You are on page 1of 7

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA

MABISANG KOMUNIKASYON
Ayon kay Dell Hymes, ang
komunikasyon ay isang Sistema ng
mga gawaing pananalita na
napapaloob sa isang kontekstong
kultural.
1. Bigyang-diin ang
impormasyong kailangan o nais
talakayin.
Huwag maging maligoy. Banggitin
agad ang mensaheng nais sabihin.
Siguruhing ang nilalaman ng
mensahe ay ang nais na matamo
sa gagawing pakikipagtalastasan.
2. Ginagamit ng mga bukas na
katanugan na magbibigay
kalayaan sa tagahatid at
tagatanggap upang mapalawak
nila ang talakayan.

Kung sa kalagitnaan naman ng


talastasan nais magbigay-diin sa
isang paksang nararapat ang
katiyakan, gumamit ng mga
katanungang may hinihinging tiyak
na kasagutan.
3. Maaaring gumamit ng mga
senyas na nalilikha ng mukha
kung pasalitang komunikasyon
ang nagaganap.
Kung sa kalagitnaan naman ng
talastasan nais magbigay-diin sa
isang paksang nararapat ang
katiyakan, gumamit ng mga
katanungang may hinihinging tiyak
na kasagutan.
4. Ipabatid kung ano ang iyong
naunawaan sa isinagawang
pakikipagtalastasan.

Sa puntong ito maaaring ulitin ang


eksaktong mga pangungusap na ginamit
ng kausap ngunit iwasan na gawin itong
katawa-tawa. Ang tanging layunin dito
upang maipakita natin sa ating resiber
kung may nauunawan ba tayo o angkop
ba ang ating pagbibigay kahulugan sa
kanyang mensahe.
5. Igawa ng lagom ang usapang
naganap.
Sa bahaging ito magiging tiyak ang
tagahatid at tagatanggap kung naging
epektibo ang komunikasyong naganap sa
kanila. Ang kakayahan na maibuod o
maigawa ng lagom ang kanilang usapan
ay palatandaan na maayos at malinaw na
naiparating at nabigyang reaksyon ang
mga konseptong kanilang
tinalakay/napag-usapan.

You might also like