You are on page 1of 1

Schramm Model

Ipinapakita ng Schramm Model, isang modelo ng komunikasyong iminungkahi ni Wilbur


Schramm noong 1954, ang kahalagahan ng karanasan sa pakikipagkomunikasyon upang lubos na
maunawaan ng tumatanggap ang mensahe ng naglalahad at ang feedback o pagtugon. Dito rin
ipinakilala ang proseso ng encoding, ang pagsasalin ng mga ideya at kaisipan sa salita o kilos, at
ang decoding, proseso ng pag-unawa sa mga mensahe at pagbibigay ng kahulugan. Ang
komunikasyon ay nagaganap sa pagitan ng ‘sender’ o tagahatid ng mensahe at ‘receiver’ o ang
tumatanggap ng mensahe na siyang  ipinapadala sa pamamagitan ng tsanel o midyum.
Magagamit ng naglalahad at tumatanggap ng mensahe ang lawak ng kanilang karanasan o
kultura upang mas makapagpahayag at makaunawa. Ang Schramm Model ay itinuturing na isang
siklo sapagkat maaaring magbigay ng feedback o tugon ng tumanggap ng mensahe upang
masiguradong nauunawaan niya ito subalit ang prosesong ito ay maaaring magkaroon ng sagabal
tulad ng ingay.

Kung susuriin, ang Schramm Model ang nagpapakita ng tunay na proseso ng komunikasyon
dahil totoo na dumadaan sa proseso ng ‘encoding’, ang pagsasalin ng mga ideya at kaisipan sa
salita o kilos, ang tagapaghatid ng mensahe na dadaan muna sa isang midyum at saka
makakarating sa tagatanggap ng mensahe na siya namang gagamit ng proseso ng ‘decoding’ o
ang pag-unawa sa mensahe at pagbibigay ng kahulugan. Tunay rin na ginagamit ng ‘sender’ at
‘receiver’ ang kanilang ‘field of experience’ o lawak ng kanilang kaalaman at karanasan upang
mas makapagpahayag at makaunawa ng mensahe. At panghuli, itinuturing ng Schramm Model
ang komunikasyon bilang isang ‘two-way process’ dahil isinama rito ang tugon o ‘feedback’ ng
nakatanggap ng mensahe subalit ito ay maaaring magkaroon ng sagabal, tulad ng ingay, na
makakapigil sa isang maayos na komunikasyon.

You might also like