Ang Pamamaraang 4pics 1word ay isang estratehiya sa pagtuturo ng wika sa malikhain at masayang pamamaraan. Ang estratehiyang ito ay ginagamitan ng mga larawan bilang representasyon sa salitang nais ipagkahulugan. Ang mga salitang isasagot ng mga mag-aaral ay may kaugnayan o patungkol sa Wika. Sa pamamaraang ito masusukat ang talas at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral na ikonekta ang ibig sabihin ng mga larawang ibinigay. HAKBANG: 1. Pagpapangkat. Ang dami ng bilang ng pangkat ay nakadepende rin sa dami ng bilang ng mag-aaral sa loob ng klase. Bawat pangkat ay bibigyan ng “banner” ng guro na gagamitin sa pagsagot. 2. Pagtatalaga. Bawat pangkat ay pipili ng miyembro na magtataas ng “banner” at magsasabi ng tamang sagot. Ang natitirang miyembro ay sila ang magtutulungang alamin ang sagot. 3. Paglalagay ng mga larawan. Ang guro ang siyang magdidikit ng mga larawan. Pagkatapos idikit ng guro ang mga larawan, itataas niya ang kanyang banner na magsisilbing hudyat sa mga miyembrong may dala ng kani-kanilang banner na magtaas ng kanilang banner kapag alam na nila ang sagit. 4. Paraan ng pagsagot. Kung sino ang unang magtataas ng banner ay siyang sasagot at pagkatapos ay ipapaliwanag kung paano ito may kaugnayan sa Wika. 5. Pagpupuntos. Bibigyan ng limang (5) puntos ang makakasagot. At kung sinong pangkat ang may pinakamaraming puntos ay siyang tatanghaling panalo at bibigyan ng gantimpala ng guro pagkatapos. KALAKASAN: Ang pagkatuto sa pangkatang paraan ay isang mabisang pantulong sa masigla at masayang pagkatuto ng Wika Ang paggamit ng mga larawan na maaaring maka-ingganyo sa mag- aaral na makilahok at matuto. Ang pagbabahagian ng ideya bilang pangkat ay nakakapagpatibay sa ugnayan o relasyon ng mga estudyante bilang mga mag-aaral. Dito natutunan ng mag-aaral na magtiwala sa iba’t ibang abilidad at talino ng mga kasamahan sa loob ng isang grupo o pangkat.