You are on page 1of 1

PAGKAKAISA: PAGWAWAKAS NG PANDEMYA

sa pag usbong ng pandemya lahat tayo ay nagulantang, hindi alam kung ano ang katotohanan
sapagkat nung una akala ng karamihan ito'y biro at panandalian lamang
kailan kaya matatapos itong pandemya?
bakit hinahayang magdusa ang ating bansa?
bakit nangyayari ang lahat ng mga bagay na hindi naman natin inaasahan?
maraming mga tanong sa ating isipan na hindi masagot-sagot.

sa paglipas ng buwan, mas naging malala ang sitwasyon ng ating bansa


sapagkat lahat ay pinapayuhang manatili sa kanilang tahanan
at paulit-ulit nilang pinapaalala, na ating alagaan ang ating mga kalusugan
dahil ito ay ating kayamanan.
ngunit may iilan paring mga mamamayang pilipino na ginagawang katatawanan ang mga nangyayari.
ilang mga tao muna ang mamamatay bago tayo magising sa katotohanan,
ilang mga tao muna ang magugutom bago tayo gumalaw,
ating imulat ang ating kaisipan at mag-isip na mga bagay na makakatulong sa ating bansa
na kahit papaano ay mabawasan ang apektado sa sakit na corona virus.

nakasanayan na gawain ay nabago sa isang iglap lamang,


pag-gamit ng facemask ay lageng ugaliin na kahit hindi ka na makahinga ay wala kang magagawa kundi
sumunod,
isang metrong distansya ay kailangan obserbahan na kahit nagsisigawan ay ayos lamang ang mensahe
ibig iparating sa bawat isa,
galaw, gumalaw ka! ano pa ang inyung hinihintay?
aantayin mo pa ba maubos ang lahat ng tao sa mundo?!
wag magsisihan! wag isisi sa gobyerno! wag isisi sa front liners ang pagdami ng mga apektado sa covid!
tanuningin mo ang iyung sarili, may ginawa ka ba aksyon para makatulong? hindi ba't wala?!
kaya habang may oras ka, TUMULONG KA! sa pagpuksa ng virus sa simpleng pananatili sainyung
tahanan,
dahil ito'y napakalaking tulong.

magkaisa!
magtulungan tayo at wag magsisihan!
sama-sama tayong babangon,
disiplinahin ang mga sarili,
malapit na, malapit na, na muli tayong maging malaya
magtiwala ka lang, dahil sa ating pagkakaisa ito ang magiging wakas ng pandemya.

You might also like