You are on page 1of 2

Allisa Niña B.

Lugo BSEd Filipino 3-1


Pormal na Sanaysay
Covid 19 : Banta Sa Kalusugan Ng Lahat
Kumusta na ba ang lahat? May pag-asa pa bang makawala tayo sa panganib na
dala ng Covid 19? Ano nga ba ang sakit na ito bakit banta ito sa ating kalusugan?
Ang sakit na dulot ng Coronavirus 2019 (COVID 19) ay isang sakit na
palahingahan. Ito ay isang bagong uri ng Coronavirus na umaapekto sa baga at mga
daanan ng hininga. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay
makakaranas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makakaranas
ng malubhang sakit lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Ang
virus ay maaaring kumalat mula sa isang tao patungo sa ibang tao, ngunit ang tamang
kalinisan ay makakatulong upang maiwasan ang impeksyon. Ayon sa WHO o World
Health Organization, maaaring abutin ng hanggang 14 na araw bago lumitaw ang mga
sintomas pagkatapos malantad ang virus. Pinakakaraniwang kumakalat ang mga
coronavirus mula sa isang nahawang tao sa pamamagitan ng mga respiratory droplet
kapag umuubo o bumabahing ka, paglapit gaya ng paghawak o pakikipagkamay, at
paghawak ng bagay na may virus pagkatapos ay hawakan ang iyong mga mata, ilong o
bibig bago hugasan ang iyong mga kamay. At ang pinakamainam na paraan para
maiwasan ang pagkalat ng mga impeksyon ay ang paghuhugas sa iyong mga kamay
nang madalas gamit ang sabon at tubig nang hindi iikli sa 20 segundo, pag-iwas sa
paglapit sa mga taong may sakit, pagtakip sa iyong bibig at ilong gamit ang iyong braso,
hindi ang iyong mga kamay, physical distancing sa lahat ng oras, pananatili sa bahay
kung may sakit ka para maiwasan ang pagkalat ng sakit sa iba pang tao at, pagsusuot
ng face mask o pantakip sa mukha.
Ngayon na hindu pa tuluyang nagagamot o nahahanapan ng lunas ang sakit na
ito mahalaga na tayong mga mamamayan ay magkaisa sa pagprotekta sa ating sarili,
mainam na sumunod sa mga payo ng mga eksperto at batas ng pamahalaan. Kung
wala namang importanteng lakad ay ugaliing magpirme sa kanya-kanyang bahay at
huwag kalimutan na linisin o panatilihing malinis ang katawan at huwag ng magmatigas
ang ulo. Makakawala rin tayo sa panganib na dala ng Covid 19 at together we will heal
as one.

Di-pormal na Sanaysay
Minsan Ang Pag-big Nakakabobo
Sa labing-siyam na taon kong paninirahan sa mundi hindi ko pa nagawang iyakan
ang isang tao, maliban na lamang kapag pinapagalitan ni inay. Sa paaralan ako’y
mailap sa mga kaklase kong lalaki, ayaw na ayaw kong nilalapitan nila ako. Minsan
napagkamalan na akong tibo (tomboy) at nang di ko na matiis ang panunukso bigla
kong sinagot ang kaklse kong matagal na daw akong gusto. Lumipas ang isang buwan
napagtanto kong hindi ko talaga siya gusto, kasabay naman nito ang pagkawala ng
isyung ako’y tibo. Hanggang sa ako’y tumungtong sa dalawampung taong gulang wala
pa rin talaga akong nagugustuhan, sa wari ko naman hindi naman ako tibo, hindi
naman ako nagkakagusto sa kapwa ko babae per bakit para sa akin ang pag-ibig ay
sakit ng ulo? Nakikita ko ang mga kaibigan kong masaya na sa kanilang nobya at
nobyo, mayroon ding iba na sawo at bigo. Noong katapusan ng Setyembre taong 2019
may ipinakilalang lalaki sa akin ang kaibigan kong si Anggie. Hindi literal na ipinakilala
sa akin sa personal tanging sa facebook lang dahil malayo ito at nakatira sa Bacolod.
Nang tingnan ko sa facebook okay naman siya, chinito at matangos ang ilong at may
magandang hugis ang kanyang bibig, ngunit isang ikinadismaya ko ay ang dami niyang
piklat na dala ata ng tigyawat pero sa kabuuan pogi talaga siya. Nag-message siya sa
akin pangalan niya ay Noel, okay naman siya mabait, palabiro at masayang kausap.
Hanggang sa lumalim at tumagal ang aming komunikasyon at dumating na nga sa
puntong nanligaw na ang mukong. Nagulat, naguluhan at nabilisan ako sa mga
nangyayari, sabi ko sa kanya “Hindi pa tayo nagkikita at isang buwan pa lang simula
nang tayo'y magkakilala”, ang mas ikinagulat ko ay ang sagot niya “Hindi naman
importante iyan, ang mahalaga ay ang komportable tayo sa isa’t isa”. Binaliwala ko ang
sinabi niya para sa akin sobrang bilis niya talaga. Pero amg mukong pursigido at
makulit at heto naman akong marupok biglang na pa “Oo’ nang wala sa tamang pag-
iisip. Simula noon ay mag nobyo/nobya na raw kami. Hanggang sa umabot ang araw ng
mga puso ako'y sinorpresa ng loko, pinadalhan ako ng bulaklak, cupcakes at lobo. Hindi
ako mapakalu siguro dahil sa sobrang kilig, isipin mo ba naman na ang pag-ibig niya
nagbuhat pa mula Bacolod patungong Bohol. Ang bilis lumipas ng panahon kami na
ngayon ay nag-isang taon, isang taon na nobyo at nobya pero kailanman ay hindi pa
nagkikita. Sa relasyon namin madaming nagbago, siya abala sa kanyang trabaho at
ako ay sa aking pag-aaral. Wala ng oras sa isa’t isa at kung mayroon man ay nauuwi
pa sa awat at bangayan sa chat. Hindu ko matanggap na ang lalaking ito pa talaga sa
akin unang magpapaiyak. “Ako iiyak sa lalaking hindi ko pa nakikita?” Iyan ang lagi
kong sinasabi sa aking sarili pero walang epekto mahal ko talaga ang loko. Kung bakit
nakakabono ang pag-ibig ay hindi ko rin alam, minsan nakakaiyak, minsan nagbibigay
saya at kilig pero madalas nakakaiyak talaga. Bakit nakakabobo ang pag-ibig ay sa
kadahilanang pinapaiyak at pinapaligaya ako ng taong mahal ko na sa loob ng isang
taon at anim na buwan ay hanggang ngayon hindi ko pa nakikita.

You might also like