You are on page 1of 2

Sa Panahon ng Ligalig

May akda: Joana Rose Dela Cruz

Ang Kalayaan at kasiyahan ay biglang naglaho dahil sa dumating na masamang


balita sa ating bansa. Sa loob ng dalawang taon ng dahil sa aking nabalitaan, ang
aking buhay ay bigla nagbago sa maraming mga paraan. Hindi ko inaasahan na
kailangan kong aliwin at gumawa ng panibagong pang-araw-araw na gawain at
masanay na makulong sa loob ng bahay dahil sa biglaang mga pangyayari na ating
kinakaharap. Sa una, nababalitaan ko pa lamang ang lumalaganap na virus sa iba’t
ibang bansa ngunit hindi pa nagkakaroon ng takot sapagkat naniniwala ako na ito ay
mabilis lamang nilang ma-a-aksyunan. Ngunit kasabay nang pag-sapit ng panahon
ay aming nabalitaan na nagsimulang tumaas ang kaso ng virus ang akala ko ay
mabilis lang na ma-so-solusyunan at sa paglaon ay kinailangan na ng gobyerno na i-
lockdown ang buong bansa upang maiwasan na ang pagkalat at pagdami nang
nagkakaroon ng sakit at mas minabuti na huwag muna lumabas ng tahanan at
sinabi sa amin na lumabas lamang kung talagang kinakailangan. Sinunod namin ang
kanilang sinabi upang maiwasan ang sakit na lumalaganap sa ating bansa at mas
minabuti ang kapanan ng aming mga sarili. Hindi naming in-akala na ito pala ay
isang seryosong problema na kaka-harapin ng ating bansa.

Karamihan ay natakot at minabuti na sundin ang sinasabi ng gobyerno at manatili


nalang sa kanilang bahay. Totoo naming nakakatakot at nakakalungkot sapagkat
maraming pagbabago ang nangyari lalo na at nakulong ka lamang sa loob ng bahay,
sa mga araw na iyon ay marami kang maiisip na negatibo at positibo. Hindi naging
madali ang lock-down na nangyari sa buhay ko, naapektohan ang aking kalusugan
sa kaisipan at sa sarili. Ang takot ay nanatili sapagkat di ko lubos ma-isip na ang
problemang ito ay a-abot ng dalawang taon. Marami ako napagtanto tungkol sa
sarili ko na dumating sa puntong nais ko na mawala sa mundo. Hindi man naging
madali ito para sa akin pero kinaya ko, ito ay naging pagsubok sa aking sarili na
maging malakas sa lahat na pwedeng dumating pa na pagsubok sa buhay ko.
Lumipas ang araw at dahil sa lock-down napakabisa nang mga kaso ng sakit ay
bumagal. Bagaman, ang aming lokal na lugar ay walang maraming mga kaso tulad
ng iba pang mga lugar kailangan pa rin naming matiyak ang aming kaligtasan kaya
ay sumunod pa rin kami sa protokol ng gobyerno para na rin sa aming kaligtasan.
Lummipas ang isang taon ay nanatili parin ang pag-dami nang nagkakaroon ng sakit
at mas dinoble naming ang aming kaligtasan sa aming barangay.

Ngayon ay dalawang taon na ang nakakalipas simula nung magsimula ang


pandemya at patuloy pa rin na lumalaban ang ating bansa. Patuloy man ang
pagkalat ng sakit, pinagpapasalamat ko pa rin na hindi nahawaan ng sakit ang aking
pamilya. Ang pandemyang ito ay nagparamdam sa akin na kung ano ang mayroon
kami ay dapat pahalagahan, malaking bagay man ito o hindi. Mas natutunan ko
mahalin ang mga taong espesyal sakin lalo na ang aking pamilya at kaibigan. Kahit
na nakakaranas pa rin ng pandemya ako ay mapalad na makakonekta sa mga
kaibigan ko sa pamamagitan ng iba't ibang mga social media at mga online games.
Ang karanasang ito ay nagparamdam sa akin na masuwerte ako na nasa isang lugar
ako na hindi masyadong naaapektuhan ng CoViD-19 virus at may mga taong
responsible at pinalakas rin nito ang aking relasyon sa aking pamilya na ikinatuwa
ko. Kaya't sa pangkalahatan ay ligtas ako at ang aking pamilya at inaasahan kong
sundin pa rin ako protocol at magpabakuna na ang lahat para sa tuloy tuloy na pag-
ahon ng ating bansa at sana ay matapos na ang paghihirap na ating nararanasan.
Maibalik ang kasiyahan at Kalayaan ng ating nararanasan at muling sumilay ang ngiti
sa ating mga Pilipino.

You might also like