You are on page 1of 4

Allisa Niña B.

Lugo BSEd-Filipino 3-1

Alamin Natin!

Sagutin ang mga katanungan.

1. Ano ang Speech Act Theory ni Searles?

Sa simpleng paliwanag ito ay tumutukoy sa paniniwalang Ingles na “in saying


something, we do something”. Anuman ang ating sabihin, lagi na itong may
kaakibat na kilos, maging ito man ay paghingi ng paumanhin, pagbibigay-babala,
paghihimok atbp. Ang Speech Act Theory ay kinukonsidera ang isang hindi lang
bilang midyum o daluyan upang maghatid ng mensahe kungdu kinukonsidera
nito ang wika bilang isang aksyon o kilos bilang tugon. Sa Speech Act Theory
sinasabi na hindi lang ginagamit ng tao ang wika upang magpaliwanag ng isang
bagay kundi ginagamit din ito upang gumawa ng isang bagay.

SPEECH ACT THEORY


2. Bakit mahalaga ang toerya ni Searles?

 Mahalaga ang teorya ni Searles dahil hindi lahat ng sinasalita ng tao ay


nagpapaliwanag o nagsasalaysay ng isang sitwasyon, minsan kailangan
din ng kilos o aksyon para mapatunayan ang sinasabi. Minsan kaakibat ng
pangangatwiran o pagsasalita ng tao ay kilos na siyang magpapatunay o
magsasabi sa totoong nararamdaman at emosyon.

3. Ilarawan ang tatlong akto ng pagsasalita at magbigay ng sariling halimbawa.

Lokyusyonari Ilokyusyonari
Pagsasabi ng isang Ito ay isang tungkulin ng Perlokyusyonari
bagay na makabuluhan pagsasagawa ng isang
o may katuturan. Ito ay bagay o isang mensahe Ito ay tungkuling dulot
ang pagsasaad ng ayon sa intension ng ng pwersang
isang pangungusap o nagsasalita.May tiyak ilokyusyonari.
bahagi ng pangungusap na puwersa tulad ng Nagpapalabas o
na literal na pagpapabatid, pag- nagtatamo ng isang
nauunawaan sa uutos, pagbabala atbp. bagay tulad ng
paggamit ng wika. Ang panghikayat,
kaalamang pagkumbinse at
panglingwistika na ang pagbabawal.
Hal.
puhunan sa
pagsasagawa ng Pangako: Magkita tayo
akto/kilos. bukas at tutulungan Hal.
kitang maglaba. Panghihikayat: Halika
Hal. Pangako kong
tutulungan kitang Pakiusap: Noel, maaari na Noel tulungan mo
maglaba. bang tulungan mo akong mag-laba.

Hal. Pangako kong akong maglaba? Pagkumbinse: Tulungan


hahanapan kita ng mo akong maglaba at
Pag-utos: Tulungan mo
trabaho. bibigyan kita ng pera.
akong maglaba, kung
ayaw mong awayin kita. Pagbabawal: Huwag
kang gumala ngayon
dahil tutulungan mo
akong maglaba
mamaya.
4. Ilarawan ang mga teorya ng diskurso. Bigyang diin ang pokus ng bawat teorya.

Ethnography of Communication
•Si Dell Hymes ang nagpasimuno sa teoryang ito. Tinawag niya itong “Ethnography
of speaking” na kalauna’y naging etnography of communication. Binigyan niya ng
kahulugan ang ethnography of communication na nag-uugnay sa sitwasyon at
gamit, pattern at tungkulin ng gawi ng pagsasalita.

•Tumutukoy rin ito sa pag-aaral ng komunikasyon kaugnay sa sosyal at kultural na


pag-uugali at paniniwala. Nakapokus ito sa kakayahang pangkomunikatibo: ang
kaalamang sosyal, sikolohikal, kultural at linggwistikang may kaugnayan sa angkop
na gamit ng wika.

Pragmatic Theory
•Ang salitang pragma ay galing sa salitang Griyego na ang ibig tukuyin ay aksyon,
galaw, paggalaw, gawa, Gawain. Ang pragmatic ay ang relasyon sa pagitan ng
wika at ng tao na gumagamit ng wika. Ito ang pag-aaral ng mg aktwal na
pagsasalita sa iba’t ibang konteksto.

Variationist Theory
•Nakapokus ito sa baryasyon ng wikang ginagamit ng taong sangkot sa isang
diskurso. Kinapapalooban ito ng pagkakaiba ng ton, intonasyon, gamit ng salita
gayun din ang estrukturang panggramatika ng isang tagapagsalita. Lumaganap ang
teoryang ito dahil na rin sa unti-unting pag-usbong ng iba’t ibang speech community
na nagtataglay ng maraming baryasyon sa wika.
5. Ano ang iyong saloobin hinggil sa mga teoaryang ito?

Ang aking saloobin hinggil sa mga teaoryang ito ay aamg mga tearyang ito ay may
iba't ibang pokus, kung saan ang nalalaman natin kung bakit sa ating wika ganito.
Dahil sa mga teoryang ito naliliwanagan ang ating isipan na ang bawat salita o
mensaheng ating ipinapahatid ay mag kinapapalooban o kinabibilangan. Nalalaman
natin kung wasto ba ang ating mga ginagamit na salita at kung ito ba ay naaayon
sa ating tunguhin o pokus sa pagsasalita

You might also like