Sa taong 2019 nagulantang ang buong mundo sa di umano kumakalat na virus sa
napakaraming bansa kasama na rito ang ating bansa. Mabilis na kumalat ito at agad naalarna ang karamihan sa atin. Nagsagawa na agad ng agarang kilos ang ating gobyerno upang maiwasan na at mabawas bawasan na ang pagkalat ng virus sa mga kanya kanyang lugar. Ito ang Enhance Community Quarantine (ECQ).
Ang ECQ ay isang napakalaking tulong sa ating mga mamamayan at lalo na sa
tulad kong estudyante dahil nakatulong ito sa akin upang mas malaman ko kung gaano ka delikado ang virus na kumakalat sa aiting bansa. Nakatulong rin ito upang mas mapalawak ko pa ang aking kaisipan na ang mundo ay hindi na pala gaya ng aking kinagisnan noong wala pang lumalaganap na pesteng virus. Nakatuong rin ito dahil sa konting oras na panahon ay mas napalapit pa ako sa aking pamliya at sa aking mga kaibigan.
Ang natutunan ko sa panahon ng ECQ ay huwag mahihiyang magtanong dahil
kapag hind ka nagtanong tanong maaaring kang mamatay, at higit sa lahat isipin na laging pantay pantay ang bawat isa walang makalalamang, laging magtulungan, isipin ang kapwa dahil tayo tayo na lang din naman ang makakapag pa angat sa bawat isa.