagbabago. Bawat wika sa mundo ay
kinakailangang makaaangkop sa pagbabago ng panahon , upang matuloy at umunlad.
Ang wikang Latin ay nisa rin sa halimabwa ng patay na wika.
LIMANG ANTAS NG WIKA
Ang wika ay nahahati sa ibat ibang antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar
na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.
Ang wika ay mayroong limang antas. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Balbal - ito ang pinakamababang antas. Ito ay binubuo ng mga salitang kanto na sumusulpot sa kapaligiran / ginagamit sa lansangan.
2. Kolokyal - ito ang wikang sinasalita ng pangkaraniwang tao ngunit bahagya ng tinatanggap sa lipunan. Ang mga ganitong salita ay
natural na phenomenon ng pagpapaikli ng mga salita upang mapabilis ang daloy ng komunikasyon

3. Lalawiganin - kabilang sa antas na ito ang mga salitang katutubo sa lalawigan.

4. Pambansa - salitang madalas gamitin sapagkat nauunawaan ng buong bansa. Ito ay isang wika na natatanging kinakatawan ang
pambansang pagkakilanlan ng isang lahi o bansa. Ang mga salitang ito ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong pangmadla. Ito
rin ang wikang ginagamit sa paarala at sa pamahalaan.

5. Pampanitikan Ito ang antas na may pinakamayamang uri. Madalas ito ay ginagamitan ng mga salitang may iba pang kahulugan.
Idyoma, eskima, tayutay, at iba't ibang tono, tema, at punto ay ginagamit sa pampanitikan.










VARAYTI NG WIKA
Kahulugan ng Varayti
Pagkakaroon ng natatanging katangian nanauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal .
Porma/uri ng wika na ginagamit ng mga nagsasalita ng isang wika .

URI NG VARAYTI NG WIKA

1. DAYALEKTO

- panrehiyon o heograpikal na varayti ng wika na may sariling ponolohiya, sintaksis at leksikon (vocabulary)
- Ito ang yaong wikang kinamulatan o kinagisnan sa tahanan, komunidad at lalawigan



2. IDYOLEK
-nakabatay sa partikular na paggamit ng isang tao ng kanyang wika. Ito ay may kaugnayan sa personal na kakanyahan ng
tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibiduwal.
-Ito ay inihahantulad sa fingerprints ng isang tao na tanging kanya lamang.
Halimbawa:

(Karaniwang idyolek ng mga estudyante sa mga paaralang pribado at eksklusibo sa Metro Manila: Taglish o Enggalog )

Its not that na galit na galit ako. Its just that. Nakakasabaw. SOBRA.
Grabe. Solid talaga.
Hindi naman one-sided ako. Hindi ba dapat multiple murder sa halip na rebellion?
Kaya kung true yung 2013, ok na rin yun. Kawawa younger generations.
Pansinin kung paano nagkakaiba-iba ang idyolek ng mga sumusunod na brodkaster kahit pa silang lahat ay gumagamit ng isang
wika, nabibilang sa isang larangan at naninirahan marahil lahat sa Metro Manila:

Balbal Kolokyal Lalawiganin Pambansa Pampanitikan
1. Syota- Kasintahan
2. Chokorandehins-
hindi kaibigan
3. Datung- pera
4. Mudracles-
ina/nanay
5. Todas- patay
6. Olats- talo
7. Dekwat- nanakaw
8. Chaka-pangit
9. Purita- mahirap
10.Tsongke-
marijuana
11.Lafang-kumain ng
marami
12.Bratinella- babeng
pasaway omaldita
13.Lanjut- malandi
14.Bebot- babae
15.Bokal- Kalbo




1. Mayroon- meron
2. Dalawa- dalwa
3. Diyan- dyan
4. Kwarta-pera
5. Na saan- nasan
6. Paano- pano
7. Saakin-sakin
8. Kailan-kelan
9. Ganoon-ganun
10.Puwede-pede
11.Kamusta-musta
12.At saka- tsaka
13.Kuwarto- kwarto
14.Pahingi- penge
15.Naroon- naron

1. Malakat
(Hiligaynon)- aalis
2. Natuod (waray)
naniniwala
3. Mapintas (ilocano)
maganda
4. Nasi
(kapampangan)- bigas
5. Bilot (Batangueo)
tuta
6. Igsura (bisaya)
ulam
7. Sinsilyo (Bicolano)-
barya
8. Luslus
(kapampangan)- luwas
9. Amo (Aklanon)-
unggoy
10.Hinigugma (Bisaya)
maha
l11.Ilol (pangalatok)-
laway
12.Manog (Kiniray-a)
ahas
13.Kalibutan (Bisaya)-
Mundo
14.Maupay (bisaya)-
maganda
15.Magakal (Maranao)-
magsinungaling
1. Malaya
2. Buhay
3. Pagkain
4. Dangal
5. Tao
6. Takdang Aralin
7. Umaga
8. Simbahan
9. Wika
10.Bansa
11.Bayan
12.Buhay
13.Puso
14.Panaginip
15.Hangrin

1. Ipamintakasi-ipagdasal
2. Isulat sa tubig- makalimutan
3. Makati ang dila- madaldal
4.naniningalang-pugad
nanliligaw
5.maitim ang dugo salbahe
6.paham- matalino
7.katoto- kaibigan
8.mapagkandili- mapag alaga
9.pakikipaglamas-
pakikipaglaban
10.siniphayo-inapi
11.panibugho-pagkainggit
12.mawatasan-maintindihan
13.Pang-uuyam paglait
14.Nanghihilakbot Natatakot
15. pag-aglahi- paghamak
a). Mike Enriquez. b). Noli de Castro, c). Mon Tulfo,
d). Rey Langit at e). Gus Abelgas . Gayahin ang paraan ng pagsasalita ng bawat isa. Iba-iba, hindi ba?

Prominente rin ang idyolek ng mga sumusunod na personalidad kung kaya madalas silang gayahin ng mga impersonators:
a). Kris Aquino, b). Gloria Macapagal-Arroyo, c). Mel Tiangco d). Anabelle Rama, e). Ruffa Mae Quinto ,f). Mirriam Defensor-
Santiago , g). Manny Pacquio at h). Mommy Dionisia

3. REGISTER anyo ng wika batay sa uri at paksa ng talakayan o larangang pinag-uusapan, sa mga tagapakinig o kinakausap
o kaya ay sa okasyon at sa iba pang mga salik o factor .

Halimbawa:

(Talakayan sa klase ng International Affairs)

Guro: Bakit kaya may foreign troops pa rin sa Iraq at Afghanistan ngayon?
Estudyante 1: Sir, kailangan ang foreign troops para i-secure ang democratic government sa Iraq.
Estudyante 2: Ang agenda talaga ng USA ay para makuha ang oil deposits ng Iraq.
Estudyante 3: Sir, kasi, hindi naging successful ang mediation at diplomatic actions ng USA noon.

(Talakayan sa klase sa Filipino)
Guro: Bakit kailangan ang komunikasyon sa pang-araw-araw na buhay?
Estudyante 1: Kung wala pong komunikasyon, parang walang buhay ang mundo.
Estudyante 2: Kailangan po ng komunikasyon para magkaintindihan ang mga tao.

4. SOSYOLEK

Batay sa katayuan o status ng isang gumagamit ng wika sa lipunang kanyang ginagalawan mahirap o mayaman; may
pinag-aralan o walang pinag-aralan; kasarian; edad atbp. salik o factor
Grupo ng ibat-ibang uri o klasificasyon ng mga mamamayan batay sa lipunan.

*Wika ng mga dukha
*Wika ng mga nasa mataas na antas ng lipunan

Napatunayan ng mga sosyolingguwista na malaki ang nagagawa ng katayuang panlipunan (social status)

Halimbawa;
Sa mahirap, "sira ang ulo", sa mayaman "nervous breakdown"
Ang mayamang malikot ang kamay tawag ay kleptomaniac", sa mahirap tawag dito ay " magnanakaw.
Kung mahirap ka at masakit ang ulo mo, ikaw ay " nalipasan ng gutom", kung mayaman ka naman at masakit ang ulo mo meron
kang migraine".
Kung mahirap ka ikaw ay kuba", pag mayaman ka naman, meron kang "scoliosis".
Kung mahirap ka na maitim ikaw ay isang "negrita", pag mayamn ka na maitim ikaw naman ay "Morena".
Kung high society ka tawag sa iyo ay "slender", pag lo class ka naman tawag sa yo ay "payatot"
Ang anak ng mayaman ay "slow learner", ang anak naman ng mahirap ay "bobo"

5. JARGON - ito ay eklusibong salita o leksyon ng ibat ibang pangkat ng mga propesyonal.
Bawat propesyon o okupasyon ay may sariling terminong hindi bastang maunawaan ng mga hindi ganoon ang trabaho.

6. PIDGIN

Wikang umunlad/napaunlad sa dahilang praktikal (mabilisang transaksyon sa negosyo atbp.); walang masalimuot o
kumplikadong tuntunin at limitado lamang ang talasalitaan o bokabularyo; walang native speaker nito dahil paghahalu-halo
lamang ng mga wika.

Halimbawa ng pidgin sa English;

You buy this? (Will you buy this?)
You go back when? (When will you go back?)
Boss, in or out? (Is the boss in the office or somewhere?)
( Isa pang halimbawa pa nito ay ang mga Intsik sa Binondo na napagsama-sama nila ang mga salitang Intsik at Filipino)

7. CREOLE

Ang pidgin, kapag naging inang wika o mother tongue ng isang pangkat ng tao ay tinatawag nang creole
Pidgin na nagkaroon na ng mga native speaker
Di gaya ng pidgin, ang creole ay ginagamit sa mas malalawak na larangan o field

Halimbawa: Chavacano

You might also like