Professional Documents
Culture Documents
BSN-2A
Modelo ng Komunikasyon
Isang paraan upang maipakita ang mga teorya at simulain sa komunikasyon ang biswal
na representasyon nito sa pamamagitan ng modelo o dayagram. Ginagamit ang modelo o
dayagram upang higit na maipaliwanag at mabigyan ng linaw ang proseso ng
komunikasyon.
Batay sa mga naunang pagtalakay tungkol sa proseso ng komunikasyon, larawan sa
pamamagitan ng modelo o dayagram ang simpleng daloy ng Komunikasyon na ginagawa
kapag nagpapadala ng mensahe sa tulong ng cell phone. Gumawa ng ilustrasyon ng
modelo sa espasyo sa ibaba.
1. MODELO NI ARISTOTLE
Iskolar
Kauna-unahang nagpaliwanag sa proseso ng komunikasyon
Retorika
Klasikong modelo ng komunikasyon
Inilahad ang proseso ng komunikasyon na tulad sa sitwasyong pangretorika
Orador o tagapagsalita - ispiker
Argumento
Talumpati Mensahe
Tagapakinig - awdyens
Modelo ni Braddocks
(na ekstensyon ng modelo nil Aswell at nag-expand sa modelo ni Osgood)
Mga tanong:
Sino ang naghahatid ng mensahe?
Para kanino ipinahahatid ang mensahe?
Sa anong paraan inihahatid ang mensahe?
Ano ang epekto ng paghahahatid sa mensahe?
3. MODELO NI BRADDOCKS
Tinukoy niya ang mga mahahalagang tanong hinggil sa kaganapan ng komunikasyon.
Sina Sannon at Weaver ay tumuklas ng paraan kung paanong higit na mapadadali ang
komunikasyon sa pamamagitan ng kaniiang “Mathematical Theory of Communication.”
Batay sa kanilang teorya, ang paghahatid ng mensahe ay nangangailangan ng electronic
signal. Ang kanilang modelo ay binubuo ng information source na pinagmumulan ng
mensahe, ang transmitter, ang tsanel, ang receiver, at ang destinasyon. Isinama rin nila
ang ingay (noise) sa kanilang modelo. Ang kanilang pag-aaral ay isang motibasyon para
marating ang kaayusan at katumpakan ng transmisyon at pagtanggap ng mensahe. Ang
kaayusan ay tumutukoy sa bits ng impormasyon bawat segundo na naipapasa. Samantala,
ang katumpakan ay ang kaliwanagan ng resepsiyon sa pagtanggap ng mensahe. Tinawag
din itong modelo ng transmisyon sa komunikasyon. ipinakita nila ito sa pamamagitan ng
dayagram sa kabilang pahina.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec
ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.
Ang pag-aaral nina Shannon at Weaver ay may dalawang oryentasyon. Ang isa ay
hinggil sa inhenyeriya ng transmisyon at resepsiyon. Ang ikalawa ay konsiderasyon kung
paanong ang accuracy ng komunikasyon ay nakararating sa mga tao gayong iba-ibang
karanasan at attitude mayroon ang mga ito. Pangunahing Dokus ng modelong ito ang
teknolohiya bilang “source” o pinanggagalingan ng “ingay” sa komunikasyon.
Samantala, ang mga konseptong magkakaiba sa pagitan ng mga uri sa ipunan, kaligirang
kultural, karanasan, pag-uugali, paniniwala, at ng iba pang salik ay maaaring maging
sanhi ng ingay o noise sa komunikasyon.
Sa pagitan ng tagapagpadala at tagatanggap, makikitang diretso ang agos ng mensahe.
Datapwa’t hindi laging ganito, may mga pumapasok na sagabal (noise) mula sa
pagpapadala hanggang sa pagtanggap.
Mga mathematician na tumuklas ng paraan kung paanong higit na mapadali ang
komunikasyon
Modelong matematikal-teknikal
Nangangailangan ng signal
Binubuo ng information source, message, transmitter, signal, receiver
Ang prinsipal na konsern ay samgabagay o pangyayaring nakagagambala sa
matagumpay na daloy ng komunikasyon (o ingay)
Tumatanggap ng mensahe
Elemento ng pakikipagtalastasan:
Ang pinagmumulan ng mensahe (Source)
Mensahe (Message)
Pinagdaraanan ng mensahe (Channel)
Tumatanggap ng mensahe (Receiver)
Karanasan
Para kay Schramm, ang mensahe ay maaaring maging masalimuot mula sa iba’t ibang
kahulugang ibinibigay/natututuhan ng tao. Ang kahulugan ay maaaring denotasyon o
konotasyon. Ang diksiyonaryong kahulugan o denotasyon ay maaaring pareho sa
maraming tao subalit ang kahulugang konotasyon ay maaaring magkaroon ng maraming
kahulugan para sa mga tao batay sa personal na karanasan at ebalwasyon.
Ang kanyang modelo ay nagpapahintulot din sa pagpapakahulugan ng mensahe na may
impluwensiya ng kagamitang pisikal (telepono, telebisyon, mikropono, at iba pa);
semantics (distraksyon, gulang, attitude, at iba pa); at ingay (noise).
Naniniwala siya na ang mga tao ay dapat magkaroon ng komunikasyon sapagkat
kailangan nila ng mga impormasyon tungkol sa kanilang lipunan upang makagawa ng
desisyon at pangunahing pangangailangan ang mga silid-aklatan upang makapag-imbak
ng impormasyon.
KONKLUSYON
may pagkakaiba-iba at pagkakahawig-hawig ang mga modelo ng komunikasyon nina
Aristotle, Shannon at Weaver, Schramm, Berlo at Dance
ang modelo ni Berlo ang maituturing na pinakakumpleto sa mga modelo na nabanggit,
gayunpaman maaaring iba iba ang pagkiling ng bawat tao
mahalaga ang mga modelo na nabanggit sapagkat magiging mas madali ang pagiintindi
at paghimay-himay ng proseso ng komunikasyon.
‘’
Mga Sanggunian:
Alejo, Zorayda L., et al. (2008). Akademikong Filipino saKomunikasyon. Quezon City: New
Day Publishers.
Antonio, Lilia F., et al. (2005). KomunikasyonsaAkademikong Filipino. Philippines: C & E
Publishing, Inc.